Sa kasamaang-palad, kahit sa galing niya, imposible na ibalik ang oras.Wala siyang magagawa kundi umasa na lang sa susunod nilang pagkikita.Sa ngayon, nangako siya sa kailaliman ng puso niya, ‘Sheldon Schulz, kung may magkikita ulit tayo sa personal, siguradong hindi kita pakakawalan!’***Nang bumalik si Charlie sa ward, tinanong ni Yahiko sa pagtataka, “Wade-san, kilala mo ba si Sheldon Schulz? O may koneksyon ka sa kanya? Bakit barang sensitibo ka sa kanya?”Tumingin din nang mausisa sina Emi at Nanako kay Charlie, inaasahan ang sagot niya.Nang makita to, ngumiti si Charlie at sinabi nang nababagot, “Nakalimutan mo na ba? Nagkataon na niligtas ko ang mga anak niya, at sobrang yaman niya. Kung iisipin, dapat bigyan niya ako ng 10 billion dollars bilang gantimpala, tama? Pero, hinding-hindi ko inaasahan na tatalikod lang ang lalaking iyon at tatakbo…”Natulala agad si Yahiko.Hindi niya pinagdudahan ang mga sinabi ni Charlie, dahil, sa mga mata niya, mabuti si Charlie sa pa
Ngumiti lang si Charlie sa sinabi ni Nanako at hindi siya nagsalita.Pagkatapos makipag-usap nang ilang sandali kay Hiroshi, humingi ng paumanhin si Nanako, “Tanaka-san, babalik na si Charlie-kun sa Aurous Hill ngayong gabi. Kailangan kong samahan siyang mag-shopping, kaya aalis na kami ngayon at bibisitahin ulit kita ngayong gabi!”Sinabi nang nagmamadali ni Hiroshi, “Miss, mangyaring gawin niyo na ni Wade-san ang mga gawain niyo. Hindi mo kailangang maging partikular at bisitahin ako. Masyado itong abala para sayo!”Ngumiti si Nanako at sinabi, “Hindi, hindi ito abala. Matagal na tayong magkakilala, hindi mo na kailangang maging magalang nang sobra.”Tumango nang malugod si Hiroshi, pagkatapos ay tumingin siya kay Charlie at sinabi nang seryoso, “Wade-san, pasensya na at hindi kita mahahatid kapag bumalik ka sa Oskia ngayong gabi. Sana ay maging ligtas ang biyahe mo!”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “Salamat, Tanaka. Magkita ulit tayo sa susunod.”“Okay, Wade-san. Magkita tayo!
Sa sandaling dumaan ang singsing sa kanyang buko at papunta sa kanyang palasingsingan, binaha ng luha ang mga mata ni Nanako.Nagmamadali siyang yumuko, upang hindi makita ni Charlie ang hitsura niya.Gustong-gusto niya si Charlie, pero ayaw niyang bigyan siya ng sobrang emosyonal na pasanin.Ito ay dahil, sa kailaliman ng puso niya, alam niya na pumunta si Charlie sa Japan at binisita siya sa Kyoto ay hindi dahil gusto niya siya. Sa halip, naaawa siya at sinisimpatya siya ni Charlie.Naiintindihan niya ang pakiramdam ni Charlie—ang uri ng pakikiramay sa mga martial artist.Ano ang pakikiramay?Ito ang emosyon na ilalagay mo ang sarili mo sa posisyon ng ibang tao at makikiramay ka sa kanila.Ito ay parang kapag ang isang racing driver, ay nakakita ng isa pang racer na may malalang injury o kahit pumanaw sa race track sa isang car crash; siguradong mas malakas ang pakikiramay niya sa biktima kaysa sa mga ordinaryong tao.Isa pang halimbawa ay, kapag nakita ng isang sundalo ang m
Nang bumalik si Nanako mula sa banyo, wala nang bakas ng mga luha sa kanyang mukha bukod sa medyo namumulang mga mata niya.Sadya siyang naghilamos gamit ang malamig na tubig upang magmukhang medyo natural ito.Pagkatapos bumalik sa store, kusang tinanong ni Nanako si Charlie habang nakangiti, “Charlie-kun, na-adjust na ba ang singsing? Gusto mo bang subukan ko ulit ito?”Ngumiti si Charlie at tumango. “Oo, pakiusap! Salamat!”Sumagot nang marahan si Nanako, “Karangalan ko.”Pagkatapos nito, itinaas niya ang kanyang kanang kamay ay sinabi habang nakangiti, “Tara! Subukan natin ulit ito!”Pinulot ulit ni Charlie ang na-adjust na singsing at nilagay ulit ito sa kanang kamay ni Nanako.Ngayon, sobrang sakto na ng sukat ng singsing at hindi ito maluwag o masikip. Sa isang tingin, sakto ito sa daliri niya.Hindi mapigilang igalaw ni Nanako ang kanyang kanang kamay sa iba’t ibang anggulo at direksyon upang tingnan nang maingat ang hindi mahal na singsing sa ilalim ng sinag ng araw.
Malugod na sumang-ayon si Charlie. Agad tinawag ng isang salesperson ang isa pang babae. “Sayu, gusto ng VIP na ito na makita ang mga bracelet. Mangyaring magrekomenda ka sa kanya.”Nang malaman ng babaeng tinatawag na Sayu na isang mapagbigay na tycoon si Charlie, naglabas siya ng isang malaking ngiti at sinabi nang masaya, “Sir, mangyaring sundan mo ako.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Charlie-kun, kailangan mo ba na isukat ko ulit ang bracelet na ito para sa iyo?”Ngumiti si Charlie. “Balak kong bilhan ang biyenan na babae ko. Medyo mas mataba siya nang kaunti, kaya hindi na kita kailangang abalahin.”Sumagot nang nakangiti si Nanako, “Okay, mauna ka muna. Gusto kong tumingin ng singsing, ayos lang ba?”Tumango si Charlie. “Sige. Pupunta muna ako doon para tingnan ang mga bracelet.”Ngumiti nang matamis si Nanako. “Okay!”Nang pumunta si Charlie sa bracelet section, doon lang bumulong si Nanako sa salesperson an namamahala sa diamond rings section, “Excuse me, yung sin
Pagkatapos umalis sa Tiffany, sinamahan ni Nanako si Charlie para mag-shopping sa mga major store sa Ginza.Para sa kapakanan nito at maging patas, bumili si Charlie ng isang high-end Boss suit para kay Jacob, ang biyenan na lalaki niya.Simula noong naging executive director si Jacob ng Calligraphy and Painting Association, ginugol niya ang halos lahat ng oras niya doon at naging pangalawang pinakamagaling na tao, nagkaroon siya ng marangal na reputasyon sa samahan.Bukod dito, marami nang kolaborasyon ang association nila sa Senior University kung nasaan si Matilda, kaya maaaring magdamit nang maayos si Jacob gamit ito upang mas maging kaakit-akit at marangal ang hitsura niya.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng ilang maliliit na gamit at souvenir.Sa 3:30 pm, may dalawang oras pa bago ang flight ni Charlie sa Osaka. Dahil medyo malayo ang Tokyo Airport sa siyudad, sinabi ni Charlie, “Nanako, halos oras na para pumunta ako sa airport.”Nang walang pag-aatubili, sumagot si Nana
Habang nag-iisip nang malalim si Nanako, minaneho na ni Charlie ang kanyang kotse sa airport.Pagkatapos itong iparada, lumabas siya sa kotse kasama si Nanako at yumuko para ilagay ang susi ng kotse sa harap na gulong ng kotse.Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, anong ginagawa mo?”Sumagot si Charlie habang nakangiti, “Iniiwan ko ang susi dito para sa kaibigan ko. Kung hindi, susundan ako ng susi pabalik sa Oskia.”Tinanong nang nagdududa ni Nanako, “Hindi ba ito mawawala? Kung makikita ito ng iba, hindi ba’t mananakaw nila ang kotse?”Tumawa si Charlie. “Walang makakapansin nito. At saka, napakaraming kotse dito. Sino ba namang yuyuko para tingnan ang bawat gulong ng mga kotseng ito?”Pagkatapos, idinagdag niya, “Ipapaalam ko sa may-ari kung saan ko nilagay ang susi para makapunta siya at magamit ang kotse na ito.”Ngumiti si Nanako at tumingin, “Sobrang talino mo, Charlie-kun. Hinding-hindi ko maiisip ang bagay na ito sa buong buhay ko.”Humagikgik si Charlie. “Gus
Sa puntong iyon, mas lalong hinigpitan ng Tokyo Airport ang mga inspeksyon sa departure hall para hanapin ang pumatay kay Matsumoto Yoshito at sa pamilya niya. Pero, hindi nila magawang kontrolin nang mahigpit ang lahat ng pasahero dahil sa kakulangan sa tauhan.Kahit na may Oskian passport si Rosalie, hindi ito inulat ng staff sa nakatataas dahil papunta naman siya sa Osaka at hindi siya aalis sa Japan.Tahimik na binigkas ng staff nang ilang beses ang pangalan ni Rosalie, iniisip niya na sobrang ganda pakinggan ng pangalan na ito, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit.Nang makita na nanigas nang ilang sandali ang staff na may hawak ng passport niya, ang unang pumasok sa isipan ni Rosalie ay nalantad na ang pagkakakilanlan niya. Pero, mabilis niyang binalewala nito.Una, alam ng Tokyo Police Department na ang isang magaling na martial artist mula sa Oskia ang pumatay sa buong pamilya ni Matsumoto. Pero, wala na silang alam bukod dito. Hindi man lang nila alam ang pangalan ng pu
Nakita ni Mr. Chardon ang Thunder Order sa kamay ni Charlie at nakilala niya agad na isa itong kayamanan na gawa sa Thunderstrike wood. Kahit hindi niya alam kung paano gumawa ng mga mahiwagang instrumento, pamilyar siya sa kalidad ng mga materyales. May mahabang kasaysayan ang Thunderstrike wood sa kamay ni Charlie at malinaw na isa itong top-grade na Thunderstrike wood sa isang tingin.Mayroon siyang nagulat na ekspresyon habang sinabi, “Ano… Anong nangyayari? Saan mo nakuha ang mahiwagang instrumento na iyan?!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Sa totoo lang, ako ang gumawa ng dalawang Thunderstrike wood na ito. Kaso nga lang ay ang nasa akin ay ang ama, at ang anak ang nasa iyo. Kahit na madalas na mayabang ang anak, kailangan niyang magpakabait kapag nakita niya ang kanyang ama, kaya natural na mananatili itong tahimik!”Nagalit si Mr. Chardon at sinigaw, “Letse ka! Sa tingin mo ba ay hindi edukado ang isang matandang lalaki na tulad ko? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako kalokohan
Sinigaw ni Mr. Chardon, “Halika, kidlat at kulog!” nang malakas at magarbo.Ayon sa eksena na ipininta sa isipan ni Mr. Chardon, pagkatapos ng malakas na sigaw niya, dapat ay nababalot na ng mga madilim na ulap at malabong kulog ang langit. Pagkatapos nito, isang kidlat na kasing kapal ng isang timba ang bababa sa langit, direktang tatamaan ang ulo ni Charlie.Naniniwala siya nang matatag na kahit na hindi tamaan nang direkta ng kidlat si Charlie, mawawalan siya ng kakayahan na lumaban. Sa sandaling iyon, may sampung libong paraan si Mr. Chardon para gawin siyang miserable at puwersahin siyang ibunyag ang lahat ng sikreto niya.Pero, pagkatapos isigaw ni Mr. Chardon ang ‘Halika, kidlat at kulog!’, walang madilim na ulap ang lumitaw sa langit tulad ng dati, at walang kahit anong nakabibinging kulog o kidlat.Sobrang linaw ng langit sa Aurous Hill ngayong gabi, at kasama na ang kaunting polusyon ng ilaw sa mabundok na lugar, kayang tumingala ng isang tao para makita ang buwan na hugi
Narinig niya ang isang nakabibinging tunog habang tumama ang malakas na puwersa sa mga braso niya. Ang pakiramdam na ito ay tila ba isang mabigat na tren ang sumugod sa kanya nang napakabilis.Agad naubos ng puwersa na ito ang Reiki na inipon ni Mr. Chardon sa mga braso niya! Nakaramdam din ng matalas na sakit ang mga braso niya, at pakiramdam niya na parang nabali ang mga ito.Pero, hindi pa ito ang katapusan nito. Tumalsik nang dose-dosenang metro ang katawan ni Mr. Chardon dahil sa malakas na puwersa na ito, bago niya nabalanse kahit papaano ang sarili niya.Si Mr. Chardon, na katatayo lang nang matatag, ay agad napaduwal ng dugo. Halos nawala na ang lahat ng pakiramdam sa dalawang braso niya, at ang buong dibdib niya ay tila ba nabasag habang nagkaroon siya ng malalang internal injury.Pero, hindi inaasahan ni Mr. Chardon na habang pinapatatag niya ang sarili niya, susugurin siya nang napakabilis ni Charlie!Sa kalagitnaan ng pagkabigla niya, lalaban na sana si Mr. Chardon gam
Sa isang iglap, isang invisible na umiikot na ispada ang lumabas sa kahoy na ispada. Naramdaman nang malinaw ni Charlie ang malakas na enerhiya sa loob ng ispada, katulad ng isang biglaang pag-andar ng mga elisi ng isang mabilis na helicopter!Alam ni Charlie ang kakulangan niya sa kasanayan at karanasan sa pakikipaglaban, kaya hindi siya nangahas na maging pabaya. Nang makita niya na sinisira ng umiikot na ispada ang lahat ng nasa daan nito, pinutol ang maraming sanga at dahon, sinamantala niya ang pagkakataon at sinigaw, “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang kayang humiwa?!”Pagkasabi nito, isang Soul Blade ang mabilis na lumabas, at ang invisible na malaking Soul Blade ay pumunta nang napakabilis sa umiikot na ispada! Sa isang iglap, nagbanggaan ang dalawang puwersa, gumawa ng isang malakas na pagsabog sa hangin sa pagitan nila. Ang mga puno na kaninang malago at makulay, sa loob ng sukat na ilang dosenang metro, ay biglang parang nagpaulan ng mga dahon!Napaatras pa nang ilang hakba
Sa sandaling ito, tumakbo nang mabilis si Charlie sa mga bundok, dinadala si Mr. Chardon sa mabilis na habulan sa bundok. Sobrang bilis nilang dalawa, madali silang nakatakbo sa mabundok na lupa na may mga makakapal na puno, tila ba naglalakad sila sa patag na lugar, at para bang lumilipad sila.Ginamit ni Mr. Chardon ang kanyang buong lakas para manatiling malapit kay Charlie. Habang tumatakbo, kailangan ay nakadilat nang sobra ang mga mata niya, nakatuon nang matindi para maiwasan ang mga nakapalibot na puno at mabatong daan. Pagkatapos matahak ang distansya na isa o dalawang kilometro, mukhang sobrang gulo na ng hitsura niya.Pero, kahit gamit ang buong lakas niya, nanatiling matatag si Charlie at nasa ligtas na distansya siya, kaya nainis nang sobra si Mr. Chardon. Wala siyang nagawa kundi patuloy na sundan si Charlie dahil wala siyang pagkakataon na umatake.Kahit na gamitin niya ang kanyang kahoy na ispada na ipinagkaloob ng British Lord o ang Thunderstrike Wood na binili niya
Sa ibang salita, ang agarang posisyon nilang dalawa ay dalawang beses na na-update kada segundo sa monitoring terminal kung saan matatagpuan ang British Lord. Bukod dito, ang positioning system nila ay gumagamit ng pinaka-propesyonal na high-precision map na maaaring makuha ngayon, na may accuracy level na sentimetro lang at wala sa sampung sentimetro ang kamalian nito.Nang makita ng British Lord na pumasok ang pulang tuldok ni Mr. Chardon sa gate ng villa, malinaw na sa kanya na nakapasok na si Mr. Chardon. Sa sandaling iyon, naniwala rin ang British Lord na sa loob ng ilang minuto, magiging biktima na ni Mr. Chardon ang mga Acker.Pero, habang hinihintay ng British Lord ang ulat ni Mr. Chardon ng tagumpay niya, biglang ganap na nawala ang dalawang kumukurap na coordinate! Nasorpresa ang British Lord sa biglaang pagbabago na ito, at biglang nagkaroon ng kalabog sa puso niya.Ipinapahiwatig ng pagkawala ng mga coordinate ay naputol ang paglipat ng impormasyon sa pagitan nila. Pero,
Nakita ni Ruby na pumasok si Mr. Chardon sa villa na nasa tagong lugar. Sa una ay akala niya na mauubos nang madali ni Mr. Chardon ang mga Acker ngayong gabi at magkakaroon siya ng malaking tagumpay sa Qing Eliminating Society. Naniniwala siya na kailangan niya lang manood sa dilim at iulat ang lahat sa British Lord mamaya.Pero, hinding-hindi niya inaasahan na nang kapapasok lang ni Mr. Chardon sa villa, isang helicopter ang mabilis na dumating mula sa kabilang dulo ng bundok, dumiretso sa itaas ng villa sa gitna ng Willow Manor.Bago pa niya maintindihan kung sino ang darating gamit ang helicopter sa sandaling ito, isang itim na anino ang direktang tumalon mula sa helicopter. Mabilis pa rin ang pagbaba ng helicopter, at sa medyo mataas na dose-dosenang metro sa itaas ng lupa, hindi niya inaasahan na matatag na makakababa ang isang tao sa lupa mula dito.Umangat nang buong lakas ang helicopter sa sandaling bumaba ang lalaki. Hindi man lang huminto kahit saglit ang anino at sumugod
Ang unang bagay na ginawa ni Charlie ay hilingin sa kanya na tulungan siyang kunin ang public surveillance footage mula sa Willow Manor. Samantala, umupo siya sa helicopter, binabantayan ang sitwasyon sa Willow Manor sa aktwal na oras.Dalawa o tatlong minuto lang ang kailangan para makapunta sa Willow Manor mula sa Champs Elys Resort. Sa maikling panahon na ito, kayang antalain ng mga security guard at caretaker ang bahagi ng banta. Ipagkakatiwala niya ang iba kay Merlin kasama ang ‘pangligtas ng buhay na pangungusap’ na binigay niya kay Merlin.Naniniwala siya na basta’t sasabihin ni Merlin ang pangungusap na ito, siguradong mapapatagal ito nang kaunti, hahayaan siyang dumating sa oras.Pero, alam ni Charlie na kahit na dumating siya, hindi niya pwedeng labanan ang kalaban sa loob ng villa. Siguradong mamamatay si Merlin at ang mga miyembro ng pamilya Acker kung sa loob ng villa siya kikilos. Kaya, kailangan niyang gamitin ang singsing para ilayo ang buong atensyon ng kabila, magb
Samantala, si Ruby, na palihim na inoobserbahan ang Willow Manor mula sa kabilang bahagi bundok, ay nakita ang isang itim na tao na tumakbo palabas sa villa, sinundan ito nang malapit ni Mr. Chardon, ang leader ng apat na great earl. Sa hindi inaasahan, papunta sa direksyon niya ang nakaitim na tao, habang si Mr. Chardon ay may hawak na kahoy na ispada sa isang kamay at hawak ang dulo ng kanyang robe sa kabila habang hinahabol ang nakaitim na tao.Narinig niya pa ang galit na sigaw ni Mr. Chardon, “Bata, ibigay mo ang singsing ngayon din kung marunong ka! At saka, sabihin mo rin sa akin kung saan nagtatago si Vera Lavor! Kung maganda ang mood ko, baka buhayin pa kita! Kung hindi, sisiguraduhin ko na mawawala ang uo mo sa sandaling mahabol kita!”Sumigaw si Charlie nang hindi man lang lumilingon, “Alalay, tigilan mo ang kalokohan mo. Ang tanda mo na pero hindi mo pa rin alam ang sarili mong abilidad at limitasyon? Nangahas ka pang magyabang dito? Kung gusto mong makuha ang singsing, k