Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1681 - Kabanata 1690

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1681 - Kabanata 1690

5774 Kabanata

Kabanata 1681

Hindi talaga inaasahan ni Hiroshi na magiging sobrang saya at sabik ang tono ng eldest young lady nang marinig niya na nasa Japan si Charlie ngayon.Hindi niya maiwasang isipin, ‘Hindi ba’t nilinaw ko ang lahat kanina? Dinaya ni Charlie ang ama mo ng 4.5 billion US dollars! Bakit parang sabik na sabik ka nang marinig mo na nasa Japan siya?’Pero, hindi nangahas si Hiroshi na itanong ito sa kanya.Nang makita ni Tanaka na hindi sumagot si Hiroshi sa kanyang tanong, tinanong niya siya nang nagmamadali, “Tanaka-san, sagutin mo ako, bilis! Nandito ba talaga sa Japan si Charlie ngayon?”Sumagot na lang nang tapat si Hiroshi, “Opo, miss. Nandito siya sa Tokyo, Japan. Nakita ko siya dito ngayong araw.”Sumagot si Nanako, “Pumunta ba siya sa Japan para sakupin ang Kobayashi Pharma?”“Gano’n na nga.” Sumagot nang tapat si Hiroshi, “Hindi ko alam ang mga tiyak at eksaktong detalye, pero nandito dapat siya para sakupin ang Kobayashi Pharma.”Medyo nanghinayang si Nanako, at inisip niya, ‘K
Magbasa pa

Kabanata 1682

Kahit na nag-uusap lang sila Nanako at Hiroshi sa tawag, namula agad siya sa sandaling narinig niya ang mga sinabi niya.Sinubukan niyang magpaliwanag nang malabo, “Tanaka-san… mali… mali ang pagkakaintindi mo sa akin! Wala… Wala ako… Wala akong nararamdaman… o pagmamahal… para kay Mr. Wade…”Bumuntong hininga si Hiroshi habang sinabi, “Miss, napakaraming taon na akong nagsisilbi para sa pamilya Ito, at napakatagal na akong nananatili sa tabi mo. Naiintindihan kita nang sobra. Hindi mo na kailangan itago ito sa akin. Ayokong labagin o manghimasok sa privacy mo. Pero, ang pangunahing punto ay kung kahit ang isang katulad ko ay kayang basahin ang mga iniisip mo, paano pa ang chairman na may napakahusay na pananaw? Siguradong imposible na matago mo ang nararamdaman mo sa harap ng chairman. Natatakot ako na hindi lang na hindi mo makikita si Mr. Wade, ngunit marahil ay mailabas mo ang tunay mong iniisip at nararamdaman sa harap ng chairman sa sandaling iyon…”“Ito…” Walang masabi si Nan
Magbasa pa

Kabanata 1683

Alam na alam ni Nanako na ang lakas ni Charlie ay lampas sa imahinasyon niya.Pagkatapos ma-injured, ang kanyang master, si Kazuki, ay sinabi sa kanya na hindi lang sinira ni Charlie at ginawa siyang walang kwentang tao dahil gumamit siya ng malupit na puwersa para suntukin siya. Sa halip, pinagsama niya ang reiki at internal energy na madalas binabanggit sa combat and fighting ng Oskia upang sirain ang mga muscle at ugat niya. Ito ang uri ng gano’ng inner strength.Nakalaban na ni Kazuki ang ilang ninjutsu master dati. Kahit na mas mababa nang sobra ang totoong abilidad niya kumpara sa mga ninjutsu master na iyon, kaya niya pa ring maglabas ng ilang atake sa harap nila. Ibang-iba talaga ito kumpara noong kaharap niya si Charlie at wala siyang magawa, hindi siya makalaban.Malinaw na mas malakas si Charlie kumpara sa antas ng mga ninjutsu master sa Japan.Alam ito ni Nanako, at malinaw na naintindihan niya na kahit ang ama niya pa ito o ang buong pamilya Ito, hindi nila matatapatan
Magbasa pa

Kabanata 1684

Sa sandaling iyon, kinakabahan siya nang sobra sa harap ni Charlie.Habang nagulantang siya at hindi niya alam ang gagawin niya, binigay niya kay Charlie ang isang baso ng milk tea na hawak niya. Sinabi niya pa sa kanya na gusto niyang ibigay sa kanya ang milk tea. Pero, hindi niya talaga inaasahan na kukunin ni Charlie ang milk tea at bago siya uminom diot.Bukod dito, gamit ni Nanako ang straw bago uminom si Charlie sa baso ng milk tea, at uminom siya gamit ang parehong straw. Ang ganitong hindi direktang halik ang pinaka malapit na bagay na ginawa ni Nanako sa isang lalaki sa buong buhay niya.Palaging iniisip ni Nanako ang hindi direktang halik na iyon simula noon.Habang iniisip niya si Charlie, itinaas niya ang kanyang mumunting daliri nang hindi nag-iisip habang sinulat niya ang pangalan ni Charlie sa ibabaw ng tubig.May mga malambot na alon sa ibabaw ng tubig, pero hindi nanatili sa tubig ang kahit anong bakas ng sinulat niya dito.Mas lalong naging matapang at kumpiyans
Magbasa pa

Kabanata 1685

Ang pamilya Schulz ay isang malaki at prestihiyosong pamilya na nagmula sa Hestrance pero nakapagtayo na ng daang-daang taon ng kasaysayan sa Eastcliff.Dati, sa panahon ng Peace Heavenly Rebellion, sinusundan ng pamilya Schulz ang isang merchant, si Aiden Wilbur, at itinaya nila ang kanilang buhay sa paglilipat at pagdadala ng mga bala at pagkain sa army. Simula noon, nakuha nila ang pasasalamat ng gobyerno.Pagkatapos nito, inipon ng pamilya Schulz ang kanilang kayamanan, at umunlad sila; lumipat sila mula sa kanilang bayan na Hestrance at pumunta sa Eastcliff. Simula noon, ipinagpatuloy ng pamilya Schulz ang negosyo ng pamilya, at sa kalaunan ay napunta sila sa top ranking sa bansa.Sa nakaraang dalawang dekada, naglalaban ang pamilya Schulz at pamilya Wade. Sa ilalim ng pamumuno ng ama ni Charlie, si Curtis, sa una ay naging mas mahina nang kaunti ang pamilya Schulz. Pero, pagkatapos mamatay nang bata ni Curtis, agad tinapakan ng pamilya Schulz ang pamilya Wade para maging top f
Magbasa pa

Kabanata 1686

Dahil sa batang edad niya at dahil palagi siyang pinapaboran at pinalaki sa layaw, noon pa man ay may malakas na pagnanais na si Zeno na patunayan ang kanyang sarili.Pero, dati ay nagpapasikat lang siya at pinapatunayan ang sarili niya sa harap ng kanyang mga magulang, at kailanman ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magpasikat sa kanyang lolo. Sa wakas ay nagpasya na siya na kunin at gamitin ang pagkakataon ngayong araw. Iniisip niya talakayin at gumawa ng argumento sa ideya at panukala ng lolo niya upang may pagkakataon siyang ipakitang gilas ang kanyang pambihirang talento at talino. Hinding-hindi inaasahan ni Zeno na magagalit si Lord Schulz dahil lang sa sinabi niya.Bubuksan na niya ang kanyang bibig para ipaliwanag ang kanyang sarili, pero bago niya pa ito magawa, tumayo na ang kanyang ama, si Stefan. Itinaas ni Stefan ang kanyang mga kamay at kaliwa’t kanang sinampal nang mahigpit nang ilang beses si Zeno sa kanyang mukha. Sinampal ni Stefan ang kanyang anak na lalaki
Magbasa pa

Kabanata 1687

Nang marinig ni Sheldon na inanunsyo ng matandang lalaki na magkasamang pupunta sina Jaime at Sophie sa Japan, mayroon siyang medyo matagumpay na hitsura sa kanyang mukha.Sa opinyong niya, binigay na ni Lord Schulz ang napakahalagang bagay sa kanyang anak na lalaki at anak na babae. Kaya, isa itong patunay at ebidensya na siya ang pinakamatandang anak na pinaka pinagkakatiwalaan ng kanyang ama.Hindi maiwasang mainggit at magselos ng ibang anak sa sandaling ito.Wala silang opinyon kung gusto ni Lord Schulz na sanayin si Jaime. Dahil, si Jaime ang pinakamatandang apong lalaki ng pamilya. Kung sinaunang panahon ito, ang ibig sabihin ay si Jaime ang crown prince dahil sa katayuan niya. Kahit gaano kalakas o kagaling pa ang ibang prinsipe, kailangan nilang yumuko kapag nakita nila ang pinakamatandang apo.Pero, pinapapunta si Jaime para magkaroon siya ng mas maraming karanasan at kaalaman, at naramdaman nila na masyadong bias si Lord Schulz dahil pinasama niya si Sophie kay Jaime!S
Magbasa pa

Kabanata 1688

Malinaw na may walang kapantay na pagmamahal at paglalambing si Lord Schulz para kay Sophie.Ito rin ang dahilan kung bakit puno ng pagnanasa para kay Sophie ang lahat ng talentadong binata sa Eastcliff.Dahil, kung makukuha nila si Sophie, hindi lang nila makukuha ang puso ng isang maganda at kaakit-akit na dalaga o isang napakagaling na estudyante na nakatanggap ng pinakamagaling at pinaka prestihiyosong edukasyon. Hindi, para bang nakuha na rin nila ang buong pamilya Schulz!May nagbiro pa at sinabi na kung sino man ang pakakasalan ni Sophie ay makakakuha ng napakalaking kayamanan na trilyong-trilyong dolyar.Kaya, may palayaw din si Sophie na binabanggit ng mga malaki at prestihiyosong pamilya sa buong bansa. Ang palyaw niya ay simple lang at krudo, kilala siya bilang Trillion Schulz.Pagkatapos i-anunsyo ni Lord Schulz ang kanyang desisyon, sinabi niya sa kanyang pinakamatandang anak na lalaki, “Sheldon, bilisan mo na at kausapin mo na sila Jaime at Sophie para makagawa kayo
Magbasa pa

Kabanata 1689

Kaharap ang tanong ng kanyang ama at kapatid na lalaki, sumagot nang kalmado si Sophie, “Una sa lahat, kahit na napakalakas ng resources at galing ng pamilya Ito sa Tokyo at kahit na malakas din sila sa Osaka at Nagoya, ang top port at harbour sa Japan ay ang Yokohama Port talaga na katabi ng Tokyo.”“Kahit na marahil ay medyo mas mababa ang pamilya Takahashi sa pamilya Ito sa Tokyo, napakalakas at magaling pa rin sila sa Yokohama. Masasabi na ang Yokohama ang base camp ng pamilya Takahashi.”“Pangalawa, may problema ang pamilya Ito ngayon. Nagkaroon malalang injury ang eldest young lady ng pamilya Ito noong international combat and fighting competition sa Aurous Hill kailan lang. Nagpapagaling siya ngayon at nagpapahinga para maibalik ang kanyang pisikal na kondisyon. Mahal na mahal ni Ito Yahiko ang kanyang anak na babae, kaya magiging gambala sa kanya ang pisikal na kondisyon ng anak niya ngayon. Hangga’t hindi makakapag-concentrate nang buo ang isang tao sa kanilang trabaho, mala
Magbasa pa

Kabanata 1690

Kumunot ang noo ni Sheldon, na nakatayo sa gilid, bago niya tinanong, “Jaime, interesado ka ba sa eldest young lady ng pamilya Golding?”“Hindi, pa…” Kumaway nang nagmamadali si Jaime at sinabi, “Tapat lang na hinahangaan ko siya.”Tumango si Sheldon bago siya huminto saglit at sinabi, “Medyo mabuti talaga ang eldest young lady ng pamilya Golding. Kung gusto mo talaga siya, siguradong hindi ako tututol. Natatakot lang ako na mamaliitin ng lolo mo ang pamilya Golding…”Nang marinig ito ni Jaime, natuwa siya nang sobra. Sinabi niya agad, “Pa, hindi ka talaga tututol dito?”Sinabi ni Sophie, “Kuya, manhid ka ba talaga nang sobra? Hindi mo ba nakikita na sinusubukan lang ni papa na sabihin mo ang totoo?”“Ahh?!” Nataranta si Jaime bago siya tumingin nang nagmamadali kay Sheldon at tinanong, “Pa, ano ba talaga ang ibig mong sabihin?”Bumuntong hininga si Sheldon habang sinabi niya nang seryoso, “Jaime, hindi ka talaga kasing talino ng kapatid mong babae!”Biglang nahiya nang sobra si
Magbasa pa
PREV
1
...
167168169170171
...
578
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status