Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1741 - Chapter 1750

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1741 - Chapter 1750

5669 Chapters

Kabanata 1741

Sa Aman Hotel Tokyo.Katatapos lang maligo at magbihis ni Sophie, at binuksan niya ang laptop sa kanyang kwarto. Pagkatapos nito, pumasok siya at ang kapatid niya sa video conference call kasama si Sheldon, na nasa Eastcliff.Mabilis na inulat ng magkapatid ang malaking concession na ginawa ni Machi para kay Sheldon na sobra ang sorpresa.Ayon sa pananaw ni Sheldon, alam ni Machi ang ginagawa niya. Hindi lang na may determinasyon siya na patayin at sirain ang pamilya Ito, ngunit may konsensya rin siya na handang sumuko at tanggapin ang mas mababang bargain, nagkaroon ng mas pabor sa percentage in their collaboration.Madaling matuturuan at mapapaamo ang ganitong uri ng tao.Sinabi ni Sophie, “Pa, makikipagkita rin kami kay Yahiko mula sa pamilya Ito bukas, dahil pumayag na kami sa meeting na ito. Pero, sa tingin ko ay natalo na si Yahiko at ang pagkakompetensya niya sa kolaborasyon na ito. Bukod dito, imposible na para sa kanya na bigyan tayo ng mas magandang proposal mula kay Ma
Read more

Kabanata 1742

Naging seryoso ang mukha ni Sophie sa sandaling narinig niya ito.Sa totoo lang, binanggit niya lang ang lalaking ito kanina para inisin ang ama niya. Pero, nang maisip niya ang lalaking iyon, hindi mapigilan ni Sophie na mag-alala nang kaunti para sa kanya.Nang maisip niya ang katotohanan na marahil ay hindi siya pakawalan ni Machi, biglang sinabi ni Sophie.“Sa susunod na makita natin si Machi, bibigyan ko siya ng babala. Kung mangangahas siyang atakihin nang palihim ang lalaking iyon pagkatapos ng kasunduan natin, ititigil ko ang kolaborasyon at partnership natin sa anumang oras!”“Kalokohan!!” Pinagalitan nang mahigpit ni Sheldon si Sophie.“Bilang kinatawan ng pamilya Schulz, dapat gawin at ayusin ang lahat para lang sa interes ng pamilya Schulz. Paano mo magagawang hayaan ang isang hindi kilalang lalaki na apektuhan ang interes ng pamilya Schulz?! Basta’t papayag si Machi sa pinakamalaking concession clause, ano pang kinalaman nito sa buhay ng isang hindi natin kilalang lal
Read more

Kabanata 1743

Sa hotel lobby ng Aman Hotel Tokyo.Si Yoshito, na wala pang apatnapung taon, ay sabik nang makipagkita sa pamilya Schulz.Pumunta siya sa hotel ngayong araw dahil umaasa siya na gamitin ang mapagpakumbabang ugali at pagkatao niya na makakuha ng pagkakataon na makipagkita at makipag-usap sa pamilya Schulz.Kahit na ang lakas ng pamilya Matsumoto ay hindi kasing engrande o taas ng pamilya Takahashi o pamilya Ito, naramdaman ni Yoshito na ang abilidad at galing niya ay hindi mas mahina kahit kanino. Bata at matapang siya, at isa siyang perpektong partner para makipagtulungan at magkaroon ng kolaborasyon sa pamilya Schulz.Dahil mas mahina ang pamilya Matsumoto noong ilang taon ang nakalipas, malayo pa sila kumpara sa pamilya Takahashi at pamilya Ito.Kahit na pinamunuan ni Yoshito ang pamilya Matsumoto at pinalago ito nang napakabilis at pinaangat ang antas nito para habulin ang pamilya Takahashi at pamilya Ito, medyo kinulang pa rin sila.Masasabi na ang pamilya Matsumoto ang pina
Read more

Kabanata 1744

Natakot ang dalaga na nagtatrabaho sa front desk sa mabangis na ekspresyon sa kanyang mukha habang nag utal-utal siya sa mga sagot niya.“Sir, pasensya na talaga! Malinaw na sinabi sa amin ng assistant ng pinaka marangal na bisita namin na wala silang oras para makipagkita sa iyo. Mapapahalagahan talaga namin ito kung hindi mo kami papahirapan…”Nadurog agad ang kagalakan at kumpiyansa ni Yoshito sa simula dahil sa dalagang nagtatrabaho sa front desk na ito!Nanumpa siya na parang baliw.“Matsumoto Yoshito ang pangalan ko hindi Sir!! Naiintindihan mo ba ako?!”Umatras nang ilang hakbang ang dalaga sa takot habang sumisigaw siya.“Patawarin mo talaga ako, Mr. Matsumoto. Pinapasa ko lang ang mensahe para sa bisita namin. Mangyaring maintindihan mo ako at patawarin mo ako…”Maraming tao ang pinapanood si Yoshito, maririnig ang bulungan sa paligid ng lobby.Pinaglalapit ng mga taong nito ang mga ulo nila at nagbubulungan sa grupo ng dalawa o tatlo. Kahit na hindi niya malaman ang s
Read more

Kabanata 1745

Napakabilis na naglalabas ng certified na Apothecary Stomach Pill ang mga production line sa production base ng Kobayashi Pharma sa Nagoya.Ang Kobayashi Pharma ay isang top pharmaceutical company sa Asia na may sobrang advanced na production line, mas advanced sa Apothecary Pharmaceutical.Hangga’t nakalatag ang formula, mga halamang gamot, at materyales, halos walang paghihirap sa pagpapalit ng production line para gawin ang mga Apothecary Stomach Pill.Sa sandaling pumasok ang mga production line sa standard production phase at operation phase, umalis si Charlie sa Nagoya at pumunta sa Osaka kasama ang grupo niya.Dahil matatagpuan ang Kyoto sa pagitan ng Nagoya at Osaka, ayon sa orihinal na plano ni Charlie, pupunta siya sa Kyoto para makita si Nanako sa sandaling natapos niya ang lahat ng gawain niya sa Nagoya.Pero, may tatlong ninja na nakasunod sa kanya ngayon, at ayaw niyang dahilan sa Kyoto ang tatlong tao na ito.Kaya, balak niya munang iwan sa Osaka ang tatlong ito. P
Read more

Kabanata 1746

May sariling iniisip si Jaime tungkol dito.Sa opinyon ng pamilya Schulz, may dalawang kalamangan si Machi kumpara kay Yahiko. Una, handa siyang sirain at puksain ang pamilya Ito, at pangalawa, handa siyang bawasan ang kanyang shared profit margin sa 25%.Kaya, kaharap si Yahiko, naramdaman ni Jaime na kailangang pumantay ni Yahiko kay Machi sa unang punto, at kailangan niyang mag-alok ng mas magandang mungkahi kaysa kay Machi sa pangalawang punto.Ang unang punto ay puksain ang pamilya Ito. Sobrang laking hiling na agad nito.Kahit na hilingin nila ang pamilya Takahashi na puksain ang pamilya Ito, o ang kabaliktaran, basta’t mawawala ang isang pamilya, perpekto ito.Kaya, kahit na handang makipagtulungan si Yahiko sa kanya para puksain ang pamilya Takahashi, magiging kapantay niya lang si Machi sa puntong ito.Sa ganitong paraan, malibang kung bibigyan sila ni Yahiko ng mas magandang termino kaysa kay Machi sa pangalawang punto, hindi na kailangan ng pamilya Schulz na ipagpalaga
Read more

Kabanata 1747

Natapos nang biglaan at sa hindi masayang paraan ang negosasyon at diskusyon sa pagitan nila Jaime, Sophie, at Yahiko.Pagkatapos umalis ng magkapatid sa Ito Holdings, doon lang nagmura nang galit si Yahiko.Pabalik sa hotel, tinanong ni Jaime si Sophie, “Sophie, balak kong himukin si Yahiko para makumbinsi siya na pumayag sa alok ko na 20% stake sa shared profit margin. Bakit sobrang palaban ka sa kanya?”Kumulot sa isang ngisi ang mga sulok ng labi ni Sophie habang sumagot, “Ang 20% stake sa profit margin ay mas mababa sa handa niyang tanggapin. Kaya, kahit gaano mo pa siya himukin at kumbinsihin ngayong araw, siguradong hindi siya papayag sa hatian na ito. Kung gusto mo talaga siyang puwersahin, kailangan mo siyang i-pressure.”Tinanong ni Jaime, “May magandang ideya ka?”Sumagot si Sophie, “Pwede mong tawagan si Machi at sabihin sa kanya na balak mo nang pirmahan ang kolaborasyon at partnership sa kanya bukas. Kailangan niyo munang pag-usapan ang mga detalye bago opisyal na pi
Read more

Kabanata 1748

Sabik na sumagot si Jaime, “Sinabi niya na handa siyang isaalang-alang ang alok at kondisyon natin. Pero, umaasa siya na makikipagkita pa rin tayo sa kanya sa personal para pag-usapan ang bagay na ito. Ano sa tingin mo?”Ngumiti nang kuntento si Sophie.“Sa tingin ko ay hindi ito isang problema. Pwede mo siyang tawagan at sabihin na pumunta sa hotel natin bukas nang umaga para makipag-usap. Kung magiging maayos ang usapan natin, makikipagtulungan tayo sa kanya; kung hindi ito magiging maayos, tatapusin na lang natin ang mga termino at kondisyon kay Machi bago pirmahan ang kontrata kasama siya.”“Sige!” Sumagot nang masigla si Jaime, “Tatawagan ko na siya ngayon.”Sa sandaling natapos magsalita si Jaime, apat na ninja na nakaitim ang biglang tumalon pababa sa kisame ng corridor!Bago pa magkaroon ng reaksyon sina Sophie at Jaime, nahuli na sila ng kabila.Sinabi ni Sophie sa sindak, “Sino kayo?!”Sumagot nang malamig ang isa sa mga nakamaskara na ninja, “Miss Schulz, tauhan ako n
Read more

Kabanata 1749

Mabilis nadiskubre ng hotel management ang anomalya na ito.Sa totoo lang, ang mga bisita na nasa palapag sa baba ang unang nakadiskubre ng problema. Napansin nila na may dalawang makapal na lubid sa labas ng bintana, at mabilis nilang ipinaalam sa front desk ang tungkol dito.Sinundan ng mga empleyado ang pinagmulan ng dalawang lubid at nalaman nila na nakasabit ito sa kwarto ni Sophie.Nang mapagtanto na walang tao sa kwarto at magulo ito, nataranta agad ang taong namamahala sa hotel.Hindi lang na pinakamarangal na bisita nila ang magkapatid na Schulz, ngunit ang buong pamilya Schulz ay isa rin sa mga shareholder ng Aman Hotel Group. Kaya, hindi nila pwedeng balewalain ito.Agad silang sumugod sa mga kwarto ng tauhan ng pamilya Schulz, gusto nilang malaman ang katotohanan sa bagay na ito.Sa hindi inaasahan, at sa kanilang kinatatakutan, ang nakita lang nila ay mga bangkay.Lahat ng tauhan at assistant na nagtatrabaho para sa pamilya Schulz ay pata na sa kanilang kwarto.Sob
Read more

Kabanata 1750

Paglipas ng isang oras, dalawang private jet ang umalis sa Eastcliff International Airport. Mahigit isang daang top combat master ng pamilya Schulz ang ipinadala sa Tokyo.Isang bagyo na ang nabubuo sa ilalim ng payapang siyudad.Nang malaman ng mga pulis sa Tokyo ang buong pangyayari, nagulat sila nang sobra, at nagsanhi ito ng malaking kaguluhan.Alam nila na isang trahedya, kung saan mahigit isang dosenang tao ang pinatay at dalawa ang nakidnap, ay hindi lamang masama ngunit isa ring balita na kakalat sa iba’t ibang bansa.Agad isinara ng mga Tokyo police officer ang Aman Hotel Tokyo. Sinimulang suriin ng mga officer mula sa Criminal Investigation Department ang bawat sulok ng hotel upang hanapin ang kahit anong mahalagang bakas o ebidensya.Ang una nilang nahanap ay ang cellphone na naiwan ni Jaime sa kwarto ni Sophie at ang call history ni Jaime at ni Yahiko. Hindi matagal, nakita nila ang isang eksklusibong shuriken na pagmamayari ng ninja ng pamilya Fujibayashi sa isa sa mg
Read more
PREV
1
...
173174175176177
...
567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status