Share

Kabanata 1823

Author: Lord Leaf
Lumiwanag ang araw sa langit ng Tokyo City. Nag-aalmusal nang magkasama sina Charlie at Nanako.

Humarap si Nanako kay Charlie, at sinabi, “Sasabihan ko ang mga katulong na maghanda ng guest room para sayo, Charlie-kun. Magpahinga ka muna. Hindi ka pa natutulog simual kagabi. Siguradong mahirap ito para sa iyo.”

Ngumiti nang kaunti si Charlie at umiling. “Huwag mo nang abalahin ang sarili mo. Hindi ako pagod.”

“Paano ka hindi napagod?” sinabi ni Nanako. Hindi niya maitago ang pagkabalisa sa boses niya. “Simula noong laban kagabi sa mga Fujibayashi ninja, hindi ka pa nagpapahinga. Lalo na at dalawang laban ang tiniis mo at nagmaneho ka ng daang-daang kilometro…”

Ngumiti si Charlie, “Hindi ka rin nagpahinga. Hindi ka ba napapagod?” tinanong niya.

Nabigla si Nanako sa tanong niya. Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, sumagot siya, “Hindi talaga ako pagod. Sa totoo lang, para bang hindi nauubos ang sigla ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nasa pinakamataas na antas ang katawan ko…”

“I
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jay Mendoza
nice story and give inspiration to our
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1824

    “Narinig ko sa mga tauhan ko sa Japan na maraming sunod-sunod na kasong kriminal sa Tokyo sa nakaraang dalawang araw,” sumagot si Isaac. “Mukhang kaugnay sila sa mga dayuhan. Bilang resulta, hinigpitan ng Tokyo ang mga landing procedure para sa mga private jet. Kung gusto mong umalis sa Japan, mukhang ang Osaka lang ang pwedeng piliin. Hindi pwedeng lumipad sa ibang airport.”Sa wakas ay naintindihan na ni Charlie ang kasalukuyang sitwasyon pagkatapos niya itong marinig.Marahil ay ang mahigpit na kontrol sa Tokyo ay may kinalaman sa pagbabalak ng pamilya Schulz sa pagpatay kay Matsumoto Yoshito.Sa totoo lang, pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naunawaan ni Charlie ang mga layunin nila.Gawin nating halimbawa ang Tokyo police department. Kung may lalabag sa batas sa Tokyo, siguradong mapaparasuhan ang may sala sa normal na legal na pamamaraan.Pero, kung biglang lumitaw ang isang grupo ng mga dayuhan sa Tokyo, pinagbantaan ang pagpatay sa mga mamamayan, sinasabi na brutal a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1825

    Pagkatapos mag-almusal, si Charlie, na walang ginagawa, ay dinala ni Nanako sa kanyang kwarto.Parehong eksena ito noong nasa Kyoto sila. Inimbita si Charlie na umupo sa tatami mat sa kanyang kwarto, kung saan sinindihan ang isang plato ng insenso, at inihanda ang isang tasa ng Japanese matcha.Pagkatapos, humarap siya kay Charlie. “Charlie-kun, gusto kong tingnan ang mga financial statement at mga detalyadong impormasyon tungkol sa negosyo ng pamilya ko upang sanayin ang sarili ko sa mga operasyon sa lalong madaling panahon. Mangyaring sabihin mo sa akin kung nayayamot ka sa kahit anong paraan.”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Huwag kang mag-alala sa akin. Ayos lang ako. Magtrabaho ka na. Gagamitin ko lang ang cellphone ko.”Sa totoo lang, ayaw ni Charlie na maglaan ng maraming oras sa kanyang cellphone. Hindi siya tulad ng mga kabataan ngayon, palaging nakatuon sa teknolohiya at mga aparato nila.Titingnan niya lang ang kanyang cellphone para basahin ang mga balita sa Tokyo upa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1826

    Nang makita niya na naaawa ang old master kay Curtis Wade, hindi nasiyahan si Clayton at sinabi. “Ama, maraming taon na tayong iniwan ni Curtis. Tigilan mo na sana ang pagbanggit sa kanya. Bukod dito, lahat tayo ay responsable kung bakit tayo iniwan ni Curtis. Sa totoo lang, may kinalaman ang buong Eastcliff. Hindi natin ito kayang kontrolin.”Sumang-ayon si Caleb at sumingit, “Oo, ama. Hindi ba’t tungkol ito kina Jaime at Sophie? Bakit bigla itong naging usapan tungkol kay Curtis?”Bumuntong-hininga ang Old master. “Okay, huwag na natin itong pag-usapan. Pag-usapan na natin ang negosyo. Sa madaling salita, pumalya ang pamilya Schulz sa pagpunta nila sa Japan. Hindi maganda para sa kanila ang mga sumunod na pangyayari; kaya ito ang perpektong pagkakataon na kumilos tayo at humabol sa kanila! Ano sa tingin niyo?”Tumingin nang sabik ang lahat sa isa’t isa. Tumango si Clayton sa pagsang-ayon. “Tama ka, Ama. Sa tingin ko rin na magandang pagkakataon ito para sa atin!”“Medyo nahuli na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1827

    Pagkatapos marinig ang mga sinabi ng old master, inamin ni Clayton sa kahihiyan, “Ama, sinabi mo dati ang tungkol sa arranged marriage kasama ang pamilya Schulz. Gusto mong maging manugang na babae ng pamilya Wade si Sophie, pero hindi ka pumili ng angkop na groom.”Sinabi ni Jeremiah, “Hindi ba’t napagkasunduan na natin ito dati? Ang anak ni Curtis ang pinakamagandang kandidato.”“Pero sinabi dati ni Stephen na away bumalik sa pamilya ng anak ni Curtis. Sa tingin ko ay kinamumuhian niya pa tayo,” sumagot si Clayton.Kumaway si Jeremiah. “Hindi ikaw o ako ang magpapasya kung kinamumuhian ba tayo ng bata.”Mabilis na tinanong ni Caleb, na nasa tabi niya, “Ama, sinasabi mo ba na gusto mong hanapin ang anak ni Curtis at pabalikin siya sa pamilya?”Tumango si Jeremiah. “Oo. Nasa isip ko ito, pero hindi ako sigurado kung paano ko siya hihimukin.”Biglang nakaramdam ng takot at matinding pressure si Clayton. Mabilis siyang sumingit, “Ama, maraming taon nang wala sa bahay ang anak ni Cu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1828

    Nalungkot nang sobra si Clayton, pero hindi niya nagawang tumutol. Kaya, sinubukan niyang iibalik ang paksa. “Ama, hindi ba’t dapat pinag-uusapan natin ang pagpunta sa Japan? Sinabi mo na dapat walang direktang paglaban sa pamilya Schulz. Kaya ano na ang dapat nating gawin ngayon?”“Hindi dapat tayo maging sobrang halata sa paglantad sa sarili natin, pero pwede kang magpadala ng tao para makipag-usap nang pribado kay Yahiko,” sumagot si Jeremiah.Medyo nairita si Clayton. Bigla siyang nagkaroon ng ideya na pumunta sa Tokyo para palinawin ang isipan niya, kaya, nagboluntaryo siya. “Ama, bakit hindi ako pumunta sa Tokyo bukas para makipagkita kay Ito Yahiko.”Tumango si Jeremiah, pero nasorpresa si Clayton sa sagot niya. “Dapat talagang makipagkita tayo sa kanya, pero hindi dapat ikaw ang makikipagkita sa kanya.”Nagulantang si Clayton at tinanong. “Ama, ano ang ibig mong sabihin?”Sumagot si Jeremiah, “Dati, ipinadala ng mga Schulz ang batang henerasyon nila para makipagkita sa pam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1829

    Sayang lang kung hindi siya pupurihin, pero magaling talagang umarte si Sheldon.Kung hindi alam ni Ito Yahiko kung gaano kabulok ang pagkatao niya, madali siyang maloloko ng mabait na ngiti at palakaibigan na kilos niya.Kahit na nandidiri si Yahiko, pinilit niya pa ring maglabas ng ngiti at sumagot, “Masyado kang magalang, Mr. Schulz. Noong dumating ka sa Japan, gusto ko na batiin ka sa personal sa airport at mag-ayos ng hotel para sayo, pero hindi ko inaasahan na maraming insidente ang nangyari.”Sumagot nang nagmamadali si Sheldon, “Ah, hindi mo kailangan na maging sobrang galang, Mr. Ito. Magkakaroon ng matagal na kasaysayan ang mga Schulz at ang pamilya Ito. Siguradong ipagpapatuloy natin ang kooperasyon at palalalimin natin ang relasyon natin sa hinaharap. Bakit tayo mag-aabala sa napakaliit na bagay na ito?”Nakita ni Ito Yahiko ang pagiging hipokrito niya at gusto niyang isuka ang inalmusal niya, pero tumango lang siya sa pagsang-ayon. “Tama ka. Hindi dapat tayo mag-abala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1830

    Nagkataon lang na niligtas niya ang magkapatid.Ang tanging alam lang nila sa kanya ay isa siyang OskianWala na silang ibang alam tungkol sa kanya.Sa una ay gusto ni Sheldon na imbestigahan ni Rosalie ang background ng misteryosong lalaki na ito.Pero ngayong gustong hulihin ng mga pulis, ministry of foreign affair, at ng Japanese department of homeland security ang mga tauhan niya, sinukuan niya na lang ang ideya na ito.Kailangan niya munang ipadala si Rosalie pabalik sa bansa nila para iwasan na mahuli siya ng Japanese government.Kung mahuhuli sila ng Japanese government, mahihirapan silang takasan ang capital punishment, dahil sobrang bagsik ng mga pangyayari. Kahit na makatas sila sa death sentence, ikukulong pa rin sila habang buhay!Ang opsyon na lang ni Sheldon sa ngayon ay isantabi nang buo ang bagay na iyon.Ngayong binanggit ulit ni Ito Yahiko ang taong ito, sadyang tinanong ni Sheldon, “Mr. Ito, kilala mo ang misteryosong tao na iyon na nagligtas sa anak mo, tama

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1831

    Nang marinig ito, bahagyang kumunot ang mga kilay ni Sheldon na parang ispada.Syempre, hindi siya kuntento sa plano ni Yahiko.Pero, ala niya na kapuputol lang ng binti ni Yahiko. Sa madaling salita, presko pa ang madugong sugat niya. Sa ngayon, medyo hindi makatotohanan na itulak agad siya sa isang malaking proyekto.Bukod dito, mukhang sobrang bata pa ng anak na babae ni Yahiko, halos kasing tanda lang ng sarili niyang anak, ni Sophie.Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan nga siyang gumawa agad ng desisyon at gawin ang proyekto.Kaya, sinabi nang seryoso ni Sheldon, “Ito-san, dapat magpahinga ka nang mabuti at alagaan mo ang sarili mo sa mga darating na panahon. Kapag na-discharge ka na sa hospital, bibisitahin kita at pag-uusapan natin nang detalyado ang kolaborasyon. Ano sa tingin mo?”Tumango si Yahiko nang walang pag-aatubili at sumagot habang may masayang ngiti, “Kung bibisita ulit si Schulz-san sa Tokyo, siguradong iimbitahan kitang kumain kapag gumaling na ako!”Bahagyan

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5642

    Nakita ni Mr. Chardon ang Thunder Order sa kamay ni Charlie at nakilala niya agad na isa itong kayamanan na gawa sa Thunderstrike wood. Kahit hindi niya alam kung paano gumawa ng mga mahiwagang instrumento, pamilyar siya sa kalidad ng mga materyales. May mahabang kasaysayan ang Thunderstrike wood sa kamay ni Charlie at malinaw na isa itong top-grade na Thunderstrike wood sa isang tingin.Mayroon siyang nagulat na ekspresyon habang sinabi, “Ano… Anong nangyayari? Saan mo nakuha ang mahiwagang instrumento na iyan?!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Sa totoo lang, ako ang gumawa ng dalawang Thunderstrike wood na ito. Kaso nga lang ay ang nasa akin ay ang ama, at ang anak ang nasa iyo. Kahit na madalas na mayabang ang anak, kailangan niyang magpakabait kapag nakita niya ang kanyang ama, kaya natural na mananatili itong tahimik!”Nagalit si Mr. Chardon at sinigaw, “Letse ka! Sa tingin mo ba ay hindi edukado ang isang matandang lalaki na tulad ko? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako kalokohan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5641

    Sinigaw ni Mr. Chardon, “Halika, kidlat at kulog!” nang malakas at magarbo.Ayon sa eksena na ipininta sa isipan ni Mr. Chardon, pagkatapos ng malakas na sigaw niya, dapat ay nababalot na ng mga madilim na ulap at malabong kulog ang langit. Pagkatapos nito, isang kidlat na kasing kapal ng isang timba ang bababa sa langit, direktang tatamaan ang ulo ni Charlie.Naniniwala siya nang matatag na kahit na hindi tamaan nang direkta ng kidlat si Charlie, mawawalan siya ng kakayahan na lumaban. Sa sandaling iyon, may sampung libong paraan si Mr. Chardon para gawin siyang miserable at puwersahin siyang ibunyag ang lahat ng sikreto niya.Pero, pagkatapos isigaw ni Mr. Chardon ang ‘Halika, kidlat at kulog!’, walang madilim na ulap ang lumitaw sa langit tulad ng dati, at walang kahit anong nakabibinging kulog o kidlat.Sobrang linaw ng langit sa Aurous Hill ngayong gabi, at kasama na ang kaunting polusyon ng ilaw sa mabundok na lugar, kayang tumingala ng isang tao para makita ang buwan na hugi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5640

    Narinig niya ang isang nakabibinging tunog habang tumama ang malakas na puwersa sa mga braso niya. Ang pakiramdam na ito ay tila ba isang mabigat na tren ang sumugod sa kanya nang napakabilis.Agad naubos ng puwersa na ito ang Reiki na inipon ni Mr. Chardon sa mga braso niya! Nakaramdam din ng matalas na sakit ang mga braso niya, at pakiramdam niya na parang nabali ang mga ito.Pero, hindi pa ito ang katapusan nito. Tumalsik nang dose-dosenang metro ang katawan ni Mr. Chardon dahil sa malakas na puwersa na ito, bago niya nabalanse kahit papaano ang sarili niya.Si Mr. Chardon, na katatayo lang nang matatag, ay agad napaduwal ng dugo. Halos nawala na ang lahat ng pakiramdam sa dalawang braso niya, at ang buong dibdib niya ay tila ba nabasag habang nagkaroon siya ng malalang internal injury.Pero, hindi inaasahan ni Mr. Chardon na habang pinapatatag niya ang sarili niya, susugurin siya nang napakabilis ni Charlie!Sa kalagitnaan ng pagkabigla niya, lalaban na sana si Mr. Chardon gam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5639

    Sa isang iglap, isang invisible na umiikot na ispada ang lumabas sa kahoy na ispada. Naramdaman nang malinaw ni Charlie ang malakas na enerhiya sa loob ng ispada, katulad ng isang biglaang pag-andar ng mga elisi ng isang mabilis na helicopter!Alam ni Charlie ang kakulangan niya sa kasanayan at karanasan sa pakikipaglaban, kaya hindi siya nangahas na maging pabaya. Nang makita niya na sinisira ng umiikot na ispada ang lahat ng nasa daan nito, pinutol ang maraming sanga at dahon, sinamantala niya ang pagkakataon at sinigaw, “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang kayang humiwa?!”Pagkasabi nito, isang Soul Blade ang mabilis na lumabas, at ang invisible na malaking Soul Blade ay pumunta nang napakabilis sa umiikot na ispada! Sa isang iglap, nagbanggaan ang dalawang puwersa, gumawa ng isang malakas na pagsabog sa hangin sa pagitan nila. Ang mga puno na kaninang malago at makulay, sa loob ng sukat na ilang dosenang metro, ay biglang parang nagpaulan ng mga dahon!Napaatras pa nang ilang hakba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5638

    Sa sandaling ito, tumakbo nang mabilis si Charlie sa mga bundok, dinadala si Mr. Chardon sa mabilis na habulan sa bundok. Sobrang bilis nilang dalawa, madali silang nakatakbo sa mabundok na lupa na may mga makakapal na puno, tila ba naglalakad sila sa patag na lugar, at para bang lumilipad sila.Ginamit ni Mr. Chardon ang kanyang buong lakas para manatiling malapit kay Charlie. Habang tumatakbo, kailangan ay nakadilat nang sobra ang mga mata niya, nakatuon nang matindi para maiwasan ang mga nakapalibot na puno at mabatong daan. Pagkatapos matahak ang distansya na isa o dalawang kilometro, mukhang sobrang gulo na ng hitsura niya.Pero, kahit gamit ang buong lakas niya, nanatiling matatag si Charlie at nasa ligtas na distansya siya, kaya nainis nang sobra si Mr. Chardon. Wala siyang nagawa kundi patuloy na sundan si Charlie dahil wala siyang pagkakataon na umatake.Kahit na gamitin niya ang kanyang kahoy na ispada na ipinagkaloob ng British Lord o ang Thunderstrike Wood na binili niya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5637

    Sa ibang salita, ang agarang posisyon nilang dalawa ay dalawang beses na na-update kada segundo sa monitoring terminal kung saan matatagpuan ang British Lord. Bukod dito, ang positioning system nila ay gumagamit ng pinaka-propesyonal na high-precision map na maaaring makuha ngayon, na may accuracy level na sentimetro lang at wala sa sampung sentimetro ang kamalian nito.Nang makita ng British Lord na pumasok ang pulang tuldok ni Mr. Chardon sa gate ng villa, malinaw na sa kanya na nakapasok na si Mr. Chardon. Sa sandaling iyon, naniwala rin ang British Lord na sa loob ng ilang minuto, magiging biktima na ni Mr. Chardon ang mga Acker.Pero, habang hinihintay ng British Lord ang ulat ni Mr. Chardon ng tagumpay niya, biglang ganap na nawala ang dalawang kumukurap na coordinate! Nasorpresa ang British Lord sa biglaang pagbabago na ito, at biglang nagkaroon ng kalabog sa puso niya.Ipinapahiwatig ng pagkawala ng mga coordinate ay naputol ang paglipat ng impormasyon sa pagitan nila. Pero,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5636

    Nakita ni Ruby na pumasok si Mr. Chardon sa villa na nasa tagong lugar. Sa una ay akala niya na mauubos nang madali ni Mr. Chardon ang mga Acker ngayong gabi at magkakaroon siya ng malaking tagumpay sa Qing Eliminating Society. Naniniwala siya na kailangan niya lang manood sa dilim at iulat ang lahat sa British Lord mamaya.Pero, hinding-hindi niya inaasahan na nang kapapasok lang ni Mr. Chardon sa villa, isang helicopter ang mabilis na dumating mula sa kabilang dulo ng bundok, dumiretso sa itaas ng villa sa gitna ng Willow Manor.Bago pa niya maintindihan kung sino ang darating gamit ang helicopter sa sandaling ito, isang itim na anino ang direktang tumalon mula sa helicopter. Mabilis pa rin ang pagbaba ng helicopter, at sa medyo mataas na dose-dosenang metro sa itaas ng lupa, hindi niya inaasahan na matatag na makakababa ang isang tao sa lupa mula dito.Umangat nang buong lakas ang helicopter sa sandaling bumaba ang lalaki. Hindi man lang huminto kahit saglit ang anino at sumugod

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5635

    Ang unang bagay na ginawa ni Charlie ay hilingin sa kanya na tulungan siyang kunin ang public surveillance footage mula sa Willow Manor. Samantala, umupo siya sa helicopter, binabantayan ang sitwasyon sa Willow Manor sa aktwal na oras.Dalawa o tatlong minuto lang ang kailangan para makapunta sa Willow Manor mula sa Champs Elys Resort. Sa maikling panahon na ito, kayang antalain ng mga security guard at caretaker ang bahagi ng banta. Ipagkakatiwala niya ang iba kay Merlin kasama ang ‘pangligtas ng buhay na pangungusap’ na binigay niya kay Merlin.Naniniwala siya na basta’t sasabihin ni Merlin ang pangungusap na ito, siguradong mapapatagal ito nang kaunti, hahayaan siyang dumating sa oras.Pero, alam ni Charlie na kahit na dumating siya, hindi niya pwedeng labanan ang kalaban sa loob ng villa. Siguradong mamamatay si Merlin at ang mga miyembro ng pamilya Acker kung sa loob ng villa siya kikilos. Kaya, kailangan niyang gamitin ang singsing para ilayo ang buong atensyon ng kabila, magb

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5634

    Samantala, si Ruby, na palihim na inoobserbahan ang Willow Manor mula sa kabilang bahagi bundok, ay nakita ang isang itim na tao na tumakbo palabas sa villa, sinundan ito nang malapit ni Mr. Chardon, ang leader ng apat na great earl. Sa hindi inaasahan, papunta sa direksyon niya ang nakaitim na tao, habang si Mr. Chardon ay may hawak na kahoy na ispada sa isang kamay at hawak ang dulo ng kanyang robe sa kabila habang hinahabol ang nakaitim na tao.Narinig niya pa ang galit na sigaw ni Mr. Chardon, “Bata, ibigay mo ang singsing ngayon din kung marunong ka! At saka, sabihin mo rin sa akin kung saan nagtatago si Vera Lavor! Kung maganda ang mood ko, baka buhayin pa kita! Kung hindi, sisiguraduhin ko na mawawala ang uo mo sa sandaling mahabol kita!”Sumigaw si Charlie nang hindi man lang lumilingon, “Alalay, tigilan mo ang kalokohan mo. Ang tanda mo na pero hindi mo pa rin alam ang sarili mong abilidad at limitasyon? Nangahas ka pang magyabang dito? Kung gusto mong makuha ang singsing, k

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status