Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1591 - Chapter 1600

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1591 - Chapter 1600

5633 Chapters

Kabanata 1591

Para gawing kuntento si Charlie, itinabi ni Wrigley ang kaunting awa na naramdaman niya para kay Dylan.Sinabi niya nang mahigpit habang may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, “Dylan, matanda na tayong lahat. Kaya, kung handa kang tumaya, dapat mong tuparin ang taya mo pagkatapos mong matalo sa pustahan. Sa tingin ko ay hindi ka na dapat nagsasabi ng kalokohan dito. Bilisan mo at lunukin mo na ang jade pendant ngayon!”Biglang naging sobrang pait at miserable ng ekspresyon sa mukha ni Dylan.Sinabi nang malamig ni Wrigley, “May sasabihin ako sayo. Dapat sobrang swerte ng nararamdaman mo ngayon. Kwintas ang nilunok mo dati. Ngayon, jade pendant lang. Buti na lang, hindi mo nilagyan ng kadena ang jade pendant na ito. Kung hindi, kailangan mong lunukin ang jade pendant kasama ang kadena!”Umiyak nang miserable si Dylan sa kanyang pinsan, kay Loreen, at nagmakaawa nang mapait, “Loreen, mabuti kong ate. Pakiusap at tulungan mo akong magmakaawa kay Mr. Wade. Pakiusap at hilingin mo
Read more

Kabanata 1592

Sobrang saya ni Loreen at sinabi niya nang sabik, “Maraming salamat, Charlie!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Teka lang. Hindi ko siya pipilitin na lunukin ang jade pendant pero bibigyan ko pa rin siya ng ibang parusa. Kung hindi, natatakot ako na hindi siya matututo.Tinanong nang nagmamadali ni Loreen, “Charlie, anong klaseng parusa ang ibibigay mo sa kanya? Hindi ito mas malala kaysa sa paglunok ng jade pendant, tama?”“Hindi.” Ngumiti nang kaunti si Charlie bago sinabi, “Makasisiguro ka na mabuting bagay ang parusa ko para sa kanya.”Sa wakas ay nag-relax na si Loreen habang sinabi niya nang malambing, “Charlie, salamat. Salamat sa pagpapatawad mo sa pinsan ko at pinagbigyan mo siya dahil sa akin. Kung gano’n, bakit hindi mo ako bigyan ng pagkakataon na bayaran ka…”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Paano mo ako babayaran?”Kumurap si Loreen habang ngumiti siya at sinabi nang sinasadya, “Syempre, pangako ko na pakakasalan kita at manganganak ako ng isang malaki at matab
Read more

Kabanata 1593

Nang marinig niya na kailangan niyang sumakay ng bisikleta papuntang Aurous Hill mula sa Eastcliff, at kailangan niyang manatili sa Aurous Hill bilang isang driver sa loob ng isang taon, gusto na talagang mamatay ni Dylan.Ang pangunahing punto ay ang distansya sa pagitan ng Eastcliff at Aurous Hill ay mahigit 1200 kilometer. Hindi ba’t mamamatay siya sa pagod kung gagamit talaga siya ng bisikleta papunta doon?December na ngayon at taglamig na. Kailangan niyang gumamit ng bike papunta sa timog at bawal siyang matulog sa hotel. Masyadong malupit ang mga ito, hindi ba?Naagrabyado nang sobra si Dylan at tumulo ang mga luha niya sa kanyang mukha.Ano ba ito…Siya ang third young master ng pamilya Koch ero kailangan niyang gumamit ng bike papunta sa Aurous Hill? Hindi ba’t mamamatay siya sa daan papunta doon?Kamangha-mangha na kung kaya niyang magbisikleta ng 50 o 60 kilometer bawat araw.Mahigit 1200 kilometer ito. Mga 20 araw siya magbibisikleta!Pero, December na!Sinabi niya
Read more

Kabanata 1594

Ang pinakamasakit na bagay ay ang nakakapagod na pagbibisikleta mula sa Eastcliff papunta sa Aurous Hill.Pero, katanggap-tanggap pa rin ito. Ang pagbibisikleta sa kalahating buwan ay mas mabuti kumpara sa paghiga sa kama nang kalahating buwan pagkatapos ng surgery niya.Bukod dito, naghirap talaga siya nang sobra sa huling operasyon. Bukod dito, hindi pa siya gumagaling nang buo. Kung dadaan ulit siya sa parehong operasyon, siguradong dodoble ang sakit niya.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Pinapunta kita sa Aurous Hill para magbago ka. Sa tingin mo ba ay pinapapunta kita sa Aurous Hill para magsaya sa buhay doon? May sasabihin ako sayo. Pwede mo lang sakyan ang pinaka basic na Phoenix 28 bicycle at wala nang iba! Kung hindi, sisiguraduhin ko na ang sasakyan mo papunta sa Aurous Hill ay isang kariton na puno ng brick!”“Bukod dito, pagkatapos mong dumating sa Aurous Hill, bukod sa oras na ginagamit mo para ihatid si Loreen, uupahan mo lang isang single room sa shantytown, Cli
Read more

Kabanata 1595

Sa sandaling narinig niya na kailangan niyang magbuhat ng semento sa isang construction site, umiling agad nang natataranta si Dylan!Kung ikukumpara, maghihirap lang siya nang kaunti kung titira siya sa isang shantytown gamit ang gastusin na isang libong dolyar kada buwan. Kung pupunta siya sa construction site para magbuhat ng semento, marahil ay maghihirap siya nang sobra sa construction site.Kaya, tumango agad siya nang hindi nag-iisip. “Mr. Wade, tinatanggap ko ang lahat ng kondisyon mo at hindi na ako tatawad sa iyo! Huwag mo lang sana ako ipadala sa construction site…”Nakuntento nang sobra si Charlie at sinabi nang malamig, “Siguraduhin mo na dadaan ka sa tamang repormasyon pagkatapos mong dumating sa Aurous Hill. Huwag kang gumawa ng gulo buong araw. Kung patuloy kang mananatili sa Eastcliff, marahil ay balang araw, gagawa ng malaking sakuna ang isang mapangutyang mayaman na tagapagmana na tulad mo. Marahil ay madamay mo pa ang pamilya Thomas at pamilya Koch sa gulo!”Sa
Read more

Kabanata 1596

Kinuha ni Charlie ang painting na binigay sa kanya ni Yule mula sa kamay ni Dylan bago niya ito ibinigay sa lola ni Loreen. Pagkatapos, sinabi niya, “Lola Thomas, maliit na regalo lang ito mula sa amin ni Claire. Sana ay tanggapin mo ito. Bukod dito, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nangyari dito kanina lang kahit na kaarawan mo ngayong araw. Sana ay mapatawad mo ako.”Nalugod si Lady Thomas at sinabi nang nagmamadali, “Mr. Wade, masyado kang magalang. Sa totoo lang, nangyari lang ang insidente kanina dahil may maling ginawa ang apo ko. Sa huli, ang lahat ng ito ay dahil naging pabaya kami sa pagdisiplina sa aming apong lalaki at nagsanhi kami ng problema para sayo dahil doon.”Habang nagsasalita siya, tumingin siya sa painting bago sinabi, “Mr. Wade, masyadong mamahalin talaga ng painting na ito. Hindi ko matatanggap ang regalo na ito mula sa iyo!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Lola Thomas, maliit na regalo lang ito mula sa amin ni Claire. Hindi mahalaga ang presyo ng
Read more

Kabanata 1597

Pagkatapos nito, opisyal na nagsimula na ang birthday banquet.Itinuring na pinaka marangal na bisita si Charlie at umupo siya sa tabi ni Lady Thomas kasama sina Loreen at Wrigley.Pagkatapos nito, isa-isang nag-alok ng toast sa kanya ang mga miyembro ng pamilya Thomas. Puno ng papuri at pambobola ang kanilang ekspresyon, tono, at mga kilos.Walang masyadong sinabi si Charlie. Kapag may nag-alok ng toast sa kanya, iinum lang siya bilang sagot. Uminom din siya kahit na si Dylan ang nag-alok ng toast sa kanya.Sa oras na ito, maingat na nag-alok si Wrigley ng toast kay Charlie habang binola niya siya at sinabi, “Mr. Wade, may gusto akong hilingin sa iyo…”Alam na ni Charlie kung ano ang gusto niyang hilingin kahit na hindi pa siya nagsasalita. Malinaw na gusto niyang maibalik ang kanyang abilidad at maging potent siya ulit.Pero, kung titingnan ang lahat ng masasamang bagay na ginawa ng pamilya ng apat niya sa pamilya ng tatlo ni Yule, sigurado si Charlie na hinding-hindi niya siya
Read more

Kabanata 1598

“Ahh? Sobrang aga naman? Hindi ka ba mananatili sa Eastcliff nang ilang araw pa?”“Natapos ko na ang lahat ng gawain ko dito, at wala na akong natitirang gawain dito. Aalis na ako bukas.”Nang marinig ito ni Loreen, sinabi niya nang walang pag-aalinlangan, “Kung gano’n, aalis na rin ako sa Eastcliff bukas. Sabay tayong bumalik sa Aurous Hill, okay? Sumakay tayo sa parehong eroplano.”Gusto siyang tanggihan ni Charlie. Pero, nang makita niya ang nagmamakaawang ekspresyon sa mukha ni Loreen, hindi niya kayang tanggihan siya.Dahil, normal lang na sumakay sa parehong flight ang magkaibigan. Kaya, hindi niya pwedeng sadyain na iwasan ang parehong flight nila.Kaya, sinabi ni Charlie, “Okay. Sabay tayong bumalik, kung gano’n.”Sinabi nang nagmamadali ni Loreen, “Kung gano’n, ibigay mo sa akin ang identity card details mo. Ako na ang bibili ng flight tickets natin!”“Okay.”***Habang dinadaos ang birthday banquet, hinanda na ng eldest uncle at second uncle ni Dylan ang cycling trip
Read more

Kabanata 1599

Sa oras na natapos na ang birthday banquet at umalis na ang mga bisita, tinutulak na ni Dylan ang kanyang bagong Phoenix 28 na bike.Sa sandaling ito, biglang naalala ni Dylan ang isang sikat na kanta na nakita niya sa isang short video platform…Ito ay ang ‘Riding on My Beloved Motorcycle’...Nang maisip niya ang kantang iyon, tumingin siya sa kanyang luma at pangit na Phoenix 28 na bike. Hindi niya mapigilang bumuntong hininga habang inisip niya, ‘Maganda sana kung pupunta ako sa Aurous Hill gamit ang motor. Kaya kong bumiyahe ng tatlo o apat na raang kilometro kada araw kung gano’n. Makakarating ako sa Aurous Hill sa lalong madaling panahon, at hindi ako maghihirap nang sobra sa daan…’Gayunpaman, sayang, dahil alam niya na hindi siya bibigyan ni Charlie ng pagkakataon na tumawad. Kaya, tinulak niya na lang ang kanyang bike habang naghanda siyang umalis.Ang kanyang eldest uncle, si Jeryl, ay may hawak na berdeng helmet habang sinubukan niya itong isuot kay Dylan. Iniwasan ni D
Read more

Kabanata 1600

“Okay.” Tumango si Charlie bago sinabi, “Sige, oras na para umalis ka.”Sa sandaling ito, tumakbo si Javier papunta sa kanila habang hawak-hawak ang power bank. Pagkatapos, ibinigay niya ang power bank at ang charging cable kay Dylan habang sinabi, “Dylan, kunin mo ang power bank na ito!”Nilagay ni Dylan ang power bank sa kanyang bag. Pagkatapos punasan ang mga luha sa kanyang mukha, sinabi niya sa lahat, “Lola, Lolo, Pa, Ma, Eldest Uncle, Second Uncle, aalis na ako ngayon…”Kumaway ang lahat sa kanya. “Pwede ka nang umalis. Siguraduhin mo na bibigyang atensyon mo ang kaligtasan mo sa daan!”Tumingin ulit si Dylan kay Charlie bago siya yumuko at sinabi, “Mr. Wade, aalis na ako ngayon…”Humuni si Charlie habang isnabi, “Bilisan mo at umalis ka na ngayon. Kung hindi, mapaparusahan ka kung mahuhuli ka.”Tumango nang nagmamadali si Dylan habang sinabi, “Huwag kang mag-alala! Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!”Kumaway si Charlie at sinabi, “Okay, sige. Pwede ka na umal
Read more
PREV
1
...
158159160161162
...
564
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status