Hindi ito talaga matatanggap ng lahat ng pinsan ni Charlie!Sa sandaling ito, nagplano ng sari-sariling balak ang lahat dahil sa desperasyon.Si Jeremiah naman, sa kabilang dako, ay maluwag ang pakiramdam at malugod. Sigurado talaga siya na nasa kamay ni Charlie ang pagkakataon ng pamilya Wade na umangat at magtagumpay. Tinanggal agad nito ang lahat ng pagdududa na ginagambala siya sa nakaraang apat na taon at guminhawa nang sobra ang pakiramdam niya.Tumawa siya nang malakas, tumayo, at sinabi sa masayang boses, “Okay, iyon na ang lahat para sa araw na ito. Dismissed!”May komplikadong ekspresyon ang lahat, pero walang nangahas na magsalita laban sa utos ni Jeremiah. May sari-sarili silang opinyon, at karamihan sa kanila ay hindi inaasahan ang pagbabalik ni Charlie sa pamilya Wade.Pagkatapos ng meeting, sa sandaling nakabalik si Stephen sa kanyang opisina at umupo, nakatanggap siya ng tawag mula kay Charlie.Nalugod siya, at nagmamadaling sinagot ang tawag at tinanong nang maga
Ang Tea Time Room ay nahahati sa tatlong bahagi—ang front yard, middle yard, at backyard, lahat sila ay tipikal na antigong kahoy na building na may stage sa loob kung saan madalas bumibisita ang mga tao para makinig nang live sa mga banda o stand-up comedy.Ang front at middle yard ay bukas sa publiko kung saan ma-eenjoy ng mga miyembro ng teahouse ang mga pasilidad, ngunit ang backyard ay nakasara sa publiko. Ito ang pribadong teritoryo ni Stephen at sobrang confidential nito.Mabait na inimbita ni Stephen sina Charlie at Quinn sa private parlor sa backyard.Nang nakapasok na sila, agad pinaalis ni Stephen ang lahat ng service staff at siya mismo ang nag-imbita kina Charlie at Quinn an umupo sa sofa at gumawa siya ng tsaa para sa kanila gamit ang kanyang mahalagang limited-edition na tea set.Pagkatapos ihanda ang mabangong tsaa sa kanilang dalawa, sinabi ni Stephen, hindi na niya mapigilan ang kanyang pananabik, “Mr. Charlie, hindi ko inaasahan na makita ka sa Eastcliff, lalo na
Pwedeng ilabas ilabas ni Charlie ang Rejuvenating Pill ngayon at ibigay ito kay Stephen kung gusto niya. Pero, nagsabi siya ng isang kondisyon na ibibigay niya ito kay Stephen kapag kailangan niya ito para makuha ang tiwala at katapatan ni Stephen.Hindi ito dahil may pagdududa siya kay Stephen sa kahit anong paraan, ngunit naramdaman niya na hindi mali na maging maingat sa kahit anong sitwasyon.Gamit ang Rejuvenating Pill bilang bitag, siguradong mas magiging tapat si Stephene sa kanya.Tulad ng inaasahan, nang marinig ito, nabigla si Stephen sa paghanga at sinabi nang nagpapasalamat, “Mr. Charlie, nalulugod talaga akong marinig na sabihin mo ito. Pangako, iaalay ko ang buhay ko sa iyo, at handa akong dumaan sa lahat ng mapanganib na daan para sa iyo!”Hindi lang tapat na tao si Stephen, ngunit matalino rin siya.Kahit na wala siyang ideya kung ano ang Rejuvenating Pill, nasulyapan niya ito sa kasalukuyang kondisyon ni Yule.Una sa lahat, siguradong ang mahiwagang elixir na sin
Naglabas ng mapait na ngiti si Stephen nang marinig niya ang tanong ni Charlie at sinabi nang malungkot, “Mr. Charlie, karamihan sa mga tao sa mundong ito ay walang utang na loob at madalas ay hindi nila pinapahalagahan ang mga bagay-bagay. Kapag may kailangan lang sila handang kumapit sa iba at kunin ang mga benepisyo at suporta na ibinigay sa kanila, pero sa sandaling hindi na nila kailangan ng tulong, tatalikod sila sa kabilang direksyon at, sisisihin pa ang mga taong tumulong sa kanila, para lang nakawin ang atensyon…”Sa puntong ito, sinabi ni Stephen sa medyo malungkot na tono, “Noong pinangunahan ng ama mo ang mga pamilyang ito na labanan ang pamilya Rothschild, sumisip silang lahat sa kanya, sumipsip nang sobra sa punto na nagkusa silang itayo ang Eastcliff Business Alliance at hinalal ang iyong ama bilang unang chairman ng alliance…”“Pero pagkatapos matalo ng iyong ama ang pamilya Rothschild, agad nilang binuwag ang alliance at siniraan pa ang reputasyon ng ama mo sa pamama
Sinabi nang mabilis ni Stephen, “Mr. Charlie, may ideya ako. Gusto mo ba itong marinig?”Sumagot si Charlie, “Syempre. Sabihin mo.”Nagsimula si Stephen, “Mr. Charlie, kung gusto mong magbayad ang mga tao sa Eastcliff na binigo ang iyong ama, dapat kunin mo muna nang mahigpit ang pamilya Wade, at pagkatapos ay gumawa ka ng detalyado at kumpletong plano para tanggalin sila isa-isa!”Tinanong ni Charlie, “Kung nasa kamay ko na ang pamilya Wade, aling pamilya sa tingin mo ang dapat kong unahin?”“Ang mga Schulz!” Sumagot nang walang pag-aatubili si Stephen.“Ang pamilya Schulz ang pinaka makapangyarihan at pinakamayaman sa ngayon. Ang pagsira sa kanila ay katumbas ng pagkamit sa kalahati ng mga layunin mo. Bukod dito, ang lahat ng taong nanira sa iyong ama sa likod niya ay tinipon ng pamilya Schulz. Gumawa sila ng isang grupo na tinatawag na Anti-wade Alliance kung saan ang pamilya Schulz ang pinuno.”“Anti-Wade Alliance?” Umirap si charlie, “Ang ganda ng pangalan! Kung gano’n, hind
“Maging patriarch ng pamilya Wade?”Ngumiti si Charlie at sumagot habang may kaunting panghahamak, “Wala akong interes na maging patriarch ng pamilya Wade.”Sumagot agad si Stephen, “Mr. Charlie, huwag mo sanang kalimutan na ang pamilya Wade ang pangalawang pinaka prominenteng pamilya sa lahat ng Eastcliff at nangangahas akong sabihin na, ito ang pangalawang pinaka prominente sa buong bansa! Kaya, kung makukuha mo ang titulo bilang patriarch ng pamilya, Mr. Charlie, mas magiging malapit ang puwang sa pagitan mo at ng pamilya Schulz.”Kumaway si Charlie at sumagot. “Stephen, balang araw, tatalunin ko ang pamilya Schulz gamit ang sarili kong mga kamay. Sisirain ko ang lahat ng nagkamali sa aking ama at sa pamilya niya. Gagamitin ko ang sarili kong lakas para paluhurin sila sa harap ng libingan ng mga magulang ko at ipagtapat ang mga kasalanan nila!”Bumuntong hininga si Stephen. “Mr. Charlie, kung magiging patriarch ka ng pamilya Wade, mas maaga mong magagawa ang hiling mo!”Sinabi
Sa daan, hindi nagsalita si Quinn. Tila ba may iniisip siya.Pagkatapos makita na kumukunot ang mga magagandang kilay niya, hindi maiwasang itanong ni Charlie, “Nana, anong nasa isipan mo?”Bumalik sa diwa si Quinn at sumagot, “Kuya Charlie, maganda ba talaga ang relasyon mo… kay Claire?”Nasorpresa si Charlie sa tanong at sumagot gamit ang sarili niyang tanong. “Bakit mo ito biglang tinanong?”Sumagot si Quinn, “Curious lang ako at medyo nag-aalala rin.”“Bakit ka nag-aalala?”“Nag-aalala ako kung ano ang dapat kong gawin sa hinaharap kung maganda ba talaga ang relasyon niyo…”Ngumiti nang kaunti si Charlie at tinanong, “Bago mo ako makita, pinag-isipan mo na ba ang hinaharap mo?”Tumango si Quinn. “Pinag-isipan ko na ito dati. Bago kita makita, noon pa man ay alam ko na dapat kitang hanapin. Kung hindi kita mahahanap, mananatili akong single dahil wala naman akong pakiramdam para sa ibang lalaki.”Nagpatuloy si Charlie, “Kung hindi mo talaga ako nakita… sa tingin ko ay hindi
Sa sumunod na umaga, balak magpaalam ni Charlie sa pamilya ni Quinn at sumakay sa taxi papunta sa airport, pero sa hindi inaasahan, pinilit ni Yule na siya mismo ang maghatid sa kanya sa airport.Sasamahan sila nina Rachel at Quinn.Ayaw ni Charlie na abalahin sila at sayangin ang mahalagang oras nila pero pinilit nila ito at nahirapan siyang tanggihan ang kagandahang-loob nila, kaya pumayag siya.Minamaneho ni Yule ang kanyang Rolls-Royce kasama si Rachel na nakaupo sa passenger seat, habang sina Charlie at Quinn ay nakaupo sa likod.Medyo malungkot si Quinn pero dahil nasa kotse ang mga magulang niya, sinubukan niyang pigilan ang sarili niya na magsalita. Mukhang tila ba maraming tumatakbo sa isipan niya.Dahil nakita na niya ang hugis ng airport, nag-ipon si Quinn ng tapang para iabot ang kanyang kamay upang sunggaban ang kamay ni Charlie at pinisil ito nang kaunti.Lumingon si Charlie at nakita niya na nakatingin si Quinn sa kanya gamit ang makulit na tingin na may sama ng lo
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang