Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1851 - Chapter 1860

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1851 - Chapter 1860

5672 Chapters

Kabanata 1851

Makalipas ang mabilis na panahon, umalis ang eroplano sa Tokyo airport.At pagkatapos lang ng isang oras, handa nang bumaba ang eroplano sa Osaka airport.Sa sandaling bumaba ang eroplano, gaya ng dati, ang mga first-class passenger ang unang bumaba sa eroplano.Dahil hindi nagdala ng kahit anong bagahe si Rosalie at nakaupo siya sa aisle, nakapaglakad siya agad papunta sa pinto ng cabin sa sandaling nakababa ang eroplano.Nakapag-ayos na ang pamilya Schulz ng eroplano at aalis ito sa loob ng kalahating oras. Kaya, sa sandaling bumukas ang pinto ng cabin, lumabas agad si Rosalie at dumiretso sa business terminal. Kailangan niyang sumailalim ulit sa isa pang security check bago siya makapunta sa hangar ng private airplane.Ang airplane workflow para sa mga private airplane at civil aviation ay magkaiba. Kailangang pumunta sa ordinaryong terminal ng mga pasahero ng civil aviation. Sa kabaliktaran, kailangang sumailalim sa mga security check ng mga pasahero ng private airplane o busi
Read more

Kabanata 1852

Pinulot ng captain ang communicator at gumawa ng isang cabin broadcast, “Mr. Wade, nakakuha na kami ng pahintulot mula sa tower officer na luminya sa likod ng eroplano na papunta sa Raventon mula sa hangar no. 12. Aabutin ng apatnapung minuto bago tayo makaalis dahil sa dami ng eroplano na nakapila sa Osaka airport sa ngayon.”Sa sandaling narinig ni Charlie na nakalinya ang eroplano niya sa likod ng pamilya Schulz, agad niyang sinabi kay Isaac, “Tara, pumunta tayo sa cockpit!”Nagmamadaling sumunod si Isaac sa likod ni Charlie habang nagsiksikan sila sa masikip na cockpit.Sa sandaling pumasok si Isaac, tinanong niya ang captain, “Nasaan ang eroplano na papunta sa Raventon?”Tinuro ng captain ang hangar sa tabi nila kung saan kaliliko lang ng isang eroplano. Pagkatapos, sinabi ng captain, “Mr. Cameron, iyon ang eroplano.”Tumango si Isaac. Nang makita niya ang eroplano, na kaliliko lang, na pumunta sa runway, agad niyang sinabi sa captain, “Bilis, sundan mo ito!”Nang walang pag
Read more

Kabanata 1853

Sa sandaling iyon, namutla nang sobra ang lahat ng magagaling na master ng pamilya Schulz!Paalis na ang eroplano at dadalhin na sila sa kaligtasan upang tanggapin ang malaking bayad nila pagdating nila sa kanilang bansa.Katatangap lang din ng papuri ni Rosalie mula kay Sheldon sa cellphone. Sinong nakakaalam na sa sandaling ito, magbabago nang sobra ang lahat!?Mahigit sampung Japanese Self-Defense Force helicopters at tatlumpung armored military vehicle ang nakapalibot sa eroplano ni Rosalie.Ang Self-Defense Force ng Japan ay kilala rin bilang Japanese military. Simula noong natalo ang Japan, hindi na pinayagan ang mga Japanese na magkaroon ng sarili nilang militar ayon sa mga tuntunin at regulasyon. Kaya, gumawa na lang silang isang isang self-defense force.Kahit na ‘Self-Defense Force’ ang tawag dito, puno ng kagamitan ang team, sinanay nang mabuti, at kumikilos ayon sa utos ng militar.Kahit na magagaling na master ang mga assassin, wala silang laban kaharap ang mga baril
Read more

Kabanata 1854

Sa sandaling iyon, nagpatuloy ang broadcast sa loudspeaker, “Galing kami sa Self-Defence Force ng Japan. Inuutusan kayong buksan ang lahat ng pinto ng cabin. Kung hindi, aatake kami nang agresibo!”Sa ngayon, lumabas ang captain sa cockpit at sinabi nang kinakabahan, “Binantaan tayong buksan ang mga pinto ng cabin natin. Kung hindi, aatakihin nila tayo!”Naging magulo ang cabin!Nataranta ang lahat ng tinatawag na magagaling na master at nawala sila sa focus. Tumayo pa nang kinakabahan ang ilan at naglakad pabalik-balik sa loob ng cabin, nag-iisip ng epektibong solusyon para makatakas.Ang mga taong ito ay parang mga ipis na nakulong sa isang bote. Wala silang mapuntahan at takot na takot sila!Kinabahan din si Rosalie.Kung bubuksan niya ang pinto ng cabin, alam niya na ang ibig sabihin nito ay sinuko na nila ang sarili niya.Malaki ang nakuha nilang poot sa mga Japanese sa pagpatay sa pamilya Matsumoto. Kung susuko sila, hindi sila pakakawalan ng Japanese government. Siguradon
Read more

Kabanata 1855

Habang pansamantalang tumigil ang dalawang partido, dumating na ang Japan Homeland Security officer sa Osaka airport gamit ang isang private helicopter. Sumama sa kanya ang Tokyo Metropolitan Police officer.Sa una, nasa ilalim sila ng matinding pressure at gumawa sila ng detalyadong imbestigasyon upang hulihin ang mga mamamatay-tao upang makapagpaliwanag nang mabuti sa kanilang bansa at sa top management.Gayunpaman, sinong nag-aakala na sobrang talas ng mga mamamatay-tao na ito at wala silang iniwang bakas.Nang nagbabalak na ang mga pulis na palawakin ang lugar ng imbestigasyon nila, nakatanggap sila ng isang misteryosong tawag na may impormasyon na nakarating na sa Osaka ang gang na ito at sasakay na sila sa isang eroplano pabalik sa Oskia doon. Nagulantang ang lahat sa Homeland Security ng Japan dahil sa balitang ito.Kung makakatakas ang gang, marahil ay habang buhay nang hindi malulutas ang massacre ng pamilya Matsumoto.Sa sandaling iyon, mawawalan ng dangal ang Japanese M
Read more

Kabanata 1856

“Tama! Sumuko tayo!”“Basta;t mabubuhay tayo, makakalaban pa rin tayo!”Bumuntong hininga si Sheldon sa cellphone at sinabi kay Rosalie, “Rosalie, sumuko kayo. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mag-isip ng paraan upang iligtas kayo…”Medyo lumuwag ang pakiramdam ni Rosalie, pero, nag-aalangan pa rin siya nang kautni. Gayunpaman, tumango siya at sinabi, “Lord Schulz, mag-ingat ka… natatakot ako na hindi na kita mapagsisilbihan…”Nadurog ang puso ni Sheldon habang sumagot, “Maniwala ka sa akin, siguradong maghahanap ako ng paraan para mapalaya kayo!”“Opo, naniniwala ako sa iyo!”Sa sandaling natapos magsalita si Rosalie, ibinaba niya ang tawag at ipinaalam sa flight attendant, “Buksan mo ang cabin door!”Tumango ang flight attendant at binuksan ang apat ng cabin doors tulad ng inutos.“Kayong lahat, ilagay niya ang mga kamay niya sa itaas ng ulo niya at bumaba kayo sa hagdan. Kung may hindi susunod, babarilin ka agad!”Bumuntong hininga si Rosalie at tumayo at sinabi sa
Read more

Kabanata 1857

Pagkatapos arestuhin ang lahat ng assassin ng pamilya Schulz, nilinis ng Self-Defense Force ng Japan ang eksena. Ipinagpatuloy ng airport ang normal na gawain nito.Tatlong bus na may steel protective nets na nakahinang sa mga bintana ang ipinadala, at isa-isang isinakay si Rosalie at ang iba sa bus.May dalawang pares ng posas ang Self-Defense Force para sa bawat isa sa kanila, naka-kadena rin ang mga binti nila upang hindi sila makatakas.Hindi lamang iyon, ngunit magkakahiwalay din ang mga assassin upang isa-isa silang bantayan ng bawat militar.Sa bus, may dalawang upuan na magka helera, isa sa kaliwa at isa sa kanan.Bawat salarin na may posas ay nakaupo sa tabi ng bintana, habang may isang ganap na armadong militar na nakaupo sa bawat salarin upang hindi sila makatakas.Bukod dito, may sampung ganap na armadong militar pa na nakatayo sa corridor sa loob ng bus. Agad nilang babarilin ang kahit anong kilos ng kahit anong salarin.Dumungaw si Rosalie sa bintana na may steel p
Read more

Kabanata 1858

Mabangis siyang tinitigan ni Rosalie.Kahit na hindi niya narinig ang sinabi ni Charlie, madali niyang nakita ang sinasabi ng bibig niya ‘Hey, Ganda!’Bukod dito, sa masaya at sarkastikong hitsura ni charlie, napagtanto ni Rosalie na natalo siya sa lalaking ito.Tinitigan niya siya gamit ang mga galit na mata niya at nagngalit siya sa punto na halos mabasag na ang mga ngipin niya.Habang nagkasalubong ang bus at airplane, ito na ang pinakamalapit na distansya nilang dalawa, at sumenyas si Charlie ng isang pinupugutan na ulo na hand sign sa kanya.Agad nagalit nang sobra si Rosalie dahil dito!Bigla siyang tumayo sa upuan niya bago siya sumigaw nang malakas, “G*go ka! Siguradong papatayin kita gamit ang mga kamay ko!”Mas malakas ang pandinig ni Charlie kaysa sa mga ordinaryong tao. Kaya, naririnig niya nang malinaw ang pagsigaw niya.Sumagot siya habang nakangiti, “Hihintayin kita!”Nakita ni Rosalie ang mga salita na binibigkas niya at kinumpirma nito ang hinala niya na si Ch
Read more

Kabanata 1859

21 years old pa lang si Rosalie sa taong ito at isang taon na mas bata talaga siya kay Sophie.Gayunpaman, sa labing-walong taon simula noong pinanganak siya, hindi alam ni Sheldon ang tungkol sa kanya.Ang totoong ina ni Rosalie, na nagngangalang Yashita Harker, ay ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Harker, isa sa top four martial arts family. Isa siya sa mga bodyguard ni Sheldon matagal na panahon na ang nakalipas.Hindi lang siya maganda, ngunit sobrang galing na babae rin niya at isa siyang elite sa mga bodyguard ng pamilya Schulz dati.Tatlong taon na mas matanda siya kay Sheldon. Noong labing limang taon si Sheldon at kailangan niyang mag-aral sa ibang bansa, kinuha ni Lord Schulz si Yashita mula sa pamilya Harker bilang bodyguard ni Sheldon upang siguraduhin ang kaligtasan niya.Sa taong iyon, labing-walong taon na si Yashita.Simula noong taon na iyon, nanatili siya sa tabi ni Sheldon.Sinamahan niya siya sa hirap at ginhawa—kasama niya siya noong nag-aaral siy
Read more

Kabanata 1860

Naramdaman niya na gusto ng ina niya na piliin niya ang pangalawa.Simula noon, binago ni Yashita ang apelyido ni Rosalie at ginawa itong Schulz at hiniling sa iba na irekomenda siya kay Sheldon.Sa una, ignorante si Sheldon sa pagsilang kay Rosalie. Naramdaman niya lang na magaling ang dalagang ito at may magandang hinaharap siya. Bukod dito, kahawig niya nang sobra si Yashita.Maingat na inilihim ito ni Rosalie kay Sheldon tulad ng sinabi ng kanyang ina. Gayunpaman, natuklasan ng matalas na si Lord Schulz ang mga kakaibang bagay.Nakita niya na iba ang tingin ng dalaga kay Sheldon.Kaya, naalerto siya.Natatakot siya na marahil ay isang espiya si Rosalie na ipinadala ng mga karibal niya. Kaya, kumuha siya ng tao para imbestigahan ang pagkakakilanlan ni Rosalie.Inimbestigahan ang mga pira-pirasong impormasyon, at nalaman nila ang tungkol kay Yashita.Nang pinaghinalaan ni Lord Schulz na maaaring anak ni Sheldon si Rosalie, inutusan niya ang mga tauhan niya na kolektahin ang b
Read more
PREV
1
...
184185186187188
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status