Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1581 - Kabanata 1590

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1581 - Kabanata 1590

5630 Kabanata

Kabanata 1581

Sinundan ni Charlie si Loreen papasok sa bahay.Sobrang maluho ng bahay ng mga prominenteng pamilya sa Eastcliff. Sa sandaling pumasok ka sa pinto, halos kasing laki na ng living hall ang isang maliit na banquet hall.Sa sandaling ito, sobrang daming tao sa liviging hall at maingay ito sa tunog ng usapan ng mga tao. Maraming prominenteng tao sa Eastcliff ang nagtipon sa hall, nag-uusap sa mga grupo.Si Lady Thomas, kasama ng kanyang asawa, ay nag-uusap at tumatawa kasama ang ilang matandang kaibigan na nasa edad niya.Sinabi nang nagmamadali ni Loreen kay Charlie, “Nandoon ang lola ko. Tara at puntahan natin siya.”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Tamang oras ito para ibigay ang regalo na inihanda ko para sa lola mo.”Lumapit sila sa matandang mag-asawa, at binati sila ni Loreen habang may mabait na ngiti, “Lola, Lola, hayaan niyong ipakilala ko siya… ito ang kaklase ko noong kolehiyo, si Charlie Wade!”Ngumiti si Lady Thomas at sinabi, “Oh, ang kaklase ni Loreen! M
Magbasa pa

Kabanata 1582

Sa sandaling ito, sinabi ni Loreen kay Dylan, “Insan, hayaan mong ipakilala ko sayo ang kaklase ko nonog kolehiyo.”Tumalikod si Charlie habang may malaking ngisi sa kaniyang mukha sa sandaling sinabi ito ni Loreen. Sa sandaling nakita siya ni Dylan, lumaki ang mga mata niya na tila ba nakakita siya ng isang multo!Nagulat siya nang sobra at medyo natagalan siya bago siya bumalik sa kaniyang diwa. Pagkatapos, nagngalit siya at suminghal, “Oh! Charlie Wade! Gagantihan na sana kita, at ngayon naglakas-loob ka pang magpakita sa bahay ni lola! Papatayin kita araw!”Tumili si Loreen sa pagkagulantang at sinabi, “Insan, anong sinasabi mo? Bisita natin si Charlie… hindi mo siya pwedeng kausapin nang ganyan!”Sumigaw si Dylan, “Alam mo ba kung bakit ako sumailalim sa surgery!”Sinabi ni Loreen, “Sinabi sa akin ng mama ko na lumunok ka ng kwintas.”“Tama!” Galit na sumigaw si Dylan. Dinagdag niya, “At bakit ko iyon ginawa? Ang lahat ng iyon ay dahil sa put*ng inang to!”Ngumisi si Charli
Magbasa pa

Kabanata 1583

Nang makita ni Charlie na pareho pa rin ang ugali ni Dylan tulad dati, hindi niya mapigilang umirap at sinabihin, “Dylan, mukhang hindi ka talaga marunong matuto sa mga pagkakamali mo dato. Nakalimutan mo na ba kung paano mo nilunok ang kwintas dati?”Dati, ang pangunahing dahilan kung bakit napilitan si Dylan na lunukin ang kwintas ay dahil natalo siya sa pustahan nila ni Charlie. Sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya dahil lang bumili siya ng isang kwintas na may halagang sampu-sampung milyong dolyar. Sa parehong oras, naniniwala siya na walang halaga ang Rejuvenating Pill na binigay ni Charlie kay Jasmine.Pero, hindi niya talaga inaasahan na mabebenta ang Rejuvenating Pill sa napakataas na halaga na dalawang bilyong dolyar sa kaarawan ni Jasmine.Pagkatapos umuwi ni Dylan, pinag-iisipan niya ang tungkol dito. Sa tuwing iniisip niya ito, mas nararamdaman niya na may mali.Noon pa man ay nararamdaman na niya na imposible sa kahit sino na handang gumastos ng dalawang bilyong
Magbasa pa

Kabanata 1584

Tumango si Charlie bago sinabi, “Okay, sige. Magpustahan tayo. Kapag natalo ako, kakainin ko ang painting ko. Kung matatalo ka, kakainin mo ang jade pendant mo.”“P*ta!” Nagngalit si Dylan at nagpatuloy, “Okay! Hindi ako naniniwala sayo! Ayos na ang lahat kung gano’n! Binili ko ang jade pendant ko sa halagang 24 million dollars! May resibo pa ako bilang patunay. Magkano ang sirang painting mo?”Hindi alam ni Charlie kung magkano talaga ang halaga ng painting. Pero, alam niya na ang presyo ng Portrait de Famille ni Henri Matisse ay mabilis na tumataas ang presyo sa mga nagdaang taon. Kaya, kumpiyansa si Charlie na ang presyo ng kanyang painting ay mas mahal kumpara sa presyo ng jade pendant.Kahit na isa lang itong painting, hindi ito isang random na graffiti. Sa halip, isa itong napakagandang painting na ginawa ng isang professional artist.Ang top painting ni Henri Matisse, ang ‘High Litu of Pines and Cypresses’ ay na-acution sa halagang mahigit apat na raang milyong dolyar. Bukod
Magbasa pa

Kabanata 1585

“F*ck you!”Sinigaw nang malamig ni Dylan, “Kaharap mo na ang kamatayan mo, pero ayaw mo pa ring aminin ang pagkakamali mo sa sandaling ito. Aminin mo lang na nagsisinungaling ka! Nangahas ka pang idamay si Mr. Golding mula sa Golding Group sa bagay na ito. Kung sisisihin tayo ni Mr. Golding para sa bagay na ito, kakayanin mo ba ito?”Ngumiti si Charlie bago sinabi, “Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong tawagan si Mr. Golding at tanungin siya kung siya mismo ang nagbigay sa akin ng painting na ito.”“Pfft!” Kumulot ang mga labi ni Dylan at nagpatuloy siya, “Kahit na ako ang young master ng pamilya Koch, wala akong karapatan na tawagan si Mr. Golding nang direkta. Nagpapanggap at nagpapasikat ka na lang ba ngayon dahil alam mo na wala akong paraan para matawagan si Mr. Golding upang kumpirmahin ang katunayan ng painting?”Hindi sinabi ni Charlie ang kanyang opinyon, at sinabi niya lang, “Wala nang punto sa pagtatalo o pagyayabang tungkol dito kung wala tayong gagawin. Sa ti
Magbasa pa

Kabanata 1586

Habang nagsasalita siya, biglang tinawag ng matandang lalaki si Loreen at sinabi, “Tara dito, Loreen! Halika at kilalanin mo si Mr. Wrigley!”Sa hindi inaasahan, pare-pareho ang pananaw ng lolo, tito, at ama ni Loreen sa kanyang kasal.Naramdaman nilang lahat na dapat pakasalan ni Loreen ang isang young master mula sa isang mataas at prestihiyosong pamilya para makapagdala siya ng tagumpay sa pamilya Thomas.Ito rin ang dahilan kung bakit inayos nila na magtrabaho si Loreen sa Emgrand Group sa Aurous Hill.Pero, kahit na matagal nang dumating si Loreen sa Aurous Hill, hindi niya man lang nakita ang chairman ng Emgrand Group. Kaya, unti-unti silang nawalan ng pasensya sa bagay na ito.Ngayong nakita nila si Wrigley na nakatayo sa harap nila, pareho ang ideya nilang lahat. Umaasa sila na mapapakasalan ni Loreen si Wrigley. Kung gano’n, aangat at tataas ang ranggo ng pamilya Thomas nang gano’n lang.Sa sandaling nakita ni Wrigley si Loreen, tinitigan niya lang si Loreen sa gulat.K
Magbasa pa

Kabanata 1587

Nang marinig ni Dylan na nagmumura si Wrigley, sobrang saya niya agad.Kung hindi rin masisiyahan si Wrigley kay Charlie, siguradong tapos na si Charlie ngayon!Kapag dumating ang oras, hindi lang pipilitin ni Dylan na lunukin ni Charlie ang buong painting, ngunit pipilitin niya rin si Charlie na lumuhod sa harap niya at tawagin siyang lolo!Kaya, tinuro ni Dylan si Charlie bago niya sinabi, “Mr. Wrigley, ito ang tanga na tinutukoy ko!”Nakatuon ang paningin ni Wrigley kay Loreen sa buong oras na nandito siya. Kasama na ang mga miyembro ng pamilya Thomas na binobola siya at pinapaligiran siya, hindi niya nakita si Charlie na nakatayo sa malapit.Sa sandaling ito, tumingin siya sa direksyon na tinuturo ni Dylan. Nang makita niya si Charlie, nagulat agad siya at natakot nang sobra!“Char… Charlie?! Bakit nandito siya?”Nang maisip niya kung paano madaling natalo ni Charlie ang Warlord at Realm Master… at kung paano pinawala ni Charlie ang potency ng apat na lalaki sa pamilya niya,
Magbasa pa

Kabanata 1588

Habang sinasampal niya siya nang paulit-ulit sa mukha, nagmura siya sa sama ng loob, “Dylan Koch! Letse! Pagod ka na siguro mabuhay! Nangahas ka talagang pagalitan si Mr. Wade! Tingnan mo lang kung paano ko bubugbugin ang sira at maduming bibig mo ngayong araw!”Napuno agad ng dugo ang mukha ni Dylan at namaga ang mga pisngi niya sa sandaling ito. Puno ng gulat at takot ang mga mata niya pero hindi siya makapagsalita.Sa sandaling ito, isang di gaano katandang babae ang naglalagay ng hand cream sa kanyang mga kamay pagkatapos lumabas sa washroom sa sumunod na living room. Hindi niya maiwasang mapabulalas nang malakas nang makita niyang binubugbog si Dylan. Kaya, tumakbo siya habang minura nang malakas, “Sino itong g*go? Ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko?!”Ang babaeng nagsasalita ay walang iba kundi si Sylvia, ang ina ni Dylan at ang tita ni Loreen.Mahal na mahal ni Sylvia ang kanyang anak na lalaki. Nang makita niyang binubugbog ang kanyang anak, nagmamadali siyang sumugo
Magbasa pa

Kabanata 1589

Gusto na talagang mamatay ni Dylan sa sandaling ito.Hindi niya talaga maintindihan kung anong uri ng abilidad ang mayroon si Charlie at kaya niyang gawing magalang ang young master ng pamilya Golding sa kaniya!Kahit na isa talaga siyang Feng Shui master, imposible para kay Wrigley na respetuhin siya nang ganito, tama?Pero, hindi siya naglakas-loob na itanong ito.Dahil, kung titingnan ang sitwasyon ngayon, malinaw na sobrang galang ni Wrigley kay Charlie.Sa sandaling ito, napagtanto rin si Jeryl na hindi si Wrigley ang pinaka marangal na bisita ngayong araw. Sa totoo lang, ang binatang ito na may apelyidong Wade ang pinaka marangal na bisita nila!Kaya, sinabi niya nang nagmamadali kay Dylan, “Dylan! Bakit hindi ka na magmadali at humingi ng tawad kay Mr. Wade ngayon?”Hindi talaga inaasahan ni Dylan na sisigawan din siya ng kaniyang tito at sasabihan siya na humingi ng tawad kay Charlie. Malinaw na kahit ang pamilya niya ay hindi niya kakampi ngayon.Pero, kahit na sobrang
Magbasa pa

Kabanata 1590

Pero, kailan lang siya sumailalim sa isang operasyon pagkatapos lunukin ang kwintas!Kung lulunukin niya ang jade pendant ngayon, hindi ba’t kailangan niyang dumaai nulit sa isang operasyon?!Nang maisip niya ito, namutla agad ang kanyang mukha sa gulat. Umiyak siya at gumapang sa harap ni Charlie habang nagmakaawa siya nang mapait, “Mr. Wade, alam ko na mali talaga ako ngayon. Patawarin mo sana ako sa ngayon. Kailan lang noong sumailalim ako sa operasyon at kagagaling lang ng sugat ko. Kung dadaan ulit ako sa operasyon, natatakot ako na mamamatay ako…”Si Sylvia, na sabik ipagtanggol ang kanyang mahal na anak kanina lang, ay biglang naintindihan ang buong sitwasyon. Alam niya na walang saysay na patuloy niyang kampihan at ipagtanggol ang kanyang anak dahil mas iinisin lang nito sina Charlie at Wrigley. Kaya, umiyak na lang siya at nagmakaawa, “Sir, nagmamakaawa ako sayo. Huwag ka sanang magtanim ng galit sa anak ko! Hindi marunong ang anak ko. Natutunan na niya ang leksyon niya dat
Magbasa pa
PREV
1
...
157158159160161
...
563
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status