“Umuwi at bumisita?”Hindi maiwasang tumawa ni Charlie nang marinig niya ang mga sinabi ni Carmen.Nang makita ni Carmen ang pekeng tawa sa kanyang mukha, sinabi niya, “Charlie, sobrang bata mo noong umalis ka sa bahay, kaya oras na para umuwi ka ngayon. Hindi ka na bata. Napakaraming taon ka nang hindi umuuwi, kaya oras na para bumalik ka at bumisita.”Tumango si Charlie sa pagsang-ayon habang sinabi, “Tama ka. Dahil napakatagal ko nang umalis, dapat maglaan ako ng oras para bumalik at bumisita.”Habang nagsasalita siya, ngumiti siya bago sinabi, “Kung gano’n, mag-aayos ako ng oras sa mga susunod na panahon. Babalik ako at bibisita kung may oras ako.”Mukhang pumayag na si Charlie sa alok ni Carmen, pero sa totoo lang, nagpapatagal lang siya ng oras.Kung sasabihin niya na maglalaan siya ng oras para bumisita makalipas ang ilang panahon, pra bang sinabi niya na malayo at matagal pa ito. Kahit ano pa, gusto niya lang na tapusin na ang lahat ngayong araw.Alam ni Carmen ang binab
Habang nagsasalita siya, itinaas ni Carmen ang isa niyang daliri bago niya sinabi nang mayabang, “Una sa lahat, patungkol sa Emgrand Group, kapag dumating ang oras, pwede mong sabihan si Doris na patuloy kang tulungan na pamahalaan ang kumpanya. Inimbestigahan na namin ang background ni Doris at medyo magaling na tao siya. Sa mga nagdaang panahon, lumaki at umunlad ang Emgrand Group sa pamamahala niya. Kaya, makasisiguro na hayaan siyang pamahalaan ang grupo.”Pagkatapos nito, itinaas ni Carmen ang isa pang daliri bago sinabi, “Pangalawa, kailangan mong humiwalay sa asawa mo, kay Claire, at sa pamilya niya. Inimbestigahan na rin namin ang kasalukuyang sitwasyon at ang background ng pamilya Wilson. Sa totoo lang, walang halaga ang ganitong pamilya sa pamilya WAde. Hindi karapat-dapat ang pamilya Wailson sa kahit ano. Kaya, paano sila magiging kamag-anak ng pamilya Wade?”May nandidiring hitsura si Carmen sa kanyang mukha sa sandaling ito habang sinabi, “Kaya, pinapayuhan kita na i-div
Hinding-hindi inaasahan ni Carmen na mangangahas si Charlie na kausapin siya nang ganito!Bukod dito, nang marinig niyang sinabi niya na nararapat na manahin niya ang isang quarter ng asset ng pamilya Wade, nagalit siya agad!Kaya, mahigpit niyang sinigaw, “G*go! Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo! Mamanahin mo ang isang quarter ng asset ng pamilya Wade?! Sino ka ba sa tingin mo?!”Sinabi ni Charlie sa malamig na boses, “Ako si Charlie Wade, at si Curtis Wade ang ama ko!”Sagot ni Carmen, “Maraming taon nang patay ang ama mo, at saka, sa tingin mo ba ay nararapat kang manahin ang mga asset ng pamilya Wade? Managinip ka! Hindi ka nararapat ni singko!”Tumingin si Charlie kay Carmen at tumawa siya nang malamig. “Para sa kung paano ipinaglaban ng ama ko ang pamilya Wade dati, dapat siya pa ang naging patriarch ng pamilya! Ikaw naman, wala kang karapatan na makisawsaw dito. Ayon sa tuntunin ng mga malalaking pamilya, wala nang kinalaman ang isang kasal na anak na babae sa pam
Inakala ni Carmen na tagumpay na pinasuko ng banta niya si Charlie. Kaya, agad siyang ngumisi, “Una, idivorce mo ang asawa mo na hindi mahalaga ang pinagmulan. Pagkatapos, bumalik ka sa pamilya Wade sa utos ng lolo mo. Ngayon, napag-isa na ni Yule Golding ang pamilya Golding, at siya na ang may ganap na kontrol sa buong pamilya Golding. Engage kayo ng anak niya. Kung pakakasalan mo ang anak niya, malaking tulong ito sa pamilya Wade.”Pagkatapos, dinagdag niya, “Kung hindi, pwede mo ring subukan na ligawan ang pinakamatandang apong babae ng pamilya Schulz, ang anak na babae ni Sheldon. Pinapaburan siya ng pamilya, bukod dito, isa sa mga manliligaw ng ama mo ang ina niya. Marahil ay mahalin ka niya tulad ng kung paano niya minahal ang ama mo, kaya marahil ay payagan niya ang anak niya na ikasal sa iyo, at mas malaking tulong ito sa pamilya Wade!”“Kaya, pagkatapos mong idivorce ang asawa mo, subukan mo munang ligawan ang babaeng Schulz. Kung magiging kayo, pakasalan mo siya. Kung hindi
Nang makitang umalis si Charlie nang walang pag-aatubili, sinigaw ni Carmen sa galit, “Charlie! Hindi pa kita tapos kausapin, ang lakas ng loob mong umalis ngayon! Tita mo ako! Pagbabayaran mong bastusin ako!”Hindi siya pinansin ni Charlie.Sa opinyong niya, ang tita niya ay isang spoiled, at tangang babae lang na lumaki nang maluwag at mayaman. Palagi siyang mayabang at hambog, inuutusan palagi ang mga tao sa paligid niya. Kahit na nandito siya para sa opisyal na utos ni Lord Wade, ang iniisip niya lang ay ang reputasyon niya. Hindi magiging mahalaga ang ganitong tao kahit sa pamilya Wade.Kaya, walang rason na makita si Charlie para sayangin ang oras niya sa kanya.Pagkatapos lumabas ng pinto, agad siyang umalis sa Sky Garden. Nagmamadaling umabante si Isaac at sinabi nang kinakabahan, “Mr. Charlie, bakit mo ito ginagawa sa sarili mo? Wala itong maitutulong sayo kung magrereklamo si Miss Carmen kay Lord Wade!”“Ano naman?” Umingit si Charlie, “Kahit na miyembro siya ng pamilya
Nakakalat ang steak at ang mga kubyertos sa sahig dahil tinapon ni Carmen ang mga ito mula sa lamesa.Dahil maraming basag na baso sa sahig, natatakot ang babaeng foreman ng Sky Garden na masaktan ni Carmen ang sarili niya, kaya nagmamadali niyang inutusan ang dalawang waitress na linisin ang kalat.Dahil mainit pa ang ulo ni Carmen, nainis siya nang makita niyang lumalapit ang foreman kasama ang dalawang waitress, kaya sinunggaban niya ang isang waitress at sinampal siya sa mukha habang pinapagalitan, “Pinapunta ba kita? Tinawag ba kita?”Umiiyak ang babae at nagmamakaawa habang sinasampal siya nang ilang beses, “Patawad, Miss Carmen, patawarin mo sana ako. Natatakot ako na mahihiwa mo ang sarili mo, kaya nandito ako para linisin ang mga basag na baso…”Mas lalong nagalit si Carmen, at nilakasan niya ang sampal sa babae habang sinigaw, “G*go! Pumunta ka lang kapag pinapapunta kita! Huwag kang magpapakita sa akin kung hindi kita tinawag!”Nagmamadaling umabante ang foreman at nagm
Sa sandaling umalis si Carmen, nagmamadaling tinanong ni Isaac ang tatlong empleyado, “Anong nangyari?!”Humikib si Lizzy, “Mr. Cameron, nagalit si Miss Carmen at binaligtad niya ang lamesa, kaya dinala kami ni Nancy para linisin ang kalat, pero bigla kaming sinampal ni Miss Carmen at sinipa niya pa si Nancy sa tiyan. Buntis si Nancy! Gusto kong tawagan ang ambulansya, pero sinira ni Miss Carmen ang cellphone ko…”Sinabi ni Nancy, na nakaupo nang nasasaktan sa sahig, “Mr. Cameron, kasalanan ko ang lahat. Huwag mo sana silang parusahan, ako lang ang parusahan mo!”Bumuntong hininga si Isaac at sinabi, “Hindi, ako ang dapat sisihin dito. Hindi ko kayo naipagtanggol. Magtatawag agad ako ng tao para ipadala kayong lahat sa hospital, at bibigyan ko kayo ng isang buwan na bakasyon at dalawang daang libong dolyar bilang kabayaran sa mga sugat niyo.”Pagkatapos, tumingin siya kay Nancy na nakaupo sa sahig at sinabi nang seryoso, “Nancy, tatawagan ko ang pinakamagaling na gynecologist sa Au
“Hindi maganda iyon!” Sinabi nang makulit ni Elaine, “Ang mga berdeng sombrero na iyon ang sukdulang sandata ko laban sa pamilya Wilson. Gusto kong maalala nila araw-araw na nabuntis si Hannah ng ibang lalaki!”Biglang may naisip si Elaine. Tumawa siya a tsinabi, “Isasabit ko ang mga lantern na ito katabi ng mga berdeng sombrero maya-maya. Kapag binuksan ang mga lantern, magpapares sila ng mga berdeng sombrero. Magiging kapansin-pansin ito! Siguradong magagalit ang pamilya Wilson dito!”Pinayuhan siya ni Claire, “Ma, New Year na. Patawarin na natin ang iba!”Sinumbat ni Elaine, “Huwag mo akong payuhan. Walang saysay ang payo mo sa akin. Hindi mo ba alam na ang lola mo ang bumali sa binti ko? At nawala rin ang dalawang ngipin ko sa harap dahil sa kanya?! Hinding-hindi ko siya pagbibigyan sa bagay na ito!”Nang makita ang disididong hitsura ng kanyang ina, naramdaman ni Claire na wala siyang magagawa dito.Imposibleng baguhan ang desisyon ng kanyang ina.Pagkatapos itong sabihin, d
Alam niya na ang ibig sabihin pagsabog ngayong araw pagkatapos paganahin ni Mr. Chardon ang pineal gland niya ay patay na sila ngayon ni Charlie. Ipineperesenta nito ang perpektong pagkakataon para maglaho siya nang walang bakas. Sa puntong ito, wala na siyang hangarin na bumalik sa Qing Eliminating Society o patuloy na pagsilbihan ang British Lord. Sa mga mata niya, masyadong nakakatakot ang taong ito, at ang pananatili sa tabi niya ay hahantong sa resulta na hindi mas malala sa kapalaran ni Mr. Chardon.Sa halip nito, inisip niya na mas mabuti na samantalahin ang pagkakataon na ito na maglaho sa mundo. Pagkatapos gumaling sa mga injury niya, maghahanap siya ng isang angkop na lugar para tumira sa seklusyon at sulitin ang natitirang dalawang taon ng buhay niya. Para sa kanya, mas mabuti na mabuhay nang malaya ng dalawang taon kaysa mabuhay ng dalawang daang taon pa kasama ang British Lord.Nang maisip ito, tiniis niya ang matinding sakit at patuloy na gumapang nang nahihirapan papun
Agad umugong sa buong Aurous Hill ang matindi at nakabibinging pagsabog, ginising pa ang buong siyudad mula sa pagtulog nito sa gabi. Nawasak makapal na halamanan sa lambak kung saan nangyari ang pagsabog, gumawa ito ng isang bilog na blangkong espasyo na may radyus na ilang daang metro.Naglaho nang walang bakas si Mr. Chardon, naging hangin ang buong katauhan niya, walang iniwan na mga labi.Ang ideya na ‘mabubuhay ang kaluluwa sa kabila ng pagkamatay ng pisikal na katawan’ ay isa lang panloloko. Isa itong walang laman na pangako na binigay niya sa kanila, niloko sila na isakripisyo nang mapagbigay ang sarili nila.Napagtanto lang ni Mr. Chardon sa sandali ng pagkamatay niya na ang formation na iniwan ng British Lord sa loob ng pineal gland nila, tatlumpung taon na ang nakalipas, ay hindi para iligtas ang parte ng kaluluwa nila. Sa halip, isa itong napakalakas na self-destructive formation. Sa kritikal na sandali ng kamatayan, ang pinaniniwalaan nila na isang pag-asa para mabuhay
Si Ruby, na nakatago sa dilim, ay walang napansin na kakaiba. Nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Chardon kanina lang, alam niya na napagana na niya ng pineal gland niya, at agad siyang huminga nang maluwag.Kahit na hindi sila nagkakasundo ni Mr. Chardon, naramdaman niya sa pagkamatay ni Mr. Jothurn na magkakaugnay sila. Ngayong ginamit na ni Mr. Chardon ang pineal gland niya, maituturing na nakatakas na siya sa kapit ng kamatayan!Sa sandaling ito, mas lalong naging mabangis ang ekspresyon ni Mr. Chardon nang napakabilis. Inabot lang ng isa o dalawang segundo para mapagana ang pineal gland niya, at nakaramdam siya ng isang napakainit at hindi maikukumparang apoy na nagliyab sa utak niya. Ang apoy na ito, na parang isang pagsabog ng bituin, ay mabilis na lumaki at lumakas! Tumataas din ang pressure sa pineal gland niya!Pakiramdam niya na tila ba isang malaking bundok ang puwersahan na siniksik sa utak niya! Ang matinding sakit na ito ay maikukumpara sa labing-walong patong ng impy
Pero, tatlumpung taon na ang lumipas, at wala sa apat na great earl ang gumamit talaga ng formation sa loob ng pineal gland nila. Ito ay dahil sa nakaraang tatlumpung taon, wala silang nakatagpo na kahit anong nakamamatay na krisis.Kahit na may nakamamatay na krisis si Mr. Jothurn sa Cyprus, kakaiba ang sitwasyon na ito. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tatlong close-defense missile na umatake sa kanya, at masyadong brutal ang paraan ng pag-atake nila. Isang iglap lang ang lumipas simula nang maramdaman niya ang panganib hanggang sa kamatayan niya. Wala man lang siyang oras para isipin ang pineal gland na binuksan ng British Lord para sa kanila, tatlumpung taon na ang nakalipas.Bukod dito, walang saysay kahit na naalala niya ito dahil wala siyang oras para buksan ang formation sa loob ng pineal gland.May perpektong pagkakataon si Mr. Chardon ngayon. Nang maisip ito, tumingin si Mr. Chardon kay Charlie, humagikgik nang mapait, at palihim na ginamit ang teknik para paganahin ang p
Ang pineal gland ay ang maituturing na tirahan ng Nine True Paths sa cultivation. Sinasabi ng iba na kaakma ito ng pineal gland sa anatomiya ng tao, kayang maglabas ng iba’t ibang hormone na may kaunti at mahiwagang epekto sa katawan. Pero, sa pagtanda, unti-unting humihina ang kakayahan nito at halos magiging pandekorasyon na lang ito.Para sa mga cultivator, ang pagbubukas ng pineal gland ay ipinapahiwatig ang pagbubukas ng isang bagong mundo. Ang pagbubukas ng pineal gland ay ang paggamit ng Reiki para buksan ang pineal gland na matatagpuan sa gitna ng utak.Ang pineal gland ay kilala rin bilang upper elixir field. Karaniwan, madaling buksan ang lower elixir field, at hindi mahirap na buksan ang walong meridian. Pero, ang mga napakagaling na cultivator lang ang kayang buksan ang upper elixir field nila.Para sa mga cultivator, ang lokasyon na ito ay ang supreme realm ng Nine True Paths, kung saan nagmula ang kamalayan ng tao. Kung mabubuksan ng isang tao ang pineal gland at mag-c
Pero, hindi sinusunod ng kasakiman ng tao ang ganitong patakaran. Sa realidad, kapag mas bata ang isang tao, mas hindi nila kinatatakutan ang kamatayan. Maraming kabataan na nasa labinlima o labing-anim ang may lakas ng loob na harapin ang kamatayan kapag kalaban ang iba. Sa kabaliktaran, kapag mas tumatanda ang isang tao, madalas na mas natatakot sila sa kamatayan.Kahit ang isang tao tulad ni Mr. Chardon, na isang cultivator, ay hindi ligtas mula sa pangkalahatan na ito. Sa totoo lang, mas natatakot siya sa kamatayan kaysa sa karamihan.Nang makita ni Mr. Chardon na hindi nagpapakita ng awa si Charlie sa kanya, umiyak siya at sinabi, “Charlie, dati, kumikilos din ako dahil inutusan ako. Binigyan ako ng utos ng British Lord na hindi ko matanggihan! Kung gusto mong ipaghiganti ang mga magulang mo, ang British Lord dapat ang atakihin mo at hindi isang mababang tauhan na tulad ko…”Sinabi nang sarkastiko ni Charlie, “Oh? Binebenta mo ngayon ang boss mo para sa sarili mong interes? Ah,
Sa sandaling ito, si Ruby, na nakatago sa dilim, ay natulala nang tuluyan! Hindi niya inaasahan na ang malakas na lalaki na nakaitim sa harap niya ay ang anak na lalaki ni Curtis!Samantala, hindi alam ni Charlie na may nakatagong cultivator pa rin sa dilim na sampung talampakan ang layo. Nakay Mr. Chardon lang ang atensyon niya, na nasa harap niya. Kahit nakita niya ang miserable at takot na hitsura ni Mr. Chardon, hindi nakaramdam si Charlie ng simpatya para sa kanya.Tumingin siya kay Mr. Chardon at sinigaw ulit, “Halika, kidlat at kulog!”Isang nakabibinging pagsabog ang umalingawngaw habang isa pang kidlat ang bumaba mula sa langit! Ngayon, direktang tumama ang kidlat sa kanang kamay ni Mr. Chardon, ginawa itong uling!Sa nakaraang ilang kidlat, sadyang kinontrol ni Charlie ang lakas nito para paglaruan si Mr. Chardon. Pero, ngayon, sadya itong nilakas ni Charlie, direktang binaldado ang kanang kamay ni Mr. Chardon.Nakaramdam si Mr. Chardon ng matinding hapdi ng pagkasunog s
Dalawang malapit na pagsabog lang ang narinig, at ang dalawang dulo ng ispada ay ginawang abo ng mga kamao ni Charlie!Si Mr. Chardon, na may isang pares lang ng panloob na nagbabalot sa buong katawan niya, ay sampung talampakan pa lang ang nararating. Sa una, ginamit niya ang kanyang ispada para tumakas nang balisa nang hindi lumilingon para iligtas ang buhay niya.Pero, pagkatapos marinig ang dalawang pagsabog, isang biglaang bugso ng pananabik ang dumaan sa puso niya!Malinaw na iba ang dalawang pagsabog na ito kanina nang tumama ang atake ng ispada sa mga soul blade. Ang tunog ng dalawang pagsabog na ito ay parang resulta ng pagtama ng ispada sa katawan ng target!‘Maaari ba… Maaari ba na hindi naiwasan ni Charlie ang palihim na atake ko?!’ Biglang natuwa nang sobra si Mr. Chardon nang maisip ito.Lumingon siya agad-agad, gustong makita kung nasugatan ba si Charlie ng dalawang ispada niya. Kung gano’n, masasamantala niya ito at marahil ay makuha pa ang ulo ni Charlie! Pero, sa
Bukod dito, alam ni Mr. Chardon na ang nag-iisang mahiwagang teknik na kaya niyang gamitin sa malayo ay ang atake ng ispada mula sa kahoy na ispada ng British Lord. Sa kabaliktaran, ang mga teknik ni Charlie ay mayroong invisible na atake ng ispada katulad ng kanya, at ang banal na kidlat na bumababa sa langit.Hindi kayang saktan ng kahoy na ispada ni Mr. Chardon si Charlie, at wala siyang matataguan mula sa banal na kidlat. Kaya, kung magpapatuloy ito, siguradong manghihina siya kay Charlie. Ang solusyon lang para sa kanya ay makipaglaban nang malapitan sa kanya!Nang maisip ito, nagngalit si Mr. Chardon at sinigaw nang malamig, “Bata, ngayong araw, ikaw o ako—isa lang sa atin ang mabubuhay!”Pagkatapos itong sabihin, nilagyan niya ng Reiki ang mga binti niya at ginamit ang teknik ng teleportation na itinuro sa kanya ng British Lord habang sumugod siya nang nakakakilabot kay Charlie, na parang isang space jump.Ang pinakamalaking kalamangan ng teknik na ito ay ang mailap na direk