Paglipas ng isang oras, dalawang private jet ang umalis sa Eastcliff International Airport. Mahigit isang daang top combat master ng pamilya Schulz ang ipinadala sa Tokyo.Isang bagyo na ang nabubuo sa ilalim ng payapang siyudad.Nang malaman ng mga pulis sa Tokyo ang buong pangyayari, nagulat sila nang sobra, at nagsanhi ito ng malaking kaguluhan.Alam nila na isang trahedya, kung saan mahigit isang dosenang tao ang pinatay at dalawa ang nakidnap, ay hindi lamang masama ngunit isa ring balita na kakalat sa iba’t ibang bansa.Agad isinara ng mga Tokyo police officer ang Aman Hotel Tokyo. Sinimulang suriin ng mga officer mula sa Criminal Investigation Department ang bawat sulok ng hotel upang hanapin ang kahit anong mahalagang bakas o ebidensya.Ang una nilang nahanap ay ang cellphone na naiwan ni Jaime sa kwarto ni Sophie at ang call history ni Jaime at ni Yahiko. Hindi matagal, nakita nila ang isang eksklusibong shuriken na pagmamayari ng ninja ng pamilya Fujibayashi sa isa sa mg
Naglalakad si Charlie sa mga kalye ng Osaka.Hindi niya hinayaan sila Isaac na sundan siya palabas ngayon.Gustong gamitin ni Charlie ang pagkakataon na ito para direktang puksain ang tatlong natirang ninja na sumusunod pa rin sa kanya.Ito ay dahil ang Osaka ang huling pupuntahan nila para sa negosyo, at gusto niyang puksain ang tatlong lalaking sumusunod sa kanya sa lalong madaling panahon upang mabilis siyang makabisita sa Kyoto.Sinadya niyang pangunahan si Masatetsu at ang mga junior niya sa downtown area habagn naghanap siya ng angkop na lugar para umatake.Pero, hindi niya talaga inaasahan na biglang tatalikod at aatras ang tatlong lalaki na nakasunod sa kanya nang tahimik sa dalawa o tatlong daang metro ang layo.Hindi maiwasang isipin ni Charlie:‘Anong nangyayari? Bakit hindi na nila ako sinusundan? May nabatid ba sila?’‘Hindi naman siguro. Mag-isa lang ako, at wala akong ipinakitang intensyon na umatake. Kumikilos ako na tila ba ignorante ako na sinusundan nila ako.
Tumango siya nang paulit-ulit. “Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. Huwag ka sanang magpagdalus-dalos. May lason ang shuriken na ito. Mamamatay ako kung madadaplisan lang nito ang balat ko…”…Sa parehong oras.Mabilis na inimpake ni Masatetsu at ng kanyang second junior ang mga mahahalaga nilang gamit bago sila sumakay ng elevator pababa sa hotel lobby.Hindi sila pwedeng magsayang ng kahit isang segundo para mag check-out sa hotel room nila. Ang iniisip lang nila ay pumunta sa kotse para makabalik sila sa Tokyo sa lalong madaling panahon.Pero, pagkatapos lumabas sa hotel, napagtanto nila na wala doon ang kotse nila.Minura ni Masatetsu sa inis.“Letse! Third junior, ang hayop na iyon! Bakit nag-aaksaya siya ng oras? Tawagan mo siya ngayon din!!”Nilabas agad ng second junior ang kanyang cellphone para tawagan ang third junior, at sinabi, “Third junior, anong ginagawa mo?! Bakit wala ka pa dito sa labas?”Sumunod ang third junior sa utos ni Charlie habang sinabi, “Second
“Ako… ako… cough… cough… cough…”Naging maputla at asul ang mukha ng second junior habang sinasakal siya.May gusto siyang sabihin, pero wala siyang masabi, maliban sa salitang, ‘Ako.’Tumingin siya kay Charlie gamit ang kanyang natatakot at nagmamakaawang mga mata dahil umaasa siyang pagbibigyan siya ni Charlie.Pero, sinabi lang ni Charlie nang walang interes, “Hindi ko aatakihin ang kahit sino maliban kung sila ang unang umatake sa akin. Sinusundan niyo na ako simula pa sa Tokyo. Balak niyo akong patayin bago ako umalis sa Japan. Kaya, sa tingin mo ba ay pakakawalan lang kita?”Nang marinig ito ng second junior ni Masatetsu, napuno siya ng kawalan ng pag-asa.Nagpatuloy nang walang interes si Charlie, “Okay, gagawin kong maikli ang buhay niya; magiging madali at hindi masakit na kamatayan ito.”Sumikip ang mahigpit na hawak niya. Isang nakakatakot na lagutok ang narinig mula sa leeg ng kabila, at sa loob lang ng ilang segundo, nawala na ang buhay niya.Pagkatapos ay nilagay
Tinanong ni Charlie nang nakangiti, “Hindi mo ba ako tatanungin kung paano kita nakilala?”Lumaki ang mga mata ni Masatetsu sa gulat habang nakatitig siya kay Charlie. “Ikaw… alam mo ito dati pa?!” Tinanong niya pabalik.Tumango si Charlie at ngumiti. “Syempre, alam ko ang tungkol dito!”“Imposible!”“Bakit ito imposible? Sisihin mo ang mga mahihinang Japanese ninja niyo.”Nagulat nang sobra si Masatetsu, “Ikaw ba ang pumatay sa fourth junior ko?”Tumango nang kaswal si Charlie, at sumagot, “Tama. Ako nga.”“Pinatay ko rin ang second at third junior mo. Nasa loob ng trunk ng kotse mo ang bangkay nila ngayon.”“G*go ka!!” Sumigaw si Masatetsu.Pagkatapos, isang patalim ang biglang nahulog sa kanyang kaliwang manggas at sinalo niya ito gamit ang kanyang kaliwang palad.Nilagay ni Masatetsu ang lahat ng lakas niya sa kanyang kaliwang kamay, habang sinubukan niyang saksakin si Charlie gamit ang buong lakas niya.Ngumiti lang nang naaaliw si Charlie nang makita niya ang balak ni
Makalipas ang ilang oras.Lumiwanag na ang langit.Tumagos sa langit ng Tokyo ang mga malabong kulay ng bukang-liwayway.Nagsimula na ang bagong araw. Kagigising lang ng marami, ngunit, marami rin ang hindi nakatulog.Kagabi, sinuro ang lahat ng sulok ng buong Tokyo.Kumilos ang lahat ng officer ng Tokyo Metropolitan Police Department, at nagpadala pa sila ng ibang pulis sa ilang malapit na siyudad. Hindi lang ang Tokyo ang siniyasat nila, ngunit naglagay din sila ng barikada sa lahat ng daan palabas sa Tokyo.Maraming barikada ang itinayo, kung saan mahigpit na sinuri ng mga pulis ang bawat sasakyan na umaalis sa siyudad. Ito ay dahil kailangan nilang malaman ang kinaroroonan ng magkapatid na Schulz.Sa buong gabi, ang buong Tokyo city ay sumailalim sa isang state of emergency.Nasabi na sa medi na ang pinakamatandang apong lalaki at apong babae ng pinaka maimpluwensyang pamilya sa Oskia ay nakidnap sa Tokyo. Dagdag pa rito, mahigit isang dosenang tauhan nila ang pinatay.Hin
Siguradong ilalabas ng media ang balitang ito paglipas ng 7 a.m., at siguradong kakalat ito sa buong Japan kung lalabas ang balita.Kung hindi sila maliligtas ng pulis sa loob ng 24 oras, marahil ay kakalat na parang apoy ang balita, at hindi sa magandang paraan.Sa oras na iyon, hindi lang ito isang scandal para sa Tokyo Metropolitan Police Department ngunit para sa buong Japan!Pipintahan ng ganitong balita ang imahe ng Japan na isa itong hindi ligtas na bansa, at walang mayayamang tao ang mangangahas na pumunta sa Tokyo sa hinaharap kung magulo ang batas at kaayusan sa Japan at sobrang brutal at magulo ang mga siga.Hindi lamang ang mga mayayaman at negosyante ang hindi mangangahas na pumunta, ngunit ang mga opisyal ng iba’t ibang bansa.Ang mas malala, ang Tokyo ang kapital ng Japan! Kung kakalat ang scandal sa buong mundo, siguradong magkakaroon ng diplomatic crisis ang buong Japan!Kaya, mabilis na sinabi ng Superintendent General sa mga kasamahan niya, “Lumabas na ba ang m
“Isang truck? Anong nangyayari?”Idinagdag nang nagmamadali ng butler, “Isang lalaki ang nagdala ng truck sa entrance ng villa, sinasabi niya na isa itong regalo para sa iyo.”“Nasaan na ang lalaki ngayon?”“Narinig ko ito sa security intercom sa entrance, pero nang lumabas ako, iniwan niya ang truck doon at wala na siya.”Nanginig sa gulat si Machi nang marinig ito! Anong uri ng tao ang nagbibigay ng regalo sa truck? Talaga bang nagpark lang siya ng truck sa harap ng bahay at umalis? At saka, ginawa niya ito sa isang malubhang panahon!Nang maisip ito, tinanong niya nang kinakabahan, “Binuksan mo na ba ito para makita kung ano ang nasa loob?”Sumagot ang butler, “Hindi, hindi ko pa ito binubuksan. Inisip ko na hintayin ka munang makabalik para ikaw ang magpasya.”Sinabi ni Machi, “Tawagan mo ang pulis! Tawagan mo ang pulis ngayon din! Baka may bomba sa truck!”Sumagot nang mabilis ang butler, “Master, ginawa na namin ang explosive at toxic substance inspection sa truck at wala
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang