Sinabi nang mabilis ni Stephen, “Mr. Charlie, may ideya ako. Gusto mo ba itong marinig?”Sumagot si Charlie, “Syempre. Sabihin mo.”Nagsimula si Stephen, “Mr. Charlie, kung gusto mong magbayad ang mga tao sa Eastcliff na binigo ang iyong ama, dapat kunin mo muna nang mahigpit ang pamilya Wade, at pagkatapos ay gumawa ka ng detalyado at kumpletong plano para tanggalin sila isa-isa!”Tinanong ni Charlie, “Kung nasa kamay ko na ang pamilya Wade, aling pamilya sa tingin mo ang dapat kong unahin?”“Ang mga Schulz!” Sumagot nang walang pag-aatubili si Stephen.“Ang pamilya Schulz ang pinaka makapangyarihan at pinakamayaman sa ngayon. Ang pagsira sa kanila ay katumbas ng pagkamit sa kalahati ng mga layunin mo. Bukod dito, ang lahat ng taong nanira sa iyong ama sa likod niya ay tinipon ng pamilya Schulz. Gumawa sila ng isang grupo na tinatawag na Anti-wade Alliance kung saan ang pamilya Schulz ang pinuno.”“Anti-Wade Alliance?” Umirap si charlie, “Ang ganda ng pangalan! Kung gano’n, hind
“Maging patriarch ng pamilya Wade?”Ngumiti si Charlie at sumagot habang may kaunting panghahamak, “Wala akong interes na maging patriarch ng pamilya Wade.”Sumagot agad si Stephen, “Mr. Charlie, huwag mo sanang kalimutan na ang pamilya Wade ang pangalawang pinaka prominenteng pamilya sa lahat ng Eastcliff at nangangahas akong sabihin na, ito ang pangalawang pinaka prominente sa buong bansa! Kaya, kung makukuha mo ang titulo bilang patriarch ng pamilya, Mr. Charlie, mas magiging malapit ang puwang sa pagitan mo at ng pamilya Schulz.”Kumaway si Charlie at sumagot. “Stephen, balang araw, tatalunin ko ang pamilya Schulz gamit ang sarili kong mga kamay. Sisirain ko ang lahat ng nagkamali sa aking ama at sa pamilya niya. Gagamitin ko ang sarili kong lakas para paluhurin sila sa harap ng libingan ng mga magulang ko at ipagtapat ang mga kasalanan nila!”Bumuntong hininga si Stephen. “Mr. Charlie, kung magiging patriarch ka ng pamilya Wade, mas maaga mong magagawa ang hiling mo!”Sinabi
Sa daan, hindi nagsalita si Quinn. Tila ba may iniisip siya.Pagkatapos makita na kumukunot ang mga magagandang kilay niya, hindi maiwasang itanong ni Charlie, “Nana, anong nasa isipan mo?”Bumalik sa diwa si Quinn at sumagot, “Kuya Charlie, maganda ba talaga ang relasyon mo… kay Claire?”Nasorpresa si Charlie sa tanong at sumagot gamit ang sarili niyang tanong. “Bakit mo ito biglang tinanong?”Sumagot si Quinn, “Curious lang ako at medyo nag-aalala rin.”“Bakit ka nag-aalala?”“Nag-aalala ako kung ano ang dapat kong gawin sa hinaharap kung maganda ba talaga ang relasyon niyo…”Ngumiti nang kaunti si Charlie at tinanong, “Bago mo ako makita, pinag-isipan mo na ba ang hinaharap mo?”Tumango si Quinn. “Pinag-isipan ko na ito dati. Bago kita makita, noon pa man ay alam ko na dapat kitang hanapin. Kung hindi kita mahahanap, mananatili akong single dahil wala naman akong pakiramdam para sa ibang lalaki.”Nagpatuloy si Charlie, “Kung hindi mo talaga ako nakita… sa tingin ko ay hindi
Sa sumunod na umaga, balak magpaalam ni Charlie sa pamilya ni Quinn at sumakay sa taxi papunta sa airport, pero sa hindi inaasahan, pinilit ni Yule na siya mismo ang maghatid sa kanya sa airport.Sasamahan sila nina Rachel at Quinn.Ayaw ni Charlie na abalahin sila at sayangin ang mahalagang oras nila pero pinilit nila ito at nahirapan siyang tanggihan ang kagandahang-loob nila, kaya pumayag siya.Minamaneho ni Yule ang kanyang Rolls-Royce kasama si Rachel na nakaupo sa passenger seat, habang sina Charlie at Quinn ay nakaupo sa likod.Medyo malungkot si Quinn pero dahil nasa kotse ang mga magulang niya, sinubukan niyang pigilan ang sarili niya na magsalita. Mukhang tila ba maraming tumatakbo sa isipan niya.Dahil nakita na niya ang hugis ng airport, nag-ipon si Quinn ng tapang para iabot ang kanyang kamay upang sunggaban ang kamay ni Charlie at pinisil ito nang kaunti.Lumingon si Charlie at nakita niya na nakatingin si Quinn sa kanya gamit ang makulit na tingin na may sama ng lo
Kumunot ang noo ng salesperson at sinabi, “Sir, $580,000 ang presyo ng bag na ito.”Humuni si Charlie at sinabi, “Walang problema, gusto ko ito.”Pagkatapos ay sumagot ang salesperson, “Excuse me sir, kung gusto mong bilhin ang bag na ito, kailangan mong bumili ng mga bagay na may parehong halaga, tinatawag din itong accompanying purchase.”Nasorpresa si Charlie sa sinabi niya at tinanong. “Anong ibig sabihin mong bumili ng mga bagay na pareho ang halaga? Hindi ko ba pwedeng bilhin nang direkta ang bag na ito?”Ngumiti nang mapanlait ang salesperson habang sinagot. “Sir, ito ba ang unang beses na bibili ka ng Hermes bag? Bumili ka na ba sa Hermes dati?”Umiling si Charlie. “Hindi, maaari ko bang malaman kung ano ang problema?”Humuni ang salesperson, “Maraming Hermes bag ang hindi mo mabibili nang madali. Dahil lang gusto mo itong bilhin, hindi ibig sabihin na makukuha mo ito nang direkta. Pwede kang pumili at bilhin ang kahit anong gusto mo, pero sa mga general merchandise at ba
Sa sandaling iyon, nakatuon ang atensyon ni Tanaka sa fashionable at medyo haliparot na babae na nasa tabi niya.Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya napansin si Charlie sa loob ng store.Dahil nag-uusap ang dalawa sa diyalekto ng Oskia, inisip ni Charlie na ang babaeng kasama niya ay galing sa Oskia.Pagkatapos nilang pumasok sa shop, kinaladkad ng babae si Tanaka sa paligid ng shop para tumingin. Pagkatapos, agad niyang tinuro ang limited edition na Hermes handbag na pinili na ni Charlie para sa kanyang asawa at sinabi nang tuso, “Tanaka, gusto ko ang bag na ito!”Sumagot nang nahihiya si Tanaka, “Mahal ko, pumunta tayo sa Eastcliff para maghanap ng isang doktor na kilala sa buong mundo para sa eldest lady. Hindi tayo nandito para mag-shopping! Masama na nga at hindi natin nakita ang doktor… wala talaga akong ideya kung paano ko babalik para harapin ang pamilya… Kung gusto mo talagang mag-shopping, pwede bang maghintay ka muna na makabalik tayo sa Japan? Dadalhin kita sa Tokyo
Narinig ni Charlie ang mga salitang iyon at suminghal. “Anong pinagyayabang niyo? Isang pamilya ng Japanese na nakatayo sa lupain ng mahal kong Oskia? Maniwala ka man o hindi, kahit na si Yahiko ang nakatayo sa harap ko at magpanggap na matapang siya at malakas, bubugbugin ko pa rin siya at paluluhurin ko siya sa harap ko at tatawagin niya akong lolo!”“G*go!” Si Tanaka, na kanina ay medyo nakokonsensya dahl sa kabastusan ng kanyang girlfriend kay Charlie, ay biglang galit na sumigaw.Pagkatapos ay mahigpit niyang sinabi. “Nangahas kang bastusin si Mr. Ito! Pagod ka na bang mabuhay?!”Ngumiti si Charlie, lumingon at tumingin kay Tanaka at tinanong nang malamig, “Tanaka ba? Medyo matagal na rin tayong hindi nagkita.”Sa sandaling nakita ni Tanaka si Charlie, nagbago ang ekspresyon niya. Tila ba nakakita siya ng isang multo!Naaalala niya pa kung paano sinira nang sobra ni Charlie si Mr. Yamamoto gamit lang ang isang atake.Walang duda na si Charlie ang ang pinaka abnormal at pinak
“Eldest Lady?”Nang marinig ang tanong ni Charlie, naging malungkot ang ekspresyon ni Tanaka at bumuntong hininga siya nang malambot. “Mr. Charlie, hindi ko ito itatago sa iyo. May malalang injury ang eldest lady sa laban nila ni Ms. Aurora. Kahit na swerte siya at nabuhay siya, ang katawan niya ay hindi na kasing lakas tulad ng dati. Ngayon ay nagpapagaling siya sa Kyoto…”Hindi mapigilang kabahan nang kaunti ni Charlie nang maalala niya ang mabait na hitsura ni Nanako.Pero, natago nang mabuti ni Charlie ang kanyang mga emosyon. Habang may poker face, sinabi niya. “May problema ba na komplikasyon? Makakasali ba siya sa mga kompetisyon sa hinaharap?”Naglabas ng mapait na ngiti si Tanaka. “Sa tingin ko ay hindi na siya makakasali sa kahit anong kompetisyon sa hinaharap. Sobrang hina na ng katawan niya ngayon. Ilang araw lang ang nakalipas, kaya niya pang mag-ipon ng lakas para tumayo pero hindi siya makalakad nang sobra. Ngayon, ginugugol niya ang halos lahat ng oras niya sa kama,
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka