Nang sinabihan ni Lady Wilson si Hannah na linisin nang mabuti ang lahat ng bintana sa villa, naramdaman ni Hannah na tila ba babagsak na siya.Hindi na siya nakatiis, at sumagot siya, “Ma! Sobrang laki ng villa na ito at maraming kwarto at bintana dito. Kahit na magsimula akong maglinis ngayon, hindi ko ito matatapos kahit na matapos ang unang buwan ng taon!”Ngumisi si Lady Wilson at sinabi, “Balak mong patagalin ito ng isang buwan?! Sinasabi ko sayo! Kung hindi mo malilinis ang lahat ng bintana sa bahay na ito bago ang bisperas ng bagong taon, palalayasin kita sa bahay para kainin ang reunion dinner mo!”Nang marinig ito, nagalit nang sobra si Hannah!Kung hindi dahil kila Christopher, Harold, at Wendy, hindi siya mag-aalangan na sumugod, itulak ang matandang babae sa sahig, umupo sa kanyang tiyan, at suntukin siya sa mukha.Sayang lang at wala siyang pagkakataon na gawin ito.Walang nagawa si Hannah. Kahit na sobrang sama ng loob niya, nilunok niya na lang ang galit niya at s
Pambihira ang mga abilidad ni Charlie. Kung nasa bahay siya, para bang kaharap nila ang kamatayan kung pupunta sila doon.Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ma! Hindi ko siya haharapin ngayong araw, pero kahit ano pa, hindi natin pwedeng hayaan si Elaine na isabit ang mga berdeng sombrero na iyon para sa Bagong Taon!”Sinabi nang mapanghamak ni Lady Wilson, “Kung gusto niya itong isabit, hayaan mo siya! Para sa atin, ano ang dangal? Mas mahalaga ang pera!”Galit na sinabi ni Christopher, “Kahit ano pa, hindi pwede na palagi kong tiisin ang p*ta na Elaine na iyon, tama? Kailan ito titigil?!”Habang may madilim na hitsura, sinabi ni Harold, “Pa! Hindi ba’t palagi mong sinasabi na gusto mong gumawa ng gulo para kay Elaine? Kung gusto natin itong gawin, gawin natin ito sa lalong madaling panahon! Turuan natin siya ng leksyon bago mag Bagong taon at hayaan nating magkaroon ng masamang taon si Charlie at ang pamilya niya. Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng magandang paliwan
Kinabukasan nang umaga, maagang umalis sina Claire at Elaine sa bahay para gawin ang sari-sarili nilang gawain.Sarado ang studio ni Claire ayon sa legislated holiday ng bansa. Sarado ang studio mula Bisperas ng Bagong taon hanggang sa ika anim na araw ng Oskian New Year, pitong araw na pahinga.Para naman kay Jacob, interest group lang ang calligraphy and painting association. Kaya, walang sinusundan na national legislation holiday ang association, at ang pagbisita ay nakaayon lang sa kalooban ng lahat.Karamihan sa mga araw, nagtatalo lang sina Jacob at Elaine sa bahay. Kaya, mas gusto niyang igugol ang kanyang unang araw ng Oskian New Year sa calligraphy and painting association.Si Elaine naman, ay walang masyadong social circle na aaliwin niya. Kaya, karaniwan ay mag-isa siyang naghahanda ng mga sangkap ng pagkain para sa reunion dinner sa bahay.Para naman kay Charlie, pagkatapos niyang gumising nang maaga, susuriin niya ang operation report ng Apothecary Pharmaceutical na i
Tumango si Charlie at sinabi, “Okay, Ma. Gawin mo muna ang mga gagawin mo.”Sumagot si Elaine habang nakangiti, “Mabuti! Lalabas na si Mama ngayon. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako!”“Okay.”Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Dahil, matanda na si Elaine, at normal lang na lumabas siya.***Sa sandaling iyon, nasa balkonahe si Christopher sa kwarto niya, maingat na pinagmamasdan ang pinto sa bahay ni Charlie.Nang makita niyang nagmamadaling lumabas si Elaine, isang masamang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.Pagkatapos, mabilis siyang bumaba at sinabi, “Harold, lumabas na si Elaine! Handa na ba ang mga kaibigan mo?”Tumawa si Harold at sumagot, “Pa, huwag kang mag-alala. Handa na ako. Hindi makakauwi si Elaine ngayon!”Sinabi ni Christopher, “Tara dito. Suriin natin ang buong plano at tingnan natin kung may hindi tayo naisamang detalye!”Lumapit din sina Wendy at Lady Wilson, puno ng pag-asa mga mukha nila.Sinabi nang buong pagmamalaki ni Harold, “Una s
Naging miserable ang buhay ni Donald kailan lang.Ang kanyang pinakamatandang anak, si Sean, ay nasa bahay pa rin at nagpapagaling sa mga injury niya, habang ang pangalawang anak niya, si Kian, ay hindi umayos ang kondisyon. Halos sinukuan na niya ang pagpapagamot nito.Bukod dito, humiling din ng divorce kailan lang ang asawa ni Donald, si Alice.Ang pangunahing dahilan para sa divorce ay dahil sa pagkamatay nina Nelson at Kelly.Naramdaman ni Alice na hindi prinotektahan nang mabuti ni Donald ang kanyang kapatid at hindi niya hinanap ang pumatay sa kapatid niya.Sa mga mata ni Alice, ang mas hindi niya mapatawad ay hindi lang hindi ipinaghiganti ni Donald ang kapatid niya, sa halip, nanatili siya sa bahay at pinagalitan pa ang namatay niyang kapatid.Syempre, kinamumuhian ni Donald si Nelson.Para sa kanya, ang tangang iyon ang sumira nang sobra sa reputasyon ng pamilya Webb, at ang naapektuhan nang sobra ang market value ng pamilya Webb.Sa una, ang pamilya Webb ang pinakama
Nag-isip saglit si Donald bago sinabi, “Kaunti lang talaga ang mga coal mines sa South Region, kaya wala talaga akong kakilala na may nagmamay-ari ng coal mine.”Habang nagsasalita siya, para bang may naalala siya, at tumawa siya habang sinabi, “Pero, may kababata ako na may brick factory. Hindi kasing dali ng coal mine ang trabaho sa brick factory. Pwede mong ipadala ang biyenan na babe doon ni Charlie para magtrabaho bilang coolie!”Ngumiti agad si Christopher habang sinabi, “Oh, Mr. Webb! Sakto talaga iyon! Dapat ipatapon ang isang p*ta na tulad niya sa brick factory para maghirap!”Pagkatapos niyang magsalita, tinanong ulit nang nagmamadali ni Christopher, “Mr. Webb, sa tingin mo ba ay masasabi mo sa akin ang address ng brick factory ng kaibigan mo? Pagkatapos namin kay Elaine, ipapadala namin siya doon nang direkta!”“Hindi mo kailangang mabalisa nang sobra!” Ngumisi si Donald habang sinabi, “May malalim akong poot kay Charlie. Kadarating ko lang sa Aurous Hill, kaya walang ra
“Paano iyon naging posible?” Sinabi ni Carmen, “Pa, marahil ay maraming taon mo nang hindi nakita si Charlie, at ito ang dahilan kung bakit mataas pa rin ang tingin mo sa kanya ngayon. Sasabihin ko sayo ang totoo, Pa. Isang maliit na gangster lang si Charlie sa tago at mahirap na lugar! Mga talentado at mayamang young lady sina Sophie at Quinn. Paano posible na magiging interesado sila sa kanya?!”Sumagot nang malamig si Jeremiah, “Nagkita kami ni Yule sa Chamber of Commerce kahapon. Tinanong ko siya kung naaalala niya pa ang marriage contract sa pagitan ni Charlie at ng anak niya, ni Quinn. Sa oras na iyon, sinabi sa akin ni Yule na hangga’t mahahanap ko si Charlie, siguradong ikakasal niya ang kanyang anak kay Charlie nang walang pag-aatubili!”“At saka, sinabi rin ni Yule na hindi mahalaga sa kanya ang kasalukuyang katayuan o pagkakakilanlan ni Charlie. Kahit na pulubi si Charlie sa kalye, siya pa rin ang magiging manugang ng pamilya Golding sa hinaharap. Matagal nang nagkasundo a
Ngumiti si Elaine habang sinabi, “Oh! Nagkaton talaga ito, kung gano’n. Mukhang gusto talaga akong bawian ng Diyos at hayaan akong mag-enjoy ngayong araw!”Pagkatapos nito, kumaway siya sa clerk habang sinabi, “Okay, mauna ka munang lumabas. Maliligo ako nang mag-isa. Sabihan mo ang beautician na maghanda na at hintayin ako.”“Okay!”Pagkatapos lumabas ng empleyado, nagmamadali niyang inulat ang lahat sa boss niya. Nang marinig ng boss niya na nandito na si Elaine, tinawagan niya nang nagmamadali si Harold at sinabi, “Harold, nandito na siya at naliligo na. Kailan kayo pupunta?”Sumagot nang sabik si Harold, “Perpekto ito! Bebn, siguraduhin mo na papanatilihin mo siya diyan. Huwag kang magkakamali at ipaparamdam sa kanya na may kakaiba! Mag-aayos na ako para pumunta diyan ngayon din!”Ngumiti ang boss ng beauty salon habang sinabi, “Harold, parang magkapatid na tayong dalawa. Dahil nangako na ako sayo, siguradong gagawin ko nang perpekto ang lahat!”“Magaling!” Ngumiti si Haro
Walang sinabi si Isaac, sa halip, ipinakita niya lang ang screen ng kanyang cellphone sa harap niya.Nang makita ni Rosalie ang mga salita sa screen, agad natipon ang mga luha sa mga mata niya. Ang mga salita sa screen ay: ‘May nangyari sa Young Master. Panatilihin mo sana ang katahimikan mo at tulungan mo akong tipunin ang mga Harker para maghanap ng mga bakas!’Hindi nagsalita si Rosalie at tumango lang siya nang mabigat. Hind katagalan, mahigit sampung miyembro ng pamilya Harker ang nagmamadaling nagtipon, sumakay sa helicopter, at lumipad pabalik sa eksena ng pangyayari.Nang makita ni Rosalie ang nakakatakot na eksena, pakiramdam niya na tila ba pinunit ang puso niya, at hindi niya nakontrol ang mga luha niya. Pero, pinunasan niya ang mga luha niya at naghanap ng mga bakas sa paligid ng bilog na lugar ng pagsabog kasama ang mga miyembro ng pamilya Harker.Patuloy na pinalawak ng mahigit isang dosenang tao ang paghahanap nila, umabot pa ng radyus na isang kilometro mula sa gitn
Biglang huminto saglit ang puso ni Merlin nang marinig niya na ang mga shell fragment sa kamay ni Albert ay pagmamay-ari ni Charlie.Binulong niya sa sarili niya, “Mga gamit ni Charlie? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay napahamak siya?”Pagkasabi nito, mabilis siyang yumuko para maingat na suriin ang mga bakas na iniwan ng pagsabog. Sa pag-obserba ng direksyon ng pagsabog, nakahanap siya ng mas maraming piraso ng Tridacna sa lupa.Namutla ang kanyang mukha, at binulong niya, “Sobrang lapit ng mga gamit ni Charlie sa gitna ng pagsabog. Hindi ba’t ang ibig sabihin ay malapit siya sa gitna nang mangyari ang pagsabog?!”Nang marinig ito, namaga ang mga mata ni Albert sa luha, at napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala habang sinabi niya kay Merlin, “Chief Lammy, sobrang lakas ni Master Wade. Hindi siguro siya masasaktan sa ganitong uri ng pagsabog, tama?”Nag-squat si Merlin sa sahig, pinulot ang piraso ng tumigas na itim na lupa, puwersahan itong kinuskos, at pagkatapos ay inamoy ito. Ma
Pagkasabi nito, si Albert, na natataranta, ay tumakbo agad palabas at sumakay sa helicopter na naghihintay sa courtyard. Pagkatapos ay sinabi niya nang balisa sa piloto na naka-standby, “Bilis! Paliparin mo!”Sa sandaling ito, isang tao ang mabilis na tumakbo palabas, at tumalon si Merlin sa helicopter gamit lang ang ilang hakbang, sinasabi, “Mr. Albert, sasama ako sayo!”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Chief Lammy, kumikilos ako ayon sa mga utos ni Master Wade para siguraduhin ang kaligtasan mo at ang mga miyembro ng pamilya Acker. Mas mabuti na manatili ka dito!”Umiling si Merlin at sinabi, “Mr. Albert, huwag mong kalimutan na isa akong pulis. Kung may hindi inaasahang sitwasyon, lalo na ang pag-iimbestiga sa eksena, walang mas propesyonal kaysa sa akin!”Pagkatapos itong pag-isipan, pumayag si Albert at sinabi, “Kung gano’n, kailangan kitang abalahin, Chief Lammy!”Pagkatapos itong sabihin, humarap siya sa piloto at sinabi, “Umalis na tayo!”Binilisan ng helicopter ang ma
Alam niya na ang ibig sabihin pagsabog ngayong araw pagkatapos paganahin ni Mr. Chardon ang pineal gland niya ay patay na sila ngayon ni Charlie. Ipineperesenta nito ang perpektong pagkakataon para maglaho siya nang walang bakas. Sa puntong ito, wala na siyang hangarin na bumalik sa Qing Eliminating Society o patuloy na pagsilbihan ang British Lord. Sa mga mata niya, masyadong nakakatakot ang taong ito, at ang pananatili sa tabi niya ay hahantong sa resulta na hindi mas malala sa kapalaran ni Mr. Chardon.Sa halip nito, inisip niya na mas mabuti na samantalahin ang pagkakataon na ito na maglaho sa mundo. Pagkatapos gumaling sa mga injury niya, maghahanap siya ng isang angkop na lugar para tumira sa seklusyon at sulitin ang natitirang dalawang taon ng buhay niya. Para sa kanya, mas mabuti na mabuhay nang malaya ng dalawang taon kaysa mabuhay ng dalawang daang taon pa kasama ang British Lord.Nang maisip ito, tiniis niya ang matinding sakit at patuloy na gumapang nang nahihirapan papun
Agad umugong sa buong Aurous Hill ang matindi at nakabibinging pagsabog, ginising pa ang buong siyudad mula sa pagtulog nito sa gabi. Nawasak makapal na halamanan sa lambak kung saan nangyari ang pagsabog, gumawa ito ng isang bilog na blangkong espasyo na may radyus na ilang daang metro.Naglaho nang walang bakas si Mr. Chardon, naging hangin ang buong katauhan niya, walang iniwan na mga labi.Ang ideya na ‘mabubuhay ang kaluluwa sa kabila ng pagkamatay ng pisikal na katawan’ ay isa lang panloloko. Isa itong walang laman na pangako na binigay niya sa kanila, niloko sila na isakripisyo nang mapagbigay ang sarili nila.Napagtanto lang ni Mr. Chardon sa sandali ng pagkamatay niya na ang formation na iniwan ng British Lord sa loob ng pineal gland nila, tatlumpung taon na ang nakalipas, ay hindi para iligtas ang parte ng kaluluwa nila. Sa halip, isa itong napakalakas na self-destructive formation. Sa kritikal na sandali ng kamatayan, ang pinaniniwalaan nila na isang pag-asa para mabuhay
Si Ruby, na nakatago sa dilim, ay walang napansin na kakaiba. Nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Chardon kanina lang, alam niya na napagana na niya ng pineal gland niya, at agad siyang huminga nang maluwag.Kahit na hindi sila nagkakasundo ni Mr. Chardon, naramdaman niya sa pagkamatay ni Mr. Jothurn na magkakaugnay sila. Ngayong ginamit na ni Mr. Chardon ang pineal gland niya, maituturing na nakatakas na siya sa kapit ng kamatayan!Sa sandaling ito, mas lalong naging mabangis ang ekspresyon ni Mr. Chardon nang napakabilis. Inabot lang ng isa o dalawang segundo para mapagana ang pineal gland niya, at nakaramdam siya ng isang napakainit at hindi maikukumparang apoy na nagliyab sa utak niya. Ang apoy na ito, na parang isang pagsabog ng bituin, ay mabilis na lumaki at lumakas! Tumataas din ang pressure sa pineal gland niya!Pakiramdam niya na tila ba isang malaking bundok ang puwersahan na siniksik sa utak niya! Ang matinding sakit na ito ay maikukumpara sa labing-walong patong ng impy
Pero, tatlumpung taon na ang lumipas, at wala sa apat na great earl ang gumamit talaga ng formation sa loob ng pineal gland nila. Ito ay dahil sa nakaraang tatlumpung taon, wala silang nakatagpo na kahit anong nakamamatay na krisis.Kahit na may nakamamatay na krisis si Mr. Jothurn sa Cyprus, kakaiba ang sitwasyon na ito. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tatlong close-defense missile na umatake sa kanya, at masyadong brutal ang paraan ng pag-atake nila. Isang iglap lang ang lumipas simula nang maramdaman niya ang panganib hanggang sa kamatayan niya. Wala man lang siyang oras para isipin ang pineal gland na binuksan ng British Lord para sa kanila, tatlumpung taon na ang nakalipas.Bukod dito, walang saysay kahit na naalala niya ito dahil wala siyang oras para buksan ang formation sa loob ng pineal gland.May perpektong pagkakataon si Mr. Chardon ngayon. Nang maisip ito, tumingin si Mr. Chardon kay Charlie, humagikgik nang mapait, at palihim na ginamit ang teknik para paganahin ang p
Ang pineal gland ay ang maituturing na tirahan ng Nine True Paths sa cultivation. Sinasabi ng iba na kaakma ito ng pineal gland sa anatomiya ng tao, kayang maglabas ng iba’t ibang hormone na may kaunti at mahiwagang epekto sa katawan. Pero, sa pagtanda, unti-unting humihina ang kakayahan nito at halos magiging pandekorasyon na lang ito.Para sa mga cultivator, ang pagbubukas ng pineal gland ay ipinapahiwatig ang pagbubukas ng isang bagong mundo. Ang pagbubukas ng pineal gland ay ang paggamit ng Reiki para buksan ang pineal gland na matatagpuan sa gitna ng utak.Ang pineal gland ay kilala rin bilang upper elixir field. Karaniwan, madaling buksan ang lower elixir field, at hindi mahirap na buksan ang walong meridian. Pero, ang mga napakagaling na cultivator lang ang kayang buksan ang upper elixir field nila.Para sa mga cultivator, ang lokasyon na ito ay ang supreme realm ng Nine True Paths, kung saan nagmula ang kamalayan ng tao. Kung mabubuksan ng isang tao ang pineal gland at mag-c
Pero, hindi sinusunod ng kasakiman ng tao ang ganitong patakaran. Sa realidad, kapag mas bata ang isang tao, mas hindi nila kinatatakutan ang kamatayan. Maraming kabataan na nasa labinlima o labing-anim ang may lakas ng loob na harapin ang kamatayan kapag kalaban ang iba. Sa kabaliktaran, kapag mas tumatanda ang isang tao, madalas na mas natatakot sila sa kamatayan.Kahit ang isang tao tulad ni Mr. Chardon, na isang cultivator, ay hindi ligtas mula sa pangkalahatan na ito. Sa totoo lang, mas natatakot siya sa kamatayan kaysa sa karamihan.Nang makita ni Mr. Chardon na hindi nagpapakita ng awa si Charlie sa kanya, umiyak siya at sinabi, “Charlie, dati, kumikilos din ako dahil inutusan ako. Binigyan ako ng utos ng British Lord na hindi ko matanggihan! Kung gusto mong ipaghiganti ang mga magulang mo, ang British Lord dapat ang atakihin mo at hindi isang mababang tauhan na tulad ko…”Sinabi nang sarkastiko ni Charlie, “Oh? Binebenta mo ngayon ang boss mo para sa sarili mong interes? Ah,