Sabik na sumagot si Jaime, “Sinabi niya na handa siyang isaalang-alang ang alok at kondisyon natin. Pero, umaasa siya na makikipagkita pa rin tayo sa kanya sa personal para pag-usapan ang bagay na ito. Ano sa tingin mo?”Ngumiti nang kuntento si Sophie.“Sa tingin ko ay hindi ito isang problema. Pwede mo siyang tawagan at sabihin na pumunta sa hotel natin bukas nang umaga para makipag-usap. Kung magiging maayos ang usapan natin, makikipagtulungan tayo sa kanya; kung hindi ito magiging maayos, tatapusin na lang natin ang mga termino at kondisyon kay Machi bago pirmahan ang kontrata kasama siya.”“Sige!” Sumagot nang masigla si Jaime, “Tatawagan ko na siya ngayon.”Sa sandaling natapos magsalita si Jaime, apat na ninja na nakaitim ang biglang tumalon pababa sa kisame ng corridor!Bago pa magkaroon ng reaksyon sina Sophie at Jaime, nahuli na sila ng kabila.Sinabi ni Sophie sa sindak, “Sino kayo?!”Sumagot nang malamig ang isa sa mga nakamaskara na ninja, “Miss Schulz, tauhan ako n
Mabilis nadiskubre ng hotel management ang anomalya na ito.Sa totoo lang, ang mga bisita na nasa palapag sa baba ang unang nakadiskubre ng problema. Napansin nila na may dalawang makapal na lubid sa labas ng bintana, at mabilis nilang ipinaalam sa front desk ang tungkol dito.Sinundan ng mga empleyado ang pinagmulan ng dalawang lubid at nalaman nila na nakasabit ito sa kwarto ni Sophie.Nang mapagtanto na walang tao sa kwarto at magulo ito, nataranta agad ang taong namamahala sa hotel.Hindi lang na pinakamarangal na bisita nila ang magkapatid na Schulz, ngunit ang buong pamilya Schulz ay isa rin sa mga shareholder ng Aman Hotel Group. Kaya, hindi nila pwedeng balewalain ito.Agad silang sumugod sa mga kwarto ng tauhan ng pamilya Schulz, gusto nilang malaman ang katotohanan sa bagay na ito.Sa hindi inaasahan, at sa kanilang kinatatakutan, ang nakita lang nila ay mga bangkay.Lahat ng tauhan at assistant na nagtatrabaho para sa pamilya Schulz ay pata na sa kanilang kwarto.Sob
Paglipas ng isang oras, dalawang private jet ang umalis sa Eastcliff International Airport. Mahigit isang daang top combat master ng pamilya Schulz ang ipinadala sa Tokyo.Isang bagyo na ang nabubuo sa ilalim ng payapang siyudad.Nang malaman ng mga pulis sa Tokyo ang buong pangyayari, nagulat sila nang sobra, at nagsanhi ito ng malaking kaguluhan.Alam nila na isang trahedya, kung saan mahigit isang dosenang tao ang pinatay at dalawa ang nakidnap, ay hindi lamang masama ngunit isa ring balita na kakalat sa iba’t ibang bansa.Agad isinara ng mga Tokyo police officer ang Aman Hotel Tokyo. Sinimulang suriin ng mga officer mula sa Criminal Investigation Department ang bawat sulok ng hotel upang hanapin ang kahit anong mahalagang bakas o ebidensya.Ang una nilang nahanap ay ang cellphone na naiwan ni Jaime sa kwarto ni Sophie at ang call history ni Jaime at ni Yahiko. Hindi matagal, nakita nila ang isang eksklusibong shuriken na pagmamayari ng ninja ng pamilya Fujibayashi sa isa sa mg
Naglalakad si Charlie sa mga kalye ng Osaka.Hindi niya hinayaan sila Isaac na sundan siya palabas ngayon.Gustong gamitin ni Charlie ang pagkakataon na ito para direktang puksain ang tatlong natirang ninja na sumusunod pa rin sa kanya.Ito ay dahil ang Osaka ang huling pupuntahan nila para sa negosyo, at gusto niyang puksain ang tatlong lalaking sumusunod sa kanya sa lalong madaling panahon upang mabilis siyang makabisita sa Kyoto.Sinadya niyang pangunahan si Masatetsu at ang mga junior niya sa downtown area habagn naghanap siya ng angkop na lugar para umatake.Pero, hindi niya talaga inaasahan na biglang tatalikod at aatras ang tatlong lalaki na nakasunod sa kanya nang tahimik sa dalawa o tatlong daang metro ang layo.Hindi maiwasang isipin ni Charlie:‘Anong nangyayari? Bakit hindi na nila ako sinusundan? May nabatid ba sila?’‘Hindi naman siguro. Mag-isa lang ako, at wala akong ipinakitang intensyon na umatake. Kumikilos ako na tila ba ignorante ako na sinusundan nila ako.
Tumango siya nang paulit-ulit. “Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. Huwag ka sanang magpagdalus-dalos. May lason ang shuriken na ito. Mamamatay ako kung madadaplisan lang nito ang balat ko…”…Sa parehong oras.Mabilis na inimpake ni Masatetsu at ng kanyang second junior ang mga mahahalaga nilang gamit bago sila sumakay ng elevator pababa sa hotel lobby.Hindi sila pwedeng magsayang ng kahit isang segundo para mag check-out sa hotel room nila. Ang iniisip lang nila ay pumunta sa kotse para makabalik sila sa Tokyo sa lalong madaling panahon.Pero, pagkatapos lumabas sa hotel, napagtanto nila na wala doon ang kotse nila.Minura ni Masatetsu sa inis.“Letse! Third junior, ang hayop na iyon! Bakit nag-aaksaya siya ng oras? Tawagan mo siya ngayon din!!”Nilabas agad ng second junior ang kanyang cellphone para tawagan ang third junior, at sinabi, “Third junior, anong ginagawa mo?! Bakit wala ka pa dito sa labas?”Sumunod ang third junior sa utos ni Charlie habang sinabi, “Second
“Ako… ako… cough… cough… cough…”Naging maputla at asul ang mukha ng second junior habang sinasakal siya.May gusto siyang sabihin, pero wala siyang masabi, maliban sa salitang, ‘Ako.’Tumingin siya kay Charlie gamit ang kanyang natatakot at nagmamakaawang mga mata dahil umaasa siyang pagbibigyan siya ni Charlie.Pero, sinabi lang ni Charlie nang walang interes, “Hindi ko aatakihin ang kahit sino maliban kung sila ang unang umatake sa akin. Sinusundan niyo na ako simula pa sa Tokyo. Balak niyo akong patayin bago ako umalis sa Japan. Kaya, sa tingin mo ba ay pakakawalan lang kita?”Nang marinig ito ng second junior ni Masatetsu, napuno siya ng kawalan ng pag-asa.Nagpatuloy nang walang interes si Charlie, “Okay, gagawin kong maikli ang buhay niya; magiging madali at hindi masakit na kamatayan ito.”Sumikip ang mahigpit na hawak niya. Isang nakakatakot na lagutok ang narinig mula sa leeg ng kabila, at sa loob lang ng ilang segundo, nawala na ang buhay niya.Pagkatapos ay nilagay
Tinanong ni Charlie nang nakangiti, “Hindi mo ba ako tatanungin kung paano kita nakilala?”Lumaki ang mga mata ni Masatetsu sa gulat habang nakatitig siya kay Charlie. “Ikaw… alam mo ito dati pa?!” Tinanong niya pabalik.Tumango si Charlie at ngumiti. “Syempre, alam ko ang tungkol dito!”“Imposible!”“Bakit ito imposible? Sisihin mo ang mga mahihinang Japanese ninja niyo.”Nagulat nang sobra si Masatetsu, “Ikaw ba ang pumatay sa fourth junior ko?”Tumango nang kaswal si Charlie, at sumagot, “Tama. Ako nga.”“Pinatay ko rin ang second at third junior mo. Nasa loob ng trunk ng kotse mo ang bangkay nila ngayon.”“G*go ka!!” Sumigaw si Masatetsu.Pagkatapos, isang patalim ang biglang nahulog sa kanyang kaliwang manggas at sinalo niya ito gamit ang kanyang kaliwang palad.Nilagay ni Masatetsu ang lahat ng lakas niya sa kanyang kaliwang kamay, habang sinubukan niyang saksakin si Charlie gamit ang buong lakas niya.Ngumiti lang nang naaaliw si Charlie nang makita niya ang balak ni
Makalipas ang ilang oras.Lumiwanag na ang langit.Tumagos sa langit ng Tokyo ang mga malabong kulay ng bukang-liwayway.Nagsimula na ang bagong araw. Kagigising lang ng marami, ngunit, marami rin ang hindi nakatulog.Kagabi, sinuro ang lahat ng sulok ng buong Tokyo.Kumilos ang lahat ng officer ng Tokyo Metropolitan Police Department, at nagpadala pa sila ng ibang pulis sa ilang malapit na siyudad. Hindi lang ang Tokyo ang siniyasat nila, ngunit naglagay din sila ng barikada sa lahat ng daan palabas sa Tokyo.Maraming barikada ang itinayo, kung saan mahigpit na sinuri ng mga pulis ang bawat sasakyan na umaalis sa siyudad. Ito ay dahil kailangan nilang malaman ang kinaroroonan ng magkapatid na Schulz.Sa buong gabi, ang buong Tokyo city ay sumailalim sa isang state of emergency.Nasabi na sa medi na ang pinakamatandang apong lalaki at apong babae ng pinaka maimpluwensyang pamilya sa Oskia ay nakidnap sa Tokyo. Dagdag pa rito, mahigit isang dosenang tauhan nila ang pinatay.Hin
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka