Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1781 - Chapter 1790

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1781 - Chapter 1790

5669 Chapters

Kabanata 1781

Nasaktan ulit ang self-esteem ni Sophie dahil sa kilos ni Charlie.Tumingin siya sa gilid ng mukha ni Charlie habang kinagat niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi nang walang sinasabi pang iba. Pagkatapos, tumalikod siya at umalis sa courtyard kasama ang kanyang kapatid.Pagkatapos maglakad ng magkapatid palabas sa courtyard, tinanong ni Jaime sa malambot na boses, “Sophie, tinalo ba ng binatang iyon ang lahat ng ninja kanina lang?”Sumagot nang taimtim si Sophie, “Hindi siya ‘ang binatang iyon’. Siya ang benefactor natin.”Tumango nang nagmamadali si Jaime at sinabi, “Oo, okay. Siya nga ang benefactor natin. Kaya, Sophiem, tinalo ba ng benefactor natin ang lahat ng ninja na iyon gamit lang ang mga kamay niya?”“Oo.” Sumagot nang tapat si Sophie, “Hindi pa ako nakakakita ng napakalakas at makapangyarihang tao… ito talaga ang unang pagkakataon…”Pinagtampal ni Jaime ang mga labi niya habang sinabi, “Maganda sana kung mapapasok natin siya sa pamilya Schulz at magtrabaho siya para
Read more

Kabanata 1782

Sa sandaling ito, sa Tokyo.Sobrang gulo pa rin sa oras na ito.Halos mabaliw na ang Tokyo Metropolitan Police Department.Una, nakidna ang magkapatid ng pamilya Schulz, at mahigit isang dosenang tao ang pinatay. Pangalawa, may nahanap na mga human popsicle ang pamilya Takahashi. Pagkatapos, sinunog nang buhay ang anak na lalaki ni Machi sa kotse!Kahit ano sa mga kasong ito ay maituturing na criminal case ng taon.Pero, isa-isang nangyari nang sunod-sunod ang mga kasong ito sa Tokyo!Bukod dito, ang mga biktima ng kasong ito ay galing sa mga mayaman at maimpluwensyang pamilya.Sinasampal ng pangyayaring ito ang mga mukha ng pulis sa Tokyo Metropolitan Police Department bago sila hinahampas nang paulit-ulit ng sinturon!Ang mas malala pa ay wala pang nahahanap ang Tokyo Metropolitan Police Department ng kahit anong kapaki-pakiinabang o mahalagang clue o ebidensya.Nilibot na ng maraming walang kwentang tao ang Tokyo, pero wala silang mahanap na kahit anong clue o ebidensya na
Read more

Kabanata 1783

Sa totoo lang, malaki ang hinala ni Sheldon na ang mastermind sa likod ng pagdukot sa mga anak niya ay walang iba kundi si Yahiko.Pero, medyo matagal nang binabantayan ng mga pulis ng Tokyo Metropolitan Police Department si Yahiko, pero wala pa rin silang nahanap na kahit anong bakas sa napakatagal na panahon.Sa una, akala pa ni Sheldon na sadyang pinoprotektahan ng Tokyo Metropolitan Police Department si Yahiko. Pero, ngayon, napagtanto niya na wala talagang kinalaman si Yahiko dito.Hindi lang na wala siyang kinalaman, ngunit muntik pa siyang maging hantungan ng sisi para sa krimen na ito!Hinding-hindi inaakala ni Sheldon na ang mastermind sa likod nito ay si Yoshito!Hindi man lang niya siya pinaghinalaan!Mukhang sobrang sama at malupit si Yoshito!Kaya niya talagang gumawa ng napakaraming insidente nang palihim. Bukod dito, nagtagumpay pa siya na paghinalaan ng pamilya Takahashi at pamilya Ito ang isa’t isa. Sa parehong oras, sinigurado rin ni Yoshito na ilalagay ng pami
Read more

Kabanata 1784

Nasa isang daang hidden top master ng pamilya Schulz ang palihim na tumigil sa paghahanap kina Jaime at Sophie. Dalawampu sa kanila ang dumiretso sa Kyoto sa kalagitnaan ng gabi, habang walumpung master ang nagtipon-tipon sa mansyon ng pamilya Matsumoto.Hindi man lang alam ni Yoshito na kaharap na niya ang isang malaking sakuna.Tiningnan niya ang oras, at nakita niya na alas diyes na ng gabi. Kaya, nilabas niya ang kanyang cellphone para tawagan ang Jonin.Ayon sa plano niya, papatayin na dapat ng Jonin ang magkapatid ngayon bago itatago ang bangkay nila sa mansyon ng pamilya Ito sa susunod na kalahating oras.Pagkatapos nito, maghihintay siya nang ilang oras pa. Kapag halos nawala na ang natitirang init sa bangkay at lumamig na sila, gagawa siya ng anonymous police report sa Tokyo Metropolitan Police Department tungkol dito.Sa ganitong paraan, tapos na si Yahiko bukas nang umaga.Pagkatapos kay Yahiko, si Machi na lang ang magiging kalaban niya.Sa ngayon ay sobrang sakit at
Read more

Kabanata 1785

Hindi maintindihan ni Yoshito o ni Machi ang nangyayari sa Kyoto.Pero, mas matalino si Yoshito kumpara kay Machi.Pagkatapos niyang hindi matawagan ang Jonin, kahit na hindi niya maintindihan kung bakit, napagtanto niya na marahil ay may malaking pagkakamali.Nang maisip niya ito, nagmamadaling tinawagan ni Yoshito ang ibang miyembro ng pamilya Iga at tinanong agad sila sa sitwasyon ng Jonin.Pero, wala ring alam ang mga tao sa pamilya Iga sa lahat ng nangyayari sa Kyoto.Hindi nila matawagan ang Jonin, at hindi man lang nila alam kung buhay o patay na siya.Nataranta talaga si Yoshito sa sandaling ito.Naglakad siya nang pabalik-balik at balisa sa sala. Patuloy na kumukunot ang mga kilay niya, at nanginginig nang sobra ang kanyang kamay habang hawak-hawak ang kanyang sigarilyo.Nang makita siya ni Ryosuke, ang nakababatang kapatid na lalaki niya, na kinakabahan nang sobra, pinakalma niya siya nang nagmamadali, “Kuya, hindi ka dapat mataranta ngayon. Kung matataranta ka ngayon
Read more

Kabanata 1786

“Okay!” May mabangis na ekspresyon si Ryosuke sa kanyang mukha habang sinabi, “Kahit na mamatay tayo, hihilahin natin sila pababa para sama-sama tayong mamatay! Kahit ano pa, walang mawawala sa atin kahit na matalo o manalo tayo!”***Sa sandaling ito.Pagkatapos sunugin ni Charlie ang dalawang-palapag na building, bumalik siya sa mansyon ng pamilya Ito.Ginamit niya ang orihinal na daan bago siya pumasok sa courtyard ni Nanako.Sa sandaling ito, nakaupo si Nanako sa harap ng tea table. Nakapikit ang mga mata niya, at marahan niyang iniikot ang isang tali ng Bodhi beads sa kanyang mga kamay habang tahimik niyang binibigkas ang mga Buddhist scripture upang ipagdasal si Charlie.Hindi lang laganap ang Buddhism sa Oskia, matagal na rin itong laganap sa Japan. Simula noong naglakbay si Master Jianzhen sa silangan sa Japan, mabilis na lumaganap ang Buddhism sa Japan.Kahit na medyo magkaiba ang Buddhism sa dalawang bansang ito, walang malaking pagkakaiba sa paniniwala ng mga Budista
Read more

Kabanata 1787

Hindi pa rin makapaniwala si Nanako na kaya talaga siyang gamutin ni Charlie.Pero, nang maisip niya na ang lalaking nasa harap niya na sabik siyang gamutin ay walang iba kundi ang taong minamahal niya, handa siyang hayaan si Charlie na subukan ito.Kaya, ibinigay niya ang kanyang kanang kamay kay Charlie bago sinabi nang nahihiya, “Charlie-kun, kung gano’n… aabalahin kita!”Bahagyang tumango si Charlie bago niya itinaas ang mga daliri niya at marahan itong inilagay sa kanyang radial artery upang suriin ang kanyang pulso.Isang bakas ng reiki ang pumasok sa radial artery ni Nanako at pumasok sa kanyang katawan, at dumaloy ito sa buong katawan niya sa isang iglap.Habang dumadaloy ang reiki sa kanyang katawan, kinuha rin ni Charlie ang pagkakataon na ito na suriin ang kalubhaan ng mga injury ni Nanako.Nang sinuri niya ito, napagtanto ni Charlie na sobrang seryoso nga ng mga injury ni Nanako.Halos lahat ng organ niya ay may malalang internal injury. Bukod dito, halos lahat ng me
Read more

Kabanata 1788

Ang ganitong medisina ay isang panacea para sa isang ordinaryong tao. Magagamit ito ng mga matatanda para pahabain ang buhay nila ng sampu o dalawampung taon. Kung gagamitin ito ng mas batang tao, magiging mas malakas nang ilang beses ang katawan nila kumpara sa ordinaryong tao. Kung gagamitin ito ng isang taong may injury, kahit na isang hininga na lang ang natitira sa taong iyon, siguradong palalakasin ng Rejuvenating Pill ang kanyang katawan bukod sa paggamot nito at pagbabalik nito sa orihinal na estado ng katawan niya.Noong halos mamatay na si Albert sa mga tauhan ni Donald at may isang hininga na lang na lang siya, naligtas ni Charlie si Albert gamit ang Rejuvenating Pill.Hindi lang niligtas ng Rejuvenating PIll ang buhay ni Albert, ngunit bumata pa nang ilang taon si Albert dahil dito. Mas maganda na ang kondisyon ng katawan niya ngayon kumpara sa bago siya magkaroon ng injury.Ito ay dahil sobrang lakas talaga ng Rejuvenating PIll. Noong nagamot ang mga injury ni Albert, m
Read more

Kabanata 1789

Kahit na sobrang mahiwaga ang mga epekto ng Rejuvenating Pill, sobrang simple lang ng hitsura nito sa labas. Mukhang isang itim at bilog na pill lang ito, at walang espesyal tungkol dito.Tumingin si Nanako sa pill sa kanyang kamay, at hindi niya tinago ang gulat o sorpresa niya habang tinanong niya si Charlie, “Charlie-kun, ito… kaya ba talaga nitong gamutin ang mga injury ko?”Tumango si Charlie bago ngumiti at sinabi, “Dahil kumilos na mismo si Master Wade, masisiguro ko sa iyo na magagamot ang lahat ng injury mo. Hindi pwede ang kahit anong refund.”“Master Wade?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, Master Wade ba ang palayaw mo?”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Hindi ko ito palayawa. Isa lang itong titulo na binigay sa akin ng mga kaibigan ko sa Aurous Hill.”Humagikgik si Nanako bago niya tinanong nang masaya, “Kung gano’n, pwede ko rin bang tawaging Master Wade si Charlie-kun simula ngayon?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Oo, sige. Pwede mong itawag sa akin
Read more

Kabanata 1790

Bahagyang ngumiti si Charlie bago sinabi, “Rejuvenating PIll ang tawag sa medisinang ito.”Biglang may naalala si Nanako, at sinabi niya agad, “Naiintindihan ko na ngayon! Naiintindihan ko na! Charlie-kun, biglang lumakas si Aurora bago ang quarterfinals. Dahil din ba ito sa Rejuvenating Pill?”Tumango si Charlie bago sinabi, “Tama. Epekto ito ng Rejuvenating Pill.”Tinanong ulit ni Nanako, “Kung gano’n, ito ang dahilan kung bakit ayaw ni Charlie-kun na kalabanin ko si Aurora sa hinaharap, tama? Iyon ang dahilan kung bakit ayaw mong ipagpatuloy ko ang pagsali sa kahit anong international competition sa hinaharap, tama?”Sumagot nang prangka si Charlie, “Tama. Ito nga ang iniisip ko.”Bahagyang kinagat ni Nanako ang ibabang labi niya. Pagkatapos mag-alangan saglit, tinanong niya nang masigasig, “Hiniling ba ito ni Charlie-kun dahil may gusto kay kay Aurora?”Umiling si Charlie bago sinabi, “Ang relasyon ni Aurora ay mas maihahalintulad sa relasyon ng magkapatid. Ayokong magkita ka
Read more
PREV
1
...
177178179180181
...
567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status