Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1691 - Chapter 1700

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1691 - Chapter 1700

5669 Chapters

Kabanata 1691

Nagalit nang sobra si Sheldon sa mga sinabi ni Sophie.Tinuro niya si Sophie bago niya sinabi nang galit, “Sabihin mo lang dapat ito sa bahay natin. Tingnan natin kung papagalitan ka ng lolo mo kung sasabihin mo ito sa publiko!”Nilabas ni Sophie ang kanyang cellphone bago siya ngumiti at sinabi, “Kung gano’n, bakit hindi ko tawagan si Lolo ngayon at sabihin ko mismo kay lolo ang tungkol dito?”“Niloloko mo ba ako?!” Sumagot nang nagmamadali si Sheldon, “Okay, tama na. Hindi na ako makikipaglokohan sa iyo. Wala pa namang nangyayari. Magmadali na kayong dalawa at gawin niyo ang pananaliksik niya para sa pagpunta niyo sa Japan para makaalis na kayo sa lalong madaling panahon!”Sumagot nang nagmamadali si Jaime, “Bakit hindi natin ito gawin, kung gano’n? Aayusin namin ang bagay na ito ayon sa plano ni Sophie. Makikipagkita muna kami sa pamilya Takahashi bago kami makipagkita sa pamilya Ito. Para sa oras ng pag-alis namin, sa tingin ko ay mas mabuti kung aalis kami sa lalong madaling p
Read more

Kabanata 1692

Tumango si Isaac bago sinabi, “Kung walang mangyayari sa hapon, papuntahin ko siya doon para maranasan at mas makita ang mundo para sa sarili niya, kung gano’n.”Hindi pumunta si Charlie sa kahit saan sa tanghali.Hindi siya pamilyar sa Tokyo, at wala siyang kahit anong pagmamahal o interes sa ganitong uri ng maunlad at modernong siyudad.Sa kabaliktaran, mas gusto niya ang Eastcliff. Hindi lang na may maunlad at marangyang matataas na building sa siyudad, ngunit marami ring historical sites na may daan-daang o libo-libong taon ng kasaysayan doon. Sobrang lakas din ng kultural na kapaligiran at pundasyon doon kumpara sa Tokyo.Pero, ayaw ni Charlie na tutulan ang iba na mag-shopping dahil lang hindi siya interesado dito. Kaya, ipinadala niya si Isaac, Albert, at ang lahat.Lumabas ang mga tao sa abalang Ginza at Shinjuku para maglakad at mag-shopping. Nang bumalik sila, punong-puno ang mga kamay nila dahil may dala-dala silang iba’t ibang maliit at malaking shopping bags.Sa hapo
Read more

Kabanata 1693

Ang galit ni Yahiko ay hindi dahil wala siya sa katwiran o dahil lang makitid ang isipan niya.Sa mga nagdaang panahon, masama na ang loob niya dahil hindi maayos ang lahat para sa kanya.Una, nagkaroon ng malalang injury ang mahal niyang anak na babae. Pagkatapos nito, biglang nawala nang hindi inaasahan ang kanyang magiging manugang sa hinaharap, si Jiro.Pagkatapos, agad siyang naglabas ng 4.5 billion US dollars dahil balak niyang mag-invest sa Kobayashi Pharma.Pagkatapos pirmahan ang kontrata at bayaran ang Kobayashi Pharma, biglang bumalik si Ichiro at idineklara na walang bisa ang kontrata na pinirmahan niya kasama si Masayoshi,Pagkatapos, malakas na sinabi ni Charlie na wala siyang ibibigay na shares sa kanya at hindi siya makakatanggap ng refund para sa 4.5 billion US dollars na ipinadala niya sa account ng Kobayashi Pharma. Kailanman ay hindi pa nakakakita ng ganito kabastos at kawalang-hiyang tao si Yahiko sa buong buhay niya.Kung hindi dahil mukhamg may kauntling la
Read more

Kabanata 1694

Pagkatapos itong pag-isipan, napagtanto niya na sinusundan ng mga Japanese ang Gregorian calendar.Kaya, ang pinakamalaki at pinaka taimtim na piyesta at holiday sa Japan ay ang New Year.Mukhang kapapasok lang ng University of Tokyo sa bisperas ng winter vacation sa oras na ito, at naghahanda na ang mga estudyante para sa kanilang exam.Habang naglalakad si Charlie sa paligid ng campus ng University of Tokyo, hindi niya maiwasang isipin si Nanako na nag-aaral sa university na ito.Kung hindi niya ito mismo nakita, hindi niya maisip kung paano ang isang babaeng mukhang mahina ay hindi lamang isa sa mga top student sa University of Tokyo, ngunit isa ring napakalakas na atleta ng combat and fighting.Puno ng kontradiksyon ang babaeng ito.Habang lumalapit siya sa library, nakikita ni Charlie ang mga poster ni Nanako na nakadikit pa rin sa poste ng ilaw sa kalye.May litrato si Nanako na may suot na uniporme sa poster, at sobrang agaw-tingin ng ngiti niya.Ang laman ng poster ay p
Read more

Kabanata 1695

Ang Japan ay isang bansa kung saan legal na gumawa ng mga gang. Kaya, may iba’t ibang gang at organisasyon sa lipunan ng bansang ito.Ang sikat na movie star, si Jackie Chan, ay dating naging bisa sa isang pelikula na tinatawag na ‘Shinjuku Incident’. Ang background ng balangkas sa pelikula ay tungkol sa Japanese yakuza.Sa Japan, ang Yamaguchi Group at ang Inagawa-kai ang mga leader at boss sa tuktok ng pyramid.Pero, hindi lahat ng yakuza ay galing sa Yamaguchi Group o Inagawa-kai.Sa totoo lang, marami ring iba’t ibang maliliit na yakuza sa iba’t ibang siyudad at distrito.Ang mga organisasyon na ito ay karaniwang tinatawag ang sarili nila na Bosozoku.Mahilig sumakay sa mga maiingay na motor ang mga gangster mulas sa Bosozoku at may dala-dala silang malalamig na armas habang nakikipag-away sila sa kalye.Syempre, kadalasan, madalas lang nila inaapi at pinagsasamantalahan ang mga mahihina at walang imik para makuha nila ang mga kalye.Nang makita ng Oskian na babae na kumaka
Read more

Kabanata 1696

Tumawa nang mapangahas si Ryuji bago siya nagngalit at sinabi, “Hindi mo talaga pinapahalagahan ang Bunkyo Bosozoku? Bata, tapos ka na ngayong araw!”Nagulat ang babae, at sumigaw siya nang nagmamadali, “Sir, dapat umalis ka na ngayon! Mga miyembro sila ng Bosozoku! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa mga pinaka marahas na gang sa buong Bunkyo district. Hindi mo sila pwedeng kalabanin!”Hinawakan nang kaunti ni Charlie ang kanyang ilong bago siya tumingin kay Ryuji at ngumiti habang sinabi, “Narinig ko na may 23 na distrito sa Tokyo. Hindi ba’t ibig sabihin na may 23 rin na gang tulad ng Bunkyo Bosozoku sa Tokyo?”Galit na tinanong ni Ryuji, “Ano naman?! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa top five sa lahat ng gang sa Tokyo! Kaya mo ba kaming kalabanin?”Suminghal si Charlie at sinabi, “Malalaman ko lang kung kaya kong labanan ang Bunkyo Bosozoku pagkatapos ko munang galitin at hamunin ang gang!”“G*go!” Sumigaw nang malakas ang isa sa mga gangster, “Bata, masyado kang mayabang!”Tumingin
Read more

Kabanata 1697

Biglang nakaramdam si Ryuji ng labis na lamig sa mga talampakan niya at sa buong katawan niya!Kailanman ay hindi pa siya nakakakita ng kasing lupit ni Charlie. Hindi lang siya mukhang medyo marahas dahil sa pambihirang lakas niya, ngunit may mas mataas na kalupitan din siya kumpara sa ordinaryong gang member ng Bosozoku.Kapag nagbigay ng banta ang isang miyembro ng Bosozoku, palagi nilang sasabihin ang mga salitang “Hinahanap mo ang kamatayan”, “Bubugbugin kita hanggang sa mamatay ka”, at iba pang walang saysay at walang kabuluhan na banta.Minsan, posible pa na sumigaw sila hanggang sa mapaos sila, pero sa uli, hindi naman sila naglaban.Pero, hindi ba’t ganito ang mundo ng underworld? Hindi ba’t umaasa ang isa sa kanilang mayabang na ugali at sa respeto na mayroon sila? Aasa lang sila sa pakikipaglaban para ipakita ang lakas nila pagkatapos nito.Pero sa sandaling nagsalita ang binatang ito, sinabi niya nang kaswal na kukunin niya ang kanang braso niya?! Parang isang gulong ng
Read more

Kabanata 1698

Nang makita ni Charlie na tatakas na siya, agad niya siyang hinabol. Nagsalita nang kinakabahan ang babaeng taga-Oskia sa sandaling ito, “Sir, huwag mo na siyang habulin! Mapanganib ito!”Sumagot nang malamig si Charlie, “Sinabi ko na kukunin ko ang dalawang braso niya. Kaya, hindi ako pwedeng umatras sa sinabi ko. Kung hindi, marahil ay pagtawanan tayo ng mga kaibigan natin sa ibang bansa at sabihin na hindi tumutupad sa pangako ang mga Oskia na kagaya natin!”Nang marinig ni Ryuji ang mga sinabi ni Charlie, tumaas nang sobra ang takot sa kanyang puso, at medyo binilisan niya ang kanyang takbo habang sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para makatakas.Habang tumatakbo siya sa gitna ng kalsada, isang kotse na hindi nakatigil sa oras ang nakabangga sa kanya, at bumagsak siya agad.Pagkatapos masagasaan ng kotse ni Ryuji, nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa gilid ng kalsada.Sa sandaling ito, isang convoy ng mga Rolls-Royce ang mabilis na dumadaan sa gilid ng kalsada.
Read more

Kabanata 1699

Umuusok sa galit si Eikichi sa sandaling ito.Siya ang pinakamatandang apong lalaki ng pamilya Takahashi, at siya ang rising star ng pamilya Takahashi. Hindi lang na may pambihirang katayuan at pagkakakilanlan siya sa Tokyo, ngunit sobrang prominenteng tao rin siya na kilala sa buong Japan.Ang katayuan ni Eikichi sa Japan ay katulad sa isang national role model para sa mga lalaki na sikat na sikat sa mga nakaraang ilang taon.Kaya, noon pa man ay may suwail at mapanupil na pagkatao at ugali si Eikichi. Hinding-hindi niya titiisin ang kahit anong kabastusan, at hindi siya isang matiyaga at mapagpasensya na tao.Hindi makapaniwala si Eikichi na ang bianatang ito na mukhang kaedad niya ay hindi papansinin ang kanyang katayuan at katanyagan. Nangahas pa siyang labanan siya at tanungin kung may pasulpot-sulpot na kabingihan ba siya. Sa opinyon ni Eikichi, hinuhukay lang ng binatang ito ang sarili niyang libingan!Kaya, kumaway agad siya sa mga kotse na nasa harap at likod. Sa sandalin
Read more

Kabanata 1700

Tinanong ni Sophie, “Ito ba ang unang araw na nakilala mo ako?”***Sa oras na ito, nakatitig nang malamig si Eikichi kay Charlie.Gusto niya talagang utusan ang mga tauhan niya para bugbugin na lang nila nang direkta si Charlie hanggang sa mamatay siya.Pero, kahit ano pa, ang lugar na ito ay malapit sa University of Tokyo. Nasa gitna siya ng siyudad, at maraming tao ang nanonood sa sandaling ito. Kung paparusahan niya talaga si Charlie ngayon, hindi maiiwasan na kailangan niyang problemahin ang iba’t ibang public relation dahil dito.At saka, may dalawang marangal na bisita siya na nakaupo sa kotse. Lalo na si Sophie, na nagustuhan niya. Kaya, naramdaman ni Eikichi na dapat magtira siya ng sapat na karangalan sa harap niya. Kung ipapakita niya ang kanyang mayabang at marahas na ugali sa harap niya, alam ni Eikichi na siguradong maaapektuhan nito ang tingin ni Sophie sa kanya.Kaya, tumingin siya kay Charlie bago siya suminghal at sinabi sa mayabang at dominanteng paraan, “Bata,
Read more
PREV
1
...
168169170171172
...
567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status