Naiinis na sinabi ni Wendy, “Hoy, mga doktor. Hindi ba dapat ay nagliligtas kayo ng mga buhay at tumutulong sa mga nahihirapan?”Ang driver ay tumingin sa kaniya at seryosong sinabi, “Miss, para malinaw lang, hindi kami mga doktor. At saka, hindi ito isang emergency ambulance mula sa isang public hospital, ngunit isang privately operated ambulance. Parang mga taxi lang, kailangan mo kaming bayaran para gamitin ang serbisyo namin. Magbayad ka at dadalhin namin kayo sa ospital. Naintindihan mo ba?”Hindi makapaniwalang napanganga si Wendy.Naiinis na sinabi ng lalaki, “Ano ba’ng problema niyo? Nabubuhay sa ganoong magandang villa, pero wala man lang kayong pambayad na apat na daang dolyar!”Dahil doon, agad na pumasok ang dalawang lalaki sa kotse, binuksan iyon, at umalis.Napadabog si Wendy sa galit. Napabuntong-hininga si Lady Wilson sa dismaya at sinabi kina Wendy at Hannah, “Matanda na ako at wala na akong lakas. Kayong dalawa ang magdala kay Christopher papasok ng bahay, tapos
Si Lady Wilson ay isang tipikal na tao na pagsasamantalahan at papaalisin ang isang tao kapag hindi na sila mahalaga pa.Dati, kailangan niya si Jennifer para tulungan siya sa detention center. Kaya, noong oras na ‘yon, siya ay lubos na magalang kay Jennifer at tinuturing siya na parang sarili niyang anak.Gayunpaman, sa katunayan, kinamumuhian niya ang mga mahihirap na tulad ni Jennifer.Kaya, ganap na niyang nakalimutan si Jennifer simula noong siya ay makalabas ng detention center.Para sa kanya, si Jennifer ay isang gamit lang para sa mga mahahalagang okasyon. Sa sandaling makalipas na ang mahalagang sandali, ayaw na niyang makasama pa si Jennifer.Gayunpaman, hindi niya kailanman naisip na lilitaw si Jennifer sa kanyang bahay!Hindi inaasahan ni Jennifer na itatanggi ni Lady Wilson ang lahat ng mga bagay na ginawa niya.Sa kanyang paningin, si Lady Wilson ang taong naglabas sa kanila, nag-ayos para sa isang driver na dalhin sila sa Thompson First, at nagregister ng kanilang
Napatanong nang galit si Lady Wilson, “Kailan ko pa hinigi ang tulong niyo? Kailan ko sinabi na kailangan ko kayo na tulungan akong turuan ng leksyon ang manugang ko? Dahil nga sa inyo kaya hindi ko kayang makita si Elaine, kaya binugbog niyo siya!”Hindi makapaniwalang tumiig si Jeninifer kay Lady Wilson at lubos na nalungkot. “Lady Wilson, nagbago ka na! Dati, dinepesahan ka namin at pinrotektahan nang buong lakas, pero eto lang ang makukuha namin sa huli!”Sinabi ni Lady Wilson nang may blangkong mukha, “Pasensya na kung na-disappoint kayo, pero ito ay isa ring leksyon sa inyo: alamin niyo ang lugar niyo at ‘wag tangkahin na makipagkaibigan sa mga taong hindi niyo abot!”Nanggigil, sinabi ni Jennifer, “Oh! Gano’n ba, gurang? Sige! Mananatili lang ako rito! Tingnan natin kung ano ang magagawa mo!”Sabay na sinabi nina Yulia at Yara, “Tara ‘yon! Hindi kami aalis!”Hindi inaasahan ni Lady Wilson na magiging matapang ang tatlo, kaya malamig niyang sinabi, “Tumigil kayo sa kalokohan
Si Lady Wilson ay biglang natuliro.Si Jennifer at ang mga babae ay pinadala rito ni Donald Webb?Ano ang iniisip ni Donald?!Maaari kaya na ang mga katulong na sinabi niyang kinuha niya para sa kaniya, ay ang tatlong tao na ito?!Habang siya ay tuliro, napasalia si Jennifer sa pananabik pagkatapos marinig ang mga salita ng lalaking may malaking katawan, “Sir, sigurado po ba kayo? Pwede ba talaga kaming manirahan dito?”Tumango ang lalaki. “Syempre! Inayos na kanina ng driver ang fingerprints niyo sa home security, hindi ba? Kaya, pwede niyong tratuhin ang lugar na ‘to na parang sarili niyong bahay!”Desperadong napahiyaw si Lady Wilson, “Pwede niyo bang sabihin kay Mr. Webb na ayaw namin ng ganitong mga katulong? Mga hampaslupa lang sila, ano ang posibleng maitutulong nila para sa amin? Pwede bang bigyan niyo kami ng tatlong propesyonal na caregivers, ‘yong mga klase na kaya ring maglaba at magluto?”Nagsalita ang lalaki sa isang malamig na boses, “Asa ka! Lola, kahit na mukha
Sinabi ni Jennifer, “Tiningnan namin ang mga kwarto sa villa na ito ngayon lang at nalaman namin na kinuha ng Pamilya Wilson ang lahat ng malalaki at magagandang kwarto, iniiwan lang ang mga pangit at maliliit na kwarto. Dahil tatlo kaming may pantay na karapatan sa kanila, pwede ba kaming humiling ng paglipat ng kwarto?”“Oo nga!” Nagising si Yulia at nananabik na sinabi, “Gusto kong manirahan sa malaking kwarto na nakaharap sa timog!”Sinubukan ng lalaki na magsanhi ng gulo at nakangiting sinabi, “Syempre, wala kaming pakialam sa mga kwarto, kayo na ang bahala roon.”“Buti naman!” Sinabi ni Jennifer, “Gusto ko ‘yong malaking kwarto sa third floor! Kaninong kwarto ‘yon? Bilisan niyo’t alisin ang mga gamit niyo do’n, kung ‘di ay itatapon ko na lang ‘yon sa labas!”Pagalit na sumigaw si Lady Wilson, “Ang kapal ng mukha mo! Kwarto ko ‘yon! Walang pwedeng kumuha no’n!”Tumawa nang malamig si Jennifer, “Gurang, umalis ka nga sa harap ko! Kanina, binibigay ko sa ‘yo ang respeto ko at
Pakiramdam ni Lady Wilson ay umiikot ang mundo niya pagkatapos siyang sampalin ni Jennifer.Hindi niya kailanman inasahan na hindi siya sasaktan ni Jennifer, sa kabila ng lahat ng mga nakakainsultong salitang binabato sa kanya kanina.Ngunit noong nagpakita siya ng kabaitan, kinutya niya si Jennifer sa maling paraan.Kahit na si Jennifer ay isang marahas na tao, siya ay isa pa ring tunay na anak.Noong marinig niya ang tungkol sa ina niya na sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide, pagkatapos mapilit ng kanyang hipag, agad siyang nagmadaling umuwi mula sa bahay ng kanyang biyenan.Sa oras na iyon, ang kanyang ina ay may lubha nang nararamdaman at hindi na pwedeng magamot pa.Sa ospital, sinabi ng ina ni Jennifer sa isang mahinang boses na gusto na niyang umuwi dahil hindi komportable para sa kaniya na manatili roon.Alam ni Jennifer na ang kanyang ina ay malapit nang mamatay, kaya ninais niyang tulungan ang kanyang pamilya na magtipid ng pera sa pamamagit
Si Lady Wilson ay nagalit, ngunit sa sandaling ito, wala siyang lakas ng loob na gumanti kahit na wala siyang kinatatakutan.Sinabi ng mga tauhan ni Donald sa isang malamig na boses, “Narito kami ngayong araw dahil sa utos ni Mr. Webb na tanggalin ang lahat ng mga ari-arian sa villa na ito. Ayon kay Mr. Webb, maliban sa mga dekorasyon at malalaking piraso ng kagamitan tulad ng kama at sofa, at iba pang appliances, mahahalagang gamit, pati na rin ang wine sa basement ay kailangang tanggalin mula sa villa!”Nang marinig ito, si Lady Wilson ay lubos na nagdalamhati.Noong una, patuloy niyang iniisip na ibenta ang lahat ng gamit sa villa at lalo na ang mga wine na iyon sa basement cellar, na pwedeng mabenta sa halagang isang milyong dolyar, para lang sa ekstrang pera kapag naubusan siya ng pera. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang mayamang si Donald ay kukuhain ang mga bagay na ito, at inutusan ang kanyang mga tauhan na gawin iyon bago pa niya iyon gawin1Nakasimangot, sinabi ni La
Hindi kailanman inasahan ni Lady Wilson na si Hannah, na palaging sumusunod sa kanya, ay sasagot at sisigaw sa kaniya.Ang pagsagot ni Hannah ay nagsanhi sa kaniya na mabigla. Gayunpaman, pagkatapos mapagtanto na wala na siyang katulong pa ngayon, siya ay lubos na natalo at hindi na nagsalita pa.Kung naging mabait lang siya kay Jennifer noong una, silang tatlo ay magiging matapat niyang mga utusan, at si Hannah ay hindi maglalakas-loob na sumagot sa kaniya.Sa kasamaang palad, ngayong ginawa niyang kalaban si Jennifer at ang iba pang mga babae, at kung ginalit niya si Hannah ngayon, wala nang iba pang tutulong sa kaniya.Kaya, nahihiya niyang sinabi, “Ayaw kong makipagtalo sa ‘yo. Bilisan mo’t ibalik mo si Christopher sa kanyang kwarto, tapos kargahin mo si Harold papasok!”Nakasimangot sa sakit at nauutal sa pag-iyak, sinabi ni Christopher, “Mom, buti na lang at naaalala mo pa rin ako. Hindi ko na kaya…”Dali-daling sinabi ni Lady Wilson, “Wendy, Hannah. Bilisan niyo’t dalhin n
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito