Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1841 - Kabanata 1850

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1841 - Kabanata 1850

5672 Kabanata

Kabanata 1841

Pagkatapos umalis sa Tiffany, sinamahan ni Nanako si Charlie para mag-shopping sa mga major store sa Ginza.Para sa kapakanan nito at maging patas, bumili si Charlie ng isang high-end Boss suit para kay Jacob, ang biyenan na lalaki niya.Simula noong naging executive director si Jacob ng Calligraphy and Painting Association, ginugol niya ang halos lahat ng oras niya doon at naging pangalawang pinakamagaling na tao, nagkaroon siya ng marangal na reputasyon sa samahan.Bukod dito, marami nang kolaborasyon ang association nila sa Senior University kung nasaan si Matilda, kaya maaaring magdamit nang maayos si Jacob gamit ito upang mas maging kaakit-akit at marangal ang hitsura niya.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng ilang maliliit na gamit at souvenir.Sa 3:30 pm, may dalawang oras pa bago ang flight ni Charlie sa Osaka. Dahil medyo malayo ang Tokyo Airport sa siyudad, sinabi ni Charlie, “Nanako, halos oras na para pumunta ako sa airport.”Nang walang pag-aatubili, sumagot si Nana
Magbasa pa

Kabanata 1842

Habang nag-iisip nang malalim si Nanako, minaneho na ni Charlie ang kanyang kotse sa airport.Pagkatapos itong iparada, lumabas siya sa kotse kasama si Nanako at yumuko para ilagay ang susi ng kotse sa harap na gulong ng kotse.Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, anong ginagawa mo?”Sumagot si Charlie habang nakangiti, “Iniiwan ko ang susi dito para sa kaibigan ko. Kung hindi, susundan ako ng susi pabalik sa Oskia.”Tinanong nang nagdududa ni Nanako, “Hindi ba ito mawawala? Kung makikita ito ng iba, hindi ba’t mananakaw nila ang kotse?”Tumawa si Charlie. “Walang makakapansin nito. At saka, napakaraming kotse dito. Sino ba namang yuyuko para tingnan ang bawat gulong ng mga kotseng ito?”Pagkatapos, idinagdag niya, “Ipapaalam ko sa may-ari kung saan ko nilagay ang susi para makapunta siya at magamit ang kotse na ito.”Ngumiti si Nanako at tumingin, “Sobrang talino mo, Charlie-kun. Hinding-hindi ko maiisip ang bagay na ito sa buong buhay ko.”Humagikgik si Charlie. “Gus
Magbasa pa

Kabanata 1843

Sa puntong iyon, mas lalong hinigpitan ng Tokyo Airport ang mga inspeksyon sa departure hall para hanapin ang pumatay kay Matsumoto Yoshito at sa pamilya niya. Pero, hindi nila magawang kontrolin nang mahigpit ang lahat ng pasahero dahil sa kakulangan sa tauhan.Kahit na may Oskian passport si Rosalie, hindi ito inulat ng staff sa nakatataas dahil papunta naman siya sa Osaka at hindi siya aalis sa Japan.Tahimik na binigkas ng staff nang ilang beses ang pangalan ni Rosalie, iniisip niya na sobrang ganda pakinggan ng pangalan na ito, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit.Nang makita na nanigas nang ilang sandali ang staff na may hawak ng passport niya, ang unang pumasok sa isipan ni Rosalie ay nalantad na ang pagkakakilanlan niya. Pero, mabilis niyang binalewala nito.Una, alam ng Tokyo Police Department na ang isang magaling na martial artist mula sa Oskia ang pumatay sa buong pamilya ni Matsumoto. Pero, wala na silang alam bukod dito. Hindi man lang nila alam ang pangalan ng pu
Magbasa pa

Kabanata 1844

Dati, pinilit ni Nanako na kalabanin si Aurora, na lumakas nang sobra dahil sa Rejuvenating Pill ni Charlie.Sa huli, nagkaroon ng malalang injury si Nanako sa laban nila ni Aurora, at naging isa itong tinik na tumagos sa puso ni Charlie.Sa isang dako, naaawa siya kay Nanako, pero sa kabilang dako, pinapahalagahan niya ang pagsisikap niya na huwag sumuko at ang tapang niya na lakaran ang mapanganib na landas.Bukod dito, nakaramdam siya ng kaunting hiya para sa kanya dahil inangat niya si Aurora na mas mababa nang ilang antas sa kanya, at ginawa siyang mas malakas nang ilang antas kay Nanako.Ngayong ginamot niya na si Nanako, nawala na ang tinik, at hindi na niya mararamdaman ang nakakabahalang tusok sa puso niya.Niligtas niya ang buhay niya at pinalakas niya siya nang sobra, kaya nawala na rin ang pagkakasala niya.Dahil wala na ang sakit sa puso at pagkakasala niya, ang natira na lang ay pagpapahalaga para kay Nanako.Ngumiti siya nang mabait at komportable sa kanya. “Kung
Magbasa pa

Kabanata 1845

Naramdaman muna ni Charlie ang malambot, at malambing na dampi ng mga labi ni Nanako, at pagkatapos ay isang medyo maalat, at mapait na lasa sa kanyang bibig.Alam niya na ito ang lasa ng mga luha ni Nanako. Sa sandaling ito, nakaramdam siya ng walang tigil na pagmamahal para sa kanya pero nakaramdam din siya ng kawalan ng kakayahan.Malambot na naghiwalay ang mga labi makalipas ang ilang segundo. Tumingala si Nanako kay Charlie habang namumula ang kanyang mga mata at hinikbi, “Charlie-kun, huwag mo sana akong kalimutan kahit kailan…”Tumango si Charlie, marahan at tapat na sumagot, “Hindi kita kakalimutan. Huwag kang mag-alala.”“Kung kailangan mo ng tulong ko sa hinaharap, ipaalam mo lang sana sa akin!” sumagot nang taimtim si Nanako.Tumango si Charlie. “Sige; ikaw din!”Naglabas ng ngiti si Nanako sa gitna ng daloy ng mga luha. “Mas mabuting umalis ka na ngayon, o maiiwan ka ng eroplano!”Tumingin si Charlie kay Nanako gamit ang mapag-asam at madamdamin na tingin, malambot n
Magbasa pa

Kabanata 1846

Parehong istilo ang singsing, at kahit ang sukat ay perpekto.Sa sandaling nakita ni Nanako ang singsing, agad siyang napuno ng hindi maipaliwanag na saya, tila ba si Charlie mismo ang nagbigay sa kanya ng singsing.Nang makita ang tuwa ni Nanako, tinanong ni Kawana Kurenai sa pagkalito, “Miss, bakit sobrang interesado ka sa isang brand na tulad ng Tiffany? Sobrang ordinaryong brang lang nito, at medyo mura ang singsing. Parang butil ng buhangin ang mga dyamante nila…”Tama si Kurenai.Ang isang diamond ring na nasa isang milyong dolyar o mas mababa, sa totoo lang, ay para sa isang karaniwang mayamang pamilya lang.Hindi man lang mag-aabalang suotin ng mga tunay na tycoon ang ganitong singsing.Ang mga sobrang yaman na tycoon sa East at West ay may mga dyamante na may pinakamataas ang puridad, ang mga dyamante na tiyak ang sukat, at sobrang linaw ng mga ito, kaya nilang ibenta sa sampung milyon bawat piraso.Ang mga mayaman talaga ay bibili ng hilaw, at mahal na mga dyamante at
Magbasa pa

Kabanata 1847

Ang orihinal na plano ni Rosali ay maghiwa-hiwalay sila ng gang niya at magsama-sama sa Osaka. Pagkatapos ay may isang private airplane mula sa Raventon na ipapadala sa Osaka at dadalhin ang lahat pabalik sa Eastcliff.1Gayunpaman, kung hindi sila maaaresto ng Tokyo Metropolitan Police at ang ibang assassin mula sa pamilya Schulz, marahil ay imbestigahan nila ang lahat ng dating tala mula sa bansa. Siguradong klahit anong eroplano na lumipad mula sa Osaka papunta sa Eastcliff ay magiging isang kahina-hinalang target ng mga pulis.Kaya, nagpasya si Rosalie na dapat umalis ang lahat mula sa Osaka papunta sa Raventon.May karapatan ang mga Japanese na imbestigahan ang lahat ng impormasyon sa kanilang flights sa bansa. Kung pag-iisipan, lahat ng flight na palabas sa Japan ay pwedeng imbestighan ng mga pulis.Kaya, kung pupunta muna ang lahat sa Raventon at lilipat mula sa Raventon papunta sa Eastcliff, hindi na sila magkakaroon ng relasyon sa Japan. Dahil dito, hindi sila mahahabol ng
Magbasa pa

Kabanata 1848

Walang mga sikreto sa civil aviation information, lalo na ang mga ruta ng private airplane. Lahat ng impormasyon na ito ay nakukuha ng mga airport staff at nakikita sa flight schedule system. Kaya, maibibigay ni Isaac kay Charlie ang mga nahanap niya nang walang problema.Sa sagot niya sa mensahe ni Charlie, may apat na private airplane na aalis mula sa Osaka papunta sa Raventon.Sa apat na ito, may dalawang eroplano na sobrang kaunti lang ang pasahero - nasa sampung tao lang ang kabuuan. Dahil maraming assassin ang ipinadala ng pamilya Schulz sa Japan, malabo sa kanila na bumalik sa kanilang bansa gamit ang dalawang eroplano na ito. Kaya, hindi sinama ni Charlie ang dalawang ito.Samantala, ang dalawang natirang private airplane ay binago mula sa Airbus A320. Pagkatapos ng modification, kayang magsakay ng dalawang eroplano ng nasa apatnapu o limampung pasahero. Kaya, hula ni Charlie na gagamitin ng mga assassin ng pamilya Schulz ang isa sa dalawang A320 para umalis sa Japan.Pagka
Magbasa pa

Kabanata 1849

Kahit na nayamot siya sa reaksyon ni Charlie, bahagya niyang ibinaba ang kanyang depensa.Makalipas ang ilang sandali, naglakad siya palapit kay Charlie at umupo sa tabi niya.Sa sandaling umupo siya, pinagmasdan nang tahimik ni Rosalie si Charlie.Hindi dahil pinaghihinalaan niya si Charlie. Sa halip, ginawa niya ito dahil sa nakagawain niyang pag-iingat.Sa tuwing dumarating siya sa isang bagong kapaligiran, ang unang ginagawa niya ay magkaroon ng malalim na pagka-unawa sa kanyang paligid at makakuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon.Pinagmasdan niya si Charlie at nalaman niya na medyo gwapo talaga ang lalaking ito. Sa totoo lang, tatatakan niya siya bilang eye-candy.Gayunpaman, ang nagpayamot sa kanya ay kung paano niya tingnan ang kanyang katawan.Pagkatapos, ngumiti si Rosalie at tinanong, “Sir, isa ka bang Oskian?”Kailanman ay hindi inaakala ni Charlie na magkukusa siyang kausapin ng babaeng assassin ng pamilya Schulz. Sadya siyang nagmukhang nasorpresa at nasabik sa
Magbasa pa

Kabanata 1850

Gayunpaman, nausisa nang sobra si Rosalie sa impormasyon na gustong ilantad ni Charlie. Kaya, pinigilan niya ang pandidiri niya sa kanya at sinandal ang kanyang katawan palapit sa kanya. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanya, “Bilis at sabihin mo na!”Sadyang lumapit si Charlie sa kanya at binulong sa tainga niya, “Kailan lang, pinatay ang bayaw ni Donald, si Nelson Bishop, ang boss ng Beggar Clan sa Sudbury. Namatay din ang kanyang asawa at gang ng Beggar Clan.”Nang marinig ito, agad umatras si Rosalie kay Charlie at lumayo sa kanya. Pagkatapos ay sinabi niya nang malamig, “Ano ito? Malaking balita ito dati. Alam ito ng lahat.”Nagkibit balikat si Charlie at idinagdag, “Akala ko na hindi mo alam.”Tumingin nang nandidiri si Rosalie sa kanya. Palagay niya ay sadya itong ginawa ni Charlie para pagsamantalahan siya.Buti na lang, wala siyang masyadong nakuha sa kanya. Kaya, hindi sumabog sa galit si Rosalie.Pagkatapos ng pangyayaring ito, mas lalong bumaba ang depensa ni Rosalie.N
Magbasa pa
PREV
1
...
183184185186187
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status