Alam ni Charlie na mahiyaing babae ang asawa niya. Bukod dito, wala siyang masyadong karanasan sa aspeto na ito. Kaya, paano niya matitiis ang pangungulit ni Elaine?Kaya, sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Ma, mahiyaing tao si Claire. Huwag mo na siyang tuksuhin at asarin.”Ngumiti si Elaine bago sinabi, “Claire, kita mo? Palagi kang iniisip ni Charlie at palagi ka niyang inaalagaan!”Pagkatapos niyang magsalita, nag-unat nang kaunti si Claire bago sinabi, “Hindi na ako makikipag-usap sa inyo. Kailangan kong pumunta sa loob at kunan ng litrato ang bracelet ko. Magpahinga na rin kayong dalawa nang maaga!”Habang nagsasalita siya, biglang lumabas si Jacob sa elevator suot ang kanyang bagong Boss suit.Sa sandaling nakita niya silang tatlo, nagmamadali siyang umikot nang ilang beses sa harap ng elevator habang may mapagmalaking hitsura sa kanyang mukha. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabi, “Tingnan mo! May ilang pundasyon pa ako, tama? Sakto talaga ang suit na ito sa akin. Nasa lim
Kung hindi narinig ni Charlie ang usapan ng tita niya at ni Isaac sa daan pauwi, maniniwala talaga si Charlie na taos-pusong sabik ang babaeng ito na nasa kabilang linya.Kaya, nagpanggap din si Charlie na naorpresa siya habang ngumiti siya at sinabi, “Tita! Ikaw ba talaga ito? Bakit bigla mo akong naisipang tawagan?”Ayaw talagang tawagan ni Carmen si Charlie.Sa totoo lang, sa una ay inutusan niya si Isaac na ipaalam kay Charlie na pumunta siya sa Shangri-La para maghapunan bukas.Pero, hinanap siya mismo ni Lord Wade kanina lang para sabihan siya na siya mismo ang tumawag kay Charlie.Sa ganitong paran, magmumukha siyang mas tapat. Dahil, maraming taon nang hindi nagkita sina Carmen at Charlie. Ang pagtawag nang maaga para batiin ang isa’t isa ay katumbas ng pagiging mabait sa isa’t isa nang maaga. Naramdaman ni Lord Wade na mapapakinabangan din ito sa plano nila na pauwiin si Charlie.Kaya, ngumiti si Carmen habang sinabi, “Charlie, napakaraming taon na kitang hindi nakikita.
Sa sumunod na araw, gumising nang maaga si Claire bago siya pumunta sa kumpanya para magtrabaho.Pagkatapos kainin ang almusal na inihanda ni Elaine, buong araw pinag-isipan ni Charlie ang tungkol kay Carmen.Simula noong nahanap siya ni Stephen, kailanman ay hindi direktang nagpakita ang pamilya Wade sa buhay niya.Para naman kay Charlie, gusto niya talaga ang sitwasyon na ito kung saan hindi niya kailangang kausapin ang kahit sino sa pamilya Wade.Pero, kung sisirain ni Carmen ang katahimikan sa pagitan nila ng pamilya Wade, ang ibig sabihin lang ay sinimulan na ng pamilya Wade ang plano nila na subukan siyang pauwiin at hikayatin. Kahit ano pa ito at kahit ano pa ang layunin nila, ayaw nilang patuloy na manatili si Charlie sa Aurous Hill.Kahit na tanggihan niya ang hiling ng tita niya pagatapos nilang magkita ngayong araw, hindi susuko nang gano’n ang pamilya Wade.Mukhang magiging matagal na problema ang pamilya Wade para sa kanya sa hinaharap.***Sa 5:30 pm, sinabi ni Ch
Pumasok si Charlie sa dining area ng Shangri-La.Wala ngang laman ang malaking dining area ng Shangri-La ngayong araw.Karamihan sa watier ay wala rin. Ayon kay Isaac, natatakot siya na magagalit si Carmen at maiinis kung marami siyang iiwan na waiter sa dining area.Naglakad si Charlie sa outer dining area bago siya dumating sa Sky Garden, ang gitna ng dining area. Sa sandaling ito, lahat ng walumpu’t walong banquet table sa banquet hall ng Sky Garden ay tinanggal na at may isang katangi-tangi na Western-style dining table ang natira sa gitna ng hall.Hindi na kailangan pag-isipan ni Charlie na ang tita niya ang taong nag-utos sa kanila na tanggalin ang lahat ng lamesa at upuan.Kaya, hindi niya maiwasang mayamot nang kaunti at mandiri.Kahit na hindi pa nakikilala ni Charlie ang kanyang tita, nandiri talaga siya sa sobra-sobra at grabeng istilo ng tita niya.Sa puntong ito, halos animnapung bilyong dolyar na ang pera ni Charlie sa kanyang bank account, pero walang intensyon si
Nakasunod si Isaac sa tabi ni Carmen habang may napakagalang na kilos.Nang ilang metro pa ang layo ni Charlie sa kanya, ngumiti si Carmen at sinabi, “Oh, Charlie! Napakaraming taon na kitang hindi nakita. Binata ka na ngayon!”Tumingin si Charlie kay Carmen at naalala niya ang ilang memorya noong bata pa siya sa pagtingin sa mukha niya.Kaya, bahagyang tumawa si Charlie bago sinabi, “Malapit na akong maging 27 years old. Hindi na ako binata!”May mabait at mapagmahal na tingin siya sa kanyang mukha habang ngumiti siya at sinabi, “Oh! Kamukhang-kamukha mo ang ama mo! Magkahawig talaga kayo!”Tumango si Charlie baog siya ngumiti at sinabi, “Tita, parang wala ka pa ring pinagbago sa dating kalagayan mo.”Tumawa si Carmen bago sinabi, “Mahigit sampu o dalawampung taon na ang lumipas sa isang kisapmata. Malapit na akong maging limampung taon, kaya paano posible na hindi nagbago ang hitsura ko?”Sa sandaling ito, maingat na hinila na ni Isaac ang upuan sa kabilang dulo ng lamesa para
“Umuwi at bumisita?”Hindi maiwasang tumawa ni Charlie nang marinig niya ang mga sinabi ni Carmen.Nang makita ni Carmen ang pekeng tawa sa kanyang mukha, sinabi niya, “Charlie, sobrang bata mo noong umalis ka sa bahay, kaya oras na para umuwi ka ngayon. Hindi ka na bata. Napakaraming taon ka nang hindi umuuwi, kaya oras na para bumalik ka at bumisita.”Tumango si Charlie sa pagsang-ayon habang sinabi, “Tama ka. Dahil napakatagal ko nang umalis, dapat maglaan ako ng oras para bumalik at bumisita.”Habang nagsasalita siya, ngumiti siya bago sinabi, “Kung gano’n, mag-aayos ako ng oras sa mga susunod na panahon. Babalik ako at bibisita kung may oras ako.”Mukhang pumayag na si Charlie sa alok ni Carmen, pero sa totoo lang, nagpapatagal lang siya ng oras.Kung sasabihin niya na maglalaan siya ng oras para bumisita makalipas ang ilang panahon, pra bang sinabi niya na malayo at matagal pa ito. Kahit ano pa, gusto niya lang na tapusin na ang lahat ngayong araw.Alam ni Carmen ang binab
Habang nagsasalita siya, itinaas ni Carmen ang isa niyang daliri bago niya sinabi nang mayabang, “Una sa lahat, patungkol sa Emgrand Group, kapag dumating ang oras, pwede mong sabihan si Doris na patuloy kang tulungan na pamahalaan ang kumpanya. Inimbestigahan na namin ang background ni Doris at medyo magaling na tao siya. Sa mga nagdaang panahon, lumaki at umunlad ang Emgrand Group sa pamamahala niya. Kaya, makasisiguro na hayaan siyang pamahalaan ang grupo.”Pagkatapos nito, itinaas ni Carmen ang isa pang daliri bago sinabi, “Pangalawa, kailangan mong humiwalay sa asawa mo, kay Claire, at sa pamilya niya. Inimbestigahan na rin namin ang kasalukuyang sitwasyon at ang background ng pamilya Wilson. Sa totoo lang, walang halaga ang ganitong pamilya sa pamilya WAde. Hindi karapat-dapat ang pamilya Wailson sa kahit ano. Kaya, paano sila magiging kamag-anak ng pamilya Wade?”May nandidiring hitsura si Carmen sa kanyang mukha sa sandaling ito habang sinabi, “Kaya, pinapayuhan kita na i-div
Hinding-hindi inaasahan ni Carmen na mangangahas si Charlie na kausapin siya nang ganito!Bukod dito, nang marinig niyang sinabi niya na nararapat na manahin niya ang isang quarter ng asset ng pamilya Wade, nagalit siya agad!Kaya, mahigpit niyang sinigaw, “G*go! Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo! Mamanahin mo ang isang quarter ng asset ng pamilya Wade?! Sino ka ba sa tingin mo?!”Sinabi ni Charlie sa malamig na boses, “Ako si Charlie Wade, at si Curtis Wade ang ama ko!”Sagot ni Carmen, “Maraming taon nang patay ang ama mo, at saka, sa tingin mo ba ay nararapat kang manahin ang mga asset ng pamilya Wade? Managinip ka! Hindi ka nararapat ni singko!”Tumingin si Charlie kay Carmen at tumawa siya nang malamig. “Para sa kung paano ipinaglaban ng ama ko ang pamilya Wade dati, dapat siya pa ang naging patriarch ng pamilya! Ikaw naman, wala kang karapatan na makisawsaw dito. Ayon sa tuntunin ng mga malalaking pamilya, wala nang kinalaman ang isang kasal na anak na babae sa pam
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl