Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1821 - Chapter 1830

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1821 - Chapter 1830

5672 Chapters

Kabanata 1821

Nang walang pag-aatubili, sumagot si Charlie, “Sabihin mo. Pangako na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”Nag-alangan nang ilang sandali si Nanako, pagkatapos ay tumingin siya sa kanya nang umaasa at sinabi sa seryosong tono, “Sana ay umalis ka mamaya pa…”“Mamaya?” Medyo nagulantang si Charlie, pagkatapos ay tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Gaano katagal ang mamaya? Sa totoo lang, balak kong bumalik sa bansa ko ngayong gabi. Naka-standby sa Osaka ang eroplano ko.”Naramdaman ni Nanako ang init sa mga takipmata niya, pagkatapos ay medyo lumaylay ang mga takipmata niya, at sinabi sa mahinang boses, “Iyan… nakadepende iyan sa pagsasaayos ng oras ni Charlie-kun. Hindi mahalaga kahit na antalain mo ito ng ilang oras pa…”Pagkatapos ay idinagdag nang nagmamadali ni Nanako, “Huwag kang magkamali sa pagkakaintindi. Ang pangunahing rason ay dahil may seryosong injury ang ama ko at si Tanaka. Pagkatapos, sobrang abala ng tita ko. Hindi lang niya kailangang ayusin ang mga problema ng p
Read more

Kabanata 1822

Tumingin si Charlie sa paligid. Wala siyang partikular na gusto sa mga pagkain na iyon. Pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Bigyan mo na lang ako ng isang mangkok ng ramen, salamat.”Nakipag-usap agad si Nanako sa schef na dalubhasa sa paggawa ng ramen, “Kuwa-san, mangyaring maghanda ka ng dalawang mangkok ng ramen. Mangyaring maghanda ka ng dalawang dami ng noodles para kay Charlie-kun!”Sumagot nang magalang ang chef, “Masusunod, Miss. Mangyaring maupo kayo, pagsisilbihan namin ko kayo pagkatapos maluto.”Sa parehong oras.Habang nag-eenjoy sina Charlie at Nanako ng almusal nila sa mansyon ng pamilya Ito, isang lalaki na nasa fifties ang kagigising lang sa kanyang presidential suite sa St Regis Hotel, sa Tokyo.May hawak siyang isang tasa ng kape at isang sigarilyo habang nakatingin siya sa tanawin ng Tokyo sa bukang-liwayway sa labas ng kanyang bintana.Nang naubos ang sigarilyo niya, pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray at nagsindi ng isa pa. Tinanong niya ang kanyang tap
Read more

Kabanata 1823

Lumiwanag ang araw sa langit ng Tokyo City. Nag-aalmusal nang magkasama sina Charlie at Nanako.Humarap si Nanako kay Charlie, at sinabi, “Sasabihan ko ang mga katulong na maghanda ng guest room para sayo, Charlie-kun. Magpahinga ka muna. Hindi ka pa natutulog simual kagabi. Siguradong mahirap ito para sa iyo.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at umiling. “Huwag mo nang abalahin ang sarili mo. Hindi ako pagod.”“Paano ka hindi napagod?” sinabi ni Nanako. Hindi niya maitago ang pagkabalisa sa boses niya. “Simula noong laban kagabi sa mga Fujibayashi ninja, hindi ka pa nagpapahinga. Lalo na at dalawang laban ang tiniis mo at nagmaneho ka ng daang-daang kilometro…”Ngumiti si Charlie, “Hindi ka rin nagpahinga. Hindi ka ba napapagod?” tinanong niya.Nabigla si Nanako sa tanong niya. Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, sumagot siya, “Hindi talaga ako pagod. Sa totoo lang, para bang hindi nauubos ang sigla ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nasa pinakamataas na antas ang katawan ko…”“I
Read more

Kabanata 1824

“Narinig ko sa mga tauhan ko sa Japan na maraming sunod-sunod na kasong kriminal sa Tokyo sa nakaraang dalawang araw,” sumagot si Isaac. “Mukhang kaugnay sila sa mga dayuhan. Bilang resulta, hinigpitan ng Tokyo ang mga landing procedure para sa mga private jet. Kung gusto mong umalis sa Japan, mukhang ang Osaka lang ang pwedeng piliin. Hindi pwedeng lumipad sa ibang airport.”Sa wakas ay naintindihan na ni Charlie ang kasalukuyang sitwasyon pagkatapos niya itong marinig.Marahil ay ang mahigpit na kontrol sa Tokyo ay may kinalaman sa pagbabalak ng pamilya Schulz sa pagpatay kay Matsumoto Yoshito.Sa totoo lang, pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naunawaan ni Charlie ang mga layunin nila.Gawin nating halimbawa ang Tokyo police department. Kung may lalabag sa batas sa Tokyo, siguradong mapaparasuhan ang may sala sa normal na legal na pamamaraan.Pero, kung biglang lumitaw ang isang grupo ng mga dayuhan sa Tokyo, pinagbantaan ang pagpatay sa mga mamamayan, sinasabi na brutal a
Read more

Kabanata 1825

Pagkatapos mag-almusal, si Charlie, na walang ginagawa, ay dinala ni Nanako sa kanyang kwarto.Parehong eksena ito noong nasa Kyoto sila. Inimbita si Charlie na umupo sa tatami mat sa kanyang kwarto, kung saan sinindihan ang isang plato ng insenso, at inihanda ang isang tasa ng Japanese matcha.Pagkatapos, humarap siya kay Charlie. “Charlie-kun, gusto kong tingnan ang mga financial statement at mga detalyadong impormasyon tungkol sa negosyo ng pamilya ko upang sanayin ang sarili ko sa mga operasyon sa lalong madaling panahon. Mangyaring sabihin mo sa akin kung nayayamot ka sa kahit anong paraan.”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Huwag kang mag-alala sa akin. Ayos lang ako. Magtrabaho ka na. Gagamitin ko lang ang cellphone ko.”Sa totoo lang, ayaw ni Charlie na maglaan ng maraming oras sa kanyang cellphone. Hindi siya tulad ng mga kabataan ngayon, palaging nakatuon sa teknolohiya at mga aparato nila.Titingnan niya lang ang kanyang cellphone para basahin ang mga balita sa Tokyo upa
Read more

Kabanata 1826

Nang makita niya na naaawa ang old master kay Curtis Wade, hindi nasiyahan si Clayton at sinabi. “Ama, maraming taon na tayong iniwan ni Curtis. Tigilan mo na sana ang pagbanggit sa kanya. Bukod dito, lahat tayo ay responsable kung bakit tayo iniwan ni Curtis. Sa totoo lang, may kinalaman ang buong Eastcliff. Hindi natin ito kayang kontrolin.”Sumang-ayon si Caleb at sumingit, “Oo, ama. Hindi ba’t tungkol ito kina Jaime at Sophie? Bakit bigla itong naging usapan tungkol kay Curtis?”Bumuntong-hininga ang Old master. “Okay, huwag na natin itong pag-usapan. Pag-usapan na natin ang negosyo. Sa madaling salita, pumalya ang pamilya Schulz sa pagpunta nila sa Japan. Hindi maganda para sa kanila ang mga sumunod na pangyayari; kaya ito ang perpektong pagkakataon na kumilos tayo at humabol sa kanila! Ano sa tingin niyo?”Tumingin nang sabik ang lahat sa isa’t isa. Tumango si Clayton sa pagsang-ayon. “Tama ka, Ama. Sa tingin ko rin na magandang pagkakataon ito para sa atin!”“Medyo nahuli na
Read more

Kabanata 1827

Pagkatapos marinig ang mga sinabi ng old master, inamin ni Clayton sa kahihiyan, “Ama, sinabi mo dati ang tungkol sa arranged marriage kasama ang pamilya Schulz. Gusto mong maging manugang na babae ng pamilya Wade si Sophie, pero hindi ka pumili ng angkop na groom.”Sinabi ni Jeremiah, “Hindi ba’t napagkasunduan na natin ito dati? Ang anak ni Curtis ang pinakamagandang kandidato.”“Pero sinabi dati ni Stephen na away bumalik sa pamilya ng anak ni Curtis. Sa tingin ko ay kinamumuhian niya pa tayo,” sumagot si Clayton.Kumaway si Jeremiah. “Hindi ikaw o ako ang magpapasya kung kinamumuhian ba tayo ng bata.”Mabilis na tinanong ni Caleb, na nasa tabi niya, “Ama, sinasabi mo ba na gusto mong hanapin ang anak ni Curtis at pabalikin siya sa pamilya?”Tumango si Jeremiah. “Oo. Nasa isip ko ito, pero hindi ako sigurado kung paano ko siya hihimukin.”Biglang nakaramdam ng takot at matinding pressure si Clayton. Mabilis siyang sumingit, “Ama, maraming taon nang wala sa bahay ang anak ni Cu
Read more

Kabanata 1828

Nalungkot nang sobra si Clayton, pero hindi niya nagawang tumutol. Kaya, sinubukan niyang iibalik ang paksa. “Ama, hindi ba’t dapat pinag-uusapan natin ang pagpunta sa Japan? Sinabi mo na dapat walang direktang paglaban sa pamilya Schulz. Kaya ano na ang dapat nating gawin ngayon?”“Hindi dapat tayo maging sobrang halata sa paglantad sa sarili natin, pero pwede kang magpadala ng tao para makipag-usap nang pribado kay Yahiko,” sumagot si Jeremiah.Medyo nairita si Clayton. Bigla siyang nagkaroon ng ideya na pumunta sa Tokyo para palinawin ang isipan niya, kaya, nagboluntaryo siya. “Ama, bakit hindi ako pumunta sa Tokyo bukas para makipagkita kay Ito Yahiko.”Tumango si Jeremiah, pero nasorpresa si Clayton sa sagot niya. “Dapat talagang makipagkita tayo sa kanya, pero hindi dapat ikaw ang makikipagkita sa kanya.”Nagulantang si Clayton at tinanong. “Ama, ano ang ibig mong sabihin?”Sumagot si Jeremiah, “Dati, ipinadala ng mga Schulz ang batang henerasyon nila para makipagkita sa pam
Read more

Kabanata 1829

Sayang lang kung hindi siya pupurihin, pero magaling talagang umarte si Sheldon.Kung hindi alam ni Ito Yahiko kung gaano kabulok ang pagkatao niya, madali siyang maloloko ng mabait na ngiti at palakaibigan na kilos niya.Kahit na nandidiri si Yahiko, pinilit niya pa ring maglabas ng ngiti at sumagot, “Masyado kang magalang, Mr. Schulz. Noong dumating ka sa Japan, gusto ko na batiin ka sa personal sa airport at mag-ayos ng hotel para sayo, pero hindi ko inaasahan na maraming insidente ang nangyari.”Sumagot nang nagmamadali si Sheldon, “Ah, hindi mo kailangan na maging sobrang galang, Mr. Ito. Magkakaroon ng matagal na kasaysayan ang mga Schulz at ang pamilya Ito. Siguradong ipagpapatuloy natin ang kooperasyon at palalalimin natin ang relasyon natin sa hinaharap. Bakit tayo mag-aabala sa napakaliit na bagay na ito?”Nakita ni Ito Yahiko ang pagiging hipokrito niya at gusto niyang isuka ang inalmusal niya, pero tumango lang siya sa pagsang-ayon. “Tama ka. Hindi dapat tayo mag-abala
Read more

Kabanata 1830

Nagkataon lang na niligtas niya ang magkapatid.Ang tanging alam lang nila sa kanya ay isa siyang OskianWala na silang ibang alam tungkol sa kanya.Sa una ay gusto ni Sheldon na imbestigahan ni Rosalie ang background ng misteryosong lalaki na ito.Pero ngayong gustong hulihin ng mga pulis, ministry of foreign affair, at ng Japanese department of homeland security ang mga tauhan niya, sinukuan niya na lang ang ideya na ito.Kailangan niya munang ipadala si Rosalie pabalik sa bansa nila para iwasan na mahuli siya ng Japanese government.Kung mahuhuli sila ng Japanese government, mahihirapan silang takasan ang capital punishment, dahil sobrang bagsik ng mga pangyayari. Kahit na makatas sila sa death sentence, ikukulong pa rin sila habang buhay!Ang opsyon na lang ni Sheldon sa ngayon ay isantabi nang buo ang bagay na iyon.Ngayong binanggit ulit ni Ito Yahiko ang taong ito, sadyang tinanong ni Sheldon, “Mr. Ito, kilala mo ang misteryosong tao na iyon na nagligtas sa anak mo, tama
Read more
PREV
1
...
181182183184185
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status