Naglalakad si Charlie sa mga kalye ng Osaka.Hindi niya hinayaan sila Isaac na sundan siya palabas ngayon.Gustong gamitin ni Charlie ang pagkakataon na ito para direktang puksain ang tatlong natirang ninja na sumusunod pa rin sa kanya.Ito ay dahil ang Osaka ang huling pupuntahan nila para sa negosyo, at gusto niyang puksain ang tatlong lalaking sumusunod sa kanya sa lalong madaling panahon upang mabilis siyang makabisita sa Kyoto.Sinadya niyang pangunahan si Masatetsu at ang mga junior niya sa downtown area habagn naghanap siya ng angkop na lugar para umatake.Pero, hindi niya talaga inaasahan na biglang tatalikod at aatras ang tatlong lalaki na nakasunod sa kanya nang tahimik sa dalawa o tatlong daang metro ang layo.Hindi maiwasang isipin ni Charlie:‘Anong nangyayari? Bakit hindi na nila ako sinusundan? May nabatid ba sila?’‘Hindi naman siguro. Mag-isa lang ako, at wala akong ipinakitang intensyon na umatake. Kumikilos ako na tila ba ignorante ako na sinusundan nila ako.
Tumango siya nang paulit-ulit. “Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. Huwag ka sanang magpagdalus-dalos. May lason ang shuriken na ito. Mamamatay ako kung madadaplisan lang nito ang balat ko…”…Sa parehong oras.Mabilis na inimpake ni Masatetsu at ng kanyang second junior ang mga mahahalaga nilang gamit bago sila sumakay ng elevator pababa sa hotel lobby.Hindi sila pwedeng magsayang ng kahit isang segundo para mag check-out sa hotel room nila. Ang iniisip lang nila ay pumunta sa kotse para makabalik sila sa Tokyo sa lalong madaling panahon.Pero, pagkatapos lumabas sa hotel, napagtanto nila na wala doon ang kotse nila.Minura ni Masatetsu sa inis.“Letse! Third junior, ang hayop na iyon! Bakit nag-aaksaya siya ng oras? Tawagan mo siya ngayon din!!”Nilabas agad ng second junior ang kanyang cellphone para tawagan ang third junior, at sinabi, “Third junior, anong ginagawa mo?! Bakit wala ka pa dito sa labas?”Sumunod ang third junior sa utos ni Charlie habang sinabi, “Second
“Ako… ako… cough… cough… cough…”Naging maputla at asul ang mukha ng second junior habang sinasakal siya.May gusto siyang sabihin, pero wala siyang masabi, maliban sa salitang, ‘Ako.’Tumingin siya kay Charlie gamit ang kanyang natatakot at nagmamakaawang mga mata dahil umaasa siyang pagbibigyan siya ni Charlie.Pero, sinabi lang ni Charlie nang walang interes, “Hindi ko aatakihin ang kahit sino maliban kung sila ang unang umatake sa akin. Sinusundan niyo na ako simula pa sa Tokyo. Balak niyo akong patayin bago ako umalis sa Japan. Kaya, sa tingin mo ba ay pakakawalan lang kita?”Nang marinig ito ng second junior ni Masatetsu, napuno siya ng kawalan ng pag-asa.Nagpatuloy nang walang interes si Charlie, “Okay, gagawin kong maikli ang buhay niya; magiging madali at hindi masakit na kamatayan ito.”Sumikip ang mahigpit na hawak niya. Isang nakakatakot na lagutok ang narinig mula sa leeg ng kabila, at sa loob lang ng ilang segundo, nawala na ang buhay niya.Pagkatapos ay nilagay
Tinanong ni Charlie nang nakangiti, “Hindi mo ba ako tatanungin kung paano kita nakilala?”Lumaki ang mga mata ni Masatetsu sa gulat habang nakatitig siya kay Charlie. “Ikaw… alam mo ito dati pa?!” Tinanong niya pabalik.Tumango si Charlie at ngumiti. “Syempre, alam ko ang tungkol dito!”“Imposible!”“Bakit ito imposible? Sisihin mo ang mga mahihinang Japanese ninja niyo.”Nagulat nang sobra si Masatetsu, “Ikaw ba ang pumatay sa fourth junior ko?”Tumango nang kaswal si Charlie, at sumagot, “Tama. Ako nga.”“Pinatay ko rin ang second at third junior mo. Nasa loob ng trunk ng kotse mo ang bangkay nila ngayon.”“G*go ka!!” Sumigaw si Masatetsu.Pagkatapos, isang patalim ang biglang nahulog sa kanyang kaliwang manggas at sinalo niya ito gamit ang kanyang kaliwang palad.Nilagay ni Masatetsu ang lahat ng lakas niya sa kanyang kaliwang kamay, habang sinubukan niyang saksakin si Charlie gamit ang buong lakas niya.Ngumiti lang nang naaaliw si Charlie nang makita niya ang balak ni
Makalipas ang ilang oras.Lumiwanag na ang langit.Tumagos sa langit ng Tokyo ang mga malabong kulay ng bukang-liwayway.Nagsimula na ang bagong araw. Kagigising lang ng marami, ngunit, marami rin ang hindi nakatulog.Kagabi, sinuro ang lahat ng sulok ng buong Tokyo.Kumilos ang lahat ng officer ng Tokyo Metropolitan Police Department, at nagpadala pa sila ng ibang pulis sa ilang malapit na siyudad. Hindi lang ang Tokyo ang siniyasat nila, ngunit naglagay din sila ng barikada sa lahat ng daan palabas sa Tokyo.Maraming barikada ang itinayo, kung saan mahigpit na sinuri ng mga pulis ang bawat sasakyan na umaalis sa siyudad. Ito ay dahil kailangan nilang malaman ang kinaroroonan ng magkapatid na Schulz.Sa buong gabi, ang buong Tokyo city ay sumailalim sa isang state of emergency.Nasabi na sa medi na ang pinakamatandang apong lalaki at apong babae ng pinaka maimpluwensyang pamilya sa Oskia ay nakidnap sa Tokyo. Dagdag pa rito, mahigit isang dosenang tauhan nila ang pinatay.Hin
Siguradong ilalabas ng media ang balitang ito paglipas ng 7 a.m., at siguradong kakalat ito sa buong Japan kung lalabas ang balita.Kung hindi sila maliligtas ng pulis sa loob ng 24 oras, marahil ay kakalat na parang apoy ang balita, at hindi sa magandang paraan.Sa oras na iyon, hindi lang ito isang scandal para sa Tokyo Metropolitan Police Department ngunit para sa buong Japan!Pipintahan ng ganitong balita ang imahe ng Japan na isa itong hindi ligtas na bansa, at walang mayayamang tao ang mangangahas na pumunta sa Tokyo sa hinaharap kung magulo ang batas at kaayusan sa Japan at sobrang brutal at magulo ang mga siga.Hindi lamang ang mga mayayaman at negosyante ang hindi mangangahas na pumunta, ngunit ang mga opisyal ng iba’t ibang bansa.Ang mas malala, ang Tokyo ang kapital ng Japan! Kung kakalat ang scandal sa buong mundo, siguradong magkakaroon ng diplomatic crisis ang buong Japan!Kaya, mabilis na sinabi ng Superintendent General sa mga kasamahan niya, “Lumabas na ba ang m
“Isang truck? Anong nangyayari?”Idinagdag nang nagmamadali ng butler, “Isang lalaki ang nagdala ng truck sa entrance ng villa, sinasabi niya na isa itong regalo para sa iyo.”“Nasaan na ang lalaki ngayon?”“Narinig ko ito sa security intercom sa entrance, pero nang lumabas ako, iniwan niya ang truck doon at wala na siya.”Nanginig sa gulat si Machi nang marinig ito! Anong uri ng tao ang nagbibigay ng regalo sa truck? Talaga bang nagpark lang siya ng truck sa harap ng bahay at umalis? At saka, ginawa niya ito sa isang malubhang panahon!Nang maisip ito, tinanong niya nang kinakabahan, “Binuksan mo na ba ito para makita kung ano ang nasa loob?”Sumagot ang butler, “Hindi, hindi ko pa ito binubuksan. Inisip ko na hintayin ka munang makabalik para ikaw ang magpasya.”Sinabi ni Machi, “Tawagan mo ang pulis! Tawagan mo ang pulis ngayon din! Baka may bomba sa truck!”Sumagot nang mabilis ang butler, “Master, ginawa na namin ang explosive at toxic substance inspection sa truck at wala
Inutusan agad ng butler ang dalawa niyang tauhan, “Kayong dalawa! Buksan niyo ang pinto ng freezer!”Mabilis na umabanta ang dalawang lalaki, isa sa kaliwa at isa sa kanan, upang buksan ang trangka ng pinto ng freezer.Umatras nang ilang hakbang si Machi habang binubuksan nila ang pinto.Ninenerbiyos siya ngayong araw at naramdaman niya na walang tigil ang mga kakaibang nangyayari.Habang binubuksan ang pinto ng freezer, isang puting hamog ang lumabas mula sa loob.Medyo mahalumigmig ang Tokyo sa mga nakaraang araw, at medyo uminit na ang panahon. Kaya, nasa three o four degrees above zero ang temperatura sa labas sa sandaling ito, pero ang temperatura sa loob ng refrigerated truck ay -20 degrees, kaya nagagawa ang ganitong hamog kapag na-vaporize ang hangin.Nakatitig ang mga tao habang unti-unting nawala ang hamog, mabagal na ipinakita ang laman ng freezer.Nang tuluyan nang nawala ang hamog at tumingin sila sa loob, napabulalas ang lahat sa gulat! May apat na taong ice sculpt
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka
Simula noong sinundan ni Charlie ang mga bakas at nalaman ang shipping company ng Qing Eliminating Society sa Singapore, napagtanto niya na ang mga civilian airplane ay isang madaling makaligtaan na butas.Kahit gaano pa kalakas o kayaman ang isang tao, basta’t kailangan nilang lumipad sa mga international border, kailangan nilang i-ulat nang tapat ang lahat ng flight information sa bawat bansa na dadaanan nila.Ito ay dahil walang indibidwal ang kayang kontrolin ang buong aviation system. Ang pinaka prayoridad ng mga gobyerno sa buong mundo ay ang aviation security at ang airspace security. Bukod sa mga drug trafficker sa Mexico at Colombia, walang maglalakas-loob na lumipad nang iligal sa langit.At sa mundong ito, walang tao ang may kakayahan na gumawa ng isang hindi makikitang eroplano na kayang iwasan ang lahat ng radar detection.Kaya, kahit na siya pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo o ang leader ng Qing Eliminating Society, sa sandaling sumakay sila sa eroplano, hindi
Humagikgik si Charlie at sinabi, “Medyo mapanganib ito, pero kung makasalubong talaga natin si Fleur, marahil ay maging magandang bagay ito.”Mas lalong nalito si Vera at tinanong, “Young Master, ano ang eksaktong pinaplano mo?”Sumagot nang tapat si Charlie, “Wala akong tiyak na plano. Ang pangunahing inaalala ko lang ay masyadong mapanganib para sayo na pumunta nang mag-isa sa Yorkshire Hill. Kung pupunta ka, sasamahan kita. Kung hindi natin makikita si Fleur, iyon ang pinakamagandang resulta, pero kung makikita natin siya, marahil ay hindi masamang bagay ito. Basta’t maiiwasan natin na mapansin niya tayo, marahil ay malaman natin kung saan siya at ang iyong ama nag-aral sa ilalim ni Master Marcius Stark!”Ipinaliwanag niya pa, “Sa puntong ito, lumalakas ang pakiramdam ko na ang Apocalyptic Book, Preface to the Apocalyptic Book, at ang mga magulang ko ay konektado. Parang sobrang lapit din ng ugnayan nila kay Master Marcius Stark. Kung mahahanap natin ang lugar kung saan siya nag-
“Tama, Young Master!” Sinabi nang kampante ni Vera sa tawag, “Pupunta ako sa Yorkshire Hill ngayon din!”Nalito si Charlie at tinanong, “Anong gagawin mo sa Yorkshire Hill?”Bumuntong hininga nang magaan si Vera at sinabi nang may kaunting lungkot, “Young Master, simula noong tinamaan ng sakuna ang Mother of Pu’er Tea at umalis ako sa Yorkshire Hill, hindi ako bumalik doon sa nakaraang dalawa o tatlong daang taon. Natatakot ako na gagawa ng patibong si Fleur doon, hihintayin akong mahulog dito.”Nagpatuloy siya, “Nanahimik na siguro ngayon ang Limang Military Governor Office ni Fleur. Kahit na may mga espiya pa rin sila sa Yorkshire Hill, siguro ay umatras na sila sa lokasyon ng Central Military Governor Office o itinigil na ang lahat ng pagbabantay at naghihintay na lang ng utos. Magandang oras na ito para bumalik ako sa Yorkshire Hill ngayon!”Binalaan siya ni Charlie, “Miss Lavor, huwag mo sana itong maliitin. Mas mahalaga ka kay Fleur kaysa sa kahit sino sa mundong ito. Kung ma