“Okay.” Tumango si Charlie bago sinabi, “Sige, oras na para umalis ka.”Sa sandaling ito, tumakbo si Javier papunta sa kanila habang hawak-hawak ang power bank. Pagkatapos, ibinigay niya ang power bank at ang charging cable kay Dylan habang sinabi, “Dylan, kunin mo ang power bank na ito!”Nilagay ni Dylan ang power bank sa kanyang bag. Pagkatapos punasan ang mga luha sa kanyang mukha, sinabi niya sa lahat, “Lola, Lolo, Pa, Ma, Eldest Uncle, Second Uncle, aalis na ako ngayon…”Kumaway ang lahat sa kanya. “Pwede ka nang umalis. Siguraduhin mo na bibigyang atensyon mo ang kaligtasan mo sa daan!”Tumingin ulit si Dylan kay Charlie bago siya yumuko at sinabi, “Mr. Wade, aalis na ako ngayon…”Humuni si Charlie habang isnabi, “Bilisan mo at umalis ka na ngayon. Kung hindi, mapaparusahan ka kung mahuhuli ka.”Tumango nang nagmamadali si Dylan habang sinabi, “Huwag kang mag-alala! Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!”Kumaway si Charlie at sinabi, “Okay, sige. Pwede ka na umal
Habang nakaupo si Charlie sa kotse ni wrigley papunta sa villa ng pamilya Golding, nakatanggap siya ng tawag mula kay Loreen.“Charlie, nagpa-book na ako ng flight ticket para sa ating dalawa sa pagbalik sa Aurous Hill. Nine o’clock ito ng umaga bukas, okay?”“Okay.” Sumagot si Charlie, “Magkano ang flight ticket? Babayaran kita.”Nagreklamo si Loreen, “Flight ticket lang ito. Kailangan mo ba talaga akong bayaran para dito? Hindi ba’t sobrang galang mo sa akin?”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Binayaran mo ang flight ticket ko, kaya paano kita hindi babayaran para dito?”Suminghal si Loreen habang sumagot, “Kung gano’n, ilang beses mo nang niligtas ang buhay ko ngayon. Paano kita hindi babayaran? Kailan ako bibigyan ng pagkakataon ni Mr. Wade na pakasalan siya para maipakita ko ang pasasalamat ko?”Walang masabi si Charlie, at sinabi niya na lang nang walang magawa, “Okay, sige. Hindi na ako magiging magalang sa iyo tungkol sa flight ticket. Magkita na lang tayo sa airport bukas
Nang makita niya na nakabalik na si Charlie, masayang tumayo si Quinn habang tumakbo siya papunta kay Charlie. Ngumisi siya at sinabi, “Kuya Charlie, bakit ang aga mong bumalik? Akala ko na hindi ka babalik hanggang gabi!”Nang maramdaman ni Charlie ang mahigpit na hawak ni Quinn sa mga braso niya, hindi niya maiwasang hindi mapalagay nang kaunti. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip ng baluktot o kakaibang hangarin. Kaya, sinabi niya, “Pumunta lang ako sa isang handaan. Umuwi ako sa sandaling natapos ito.”Habang nagsasalita siya, tinanong ni Charlie, “Wala sa bahay sina Tito at Tita?”“Oo.” Sumagot nang malambot si Quinn, “Pumunta si papa sa kumpanya, at pumunta si mama sa isang charity event. May charity auction at wine party pagkatapos ng charity event. Hindi sila maghahapunan sa bahay ngayong gabi.”Tumango si Charlie. Alam niya na may marangal at prestihiyosong katayuan din si Rachel. Maituturing din siya na isa sa mga top-ranking figure sa Eastcliff. Pagkatapos bumalik nang
Pagkatapos matanggap ang siguradong sagot ni Charlie, sumayaw nang masaya si Quinn habang tumakbo siya pabalik sa kanyang kwarto. Nagpalit agad siya ng damit at nagsuot ng makapal at mahabang jacket.Para hindi makilala ng publiko, nagsuot din siya ng isang face mask na tutulungan siyang hindi malamigan, at isang furry hat na may dalawang cute na tainga ng rabbit.Kumuha rin siya ng isang pares ng bilog at kulay itim na salamin. Pagkatapos isuot ang salamin, parang isang cute at kaibig-ibig na dalaga lang si Quinn. Hindi siya parang ang artistang si Quinn, na kinahuhumalingan at minamahal ng lahat ng lalaki.Sa totoo lang, sa loob niya, sobrang cute at kakaibang babae si Quinn.Simple lang ang isipan nia, at wala siyang karanasan sa pag-ibig o sa pakikisama sa ibang kasarian. Kaya, siguradong wala siyang kahit anong palihim na motibo na madalas mayroon ang ibang babae.Nakikita ni Charlie ang anino ng alaala nila noong bata sila mula sa hitsura niya. Kung iisipin, isa nga talagang
Ito ang siyam na engrande at maharlikang dragon pag-ukit na walang katulad sa mga sinaunang royal building. Masasabi na ito ang pinakamataas na pamantayan. May parehong ukit din ng siyam na engrande at maharlikang dragon sa palasyo ng makasaysayang hari.Ayos lang na iukit ito ng isang tao sa kanilang bahay sa modernong panahon. Pero, dati sa sinaunang panahon, ang hari lang ang maaaring mag-ukit ng ganitong larawan.Kung madidiskubre ng royal family na may gumagamit ng ganitong uri ng carving na katulad sa royal family, maituturing na treason ito, at pwedeng parusahan ng hari ang buong pamilya ng may sala.Bukod dito, may apat na courtyard sa manor na ito. Ang unang courtyard sa entrance ng manor, ay may maliit na version ng Sudbury garden na may mga bato, isang maliit na pavilion, isang maliit na tulay, at dumadaloy na tubig na nakatayo sa harap ng yard.May kaunting tapat na katulong lang na nagtatrabaho sa manor ng pamilya Golding. Kaya, hindi na nag-alinlangan si Quinn, at tin
Kahit na hindi sumagot si Charlie sa mga sinabi ni Quinn, mukhang patuloy pa rin na bumabalik ang mga alaala niya noong kabataan niya. Kaya, hindi niya maiwasang maramdaman na medyo mas naging malapit na siya kay Quinn sa sandaling ito.Nakapag-isip pa siya ng isang haka-hakang eksena sa kanyang isipan. Kung buhay pa rin kaya ang mga magulang niya at hindi sila lumipat sa Aurous Hill dati, kinasal na ba kaya siya kay Quinn ngayon?Marahil, ang taong nagbabantay sa pond na ito na puno ng Koi fish ay hindi lang si Quinn at ang sarili niya. Sa halip, marahil ay nandito rin ang mga magulang ni Quinn at ang mga sarili niyang magulang kasama nila.Marahil ay posible pa na may isa o dalawang anak na sila na sumusunod sa kanila. Nasa tabi ni Quinn ang mga bata, tuloy-tuloy na nagsasalita sa sandaling ito. Tinatawag nila ang kanilang ama at ina habang tinatanong nila ang maraming detalye at alaala ng mga Koi fish.Sa totoo lang, ang lahat ng ito ay hindi lang walang katwiran na palagay ni C
Mas maaga silang pumunta dito kaysa kina Charlie at Quinn at mahigit kalahating oras na silang naglalaro nang masaya ngayon. Habang balak nilang magpahinga, bigla niyang nakita si Charlie na hawak ang kamay ni Quinn!May makapal na face mask si Quinn, isang pares ng itim na salamin, at isang sombrero na may pares ng cute na tainga ng kuneho. Kaya, hindi siya nakilala ni Loreen. Pero, hindi tinakpan ni Charlie ang kanyang mukha o ang kanyang hitsura. Bukod dito, si Charlie ang pinapangarap niyang lalaki na palagi niyang napapanaginipan mula araw hanggang gabi. Kaya, natural lang na nakilala niya si Charlie sa isang tingin.Sa sandaling ito, tila ba bumaluktot na ang lahat ng pananaw at tingin niya!Bakit hawak ni Charlie ang kamay ng ibang babae papunta dito para mag-ice skate?Bukod dito, mukhang sobrang malapit at malambing sila. Malinaw na kakaiba ang relasyon nila sa unang tingin!Kung naalala niya nang tama, kailanman ay hindi naging malapit si Charlie kay Claire!Maaari ba n
Sa sandaling ito, hindi alam ni Charlie na pinagmamasdan siya nang mabuti ni Loreen.Nalulong siya sa sport na paglilibang na kinahihiligan niya noong bata pa siya. Ang lahat ng tao ay may inosenteng parte na parang bata, at hindi naiiba si Charlie.Habang nasa pinakamasayang sandali siya, isang bata na may suot na ice skating blades ang biglang bumilis nang bumilis sa nagyeyelong lawa habang dumiretso siya papunta sa ice skating cart nina Charlie at Quinn.Sa hindi inaasahan, nawalan ng konrol ang bata sa kanyang direksyon. Hindi man lang siya tumalikod habang papalapit nang papalapit siya kay Quinn. Dumiretso lang siya sa direksyon ni Quinn sa sandaling ito.Nang makita niya na babangga na siya kay Quinn, sumigaw sa takot ang batang babae. Lumingon si Quinn at nagulat din siya!Kahit na parang nasa sampung taong gulang pa lang ang bata at marahil ay nasa 30 o 40 kilograms ang bigat niya, hindi dapat maliitin ang epekto na dala ng mabilis na momentum.Ang mas mapanganib pa ay hi
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang