Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1761 - Chapter 1770

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1761 - Chapter 1770

5669 Chapters

Kabanata 1761

Habang nakatingala si Nanako sa langit at iniisip si Charlie sa kanyang puso, si Charlie, na nagtatago sa tuktok ng isang pader, ay nakita ang isang magandang silweta sa courtyard sa ibaba.Nalampasan niya ang seguridad ng Ito residence at umikot sa residence bago niya nakita si Nanako, na namimiss niya sa puso niya.Nang makita si Nanako na may suot na kimono at classic bun na buhok, hindi niya maiwasang bumuntong hininga, “Hindi nakapagtataka na si Nanako ang perpektong role model ng Yamato Nadeshiko. Hindi ito pagmamalabis. Siguradong siya na ang pinakamaganda at perpektong Japanese na babae na nakita ko.”Gayunpaman, sumakit ang mata niya nang makita niyang nakaupo si Nanako sa isang wheelchair at medyo nalungkot siya.Pwede siyang umatras sa huling laban niya kay Aurora, o umamin ng pagkatalo nang maaga sa laban, at umatras sa kompetisyon, pero nagtiyaga siya hanggang sa huli, kaya nagkaroon siya ng matinding trauma.Sa sandaling ito, nais ni Charlie na bumaba sa pader at mak
Read more

Kabanata 1762

May marangyang private suite si Eikichi na nakareserba lang para sa kanya sa marangyang nightclub na madalas niyang dinadalaw. Marangya ang mga gamit dito at may pinakamataas na privacy. Dito siya nakikipagtalik sa maraming artistang babae.Isang convoy ng tatlong Rolls-Royce ang nag-escort kay Eikichi papunta sa Shibuya. Sa loob ng kotse, sabik na sabik si Eikichi sa sekswal na pagtatalik nila ng kanyang kalaguyo.Habang tumawid ang convoy sa isang underpass, isang truck na umaandar sa nakapirming bilis ang biglang huminto at lumihis, hinarangan ang buong daanan. Ilang itim na commercial vehicle ang biglang lumitaw sa likod nila at hinarangan ang convoy ni Eikichi.Nang mapagtanto ang mapanganib na sitwasyon, nilabas ng mga bodyguard na nasa una at huling ang mga baril nila, handang protektahan si Eikichi.Biglaan, isang malaking grupo ng lalaking nakaitim na may mga automatic weapon ang lumabas sa mga itim na kotse sa likod! Ang mga armas nila ay binubuo ng mga automatic rifle at
Read more

Kabanata 1763

Ang sumunod na limang minuto ang pinakamasakit, pinakamahirap, at pinakamalungkot na limang minuto sa buong buhay ni Machi.Hindi siya nangahas na tapusin ang tawag dahil alam niya na marahil ay ito na ang huling pagkakataon na marinig niya ulit ang boses ng kanyang anak.Malinaw din sa kanya na gustong pahirapan ng mga killer ang kanyang anak at saktan siya nang sobra bago siya patayin.Bilang kanyang ama, mapapakinggan niya lang ang naghihirap na sigaw ng kanyang anak ngunit wala siyang magagawa para dito.Pagkatapos, agad binuhusan ng gasolina ng mga attacker ang Rolls Royce kung saan nakasakay si Eikichi at hinayaan siyang sumigaw na parang baliw sa kotse.Pagkatapos ibuhos ang gasolina, naglabas ng isang pakete ng sigarilyo at isang kahon ng posporo ang leader, sinindihan ang kanyang sigarilyo, humipak ng isang beses, at tinapon ang nasusunog na posporo sa sirang bintana!Agad naging incinerator ang marangyang Rolls Royce, habang may pagsabog na marahas na pumuputok palabas.
Read more

Kabanata 1764

Nararamdaman ni Charlie na isa itong paglusob, at siguradong may masamang hangarin sila. Agad niyang tinago ang kanyang paghinga at inobserbahan sila nang palihim. Totoo nga, umakyat ang mga taong ito sa pader nang mabilis at nilapitan si Nanako sa iba’t ibang direksyon!Kahit na may injury si Nanako, isa pa rin siyang martial artist na may matalas na pakiramdam at pagiging alerto, kaya alam na niya ang tungkol sa anim na tao bago pa sila lumapit.Gusto niyang sumigaw para humingi ng tulong, pero bago niya pa ito magawa, agad niyang tinikom ang kanyang bibig at sinukuan ang ideya na ito.Sa paglapit ng mga taong ito at sa bilis nila, nararamdaman niya na mga ninja sila! May sariling team ng ninja rin ang pamilya Ito, pero nasa Tokyo silang lahat, wala sa Kyoto.Mga malalakas ang ninja na ito at mas magaling ang abilidad nila sa pakikipaglaban kaysa sa mga ordinaryong martial artist. Kahit na wala siyang injury, hindi niya kayang tapatan ang kahit isang ninja, lalo na ang anim! At s
Read more

Kabanata 1765

Sa totoo lang, nang itinaas ng lalaki ang kanyang ispada, umatras nang dalawang hakbang ang lima dahil ayaw nilang tumama ang dugo sa kanilang katawan kapag sumirit ito sa katawan ni Nanako.Nakatitig sila kay Nanako, hinihintay na mangyari ang madugong eksena, at handa na rin si Nanako na harapin ang kamatayan niya.Pero, tumigil ang imahe nila sa kanilang isipan sa sandaling ito!Ang ninja sword, na nakataas sa ere, ay huminto doon nang ilang sandali, at iniisip ng iba kung bakit sobrang tagal bago niya siya pugutan.Nang umabante sila para tumingin, napagtanto nila na patay na ang berdugo na may hawak sa ispada!Ilang sentimetro ng isang maikling patalim ang nakadikit sa kanyang noo, at dahil sobrang linis ng hiwa, katiting na dugo lang ang lumabas sa sugat at tumulo sa makapal na puting niyebe, ginawa itong pula!Habang nagulantang ang mga taong ito at hindi nila malaman kung ano ang nangyayari, napagtanto nila na pamilyar ang shuriken na tumama sa noo ng lalaki.Sinabi sa t
Read more

Kabanata 1766

Si Charlie nga ang lalaking nakangiti at nakatayo sa harap ni Nanako, ang lalaking matagal na niyang namimiss at iniibig!Sa sandaling ito, maraming tanong ang lumitaw sa isipan niya.‘Siya ba?!’‘Paano ito nangyari?’‘Bakit nandito siya?’‘Nananaginip ba ako?’‘Patay na ba ako at ilusyon lang ba ito?’‘Kanina lang, akala ko na wala na akong panghihinayang kung makikita ko ulit si Charlie nang isang beses lang bago ako mamatay, pero hinding-hindi ko aakalain na bigla niya akong ililigtas na parang isang anghel mula sa langit!’Maraming mga kaisipan ang lumitaw sa kanyang isipan kasama ang halo-halong emosyon ng sorpresa, pag-aalangan, pagkabalisa, at pananabik. Nanginig siya sa punto na wala siyang masabi.Sa sandaling ito, si Charlie ang sumira sa katahimikan. Tumingin siya kay Nanako habang nakangiti at tinanong, “Ito-san, medyo matagal na tayong hindi nagkita. Kamusta ka na?”Nang marinig ang boses ni Charlie, sa wakas ay sigurado na si Nanako na hindi ito isang ilusyon!
Read more

Kabanata 1767

Sigurado ang apat na ninja ng pamilya Fujibayashi na kaya nilang patayin si Charlie gamit ang isang atake.Para naman kay Nanako, sobrang lakas ng tibok ng puso niya habang pinapanood ang eksena, natatakot siya na marahil ay may mangyaring masama kay Charlie. Mas gugustuhin niya na siya ang mamatay kaysa makitang magkaroon ng isang sugat si Charlie.Sa sandaling ito, biglang umatras ng ilang metro si Charlie nang napakabilis. Nagulantang ang apat na ninja sa sobrang bilis nito!Sila ang unang umatake, at mas mabilis sila kay Charlie sa pag-atake nila. Bukod dito, halos isang metro ang haba ng mga ninja sword nila, kaya mas malayo ang distansya ng atake nila, mayroon silang kalamangan sa layo at mas nauna sila.Ayon sa kalkulasyon nila, halos imposible na makatakas ang kahit sino sa atake nila sa isang iglap. Dahil, hindi kayang iwasan ng isang normal na tao ang isang bala kapag tatama na ito sa kanya!Pero, nagawa ito ni Charlie!Habang umaatras siya, nilagay niya sa kanyang buls
Read more

Kabanata 1768

“Charlie-san…”Habang humihikbi, pinagalaw ni Nanako ang mga gulong ng kanyang wheelchair papunta kay Charlie.Mabilis na humakbang si Charlie papunta sa kanya at tinanong, “Ito-san, ayos ka lang ba?”“Oo, ayos lang ako…” Tumango nang masigla si Nanako, pagkatapos, tinakpan niya ang kanyang mukha at umiyak nang mapait habang dumaloy sa kanya ang mga emosyon.Sa sandaling ito, hindi siya malungkot dahil muntikan na siyang mamatay, ngunit nalula siya sa biglang pagdating ni Charlie, sa punto na hindi niya makontrol ang mga emosyon niya.Nang makita siyang umiiyak, itinaas ni Charlie ang kanyang kamay, marahan na hinimas ang likod ng malamig na kamay ni Nanako, at sinabi nang malamig, “Ayos lang ito, Ito-san. Ayos na ang lahat ngayon. Huwag ka nang umiyak.”Pinunasan ni Nanako ang mga luha niya, umiling siya, at sinabi, “Hindi ako umiiyak dahil sa nangyari…”Pagkatapos nito, itinaas niya ang kanyang tingin, na puno ng matinding pagmamahal at pag-ibig, at sinabi niya habang patuloy
Read more

Kabanata 1769

Nagulantang si Nanako nang marinig ang matatag na sagot ni Charlie. Hindi siya makapaniwala na gagaling siya nang buo, pero nang marinig niya ito ka Charlie, bigla siyang naging kumpiyansa nang sobra at naging panatag.Ngumiti siya nang kaaya-aya at tinanong, “Kaya mo ba talaga akong gamutin?”Tumango si Charlie at sinabi, “Oo, pero bago kita gamutin, itapon muna natin ang mga bangkay.”Sinabi nang mabilis ni Nanako, “Tatawagan ko ang kasambahay!”“Hindi na.” Pinigilan siya ni Charlie at sinabi, “May kaunting gusto kami ng ama mo sa Tokyo. Kung ipapaalam mo sa kasambahay ang napakalaking bagay, siguradong ipapaaalam niya ito sa ama mo, at marahil ay hindi maging maayos ang mga bagay-bagay sa pagitan natin.”Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Nakilala mo ba ang ama ko sa Tokyo? Anong gusto niyong dalawa?”Nagkibit balikat si Charlie at sinabi, “Mahabang kwento. Sasabihin ko ang lahat ng ito sa iyo kapag ginamot ko ang mga injury mo.”Nilabas ni Nanako ang kanyang dila nang mapaglar
Read more

Kabanata 1770

Tinanong ni Nanako, “Charlie-san, makikita pa ba kita sa hinaharap?”Tumango si Charlie. “Oo. Nililipat ko ang parte ng negosyo ko sa Japan ngayon, kaya marahil ay madalas akong pumunta dito sa hinaharap.”“Magaling!” Tumili si Nanako sa tuwa. “Charlie-san, pwede mo bang ipangako sa akin ang isang bagay?”Tumango si Charlie. “Ano iyon?”Mabilis na sinabi ni Nanako, “Sana ay ipaalam mo sa akin sa tuwing pupunta ka sa Japan, at sana ay hayaan mo akong makipagkita sa iyo kung ayos lang sa iyo!”“At saka, kung pumunta ako sa Oskia at nagkataon na libre ka, hayaan mo rin sana na makipagkita ako sayo, okay?”Ngumiti si Charlie. “Walang problema. Pangako.”Nagdiwang si Nanako na parang isang maliit na bata na nakuha ang paborito niyang candy. “Kung gano’n, mas madalas kitang makikita!”Habang naaaliw sa kanyang matamis na ngiti, mas naging marahan ang boses ni Charlie habang sinabi niya nang nakangiti, “Okay. Dadalhin muna kita sa kwarto mo. Tutulungan kitang gamutin ang mga injury mo
Read more
PREV
1
...
175176177178179
...
567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status