Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1861 - Chapter 1870

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1861 - Chapter 1870

5672 Chapters

Kabanata 1861

“Bigyan ka ng respeto?”Sa sandaling narinig ito ni Lord Schulz, bumuntong hininga siya at sinabi, “Sa mundo natin, lahat ay may sariling halaga. May kasabihan na ‘ang paghihiganti sa pagpatay ng isang ama ay higit pa sa kayang tiisin ng langit.’ Kung bibigyan mo ang taong iyon ng isang bilyon, sampung bilyon, isang daang bilyon, o kahit isang libong bilyon, may presyo pa rin na kayang galawin ang puso niya.”Pagkatapos ay lumipat siya sa pangunahing punto niya. “Gayunpaman, ang pangunahing punto ay dapat alam mo kung gaano kalaki ang halaga ng isang bagay. Kukunin mo ba ito kahit na libo-libong bilyon ang mawawala sayo?”Nanahimik si Sheldon.Totoo, gustong-gusto niyang iligtas si Rosalie.Kahit ano pa, sariling laman at dugo niya siya. Kahit gaano pa siya kalupit, hinding-hindi niya gugustuhin na mamatay siya nang ganito.Bukod dito, isa siyang elite ng pamilya Schulz at sobrang bata niya pa. Kung maliligtas niya siya, marami siyang maiaambag sa pamilya Schulz sa hinaharap.Pa
Read more

Kabanata 1862

“Okay,” sumagot si Lord Schulz. “Kailangan mong ayusin ang sarili mo at huwag kang mag-focus nang sobra kay Rosalie. Mas malalim ang problema ng pamilya Schulz. Pagkatapos mong bumalik, magkakaroon tayo ng meeting upang pag-usapan ang solusyon sa susunod na yugto. Kung hindi natin pupunuin ang nawala sa atin, pagbabalakan tayo ng ibang pamilya!”“Okay, naiintindihan ko!”***Sa sandaling iyon, kumalat na parang sunog sa Eastcliff ang malaking balita ng pamilya Schulz sa Japan, umabot pa ito sa pamilya Wade, at naging isang mainit na paksa.Nagulantang ang bawat pamilya sa balita dahil walang nag-aakala na matatalo nang sobra ang prestihiyosong pamilya Schulz sa Japan.Kahit na ang balita ay isang bangungot para sa pamilya Schulz, magandang balita ito para sa iba.May napakalaking impluwensya ang pamilya Schulz sa Eastcliff. Bukod sa pamilya Wade, siguradong walang laban ang iba sa pamilya Schulz.Masigla ang ibang pamilya dahil liliit ang pagitan ng pamilya Schulz sa ibang pamil
Read more

Kabanata 1863

Ligtas na nakarating ang eroplano ni Charlie sa Aurous Airport sa alas diyes ng gabi.Hindi pinaalam ni Charlie kay Claire ang tungkol sa pag-uwi niya ngayong gabi dahil gusto niya siyang sorpresahin.Nag-ayos na ng sasakyan si Isaac para ihatid silang lahat. Sa sandaling bumaba sila sa eroplano, sumakay sila sa kanya-kanya nilang sasakyan at umuwi.Magkahiwalay na umalis sina Albert at Liam, habang nagboluntaryo si Isaac na ihatid si Charlie pabalik sa Thompson First, at hindi tumanggi si Charlie sa mungkahi niya.Pagkatapos nilang sumakay sa kotse, tumawa si Isaac at kinausap si Charlie habang nagmamaneho. “Master Wade, siguradong kakalabanin tayo nang sobra ng pamilya Schulz kung alam nila na tayo ang mastermind sa likod ng trahedya nila.”“Hindi ito mahalaga.” Ngumiti si Charlie. “Dahil, malaki na ang problema ng pamilya Schulz ngayong maraming nawala sa kanila. Aabutin sila ng ilang taon bago sila makabangon ulit, kaya ligtas tayo sa mga susunod na ilang taon.”“Makatwiran i
Read more

Kabanata 1864

Para naman sa mga nasa parehong henerasyon ni Charlie, karaniwan ay tinatawag silang young master at young miss.Sa tawag, nagsalita si Carmen sa mapagmataas na tono. Binuksan niya ang kanyang bibig at tinanong, “Isaac, nasa Aurous Hill ka ba ngayon?”Nagmamadaling sumagot nang magalang si Isaac, “Opo, Miss. Nasa Aurous ako ngayon.”Humuni si Carmen, at nagpatuloy, “Mag-book ka ng isang presidential suite sa Shangri-La Hotel para sa akin bukas. Pagkatapos, mag-ayos ka ng sasakyan para sunduin ako sa airport. Pupunta ako diyan bukas nang umaga.”Sa tuwing umaalis si Carmen, karaniwan ay sumasakay siya sa isang private plane. Kaya, hindi nakapirmi ang oras ng pag-alis niya.Kung maaga siyang magigising, maaga siyang aalis. Kung mahuhuli siyang magising, mahuhuli rin siyang aalis.Sa sandaling natapos niyang pakinggan ang mga sinabi niya, tinanong niya sa sorpresa, “Miss, pupunta ka sa Aurous?! May iba pa ba akong aayusin na gusto mong ihanda ko para sayo?”Binuksan ni Carmen ang k
Read more

Kabanata 1865

Nang marinig ang tanong ni Charlie, nalito rin si Isaac. “Master Wade, sa totoo lang, kaunti lang talaga ang alam ko sa tita mo. Sa totoo lang, sa katayuan ko, mahihirapan akong kausapin nang direkta ang kahit sino sa pamilya Wade. Mas maraming ugnayan si Stephen sa kanila. Marahil ay gusto mo siyang tawagan?”Kumaway si Charlie, at pagkatapos ay sinabi nang kalmado, “Kalimutan mo na ito, walang saysay na tawagan siya. Palaging may solusyon sa problema. Kikilos ako nang angkop kapag nakita ko siya.”Pagkatapos ay tinanong siya ni Isaac, “Makikipagkita ka sa tita mo bukas?”Tumango si Charlie, “Pupunta ako. Ipalaam mo sa akin kapag naayos na niya ang oras. Hindi mo ako kailangang ihatid doon, pupunta ako nang mag-isa.”“Masusunod!”Naisip ni Charlie ang kanyang tita noong bata pa siya. Sa tingin niya, medyo masamang babae ang kanyang tita. Noong limang taon siya, pinakasalan ng kanyang tita ang master ng isang elite na pamilya sa Eastcliff at ipinanganak niya ang isang anak na lala
Read more

Kabanata 1866

Tumawa si Charlie at sinabi, “Gusto kitang sorpresahin!”Pagkatapos niyang magsalita, tumakbo si Claire papunta sa kanya at niyakap siya.Sa nakaraang ilang araw na nasa Japan si Charlie, araw-gabi siyang namiss ni Claire.Bago ito, bihira niya lang itong maramdaman.Noong pumunta si Charlie sa Eastcliff, namiss niya rin siya pero hindi sobra tulad ngayon.Kaya, nang makita niyang bumalik si Charlie, hindi na siya nakapagpigil at niyakap niya siya agad.Kailanman ay hindi inakala ni Charlie na yayakapin siya agad ng kanyang asawa sa harap ng mga magulang niya. Naging masaya at nahiya rin siya.Kaya, sinabi niya kay Claire, “Mahal, dapat maghintay ka muna sa kwarto natin para yumakap. Kahit ano pa, pinapanood tayo ng mga magulang mo.”Bumalik sa diwa si Claire at namula siya.Habang may hiya at takot, sinabi niya, “Nakita namin na may massacre sa Japan kailan lang. Mahigit tatlumpung tao ang namatay. Sobrang nakakatakot ito!”Nasorpresa si Charlie at tinanong, “Nasa national n
Read more

Kabanata 1867

Nang makita na sabik na sabik si Elaine, nilapag ni Charlie ang suitcase sa sahig para buksan ito.Hindi na nakatiis si Elaine, na nasa gilid. Nag-squat siya at pinuri, “Mabuti kong manugang, paano kita maaabala dito. Halika, hayaan mong tulungan kita!”Ngumiti nang walang magawa si Charlie at hindi siya tumanggi.Binuksan ni Elaine ang suitcase at nakita niya ang isang malaking Boss plastic bag sa itaas. Hindi niya mapigilang itanong, “Para sa lalaki ba itong Boss?”Tumango si Charlie at sinabi, “Pumili ako ng isang suit para kay Papa. Dahil siya ang director ng Calligraphy and Painting Association, mas magmumukhang marangal siya sa suit na ito kapag may events siyang kailangang puntahan!”Si Jacob, na nasa gilid, ay nagpasalamat at sinabi, “Oh Charlie. Mabuti kang manugang! Matagal ko nang gustong magsuot ng suit sa mga event pero nag-aalangan akong bumili ng ganito. Hindi ko inisip na bibilhan mo ako. Maraming salamat!”Kumulot ang mga labi ni Elaine at hingais ang plastic bag
Read more

Kabanata 1868

“Mahal, binili ko ito para sayo. Buksan mo ito at tingnan mo kung magugustuhan mo!”Nagulat si Claire at tinanong, “Binili mo ito para sa akin? Mahal, pinaghirapang pera mo ito. Karaniwan, hindi ka man lang gumagastos para sa sarili mo. Pero kapag nasa labas ka, palagi mo akong binibilhan ng mga regalo…”Sinabi nang mabilis ni Elaine, na nakatayo sa tabi niya, “Luka-luka. Mahal ka ni Charlie, inaalagaan ka, at iniingatan ka. Mabuting lalaki siya! Tingnan mo ang papa mo, itong kuripot na matandang lalaki—kailan niya pa ako binilhan ng mahal na bagay?”Galit na sumagot si Jacob, “Ikaw ang may hawak ng pera ng pamilya. Wala akong pera, kaya paano kita mabibilhan ng mga bagay-bagay?”Sinumbat ni Elaine, “Kalokohan! Kahit na wala ring pera ang asawa ng iba, sinusubukan pa rin nilang bigyan ang mga asawa nila ng regalo. Paano naman ikaw? Huwag mong sabihin na kailan ay hindi ka palihim na nagtago ng pera pagkalipas ng napakaraming taon? Huwag mong gawing dahilan ang pagiging walang pera.
Read more

Kabanata 1869

Sa sandaling ito, naantig si Claire at napaiyak.Nalula saya sa emosyon nang inalala niya ang lahat ng taon na kasall siya kay Charlie.Dati, hindi maintindihan ni Claire kung bakit pinilit ng lolo niya na ikasal siya kay Charlie. Mahigpit na sumalungant ang buong pamilya niya sa kasal nila pero ginamit ng lolo niya ang kapangyarihan niya para papayagin siya at mag kompromiso siya.Pero, dahil pilit ang kasal na ito, mali na ang pagkakaintindi ni Claire sa konsepto ng kasal sa simula pa lang.Pagkatapos ikasal kay Charlie, ang kasal na naunawaan niya ay sundin niya lang ang hiling ng kanyang lolo at kumilos nang tapat bilang asawa ni Charlie. Patuloy silang namuhay nang ganito. Hindi mahalaga kung bagay sila sa isa’t isa, o kung gusto ba nila ang isa’t isa.Kaya, sobrang galang nila sa isa’t isa nang napakatagal. Sa totoo lang, kahit na kasal sila, mga estranghero lang sila na nakatira sa iisang bubong.Lalo na noong kakakasal pa lang nila. Naghirap din si Claire at may malaking
Read more

Kabanata 1870

Alam ni Charlie na mahiyaing babae ang asawa niya. Bukod dito, wala siyang masyadong karanasan sa aspeto na ito. Kaya, paano niya matitiis ang pangungulit ni Elaine?Kaya, sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Ma, mahiyaing tao si Claire. Huwag mo na siyang tuksuhin at asarin.”Ngumiti si Elaine bago sinabi, “Claire, kita mo? Palagi kang iniisip ni Charlie at palagi ka niyang inaalagaan!”Pagkatapos niyang magsalita, nag-unat nang kaunti si Claire bago sinabi, “Hindi na ako makikipag-usap sa inyo. Kailangan kong pumunta sa loob at kunan ng litrato ang bracelet ko. Magpahinga na rin kayong dalawa nang maaga!”Habang nagsasalita siya, biglang lumabas si Jacob sa elevator suot ang kanyang bagong Boss suit.Sa sandaling nakita niya silang tatlo, nagmamadali siyang umikot nang ilang beses sa harap ng elevator habang may mapagmalaking hitsura sa kanyang mukha. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabi, “Tingnan mo! May ilang pundasyon pa ako, tama? Sakto talaga ang suit na ito sa akin. Nasa lim
Read more
PREV
1
...
185186187188189
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status