Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1951 - Kabanata 1960

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1951 - Kabanata 1960

5672 Kabanata

Kabanata 1951

Pakiramdam ni Lady Wilson ay umiikot ang mundo niya pagkatapos siyang sampalin ni Jennifer.Hindi niya kailanman inasahan na hindi siya sasaktan ni Jennifer, sa kabila ng lahat ng mga nakakainsultong salitang binabato sa kanya kanina.Ngunit noong nagpakita siya ng kabaitan, kinutya niya si Jennifer sa maling paraan.Kahit na si Jennifer ay isang marahas na tao, siya ay isa pa ring tunay na anak.Noong marinig niya ang tungkol sa ina niya na sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide, pagkatapos mapilit ng kanyang hipag, agad siyang nagmadaling umuwi mula sa bahay ng kanyang biyenan.Sa oras na iyon, ang kanyang ina ay may lubha nang nararamdaman at hindi na pwedeng magamot pa.Sa ospital, sinabi ng ina ni Jennifer sa isang mahinang boses na gusto na niyang umuwi dahil hindi komportable para sa kaniya na manatili roon.Alam ni Jennifer na ang kanyang ina ay malapit nang mamatay, kaya ninais niyang tulungan ang kanyang pamilya na magtipid ng pera sa pamamagit
Magbasa pa

Kabanata 1952

Si Lady Wilson ay nagalit, ngunit sa sandaling ito, wala siyang lakas ng loob na gumanti kahit na wala siyang kinatatakutan.Sinabi ng mga tauhan ni Donald sa isang malamig na boses, “Narito kami ngayong araw dahil sa utos ni Mr. Webb na tanggalin ang lahat ng mga ari-arian sa villa na ito. Ayon kay Mr. Webb, maliban sa mga dekorasyon at malalaking piraso ng kagamitan tulad ng kama at sofa, at iba pang appliances, mahahalagang gamit, pati na rin ang wine sa basement ay kailangang tanggalin mula sa villa!”Nang marinig ito, si Lady Wilson ay lubos na nagdalamhati.Noong una, patuloy niyang iniisip na ibenta ang lahat ng gamit sa villa at lalo na ang mga wine na iyon sa basement cellar, na pwedeng mabenta sa halagang isang milyong dolyar, para lang sa ekstrang pera kapag naubusan siya ng pera. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang mayamang si Donald ay kukuhain ang mga bagay na ito, at inutusan ang kanyang mga tauhan na gawin iyon bago pa niya iyon gawin1Nakasimangot, sinabi ni La
Magbasa pa

Kabanata 1953

Hindi kailanman inasahan ni Lady Wilson na si Hannah, na palaging sumusunod sa kanya, ay sasagot at sisigaw sa kaniya.Ang pagsagot ni Hannah ay nagsanhi sa kaniya na mabigla. Gayunpaman, pagkatapos mapagtanto na wala na siyang katulong pa ngayon, siya ay lubos na natalo at hindi na nagsalita pa.Kung naging mabait lang siya kay Jennifer noong una, silang tatlo ay magiging matapat niyang mga utusan, at si Hannah ay hindi maglalakas-loob na sumagot sa kaniya.Sa kasamaang palad, ngayong ginawa niyang kalaban si Jennifer at ang iba pang mga babae, at kung ginalit niya si Hannah ngayon, wala nang iba pang tutulong sa kaniya.Kaya, nahihiya niyang sinabi, “Ayaw kong makipagtalo sa ‘yo. Bilisan mo’t ibalik mo si Christopher sa kanyang kwarto, tapos kargahin mo si Harold papasok!”Nakasimangot sa sakit at nauutal sa pag-iyak, sinabi ni Christopher, “Mom, buti na lang at naaalala mo pa rin ako. Hindi ko na kaya…”Dali-daling sinabi ni Lady Wilson, “Wendy, Hannah. Bilisan niyo’t dalhin n
Magbasa pa

Kabanata 1954

Nang makita si Harold sa ganoong miserableng kalagayan, hindi mapigilan ni Hannah na maluha at sinabing, “Harold, pasensya na pero wala akong magagawa. Wala tayong makakain dito sa bahay at kinuha ng mga tauhan ni Donald ang lahat ng pwede nating ibenta para sa pera. Saan ba ako makakahanap ng pangkain mo…”Umiyak si Wendy, “Mom, maghanap kaya ako ng trabaho bukas?”Tumango si Hannah at sinabing, “Magandang ideya, pero pwede ka lang maghanap ng trabaho bukas, at maghihintay ka pa ng isang buwan para sa sahod mo. Halos New Year’s Eve na; hindi naman pwedeng mag-celebrate tayo ng New Year nang walang kakainin…”Ngayon naman, nagsuhestyon si Lady Wilson, “Hindi ‘yon pwede. Maghanap ka na lang ng trabaho na nagbabayad oras-oras o araw-araw!”Sinabi ni Wendy, “Mukhang ‘yon lang ang magagawa natin…”Samantala, sa third floor, si Jennifer, ay nakikipag-usap din kina Yara at Yulia. Parehas lang ang hinaharap nilang sitwasyon sa pamilya Wilson — wala silang pera.Kaya, sinabi ni Jennifer
Magbasa pa

Kabanata 1955

Namangha si Charlie sa spiritual victory method ni Elaine, at kasabay nito, siya ay napabuntong-hininga dahil maayos na ang problema.Bago ito, siya ay nag-aalala na ilalantad ni Carmen ang tunay niyang pagkatao. Ang kanyang tita ay palaging mayabang sa kanyang modus operandi. Maaari siyang madala, at hindi sinasadyang ilantad ang kanyang sarili bilang isang miyembro ng pamilya Wade.Sa kabutihang palad, si Carmen ay nakaisip ng magandang ideya sa pamamagitan ng pagbigay kay Elaine ng isang 100 milyong cheke, na nagsanhi sa kanya na agad na tumigil at tukuyin siya bilang isang peke.At saka, ang salitang “Citibank” ay lubos na nagsanhi ng malalim at masakit na sugat sa loob ni Elaine, nagsasanhi sa kanyang direktang sagot sa suhol ni Carmen na sapilitan.Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na mamangha.Ang kanyang tita ay namumuhay sa isang mapayapa at magandang kapaligiran sa Eastcliff sa loob ng maraming taon kaya sanay na siyang nirerespeto kahit saan man siya magpunta.
Magbasa pa

Kabanata 1956

Pinalaki sa layaw si Carmen, at may maganda at mayaman na buhay siya. Dahil sa maganda at marangyang pagpapalaki, noon pa man ay mayabang na siya at hindi palakaibigan.Ang pinakamagandang parusa para sa kanya ay hayaan siyang mabuhay nang mahirap at tanggalin ang lakas ng loob niya.Nang maisip ito, nagpadala ng voice message si Charlie kay Albert at sinabi, “Albert, ayos lang ang kwarto at ang kapaligiran sa akin, pero dapat buong araw siyang babantayan ng mga tauhan mo; huwag na huwag niyo siyang payagan na bumili online o umorder ng takeout!”“Kung bibili siya ng kahit anong bagay o umorder ng takeout, dapat pigilan ng mga tauhan mo ang delivery man at siguraduhin mo na hindi sila darating sa kanya.”“Para naman sa mga pang araw-araw na pagkain niya, hayaan mo na lang ang mga tauhan mo na bilhin ang gusto nila para sa kanya, pero tandaan mo na hindi dapat ito lalagpas sa limampung dolyar araw-araw.”Sa kasalukuyan—sa Cliffcouls.Pinatugtog ni Albert ang voice message na ipina
Magbasa pa

Kabanata 1957

Hinding-hindi inaasahan ni Carmen na mangyayari talaga ang sinabi ni Albert.Iniisip niyang humiling ng magandang pagtrato mula kay Charlie, pero sa halip na sumunod sa hiling niya, binawasan pa ni Charlie ang budget niya sa pagkain mula limampung dolyar at ginawa itong tatlumpung dolyar.Sa wakas ay naramdaman na niya ang sakit na dinanas ni Lady Wilson.Kung alam niya lang na ito ang kalalabasan, bakit pa siya mag-aabala na magreklamo?Habang nakatingin sa mukha ni Carmen na puno ng sakit, kinutya ni Albert habang may mapaglarong ngisi.“Anong sabi ko? Sinabi ko sayo na siguradong babawasan ni Master Wade ang budget mo sa pagkain, pero hindi ka naniwala sa akin. Kaya, nagsisisi ka na ba ngayon?”Habang may malungkot na ekspresyon, walang sinabi si Carmen, at hindi siya nangahas na magsalita, dahil alam niya na kung magrereklamo siya, mas magiging malala ang kalalabasan. Marahil ay tinapay at hotdog na lang ang kakainin niya kung magpapatuloy siya.Ngumiti si Albert nang makita
Magbasa pa

Kabanata 1958

Kahit na si Carmen ang may kasalanan dahil kusa niyang hinanap ang biyenan na babae ni Charlie, hindi dapat tratuhin nang malupit ni Charlie si Carmen. Pinuwersa pa niya na manatili siya sa shantytown ng Aurous Hill nang isang linggo sa Bagong Taon.Pinapatunayan nito na hindi madaling paamuhin si Charlie tulad ng iniisip ni Jeremiah. Lalo na ang pabalikin siya sa pamilya Wade at sumunod sa mga utos niya.Nagpasya si Jeremiah na hindi niya dapat madaliin ang bagay na ito. Kung hindi, marahil ay bumalik ito sa kanya.Nang mapagtanto ito, sinabi niya, “Carmen, kahit ano pa, ikaw ang may kasalanan tungkol dito. Kaya kahit na medyo sumobra si Charlie, hindi mo kailangang kalabanin siya nang sobra. Kailangan kong hilingin sayo na tiisin muna siya nang ilang araw, at iisip tayo ng mas magandang solusyon sa hinaharap.”Naginhawaan si Carmen at sumagot nang mabilis, “Alam ko, Pa. Pasensya na at wala ako sa tabi mo sa mga susunod na araw, lalo na sa Bagong Taon…”Ngumiti nang kaunti si Jer
Magbasa pa

Kabanata 1959

“Ang lalaking nagligtas kay Jaime Schulz?”Tinanong ni Jeremiah sa sorpresa. “Ito ba ang parehong lalaki na pinag-usapan natin noong isang araw?”“Oo!” Tumango si Clayton. “Sinasabi na noong nakidnap sina Sophie at Jaime sa Japan, niligtas sila ng misteryosong lalaki na ito.”Tinanong ulit ni Jeremiah dahil tumaas ang pagkausisa niya. “Niligtas ng misteryosong lalaki ang magkapatid sa Japan, at hinahanap siya ng pamilya Schulz dito. Sinasabi mo ba na Oskia nang lalaking ito?”Tumango nang mabagal si Clayton. “Mataas ang posibilidad na oo. Bakit pa hahanapin ng pamilya Schulz sa Oskia ang lalaki na lumitaw sa Japan?”Ngumisi nang malugod si Jeremiah at sinabi, “Kung sino man ang misteryosong lalaki na ito, isa lang ang sigurado tayo, mas mataas pa sa imahinasyon natin ang abilidad niya!”“Oo!” Sumang-ayon si Clayton. “Kaya niyang pumatay ng napakaraming Iga ninja at iligtas ang magkapatid sa parehong oras, ang ibig sabihin ay sobrang pambihira ng lakas niya!”Sinabi ni Jeremiah,
Magbasa pa

Kabanata 1960

‘Mukhang kailangan kong lumayo sa kanya hangga’t maaari, at hindi ko pwedeng hayaan siyang magkaroon ng pagkakataon na bumalik sa pamilya Wade!’***Samantala, sa bahay ng mga Schulz.Habang nakaharap sa computer sa study room, tinitingnan ni Sophie ang buod at tagubilin na impormasyon na nakalap sa buong bansa.Simula noong bumalik siya mula sa Japan, patuloy na sinasakop ng imahe ni Charlie ang kanyang isipan, kahit na gising siya o tulog. Hindi siya mapalagay dahil sa kanya.Pero, hindi niya ito sinabi kahit kanina, kahit sa kanyang kuya o ina.Gusto niyang gamitin ang impluwensya niya para hanapin ang misteryosong lalaki na nagligtas sa kanya at pasalamatan siya sa personal. Pero pagkatapos subukan ng ilang araw, wala siyang mahanap na bakas sa kinaroroonan niya.Para mabilis na maibalik ang nawalang lakas ng pamilya Schulz, nagpasya ang kanyang lolo, si Cadfan, na maghanap ng bagong grupo ng mga martial artist. Agad niyang inirekomenda ang misteryosong lalaki kay Cadfan, si
Magbasa pa
PREV
1
...
194195196197198
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status