Pinanood ni Rose ang malakas na ulan at sinabi, “Ang lakas naman ng ulan. Hindi naman siguro siya magbubukas ng bangketa niya ngayong araw, hindi ba?”Nang marinig ang tanong ni Rose, agad na sumagot si Josephine, “Tinanong ko siya kanina. Ang sabi niya, umulan man o umaraw, magbubukas pa rin siya sa Rainbow Sky Bridge nang tamang oras.”Malungkot na sabi ni Rose, “Ang sipag at ang tyaga naman niya.”“Ate Angeline, dahil nag-aalala ka sa negosyo niya, paano kung imbitahin natin siya para sa isang malaking kainan pagdating doon? Lubos naman niya tayong natulungan, eh.”Nag-isip nang sandali si Rose at tumango. “Kung gano’n, nakapagpasya na tayo. Tara na.”Ang Rainbow Sky Bridge ang pinakakahanga-hanga at yayamaning tulay sa Imperial Capital. Ang katawan ng tulay ay malaki at mahaba. Ang repleksyon ng mga arko sa ilalim ng katawan ng tulay ay nakakonekta sa tubig, bumubuo ng buong bilog. Tumitingin sa paligid, ang maayos na paggalaw ng tulay ay malakas.Mayroong mga simple at bukas na mg
Magbasa pa