Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1811 - Chapter 1820

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1811 - Chapter 1820

5672 Chapters

Kabanata 1811

Ginulat talaga si Yahiko ng balitang pinatay ang buong pamilya Matsumoto.Nagulantang siya, at sinabi niya, “Mahigit tatlumpung miyembro ng pamilya at tauhan mula sa pamilya Matsumoto ang naubos nang gano’n lang? Hindi ba’t masyado itong balintuna?! Sino ang gano’n katapang para gawin ito?”Umiling si Emi at sinabi, “Hindi ko alam ang tiyak na detalye. Iniimbestigahan pa rin ito ng pulis.”Sumagot nang malamig si Charlie sa sandaling ito, “Kailangan pa bang suriin ito? Siguradong ang pamilya Schulz ang may gawa nito. Niligtas ko ang magkapatid ng pamilya Schulz sa kalagitnaan ng gabi, at pinatay ng pamilya Schulz ang mastermind, ang pamilya ni Matsumoto, direkta sa gabing iyon.”Nagulat si Yahiko, at sinabi niya, “Masyadong masama ang ginawa ng pamilya Schulz kung gano’n, tama? Pinagbalakan lang ni Matsumoto ang mga tauhan nila at dalawang batang miyembro ng pamilya. Kahit na gusto nilang maghiganti, pwede nilang patayin lang si Yoshito. Hindi ba’t sapat na iyon? Sa pinakamalala, p
Read more

Kabanata 1812

Si Emi, na nasa gilid niya, ay humuni sa pagsang-ayon, “Gano’n nga. Sa una, malakas ang kompetisyon namin sa pamilya Takahashi, pero sinong nag-aakala na mamamatay sina Machi at Eikichi. Malaki ang magiging epekto nito sa pamilya Takahashi.”“Bukod dito, ngayong pinatay ang buong pamilya Matsumoto, wala nang saysay ang pinagsikapan ni Yoshito, na sinubukang humabol sa kanila. Bilang resulta, ibinahagi ang mga shares ng pamilya nila. Kahit ang pamilya Takahashi ay walang laban sa atin, lalo na ang ibang pamilya. Kung kukunin natin ang pagkakataon na ito na kunin ang mga resource na nawala sa pamilya Takahashi at pamilya Matsumoto, mabilis tayong magiging pinakamataas na pamilya sa Japan!”Tumango si Yahiko nang walang bakas ng saya, pagkatapos ay bumuntong hininga siya, “Balak kong labanan nang patas ang pamilya Takahashi sa mga resource. Pero, hindi ko inaasahan na magiging ganito ang resulta, at nanalo ako nang walang kahirap-hirap.”Sa sandaling ito, tumingin nang namamangha si Ch
Read more

Kabanata 1813

Pagkatapos magsalita ni Yahiko, tumingin si Charlie sa kanya nang namamangha.Mukhang malawak ang pananaw ni Yahiko. Kaya niyang kontrolin ang mga pagnanasa niya, at hindi siya sakim o padalos-dalos.Kung ibang ambisyoso at sakim na pamilya ang nasa posisyon niya, malaki ang posibilidad na iba ang magiging reaksyon nila.Tatalunin ng pamilyang iyon ang ibang pamilya sa pamamagitan ng pagkuha ng mga shares sa negosyo ng pamilya Takahashi at pamilya Matsumoto. Gamit ito, ang pamilyang ito ang magiging pinakamataas na pamilya.Sa kabilang dako, susubukan ng pamilyang iyon na makipag-ugnayan sa mga pamilya sa ibang bansa para palakihin ang kayamanan at paunlarin ang mga negosyo nila.Gayunpaman, nakikita ni Yahiko ang mga nakatagong panganib dito.Walang duda na ang pamilya Schulz ay kasing lupit ng isang tigre at lobo.Ang mga ganitong pamilya ay hindi lamang walang panlipunang moralidad, ngunit wala na rin ang pangunahing sangkatauhan nila.Kung makikipagtulungan ka sa ganitong u
Read more

Kabanata 1814

Kinampihan ni Emi si Yahiko at pinayuhan si Nanako, “Nanako, makinig ka sa ama mo. Dapat mong irepresenta ang ama mo sa harap, at mananatili ang ama mo sa likod para gabayan ka at siya ang magpaplano ng lahat.”Tumagno nang marahan si Nanako habang sinabi, “Okay, magsisikap ako para dito!”Naluwagan sina Yahuko at Emi pagkatapos mangako si Nanako nang walang masyadong pag-aatubili.Noon pa man, may malaking inaasahan na si Yahiko sa kanyang anak. Dati lang ay nahumaling si Nanako sa martial arts at kaunti lang ang interes niya sa operasyon at pamamahala sa negosyo ng pamilya.Dati, kailangang mag-isip nang mabuti ni Yahiko para ituon ang pansin ng kanyang anak sa negosyo ng pamilya kaysa sa sarili niyang interes.Sa una, inisip niya na sa pisikal na kondisyon niya, matitiis niya ang isang dekada o mas matagal para pahabain ang kalayaan ni Nanako.Gayunpaman, sinong nag-aakala na may malaking pagbabago na mangyayari at babago sa lahat.Kahit na karamihan sa kultura ng mga Japanes
Read more

Kabanata 1815

Dahil alam nila na gustong magkaroon ng pribadong oras si Yahiko kasama si Charlie, tumayo nang walang pag-aatubili sina Emi at Nanako at lumabas sila sa ward.Pagkatapos umalis ng dalawa, tumingin si Yahiko kay Charlie at sinabi sa seryosong tono, “Mr. Wade, gusto kong ialok ang tapat na pahingi ko ng tawag sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa iyo. Salamat sa kabaitan mo, sa pagligtas sa anak ko, pati na rin sa pagligtas sa pamilya Ito. Kung hindi dahil sayo, natatakot ako na magkakamali ang pamilya Schulz at aakalain nila an ang pamilya namin ang pumatay sa mga supling nila, at marahil ay iyon na ang katapusan ng pamilya namin.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Walang anuman, Yahiko. Niligtas ko si Nanako dahil lang sa relasyon namin. Para naman sa pagtulong ko sa problema ng pamilya mo, hindi mo na ito kailangan banggitin. Dahil, kinuha ko ang pera mo. May kasabihan sa Oskia, ‘Kung bibigyan ka ng pera ng isang tao, iiiwas mo ang sakuna nila para sa kanya.’. Dahil nakata
Read more

Kabanata 1816

“Alam ko iyon.” Ngumiti si Yahiko, at nagpatuloy nang walang pakialam, “Ano naman? Kahit na kasal ka na, nahulog pa rin si Nanako sa iyo, hindi ba? Handa kami ni Nanako na patawarin at kalimutan ang nakaraan at kasalukuyan mo, pero ang pinakamahalaga sa amin ay ang hinaharap mo!”Pagkatapos itong sabihin, sinabi nang seryoso ni Yahiko, “Mr. Wade, simula nang mangyari ito, nagkaroon ako ng bagong pananaw pagdating sa buhay ng tao. Kapag buhay ka, ang lahat ay makabuluhan. May sariling layunin ang pagiging mayaman; May sariling layunin ang pagiging mahirap. Pero, kapag patay ka na, walang saysay ang buhay kahit na mayaman o mahirap ka.”“Bago ito mangyari, hinding-hindi ko papayagan ang anak ko na pakasalan ang isang dayuhan. Gayunpaman, pagkatapos ng insidente, ang lahat ng ito ay hindi na mahalaga sa akin. Ang pinakamahalaga ay pasayahin ko ang anak ko at ibigay sa kanya ang pinakamagandang buhay!”“Mr. Wade, malakas ka, magaling, at charismatic. Maayos na pinalaki si Nanako, may ma
Read more

Kabanata 1817

Nabigla si Charlie sa sinabi ni Yahiko.Una, hinding-hindi niya inaasahan na maraming alam si Yahiko sa kultura ng Oskia.Pangalawa, hinding-hindi niya inaakala na babanggitin ni Yahiko ang ikot ng kapalaran.Marahil ay hindi niya alam kung naniniwala ang mga Japanese sa swerte. Pero ngayon, alam niya na kahit papaano, naniniwala ang mga Japanese sa kapalaran.Marahil ay mukhang normal na usapan lang ang binanggit ni Yahiko. Pero, may mga nakatagong kahulugan sa kanila.Hindi kalokohan ang mga sinabi niya. Dahil, walang tiyak sa kapalaran.Naalala niya si Chandler Lennard, ang matandang master ng swerte at kapalaran na nakilala niya sa Mount Wintry sa Eastcliff.Nakadepende si Chandler sa ikot ng kapalaran para makilala siya sa Mount Wintry.At saka, siya rin ang lumutas sa problema ni Charlie sa kapalaran at kaya siya sumulong na parang isang phoenix mula sa mga abo.Siguradong may mas mabuting pang-unawa at pananaw ang matanda pagdating sa ikot ng kapalaran.Sa kasamaang-pa
Read more

Kabanata 1818

Kaya, alam ni Charlie na kung lalabanan niya ang pamilya Schulz sa hinaharap, kailangan niyang mag-ipon ng sapat na lakas at hindi lamang aasa sa sarili niya.Bukod dito, hindi niya pa nakukumpirma kung may kinalaman ang pamilya Wade sa pagkamatay ng mga magulang niya.Kung may kinalaman ang pamilya Wade sa pagkamatay ng mga magulang niya, marahil ay kailangan niyang harapin nang mag-isa ang pamilya Schulz at pamilya Wade sa hinaharap.Kaya, nagpasya si Charlie na pagkatapos niyang bumalik sa Aurous, iiwasan niyang magpapansin at papaunlarin ang Apothecary Pharmaceutical.Mula sa simula ng Apothecary Pharmaceutical, gagawa siya ng sarili niyang imperyo ng negosyo.Doon lang siya magkakaroon ng pagkakataon na labanan ang pamilya Schulz at pamilya Wade at talunin sila!Walang ideya si Yahiko sa tunay na pagkakakilanlan ni Charlie, at hindi niya rin alam kung ano ang nasa isipan ni Charlie. Alam niya lang na mukhang walang ambisyon si Charlie, kaya, pinayuhan niya siya.“Mr. Wade,
Read more

Kabanata 1819

Bumuntong-hininga si Yahiko pagkatapos tanggihan ni Charlie ang mungkahi niya.Umaasa talaga siya na papasok si Charlie sa shipping industry.Iyon ay dahil, sa ngayon, ang Oskia ang magiging pinaka mapagkakakitaan na customer sa Asia shipping industry.Mahigit kalahati ng top ten most bustling port sa buong mundo ang nasa Oskia. Ang isang imperyo ng negosyo lamang na may malaking import at export trading ang kayang suportahan ang napakalaking shipping industry.Lampas na ito sa maaabot ng Japan.Kaya, kahit na gustong magnegosyo ng pamilya Ito, walang saysay na tangka lang ito dahil sa kakulangan ng demand sa local market.Humarap siya kay Charlie at sinabi, “Mr. Wade, ipapasa kay Nanako ang negosyo ng pamilya Ito sa hinaharap. Kung magbabago ang isip mo, pwede mo siyang tawagan kahit kailan. Naniniwala ako na magkakaroon kayo ng magandang partnership.”Tumango nang marahan si Charlie, at sumagot nang maasikaso, “Kung magbabago ang isipan ko, siguradong tatawagan ko si Ms. Nanak
Read more

Kabanata 1820

Hindi matagal, nakapag-ayos na ng team si Emi para samahan si Charlie, na nasa sarili niyang kotse.Umupo si Nanako sa kotse ni Charlie nang walang pag-aatubili.Nagmaneho si Charlie papunta sa mansyon ng pamilya Ito sa Tokyo habang hinatid sila ng team.Ang Tokyo ay isa sa mga siyudad sa buong mundo na may pinakamataas na housing at land market price sa bawat acre ng lupa. Gayunpaman, ang private manor ng pamilya Ito ay matatagpuan sa isang tahimik na kapaligiran.Ang disenyo ng manor ay isang Japanese vintage style—kakaiba ngunit elegante.Nakikita na Charlie na katangi-tangi ang mga kahoy na materyales na ginamit sa bawat kwarto.Tila, masyadong maraming pera ang mga mayayaman at wala silang mapaggastusan. Kaya, gumastos sila ng malaki sa paggawa at pag-renovate ng bahay nila. Gagastos sila ng malaki sa lahat ng exported na bagay kaysa sa mga lokal at mas mababang kalidad na bagay.Sa ibang salita, gagastos lang sila sa mga marangyang bagay.Ang lahat ng tauhan sa mansyon ng
Read more
PREV
1
...
180181182183184
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status