Kahit na nag-uusap lang sila Nanako at Hiroshi sa tawag, namula agad siya sa sandaling narinig niya ang mga sinabi niya.Sinubukan niyang magpaliwanag nang malabo, “Tanaka-san… mali… mali ang pagkakaintindi mo sa akin! Wala… Wala ako… Wala akong nararamdaman… o pagmamahal… para kay Mr. Wade…”Bumuntong hininga si Hiroshi habang sinabi, “Miss, napakaraming taon na akong nagsisilbi para sa pamilya Ito, at napakatagal na akong nananatili sa tabi mo. Naiintindihan kita nang sobra. Hindi mo na kailangan itago ito sa akin. Ayokong labagin o manghimasok sa privacy mo. Pero, ang pangunahing punto ay kung kahit ang isang katulad ko ay kayang basahin ang mga iniisip mo, paano pa ang chairman na may napakahusay na pananaw? Siguradong imposible na matago mo ang nararamdaman mo sa harap ng chairman. Natatakot ako na hindi lang na hindi mo makikita si Mr. Wade, ngunit marahil ay mailabas mo ang tunay mong iniisip at nararamdaman sa harap ng chairman sa sandaling iyon…”“Ito…” Walang masabi si Nan
Alam na alam ni Nanako na ang lakas ni Charlie ay lampas sa imahinasyon niya.Pagkatapos ma-injured, ang kanyang master, si Kazuki, ay sinabi sa kanya na hindi lang sinira ni Charlie at ginawa siyang walang kwentang tao dahil gumamit siya ng malupit na puwersa para suntukin siya. Sa halip, pinagsama niya ang reiki at internal energy na madalas binabanggit sa combat and fighting ng Oskia upang sirain ang mga muscle at ugat niya. Ito ang uri ng gano’ng inner strength.Nakalaban na ni Kazuki ang ilang ninjutsu master dati. Kahit na mas mababa nang sobra ang totoong abilidad niya kumpara sa mga ninjutsu master na iyon, kaya niya pa ring maglabas ng ilang atake sa harap nila. Ibang-iba talaga ito kumpara noong kaharap niya si Charlie at wala siyang magawa, hindi siya makalaban.Malinaw na mas malakas si Charlie kumpara sa antas ng mga ninjutsu master sa Japan.Alam ito ni Nanako, at malinaw na naintindihan niya na kahit ang ama niya pa ito o ang buong pamilya Ito, hindi nila matatapatan
Sa sandaling iyon, kinakabahan siya nang sobra sa harap ni Charlie.Habang nagulantang siya at hindi niya alam ang gagawin niya, binigay niya kay Charlie ang isang baso ng milk tea na hawak niya. Sinabi niya pa sa kanya na gusto niyang ibigay sa kanya ang milk tea. Pero, hindi niya talaga inaasahan na kukunin ni Charlie ang milk tea at bago siya uminom diot.Bukod dito, gamit ni Nanako ang straw bago uminom si Charlie sa baso ng milk tea, at uminom siya gamit ang parehong straw. Ang ganitong hindi direktang halik ang pinaka malapit na bagay na ginawa ni Nanako sa isang lalaki sa buong buhay niya.Palaging iniisip ni Nanako ang hindi direktang halik na iyon simula noon.Habang iniisip niya si Charlie, itinaas niya ang kanyang mumunting daliri nang hindi nag-iisip habang sinulat niya ang pangalan ni Charlie sa ibabaw ng tubig.May mga malambot na alon sa ibabaw ng tubig, pero hindi nanatili sa tubig ang kahit anong bakas ng sinulat niya dito.Mas lalong naging matapang at kumpiyans
Ang pamilya Schulz ay isang malaki at prestihiyosong pamilya na nagmula sa Hestrance pero nakapagtayo na ng daang-daang taon ng kasaysayan sa Eastcliff.Dati, sa panahon ng Peace Heavenly Rebellion, sinusundan ng pamilya Schulz ang isang merchant, si Aiden Wilbur, at itinaya nila ang kanilang buhay sa paglilipat at pagdadala ng mga bala at pagkain sa army. Simula noon, nakuha nila ang pasasalamat ng gobyerno.Pagkatapos nito, inipon ng pamilya Schulz ang kanilang kayamanan, at umunlad sila; lumipat sila mula sa kanilang bayan na Hestrance at pumunta sa Eastcliff. Simula noon, ipinagpatuloy ng pamilya Schulz ang negosyo ng pamilya, at sa kalaunan ay napunta sila sa top ranking sa bansa.Sa nakaraang dalawang dekada, naglalaban ang pamilya Schulz at pamilya Wade. Sa ilalim ng pamumuno ng ama ni Charlie, si Curtis, sa una ay naging mas mahina nang kaunti ang pamilya Schulz. Pero, pagkatapos mamatay nang bata ni Curtis, agad tinapakan ng pamilya Schulz ang pamilya Wade para maging top f
Dahil sa batang edad niya at dahil palagi siyang pinapaboran at pinalaki sa layaw, noon pa man ay may malakas na pagnanais na si Zeno na patunayan ang kanyang sarili.Pero, dati ay nagpapasikat lang siya at pinapatunayan ang sarili niya sa harap ng kanyang mga magulang, at kailanman ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magpasikat sa kanyang lolo. Sa wakas ay nagpasya na siya na kunin at gamitin ang pagkakataon ngayong araw. Iniisip niya talakayin at gumawa ng argumento sa ideya at panukala ng lolo niya upang may pagkakataon siyang ipakitang gilas ang kanyang pambihirang talento at talino. Hinding-hindi inaasahan ni Zeno na magagalit si Lord Schulz dahil lang sa sinabi niya.Bubuksan na niya ang kanyang bibig para ipaliwanag ang kanyang sarili, pero bago niya pa ito magawa, tumayo na ang kanyang ama, si Stefan. Itinaas ni Stefan ang kanyang mga kamay at kaliwa’t kanang sinampal nang mahigpit nang ilang beses si Zeno sa kanyang mukha. Sinampal ni Stefan ang kanyang anak na lalaki
Nang marinig ni Sheldon na inanunsyo ng matandang lalaki na magkasamang pupunta sina Jaime at Sophie sa Japan, mayroon siyang medyo matagumpay na hitsura sa kanyang mukha.Sa opinyong niya, binigay na ni Lord Schulz ang napakahalagang bagay sa kanyang anak na lalaki at anak na babae. Kaya, isa itong patunay at ebidensya na siya ang pinakamatandang anak na pinaka pinagkakatiwalaan ng kanyang ama.Hindi maiwasang mainggit at magselos ng ibang anak sa sandaling ito.Wala silang opinyon kung gusto ni Lord Schulz na sanayin si Jaime. Dahil, si Jaime ang pinakamatandang apong lalaki ng pamilya. Kung sinaunang panahon ito, ang ibig sabihin ay si Jaime ang crown prince dahil sa katayuan niya. Kahit gaano kalakas o kagaling pa ang ibang prinsipe, kailangan nilang yumuko kapag nakita nila ang pinakamatandang apo.Pero, pinapapunta si Jaime para magkaroon siya ng mas maraming karanasan at kaalaman, at naramdaman nila na masyadong bias si Lord Schulz dahil pinasama niya si Sophie kay Jaime!S
Malinaw na may walang kapantay na pagmamahal at paglalambing si Lord Schulz para kay Sophie.Ito rin ang dahilan kung bakit puno ng pagnanasa para kay Sophie ang lahat ng talentadong binata sa Eastcliff.Dahil, kung makukuha nila si Sophie, hindi lang nila makukuha ang puso ng isang maganda at kaakit-akit na dalaga o isang napakagaling na estudyante na nakatanggap ng pinakamagaling at pinaka prestihiyosong edukasyon. Hindi, para bang nakuha na rin nila ang buong pamilya Schulz!May nagbiro pa at sinabi na kung sino man ang pakakasalan ni Sophie ay makakakuha ng napakalaking kayamanan na trilyong-trilyong dolyar.Kaya, may palayaw din si Sophie na binabanggit ng mga malaki at prestihiyosong pamilya sa buong bansa. Ang palyaw niya ay simple lang at krudo, kilala siya bilang Trillion Schulz.Pagkatapos i-anunsyo ni Lord Schulz ang kanyang desisyon, sinabi niya sa kanyang pinakamatandang anak na lalaki, “Sheldon, bilisan mo na at kausapin mo na sila Jaime at Sophie para makagawa kayo
Kaharap ang tanong ng kanyang ama at kapatid na lalaki, sumagot nang kalmado si Sophie, “Una sa lahat, kahit na napakalakas ng resources at galing ng pamilya Ito sa Tokyo at kahit na malakas din sila sa Osaka at Nagoya, ang top port at harbour sa Japan ay ang Yokohama Port talaga na katabi ng Tokyo.”“Kahit na marahil ay medyo mas mababa ang pamilya Takahashi sa pamilya Ito sa Tokyo, napakalakas at magaling pa rin sila sa Yokohama. Masasabi na ang Yokohama ang base camp ng pamilya Takahashi.”“Pangalawa, may problema ang pamilya Ito ngayon. Nagkaroon malalang injury ang eldest young lady ng pamilya Ito noong international combat and fighting competition sa Aurous Hill kailan lang. Nagpapagaling siya ngayon at nagpapahinga para maibalik ang kanyang pisikal na kondisyon. Mahal na mahal ni Ito Yahiko ang kanyang anak na babae, kaya magiging gambala sa kanya ang pisikal na kondisyon ng anak niya ngayon. Hangga’t hindi makakapag-concentrate nang buo ang isang tao sa kanilang trabaho, mala
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang