Tumango si Sheldon at sinabi habang may bakas ng kayabangan sa mukha niya, “Sana maintindihan ng Tokyo Police Department at ng Homeland Security ang dahilan na ito. May mga oras na dapat gawin ang mga kinakailangan na surgery. Hihilahin lang pababa ng mga cancerous na tissue ang buong siyudad. Sa pagpunta ko dito, ginawan ko lang sila ng pabor na gawin ang tumpak na surgical operation sa Tokyo para tanggalin ang mga cancerous cells!”Tumango si Yahiko sa pagsang-ayon, pero dumura siya sa loob niya, ‘Letse, masyadong mapangahas talaga ang Sheldon Schulz na ito at mas lalo siyang nagiging walang hiya habang nagsasalita siya!’Tumingin si Sheldon sa oras at sinabi habang nakangiti, “Ito-san, dahil nagpapagaling ka pa sa sugat mo, hindi na kita aabalahin. Ito ang mga nutritional na gamot na dinala ko na gawa sa mga mabisang halamang gamot at sangkap. Kunin mo ang mga ito at sabihan mo ang mga katulong mo na pakuluan ito para sayo mamaya; makakatulong sila sa pagbilis ng paggaling mo.”P
Nang bumukas ang pinto ng elevator, nauna si Sheldon at lumabas siya dito.Nang makita ni Charlie na paparating na ang elevator, sesenyas na siya kay Nanako na nasa tabi niya upang mauna siyang pumasok. Sa sandaling ito, nakalabas na si Sheldon.Paglabas sa elevator, nagkasalubong ang mga tingin nina Sheldon at Charlie.Sa sandaling ito, napakunot nang kaunti si Sheldon habang kinabahan siya sa isang pamilyar ngunit malabong aura na biglang sumabog sa puso niya.Para naman kay Charlie, kahit na hindi niya kilala ang lalaking nakatayo sa harap niya, hindi niya maiwasang tumingin ulit sa kanya pagkatapos makita na puno ng pag-iingat at sorpresa ang mga mata ng lalaki.Ang lalaki, na nasa limampung taon, ay may ordinaryong hitsura at katawan ngunit sobrang marangya ang pananamit niya. Mayroong bakas ng poot sa mga kilay niya, ipinapakita na isa siyang malupit at walang awang tao.Nagkatagpo lang sila sa isang kisapmata.Dahil kasama ni Charlie si Nanako, hindi niya masyadong binigy
Dahil may fiancée si Curtis pero hindi pa siya kasal, may sinag ng pag-asa pa si Helen at ayaw niyang sumuko, umaasa siya na mapapakasalan niya si Curtis.Malinaw pa rin ang kahihiyan na ito sa ala-ala ni Sheldon dahil hindi lamang tinanggihan ng babaeng mahal niya ang marriage proposal niya, ngunit inanunsyo rin sa publiko na hinihintay niya pa ang ibang lalaki.Simula noon, kinamuhian niya nang sobra si Curtis.Hindi matagal pagkatapos, ikinasal si Curtis sa Eastcliff.Sa gabing iyon, umiyak nang sobra si Helen at tumanggi siyang lumabas ng bahay ng isang buwan.Araw-araw na bumisita si Sheldon sa Dunn residence habang may dala-dalang mga bulaklak para makita siya, at umabot ito sa tatlumpu’t siyam na araw. Gamit ang tatlumpu’t siyam na rosas, sa wakas ay nakuha na niya ang puso ni Helen.Si Helen, na halos nawalan ng twenty pounds, ay lumabas sa kanyang kwarto at bahay. Sinabi niya ang isang pangungusap kay Sheldon, na may hawak-hawak ang isang bouquet ng rosas sa labas ng pin
Habang umaakyat ang elevator, iniisip pa rin ni Charlie ang lalaki na nakita niya sa elevator lobby kanina.Sigurado siya na hindi niya kilala ang lalaki, pero bakit may laman na poot ang mga mata niya sa sandaling nakita niya siya?Sa una ay akala niya na isang tagong eksperto ang lalaki na may nakitang kakaiba sa kanya.Pero, nang inisip niya ito, naramdaman niya na may mali dahil walang aura ng malakas na tao ang lalaking iyon. Kung titingnan ang lakas niya, mukhang isa lang siyang ordinaryong tao.Gayunpaman, hindi niya ito masyadong pinag-isipan. Pagkatapos lumabas sa elevator, dinala siya ni Nanako sa ward kung nasaan si Yahiko.Sa sandaling ito, si Yahiko, na nakahiga sa kama ng hospital, ay nagmumura nang sobrang lakas.Sinabi niya kay Emi, “Isa talagang hipokritong anak ng p*ta si Sheldon Schulz! Mamamanhid talaga ako kung makakasalamuha ko pa siya kahit isang segundo!”Tumango si Emi at sinabi, “Totoo nga. Palaging nagbibigay ng napakasamang pakiramdam si Sheldon sa mg
Sa kasamaang-palad, kahit sa galing niya, imposible na ibalik ang oras.Wala siyang magagawa kundi umasa na lang sa susunod nilang pagkikita.Sa ngayon, nangako siya sa kailaliman ng puso niya, ‘Sheldon Schulz, kung may magkikita ulit tayo sa personal, siguradong hindi kita pakakawalan!’***Nang bumalik si Charlie sa ward, tinanong ni Yahiko sa pagtataka, “Wade-san, kilala mo ba si Sheldon Schulz? O may koneksyon ka sa kanya? Bakit barang sensitibo ka sa kanya?”Tumingin din nang mausisa sina Emi at Nanako kay Charlie, inaasahan ang sagot niya.Nang makita to, ngumiti si Charlie at sinabi nang nababagot, “Nakalimutan mo na ba? Nagkataon na niligtas ko ang mga anak niya, at sobrang yaman niya. Kung iisipin, dapat bigyan niya ako ng 10 billion dollars bilang gantimpala, tama? Pero, hinding-hindi ko inaasahan na tatalikod lang ang lalaking iyon at tatakbo…”Natulala agad si Yahiko.Hindi niya pinagdudahan ang mga sinabi ni Charlie, dahil, sa mga mata niya, mabuti si Charlie sa pa
Ngumiti lang si Charlie sa sinabi ni Nanako at hindi siya nagsalita.Pagkatapos makipag-usap nang ilang sandali kay Hiroshi, humingi ng paumanhin si Nanako, “Tanaka-san, babalik na si Charlie-kun sa Aurous Hill ngayong gabi. Kailangan kong samahan siyang mag-shopping, kaya aalis na kami ngayon at bibisitahin ulit kita ngayong gabi!”Sinabi nang nagmamadali ni Hiroshi, “Miss, mangyaring gawin niyo na ni Wade-san ang mga gawain niyo. Hindi mo kailangang maging partikular at bisitahin ako. Masyado itong abala para sayo!”Ngumiti si Nanako at sinabi, “Hindi, hindi ito abala. Matagal na tayong magkakilala, hindi mo na kailangang maging magalang nang sobra.”Tumango nang malugod si Hiroshi, pagkatapos ay tumingin siya kay Charlie at sinabi nang seryoso, “Wade-san, pasensya na at hindi kita mahahatid kapag bumalik ka sa Oskia ngayong gabi. Sana ay maging ligtas ang biyahe mo!”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “Salamat, Tanaka. Magkita ulit tayo sa susunod.”“Okay, Wade-san. Magkita tayo!
Sa sandaling dumaan ang singsing sa kanyang buko at papunta sa kanyang palasingsingan, binaha ng luha ang mga mata ni Nanako.Nagmamadali siyang yumuko, upang hindi makita ni Charlie ang hitsura niya.Gustong-gusto niya si Charlie, pero ayaw niyang bigyan siya ng sobrang emosyonal na pasanin.Ito ay dahil, sa kailaliman ng puso niya, alam niya na pumunta si Charlie sa Japan at binisita siya sa Kyoto ay hindi dahil gusto niya siya. Sa halip, naaawa siya at sinisimpatya siya ni Charlie.Naiintindihan niya ang pakiramdam ni Charlie—ang uri ng pakikiramay sa mga martial artist.Ano ang pakikiramay?Ito ang emosyon na ilalagay mo ang sarili mo sa posisyon ng ibang tao at makikiramay ka sa kanila.Ito ay parang kapag ang isang racing driver, ay nakakita ng isa pang racer na may malalang injury o kahit pumanaw sa race track sa isang car crash; siguradong mas malakas ang pakikiramay niya sa biktima kaysa sa mga ordinaryong tao.Isa pang halimbawa ay, kapag nakita ng isang sundalo ang m
Nang bumalik si Nanako mula sa banyo, wala nang bakas ng mga luha sa kanyang mukha bukod sa medyo namumulang mga mata niya.Sadya siyang naghilamos gamit ang malamig na tubig upang magmukhang medyo natural ito.Pagkatapos bumalik sa store, kusang tinanong ni Nanako si Charlie habang nakangiti, “Charlie-kun, na-adjust na ba ang singsing? Gusto mo bang subukan ko ulit ito?”Ngumiti si Charlie at tumango. “Oo, pakiusap! Salamat!”Sumagot nang marahan si Nanako, “Karangalan ko.”Pagkatapos nito, itinaas niya ang kanyang kanang kamay ay sinabi habang nakangiti, “Tara! Subukan natin ulit ito!”Pinulot ulit ni Charlie ang na-adjust na singsing at nilagay ulit ito sa kanang kamay ni Nanako.Ngayon, sobrang sakto na ng sukat ng singsing at hindi ito maluwag o masikip. Sa isang tingin, sakto ito sa daliri niya.Hindi mapigilang igalaw ni Nanako ang kanyang kanang kamay sa iba’t ibang anggulo at direksyon upang tingnan nang maingat ang hindi mahal na singsing sa ilalim ng sinag ng araw.
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro