Nang makitang umalis si Charlie nang walang pag-aatubili, sinigaw ni Carmen sa galit, “Charlie! Hindi pa kita tapos kausapin, ang lakas ng loob mong umalis ngayon! Tita mo ako! Pagbabayaran mong bastusin ako!”Hindi siya pinansin ni Charlie.Sa opinyong niya, ang tita niya ay isang spoiled, at tangang babae lang na lumaki nang maluwag at mayaman. Palagi siyang mayabang at hambog, inuutusan palagi ang mga tao sa paligid niya. Kahit na nandito siya para sa opisyal na utos ni Lord Wade, ang iniisip niya lang ay ang reputasyon niya. Hindi magiging mahalaga ang ganitong tao kahit sa pamilya Wade.Kaya, walang rason na makita si Charlie para sayangin ang oras niya sa kanya.Pagkatapos lumabas ng pinto, agad siyang umalis sa Sky Garden. Nagmamadaling umabante si Isaac at sinabi nang kinakabahan, “Mr. Charlie, bakit mo ito ginagawa sa sarili mo? Wala itong maitutulong sayo kung magrereklamo si Miss Carmen kay Lord Wade!”“Ano naman?” Umingit si Charlie, “Kahit na miyembro siya ng pamilya
Nakakalat ang steak at ang mga kubyertos sa sahig dahil tinapon ni Carmen ang mga ito mula sa lamesa.Dahil maraming basag na baso sa sahig, natatakot ang babaeng foreman ng Sky Garden na masaktan ni Carmen ang sarili niya, kaya nagmamadali niyang inutusan ang dalawang waitress na linisin ang kalat.Dahil mainit pa ang ulo ni Carmen, nainis siya nang makita niyang lumalapit ang foreman kasama ang dalawang waitress, kaya sinunggaban niya ang isang waitress at sinampal siya sa mukha habang pinapagalitan, “Pinapunta ba kita? Tinawag ba kita?”Umiiyak ang babae at nagmamakaawa habang sinasampal siya nang ilang beses, “Patawad, Miss Carmen, patawarin mo sana ako. Natatakot ako na mahihiwa mo ang sarili mo, kaya nandito ako para linisin ang mga basag na baso…”Mas lalong nagalit si Carmen, at nilakasan niya ang sampal sa babae habang sinigaw, “G*go! Pumunta ka lang kapag pinapapunta kita! Huwag kang magpapakita sa akin kung hindi kita tinawag!”Nagmamadaling umabante ang foreman at nagm
Sa sandaling umalis si Carmen, nagmamadaling tinanong ni Isaac ang tatlong empleyado, “Anong nangyari?!”Humikib si Lizzy, “Mr. Cameron, nagalit si Miss Carmen at binaligtad niya ang lamesa, kaya dinala kami ni Nancy para linisin ang kalat, pero bigla kaming sinampal ni Miss Carmen at sinipa niya pa si Nancy sa tiyan. Buntis si Nancy! Gusto kong tawagan ang ambulansya, pero sinira ni Miss Carmen ang cellphone ko…”Sinabi ni Nancy, na nakaupo nang nasasaktan sa sahig, “Mr. Cameron, kasalanan ko ang lahat. Huwag mo sana silang parusahan, ako lang ang parusahan mo!”Bumuntong hininga si Isaac at sinabi, “Hindi, ako ang dapat sisihin dito. Hindi ko kayo naipagtanggol. Magtatawag agad ako ng tao para ipadala kayong lahat sa hospital, at bibigyan ko kayo ng isang buwan na bakasyon at dalawang daang libong dolyar bilang kabayaran sa mga sugat niyo.”Pagkatapos, tumingin siya kay Nancy na nakaupo sa sahig at sinabi nang seryoso, “Nancy, tatawagan ko ang pinakamagaling na gynecologist sa Au
“Hindi maganda iyon!” Sinabi nang makulit ni Elaine, “Ang mga berdeng sombrero na iyon ang sukdulang sandata ko laban sa pamilya Wilson. Gusto kong maalala nila araw-araw na nabuntis si Hannah ng ibang lalaki!”Biglang may naisip si Elaine. Tumawa siya a tsinabi, “Isasabit ko ang mga lantern na ito katabi ng mga berdeng sombrero maya-maya. Kapag binuksan ang mga lantern, magpapares sila ng mga berdeng sombrero. Magiging kapansin-pansin ito! Siguradong magagalit ang pamilya Wilson dito!”Pinayuhan siya ni Claire, “Ma, New Year na. Patawarin na natin ang iba!”Sinumbat ni Elaine, “Huwag mo akong payuhan. Walang saysay ang payo mo sa akin. Hindi mo ba alam na ang lola mo ang bumali sa binti ko? At nawala rin ang dalawang ngipin ko sa harap dahil sa kanya?! Hinding-hindi ko siya pagbibigyan sa bagay na ito!”Nang makita ang disididong hitsura ng kanyang ina, naramdaman ni Claire na wala siyang magagawa dito.Imposibleng baguhan ang desisyon ng kanyang ina.Pagkatapos itong sabihin, d
Nang sinabihan ni Lady Wilson si Hannah na linisin nang mabuti ang lahat ng bintana sa villa, naramdaman ni Hannah na tila ba babagsak na siya.Hindi na siya nakatiis, at sumagot siya, “Ma! Sobrang laki ng villa na ito at maraming kwarto at bintana dito. Kahit na magsimula akong maglinis ngayon, hindi ko ito matatapos kahit na matapos ang unang buwan ng taon!”Ngumisi si Lady Wilson at sinabi, “Balak mong patagalin ito ng isang buwan?! Sinasabi ko sayo! Kung hindi mo malilinis ang lahat ng bintana sa bahay na ito bago ang bisperas ng bagong taon, palalayasin kita sa bahay para kainin ang reunion dinner mo!”Nang marinig ito, nagalit nang sobra si Hannah!Kung hindi dahil kila Christopher, Harold, at Wendy, hindi siya mag-aalangan na sumugod, itulak ang matandang babae sa sahig, umupo sa kanyang tiyan, at suntukin siya sa mukha.Sayang lang at wala siyang pagkakataon na gawin ito.Walang nagawa si Hannah. Kahit na sobrang sama ng loob niya, nilunok niya na lang ang galit niya at s
Pambihira ang mga abilidad ni Charlie. Kung nasa bahay siya, para bang kaharap nila ang kamatayan kung pupunta sila doon.Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ma! Hindi ko siya haharapin ngayong araw, pero kahit ano pa, hindi natin pwedeng hayaan si Elaine na isabit ang mga berdeng sombrero na iyon para sa Bagong Taon!”Sinabi nang mapanghamak ni Lady Wilson, “Kung gusto niya itong isabit, hayaan mo siya! Para sa atin, ano ang dangal? Mas mahalaga ang pera!”Galit na sinabi ni Christopher, “Kahit ano pa, hindi pwede na palagi kong tiisin ang p*ta na Elaine na iyon, tama? Kailan ito titigil?!”Habang may madilim na hitsura, sinabi ni Harold, “Pa! Hindi ba’t palagi mong sinasabi na gusto mong gumawa ng gulo para kay Elaine? Kung gusto natin itong gawin, gawin natin ito sa lalong madaling panahon! Turuan natin siya ng leksyon bago mag Bagong taon at hayaan nating magkaroon ng masamang taon si Charlie at ang pamilya niya. Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng magandang paliwan
Kinabukasan nang umaga, maagang umalis sina Claire at Elaine sa bahay para gawin ang sari-sarili nilang gawain.Sarado ang studio ni Claire ayon sa legislated holiday ng bansa. Sarado ang studio mula Bisperas ng Bagong taon hanggang sa ika anim na araw ng Oskian New Year, pitong araw na pahinga.Para naman kay Jacob, interest group lang ang calligraphy and painting association. Kaya, walang sinusundan na national legislation holiday ang association, at ang pagbisita ay nakaayon lang sa kalooban ng lahat.Karamihan sa mga araw, nagtatalo lang sina Jacob at Elaine sa bahay. Kaya, mas gusto niyang igugol ang kanyang unang araw ng Oskian New Year sa calligraphy and painting association.Si Elaine naman, ay walang masyadong social circle na aaliwin niya. Kaya, karaniwan ay mag-isa siyang naghahanda ng mga sangkap ng pagkain para sa reunion dinner sa bahay.Para naman kay Charlie, pagkatapos niyang gumising nang maaga, susuriin niya ang operation report ng Apothecary Pharmaceutical na i
Tumango si Charlie at sinabi, “Okay, Ma. Gawin mo muna ang mga gagawin mo.”Sumagot si Elaine habang nakangiti, “Mabuti! Lalabas na si Mama ngayon. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako!”“Okay.”Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Dahil, matanda na si Elaine, at normal lang na lumabas siya.***Sa sandaling iyon, nasa balkonahe si Christopher sa kwarto niya, maingat na pinagmamasdan ang pinto sa bahay ni Charlie.Nang makita niyang nagmamadaling lumabas si Elaine, isang masamang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.Pagkatapos, mabilis siyang bumaba at sinabi, “Harold, lumabas na si Elaine! Handa na ba ang mga kaibigan mo?”Tumawa si Harold at sumagot, “Pa, huwag kang mag-alala. Handa na ako. Hindi makakauwi si Elaine ngayon!”Sinabi ni Christopher, “Tara dito. Suriin natin ang buong plano at tingnan natin kung may hindi tayo naisamang detalye!”Lumapit din sina Wendy at Lady Wilson, puno ng pag-asa mga mukha nila.Sinabi nang buong pagmamalaki ni Harold, “Una s
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka