Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1611 - Kabanata 1620

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1611 - Kabanata 1620

5633 Kabanata

Kabanata 1611

Sa una ay naramdaman ni Loreen na bahagyang pasok lang ang paliwanag ni Charlie. Pero, may mga tiyak na bagay pa rin na paran hindi tama sa kanya.Gayunpaman, agad natanggal ng paninira ni Charlie sa kanyang sarili ang lahat ng natirang pagdududa sa puso ni Loreen.Naisip niya ang panahon kung kailan kinamumuhian at minamaliit ng lahat si Charlie noong nasa university pa sila. Kahit ang ilang kaklase nila na galing sa parehong background niya ay inaapi rin siya nang walang tigil.Kailanman ay hindi nagtanim ng galit si Charlie, lalo na ang mag-abalang sumagot o lumaban sa kahit sino. Umasta siya na tila ba walang kinalaman ang lahat sa kanya.Ayon sa pagkatao ni Charlie, siguradong imposible para kay Charlie na sabihin sa mga tao na kilala niya sa personal si Quinn.Bukod dito, kahit na sabihin niya ito sa mga tao, wala namang maniniwala sa kanya.Nang maisip niya ito, biglang napuno ng paghanga si Loreen para kay Charlie.Kilala niya ang pamilya Golding, at malapit siya na para
Magbasa pa

Kabanata 1612

Nang makita ni Charlie na naniwala na si Loreen sa mga sinabi niya, sinabi niya, “Loreen, medyo maggagabi na. Mauuna na kaming umalis. Magkita tayo sa airport bukas.”Bahagyang tumango si Loreen. Sa sandaling ito, biglang may naalala siya, at sinabi niya nang nagmamadali, “Siya nga pala, Charlie, niligtas mo nanaman ako!”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Hindi ikaw ang taong niligtas ko. Niligtas ko ang batang babae. Kung bumangga talaga siya sayo kanina, hindi ka magkakaroon ng seryosong sugat. Pero, sobrang mapanganib ng sitwasyon para sa batang babae.”Ngumuso si Loreen habang sinabi nang makulit, “Kahit ano pa, kailangan pa rin kitang pasalamatan!”Ngumiti nang walang magawa si Charlie habang sinabi, “Okay, mauuna na kaming umalis. Hindi na ako magiging magalang nang sobra sa iyo. Tandaan mo muna na huwag mong sabihin kay Claire ang tungkol dito.”Tumango si Loreen habang sinabi, “Okay. Huwag kang mag-alala. Hindi ko ito sasabihin sa kahit sino. Medyo maggagabi na nga. Aalis
Magbasa pa

Kabanata 1613

Hindi masyadong maingat si Charlie kay Stephen, dahil ayon sa obserbasyon niya, nakikita niya na walang masamang hangarin si Stephen sa kanya. Sa totoo lang, lumaki siya nang ligtas sa Aurous Hill dahil sa palihim na proteksyon ni Stephen.Mayroon nang pagkakataon si Stephen dati na saktan siya. Kung may masamang intensyon talaga siya sa kanya, ginawa niya na ito sa unang pagkakataon na mayroon siya, pero hindi niya ito ginawa.Kaya, buo ang tiwala ni Charlie kay Stephen. Siya rin ang isa sa kaunting tao na pinagkakatiwalaan ni Charlie. Kaya, tatawagan niya si Stephen para makipagkita sa kanya upang malaman ang ilang detalye tungkol sa nakaraan.Sa sandaling ito, nasa Wade Organization si Stephen.Sa executive conference room ng kumpanya, lahat ng miyembro ng pamilya Wade ay nagtipon-tipon para sa isang family meeting.Ang taong namuno sa meeting ay si Jeremiah Wade, ang lolo ni Charlie, at ang patriarch ng pamilya Wade.Halos dalawampung miyembro ng pamilya Wade ang nakaupo nang
Magbasa pa

Kabanata 1614

Nang marinig ang mga sinabi ni Jeremiah, tumingin nang nalilito ang lahat ng miyembro ng pamilya Wade sa isa’t isa, naramdaman nila na tila ba isang fairytale ang sinasabi niya at hindi isang pangungusap.Kung ikukumpara, ang net worth ng pamilya Schulz ay nasa 20% na mas mataas kaysa sa pamilya Wade, hindi malaki sa unang tingin.Pero, dahil sobrang laki ng totoong net worth ng dalawang pamilya na ito, sobrang laki rin ng pagkakaiba ng 20%.Kung gustong lampasan ng pamilya Wade ang pamilya Schulz, dapat tumaas ng ilang daang bilyon ang mga asset nila.Mas malakas na ang pamilya Schulz kaysa sa pamilya Wade pagdating sa laki, at syempre, mas mabilis silang umuunlad kaysa sa pamilya Wade. Dahil dito, unti-unting napalaki ng pamilya Schulz ang kalamangan nila sa pamilya Wade.Hindi lang na mahirap lumaban sa alon at humabol sa pamilya Schulz, ngunit parang tunog pantasya na ito.Tumingin si Jeremiah sa tahimik na mga tao at bumuntong hininga, “Dalawampung taon na ang nakaraan, noon
Magbasa pa

Kabanata 1615

Sa sandaling sinabi ito ni Jeremiah, napanganga ang lahat sa pagkabigla!Ang anak ni Curtis… hindi ba’t si Charlie iyon?!Sa realidad, noong sinabihan ni Jeremiah si Stephen na bilhin ang Emgrand Group sa Aurous Hill at ibigay ito kay Charlie, at inimbita niya pa si Charlie na bumalik sa pamilya, alam na ng lahat na buhay pa si Charlie.Bukod kay Jeremiah, maingat ang lahat kay Charlie at tinataboy pa siya, natatakot na babalik siya sa Eastcliff at makikipagkompetensya sa kanila para sa pamana at kapangyarihan ng pamilya Wade.Buti na lang, tinanggihan ni Charlie ang hiling ni Stephen at hindi siya bumalik sa pamilya Wade, kaya naginhawaan ang lahat at unti-unting ibinaba ang kanilang depensa.Gayunpaman, kahit na hindi nagpasya si Charlie na bumalik, nabalisa pa rin nang sobra ang lahat sa katotohanan na gumastos si Jeremiah ng daang-daang bilyong dolyar para bilhin ang Emgrand Group.Kahit na mahigit isang trilyong dolyar ang mga asset ng pamilya Wade, sobrang laking pamilya ni
Magbasa pa

Kabanata 1616

Kahit si Jeremiah ay nagulantang.Sinabi ni Stephen sa malamig na boses, “Kailan man ay hindi ko inisip na pabalikin si Mr. Charlie sa Eastcliff. Sinasabi ko lang sa iyo na hindi mas mababa si Mr. Charlie sa kanyang ama, na sobrang maimpluwensya dati sa Eastcliff. Para naman sa kasal, si Lord Wade ang nagmungkahi nito, hindi ako!”“Bukod dito, kumalma ka. Sinisiguro ko sayo na walang balak na bumalik si Mr. Charlie. Sa pagkakaintindi ko sa kanya, kahit na lumuhod ako at magmakaawa sa kanya, hindi siya babalik, lalo na ang iwan ang asawa niya para ikasal sa supling ng pamilya Schulz!”Huminga nang maluwag ang lahat nang marinig iyon.Ayaw niyang bumalik? Maganda iyon!Kumitid ang mga mata ni Jeremiah. Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, sinabi niya nang seryoso, “Sa totoo lang, sa tingin ko na kung babalik si Charlie, marahil ay magtagumpay talaga siya na makasal kay Sophie.”“Imposible!” Sinabi ni Clayton, “Sobrang prestihiyoso at prominente ng pamilya Schulz, marahil ay hind
Magbasa pa

Kabanata 1617

Habang may sari-sariling malakas na opinyon ang mga miyembro ng pamilya Wade at nag-iisip kung anong dahilan ang gagamitin nila para kumbinsihin si Jeremiah na sukuan ang ideyang ito, sinampal ni Jeremiah ang lamesa at sinabi nang sabik, “Kung papayag si Charlie dito, sa tingin ko ay kaya itong magawa!”Sinabi nang nagmamadali ni Clayton, “Itay, kasal na si Charlie! Sa tingin mo ba ay ikakasal ng pamilya Schulz ang mahalagang anak na babae nila sa isang lalaki na kasal na dati? Kahit na magkaroon ng divorce si Charlie, magkakaroon siya ng titulong divorcee!”Sinabi nang walang pakialam ni Jeremiah, “Basta’t may pambihirang karisma siya, walang makakatanggi sa kanya kahit na tatlong beses na divorcee siya o kahit kasal pa siya. Alam mo ba kung gaano karaming babae mula sa mayayamang pamilya sa Eastcliff ang gustong maging kabit ni Curtis kahit na kasal na siya? Hindi mahalaga ang Mrs. Wade na titulo para sa kanila hangga’t kasama nila si Curtis. Iyon ang karisma ni Curtis!”Sinabi ni
Magbasa pa

Kabanata 1618

Hindi ito talaga matatanggap ng lahat ng pinsan ni Charlie!Sa sandaling ito, nagplano ng sari-sariling balak ang lahat dahil sa desperasyon.Si Jeremiah naman, sa kabilang dako, ay maluwag ang pakiramdam at malugod. Sigurado talaga siya na nasa kamay ni Charlie ang pagkakataon ng pamilya Wade na umangat at magtagumpay. Tinanggal agad nito ang lahat ng pagdududa na ginagambala siya sa nakaraang apat na taon at guminhawa nang sobra ang pakiramdam niya.Tumawa siya nang malakas, tumayo, at sinabi sa masayang boses, “Okay, iyon na ang lahat para sa araw na ito. Dismissed!”May komplikadong ekspresyon ang lahat, pero walang nangahas na magsalita laban sa utos ni Jeremiah. May sari-sarili silang opinyon, at karamihan sa kanila ay hindi inaasahan ang pagbabalik ni Charlie sa pamilya Wade.Pagkatapos ng meeting, sa sandaling nakabalik si Stephen sa kanyang opisina at umupo, nakatanggap siya ng tawag mula kay Charlie.Nalugod siya, at nagmamadaling sinagot ang tawag at tinanong nang maga
Magbasa pa

Kabanata 1619

Ang Tea Time Room ay nahahati sa tatlong bahagi—ang front yard, middle yard, at backyard, lahat sila ay tipikal na antigong kahoy na building na may stage sa loob kung saan madalas bumibisita ang mga tao para makinig nang live sa mga banda o stand-up comedy.Ang front at middle yard ay bukas sa publiko kung saan ma-eenjoy ng mga miyembro ng teahouse ang mga pasilidad, ngunit ang backyard ay nakasara sa publiko. Ito ang pribadong teritoryo ni Stephen at sobrang confidential nito.Mabait na inimbita ni Stephen sina Charlie at Quinn sa private parlor sa backyard.Nang nakapasok na sila, agad pinaalis ni Stephen ang lahat ng service staff at siya mismo ang nag-imbita kina Charlie at Quinn an umupo sa sofa at gumawa siya ng tsaa para sa kanila gamit ang kanyang mahalagang limited-edition na tea set.Pagkatapos ihanda ang mabangong tsaa sa kanilang dalawa, sinabi ni Stephen, hindi na niya mapigilan ang kanyang pananabik, “Mr. Charlie, hindi ko inaasahan na makita ka sa Eastcliff, lalo na
Magbasa pa

Kabanata 1620

Pwedeng ilabas ilabas ni Charlie ang Rejuvenating Pill ngayon at ibigay ito kay Stephen kung gusto niya. Pero, nagsabi siya ng isang kondisyon na ibibigay niya ito kay Stephen kapag kailangan niya ito para makuha ang tiwala at katapatan ni Stephen.Hindi ito dahil may pagdududa siya kay Stephen sa kahit anong paraan, ngunit naramdaman niya na hindi mali na maging maingat sa kahit anong sitwasyon.Gamit ang Rejuvenating Pill bilang bitag, siguradong mas magiging tapat si Stephene sa kanya.Tulad ng inaasahan, nang marinig ito, nabigla si Stephen sa paghanga at sinabi nang nagpapasalamat, “Mr. Charlie, nalulugod talaga akong marinig na sabihin mo ito. Pangako, iaalay ko ang buhay ko sa iyo, at handa akong dumaan sa lahat ng mapanganib na daan para sa iyo!”Hindi lang tapat na tao si Stephen, ngunit matalino rin siya.Kahit na wala siyang ideya kung ano ang Rejuvenating Pill, nasulyapan niya ito sa kasalukuyang kondisyon ni Yule.Una sa lahat, siguradong ang mahiwagang elixir na sin
Magbasa pa
PREV
1
...
160161162163164
...
564
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status