Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1791 - Chapter 1800

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1791 - Chapter 1800

5669 Chapters

Kabanata 1791

Habang hawak-kamay na naglalakad sina Charlie at Nanako sa tahimik at nagniniyebeng gabi ng Kyoto, magulo pa rin ang Tokyo.Sa sandaling ito, nasa bahay si Machi, balisang hinihintay ang balita ng mga Fujibayashi ninja.Mas balisa ang pamilya Fujibayashi dahil hanggang ngayon, nawalan sila ng sampung ninja, na karamihan ay galing sa batang henerasyon ng pamilya.Mukhang kaunti lang ang sampung ninja, pero ang isang pamilya na may sampung lalaking supling ay maituturing na malaking pamilya.Una sa lahat, ang sampung lalaki na ito ay may isa o dalawang mas matandang henerasyon na mas matanda sa kanila, ang mga lolo, magulang, tito’t tita nila, na binubuo ng sampung tao sa pinakamababa.Pangalawang, puro lalaki sila. Kaunti lang ang pamilya na may mga supling na puro lalaki. Kung ang dami ng babae sa lalaki ay pantay lang, nasa sampung babae ang babaeng supling.Pangatlo, nas kalahati ng sampu ang kasal at may sari-sariling anak.Sa ganitong paraan, nasa limampu o animnapung tao an
Read more

Kabanata 1792

Kahit na naiinis si Yahiko, hindi siya nangahas na suwayin ang utos ng pulis.Isa siyang negosyante. Alam niya na kung masasangkot siya sa isang international diplomatic crisis na may epekto sa international reputation ng Japan, siguradong titingnan siya ng mga Japanese na isang makasalanan na dinumihan ang imahe ng Japan.Kapag nangyari iyon, sabay-sabay na tatalikuran ng mga tao ang pamilya Ito, marahil ay maging puntirya pa ang pamilya Ito ng public criticism.Kung gano’n, mas mabuting makipagtulungan at linisin ang ilang ugnayan niya.Kaya, bumangon nang nag-aatubili si Yahiko, nagpalit ng damit, at binuksan ang pinto.Naiinis siya, pero naiintindihan niya ang mga nakasalalay.Kahit ano pa, wala siyang ginawang mali. Kaya ano naman kung dalhin siya sa police department para tanungin? Ayos lang sa kanya kahit na manatili siya doon nang ilang araw.Kaya, sinabi niya kay Hiroshi, “Simulan mo na ang kotse, aalis tayo sa loob ng isang minuto!”Tumango si Hiroshi, tumalikod, at i
Read more

Kabanata 1793

Kailanman ay hindi naisip ni Yahiko na malalagay siya sa panganib bago nawalan ng kontrol ang kanyang convoy at bumangga sa guardrail dahil pinoprotektahan siya ng buong Koga ninja clan.Masasabi na ang pamilya Ito lang ang nag-iisang malaking pamilya sa Japan na hindi pa nagkakaroon ng kahit anong injury o pinsala sa mga ninja niya.Halos naubos na ang mga lalaki sa pamilya Fujibayashi, at kalahati na ang nawala sa pamilya Iga.Pero, ang pinakamalaking hindi napansin ni Yahiko ay masyado niyang minaliit ang biyahe na ito.Sa opinyon niya, papunta siya sa Tokyo Metropolitan Police Department para tanungin at makipagtulungan sa imbestigasyon. Sa totoo lang, may mga pulis sa harap ng convoy niya. Inisip niya na walang susubok na atakahin siya papunta sa police station.Dahil dito, hindi siya nagdala ng maraming ninja para protektahan siya.Hinding-hindi niya inaasahan na nautakan siya ni Yoshito at pinuwersa niya ang mga pulis na naghahatid sa kanya papunta sa police station.Guma
Read more

Kabanata 1794

Pagkatapos, inutusan nang nagmamadali ni Yahiko si Hiroshi, “Bilis, tawagan mo ang mga pulis ngayon din! Sabihin mo sa kanila na magpadala ng helicopter! Natatakot ako na hindi tatagal ang mga bodyguard natin!”Nang makita ni Hiroshi na sumugod na sa kanila ang anim na ninja, mabilis niyang nilabas ang kanyang cellphone para tawagan ang q1.Kahit na magulo ang Tokyo sa mga nakaraang araw at magulo ang bisa at abilidad ng q1 na lutasin ang mga kaso, malakas pa rin ang hardware configuration nila, at may mga helicopter sila na naka-standay na mabilis na magagamit ng mga special operation team kung sakaling may emergency.Direktang tinawagan ni Hiroshi ang q2. Kahit ano pa, si Yahiko ay isa sa mga top entrepreneur sa Tokyo na nirerespeto nang sobra ng police department. Kaya, pwede silang makipag-usap sa q2 sa kahit anong bagay.Sa sandaling ito, halos mabaliw na ang q2 nang marinig niya na pinatay si Takahashi Machi sa bahay niya.Walang kahit isang bakas kung nasaan ang magkapatid
Read more

Kabanata 1795

Inisip na ni Yahiko na mamamatay siya ngayong araw.Hindi pa dumarating ang special operations team, at hindi na tatagal ang mga tauhan niya, at maaari siyang mapatay ng mga kalaban sa kahit anong oras.Ang driver at si Hiroshi, na walang kakayahan sa pakikipaglaban, ay papatayin din ng mga ninja.Sa sandaling ito, gusto niya talagang tawagan ang kanyang anak na babae sa Kyoto. Daang-daang kilometro ang layo ng Kyoto dito, siguradong hindi alam ni Nanako na nasa panganib siya ngayon. Umaasa siya na tawagan siya at marinig ang boses niya bago siya mamatay, maituturing na maliit na ginhawa ito bago siya mamatay.Pero, nang ilalabas na niya ang kanyang cellphone at tatawagan na niya si Nanako, sinabi ni Hiroshi, “Ito-san, kung hindi tayo tatakbo ngayon, magiging huli na ang lahat!”Sinabi ni Yahiko sa galit, “Sinabi ko na sayo, wala tayong mapupuntahan…”Pagkatapos, nagngalit siya, “Siguradong si Takahashi Machi ang may kagagawan nito! Ang g*gong iyon! Hayop! Ang lakas ng loob niyan
Read more

Kabanata 1796

Bumuntong hininga si Hiroshi bago siya lumingon at sinabi sa driver, “Mr. Yamamoto, tumalon tayo nang magkasama!”Pinunasan ng driver ang malamig na pawis niya bago siya tumango at sinabi, “Okay! Gagawin ko ito kasama kayo!”Sa sandaling ito, malapit nang mamatay ang dalawang ninja na nagtatrabaho para kay Yahiko!Nang makita ni Hiroshi na malapit nang mapatay ng kabila ang dalawang ninja, sumigaw siya nang nagmamadali, “Mr. Chairman! Mr. Yamamoto! Ngayon na!”Mabilis na binuksan ni Yahiko ang pinto ng kotse sa parehong gilid ni Hiroshi. Sa parehong oras, binuksan din ng driver ang kanyang pinto habang naghanda siyang lumabas sa kotse.Pero, nagkataon lang na nasa harap ng isa sa mga Iga ninja ang pinto ng driver. Nang makita ng isa sa mga Iga ninja na palabas ang driver sa kotse, nagmamadali siyang sumugod sa kanya at itinaas ang kanyang ninjato bago sinaksak at pinatagos ang ninjato sa puso ng driver.Hindi lamang tumagos sa katawan ng driver ang matalas na ninjato, ngunit dire
Read more

Kabanata 1797

Nago siya mahulog, paulit-ulit na inisip ni Yahiko ang mga sinabi ni Hiroshi.Basta’t hindi mauuna ang kanyang mukha o tiyan, siguradong may pagkakataon siyang mabuhay.Kaya, nahirapan niyang inayos ang katawan niya habang nasa ere siya, at nahulog siya nang matindi, una ang kanyang mga binti!Pagkatapos ng malakas na tunog ng pagbagsak, nakaramdam ng matinding sakit si Yahiko sa kanyang mga binti, pero hindi na siya nag-abala na suriin ang mga injury sa binti niya. Sa halip, agad siyang gumawa ng ilang somersault sa sahig para pawiin ang pagsalpok ng kanyang pagbagsak sa highway bridge.Pagkatapos, nahulog din nang matindi si Hiroshi sa sahig. Pareho ang paraan ng pagkahulog nila, at inuna niya ang mga binti niya na bumagsak bago siya gumulong.Kahit na sobrang sakit ng mga binti nila, naligtas nila ang mga buhay nila dahil nahulog sila sa tamang postura. Sa sandaling ito, tumingin na si Yahiko sa mga binti niya at nakita niya na nabali na at hindi na makilala ang kanyang buong k
Read more

Kabanata 1798

Direktang nahabol ng natirang dalawang helicopter ang dalawang kotse na gamit ng mga Iga ninja.Dahil nasa highway bridge ang mga Iga ninja, wala silang matataguan. Nagmamaneho lang sila nang nababalisa habang sinusubukan nilang tumakas, pero nakahabol na ang mga helicopter sa itaas nila.Habang tumatakas sila nang buong lakas, direktang binaril ng special operations team sa helicopter ang front hood ng dalawang kotse gamit armor-piercing ammunition.Sobrang lakas ng penetrative ability ng armor-piercing ammunition, at kahit ang military armor ay mahihirapan na sanggain ang armor-piercing ammunition, lalo na ang hood sa harap ng kotse, agad napinsala ang makina ng kotse.Pagkatapos mapinsala ng makina, nawalan agad ng kakayahan ang kotse, at bumagal ang kotse nang paunti-unti hanggang sa tumigil ito.Natakot nang sobra ang anim an ninja sa kotse. Handa silang itulak ang pinto at lumabas sa mga kotse para tumakas sila nang kahiya-hiya. Pero, nadiskubre nila na lumilipad na ang heli
Read more

Kabanata 1799

Hinding-hindi inaakala ni Yoshito na mahahanap talaga siya ng pamilya Schulz!Sa sandaling nagsalita ang babae, nanginig siya bago sinabi, “Marami akong guwardiya sa bahay ko. Kaya, paano ka naglakad papasok sa bahay ko nang ganito?!”Palaging maraming guwardiya ang bahay ni Yoshito.Dahil, kapag mas malakas ang kagustuhan ng isang tao na saktan ang iba, mas malakas ang pangangailangan niya na depensahan at protektahan ang sarili niya.Para hindi ma-ambush ng iba, naglagay ng dalawampung bodyguard si Yoshito para bantayan ang bahay niya, at ilan sa mga bodyguard na ito ay mga ninja na nanggaling sa mga mas maliit na pamilya Kaya, masasabi na sobra at malakas ang depensa at seguridad niya.Kaya, hindi maintindihan ni Yoshito kung paano nakapasok ang babaeng ito sa bahay niya at kung bakit wala siyang naririnig sa mga kilos niya?!Ngumiti nang walang interes ang babae bago sinabi, “Hindi mahalaga kung gaano karaming guwardiya ang nandito. Hindi ba’t ayos lang kung patayin ko silang
Read more

Kabanata 1800

Dahil ayaw ng kasalukuyang asawa niya ang pinakamatandang anak na lalaki ni Yoshito, pinalayas ni Yoshito ang pinakamatandang anak niya sa pamilya pagkatapos niyang ikasal sa kasulukuyang asawa niya, at sinabihan niya ang pinakamatandang anak na lalaki niya na sundan ang dati niyang asawa.Pagkatapos, nanganak ng isang anak na lalaki at babae ang pangalawang asawa ni Yoshito. Kaya, bihira lang isipin ni Yoshito ang kanyang dating asawa o ang pinakamatandang anak na lalaki niya sa mga nagdaang taon.Pero, sa sandaling ito, bigla silang naisip ni Yoshito. Kahit papaano, may ginhawa pa rin siya sa puso niya.Pagkatapos niyang mamatay, hindi mapuputol nang tuluyan ang lahit ng pamilya Matsumoto.Dadalhin pa rin ng pinakamatandang anak na lalaki niya ang lahi ng pamilya.Walang mas nakakaginhawa at nakakaluwag ng pakiramdam para kay Yoshito sa sandaling ito.Pero, mukhang nakikita ba ng babae mula sa pamilya Schulz ang iniisip niya.Ngumiti siya nang mapaglaro habang sinabi kay Yoshi
Read more
PREV
1
...
178179180181182
...
567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status