Pinanood ni Rose ang malakas na ulan at sinabi, “Ang lakas naman ng ulan. Hindi naman siguro siya magbubukas ng bangketa niya ngayong araw, hindi ba?”Nang marinig ang tanong ni Rose, agad na sumagot si Josephine, “Tinanong ko siya kanina. Ang sabi niya, umulan man o umaraw, magbubukas pa rin siya sa Rainbow Sky Bridge nang tamang oras.”Malungkot na sabi ni Rose, “Ang sipag at ang tyaga naman niya.”“Ate Angeline, dahil nag-aalala ka sa negosyo niya, paano kung imbitahin natin siya para sa isang malaking kainan pagdating doon? Lubos naman niya tayong natulungan, eh.”Nag-isip nang sandali si Rose at tumango. “Kung gano’n, nakapagpasya na tayo. Tara na.”Ang Rainbow Sky Bridge ang pinakakahanga-hanga at yayamaning tulay sa Imperial Capital. Ang katawan ng tulay ay malaki at mahaba. Ang repleksyon ng mga arko sa ilalim ng katawan ng tulay ay nakakonekta sa tubig, bumubuo ng buong bilog. Tumitingin sa paligid, ang maayos na paggalaw ng tulay ay malakas.Mayroong mga simple at bukas na mg
Sa lugar na ito ay aksidente niyang nasira ang isang agate na bracelet na sinisimbolo ang magandang swerte. Bilang resulta, siya ay umupo roon nang umiiyak. Siya ay bata pa noon, kaya tumatawa siya kapag gusto niya at umiiyak kapag gusto niya kahit gaano pang nahihiya ang malaki nang si Jay.Sinubukan ni Jay na patahanin ang bata, ngunit umiyak pa rin siya.“Angeline, kailangan mong maging mabait. Kung nasira ‘yan, bibili na lang ako ng bago para sa’ yo. Sama ka sa ‘kin?”“Hindi, ang bracelet na ‘yon ay binigay sa ‘kin ng ina ko. Ang sabi niya na sa bracelent na ‘to, ang swerte ko sa pag-ibig ay palaging magiging maayos. Pero nasira ko na ‘to, ibig sabihin ay hindi na magiging maayos ang buhay pag-ibig ko. Boohoohoo—"“Pamahiin lang ‘yon.”Sa huli, ginastos ni Jay ang lahat ng pera sa card niya at binilhan siya ng isang jade na kwintas sa mataas na presyo at ito ay tinatawag na Angel’s Tears. Saka lamang siya tumigil sa pag-iyak pagkatapos no’n.Iyon lang ang nag-iisang jade na kwintas
“Ikaw ba si Empire Without Sunset?” Tanong ni Rose.Tumango si Jay.Pagkatapos makuha ang kumpirmasyon, sinabi niya, “Ako ang kaibigan mo sa internet, si Chasing Men While Lugging A Saber. Nagpunta talaga ako rito para suportahan ang negosyo mo. Paano kung ilibre mo ako ng hapunan?”Tumango lamang si Jay.Tumitingin sa listahan ng presyo sa tabi niya, masayang tumawa si Rose bago sabihin, “Nakakakuha ka lang ng 15 na yuan dito. Sigurado ka bang kaya mo akong bilhan ng hapunan?”Dinikit ni Jay ang screen protector sa kaniyang phone at binigay ito sa kaniya.Umabot si Rose upang kuhain ito habang marahan na inaangat ni Jay ang kaniyang ulo.“Ano ba’ng gusto mong kainin?”Narinig ni Rose ang pamilyar na boses na ‘to at biglang inangat ang kaniyang ulo. Nang makita si Jay, si Rose ay natuliro.Ang kaniyang mga labi ay nauutal bago siya mag-alinlangan at sabihin, “Ginoong… Ares. Ikaw pala ‘yan?”Tinanggal ni Jay ang kaniyang sombrero, pinapakita ang perpekto niyang mukha na parang isang isk
“Gusto mo bang mag…?” Tumagilid si Jay at nilagay ang kaniyang mga kamay sa baywang ni Rose.Kinuha ni Rose ang unan at tinakpan ang kaniyang mukha, nahihiyang nagtanong, “Pwede bang ‘wag kang tumingin sa mukha ko?”Hinila ni Jay ang unan at sinabi, “Hindi.”“Kung gano’n… pwede bang patayin natin ang ilaw?” Nagmakaawa si Rose.“Hindi.”Nainis si Rose. “Eh ‘di… Ayaw ko.”Ayaw niyang magsimula ng isang drama sa pagitan ng isang gwapong lalaki at isang dinosaur. Pakiramdam niya ay dudumihan niya lang ang kagandahan ni Jay.Pagkatapos matanggihan, humiga si Jay sa tabi niya habang nakakaramdam ng lungkot.Naramdaman ni Rose ang matinding kalungkutan ni Jay at nakonsensya sa kaniyang puso.“Pwede ka bang maghintay hanggang sa makapag-plastic surgery na ako?” Mahinang sabi ni Rose.“Hindi.” Malungkot ang boses ni Jay. “Hindi ka pwedeng mag-plastic surgery. At saka, hindi ko kayang maghintay nang ganoon katagal…”Pagkatapos no’n, nagsimulang pumasok ang kamay ni Jay sa “panakip-butas” ni Rose
Tinulak ni Rose ang pinto, pumasok, at pagalit na sumigaw, “Kung gusto niyong mag-away, sa labas niyo gawin. Ang pasyente rito ay kailangang magpahinga.”Sina Zayne at Sera ay parehong aroganteng tao, kaya handa ba silang sumuko? Magkasunod nilang sinabihan si Rose, “Tumahimik ka.”Mas nag-away ang dalawa.Pagalit na sinabi ni Zayne, “Sera, ang ina mo ay inagaw ang ama ko at iniwan nang mag-isa ang ina ko. Sino ang sisisihin ko kung ‘di ang ina mo?”Ayaw ni Sera magpakita ng kahinaan. Sinabi niya, “Hindi kasi kayang pasayahin ng ina mo ang ama ko kaya iniwan siya.”Habang nanlilisik ang mga mata niya kay Zayne, sinabi niya, “Sinayang mo ang Pamilya Severe, kaya ‘di natutuwa sa ‘yo ang ama ko. Ang Pamilya Severe ay matagal nang nagbago at ngayon ay ang ina ko na ang tunay na asawa. Ang ama ko ay nilagay na ang lahat ng pag-asa niya sa aming magkakapatid.”Hindi nagawang magsalita ni Zayne at inangat ang kaniyang kamao upang manuntok.Sumigaw si Sera, “Mangmang ka, wala ka bang ibang mag
Upang mapagaan ang nararamdaman ng kaniyang kapatid, inangat ni Zayne ang kaniyang kamay at nangako, sinasabi, “Nangangako ako, magkakaroon ako ng maraming pera sa taon na ‘to.”Pagkatapos ay tinanong niya nang mahina si Rose, “Hindi ka ba naniniwala sa ‘kin?”Ngumiti si Rose at tumango. “Naniniwala ako sa ‘yo.”Pagkatapos no’n, naglakad siya patungo sa kama ng ospital, hinawakan ang kamay ng kaniyang lolo, at sinabi, “Lolo, narinig mo ba ‘yon? Desidido na si Kuya ngayon. ‘Wag ka nang mag-alala sa ‘ming magkapatid at alagaan nang mabuti ang katawan mo. Kapag naging matagumpay si Kuya sa negosyo niya, babatiin natin siya nang personal, ayos ba ‘yon?”Biglang nag-umapaw ang mga luha sa mga mata ni Old Master Severe. Noong punasan ni Rose ang mga luha niya, pilit na ginalaw ni Old Master Severe ang kaniyang mga labi at sinigaw, “Angel!”Si Rose ay nasiyahan...Samantala, si Zayne ay natuliro.“Lolo, kaya mong magsalita?”“Protektahan… Jay,” hirap na sinabi ni Old Master Severe ang dalawan
Hinila ni Jay si Rose palabas ng kwarto. Inipit niya si Rose sa pader at tinanong siya, “Hindi ba’t sa ward 11 ka lang in-charge?”Binigyan siya ni Rose ng inosenteng tingin gamit ang kaawa-awa niyang mga mata. “Walang ibang may lakas ng loob na pagsilbihan ang tito mo, kaya ako na lang ang pumunta.”“Hindi ka ba natatakot na aabalahin ka lang nila?”Inangat ni Rose ang maliit niyang mukha. Tinuturok ang maliit niyang daliri sa dibdib ni Jay, sinabi ni Rose nang may mala-tsundere na ekspresyon, “Hindi ako natatakot. Mayroon naman akong maaasahan.”Nagningning ang mga mata ni Jay sa tuwa at hinawakan niya ang mga kamay ni Rose. “Sige, hahayaan kitang umasa sa ‘kin.”…...Noong muling pumasok si Rose sa kwarto, ang lahat ay nagulat sa ‘mas gugustuhing mamatay kaysa ang sumuko’ na pag-uugali ng caretaker.“Huh, ang caretaker na ‘to ay may lakas pa rin ng loob na pumasok?”“Mga bantay, paki-labas po siya.”Sa sandaling marinig ang boses ng kaniyang tita, ang brutal na boses ni Jay na nabab
Si Jay ay nakatitig lamang kay Rose. Si Rose ay biglang naging masunurin at mabait. Ang pagtawag sa kaniya nitong ‘darling’ ay tinanggal ang lahat ng nararamdaman niya sa puso niya at ginawa siyang maamo.“Pasyente pa rin si Tito, kaya hayaan mo muna siya.” Isang malambing na ngiti ang lumabas mula sa magandang mga mata ni Rose, may kasama itong panghihimok.Maraming taon nang hindi tumitingin nang may ganoong kaamuhan at ganoong paghanga sa kaniya si Rose.Sa isang iglap, pakiramdam ni Jay ay bumalik siya sa mga taon noong sila ni Angeline ay nagsasama nang mapayapa.Iyon ay bago mangyari ang mga sakuna.Ang bakal na puso ni Jay ay nagsimulang matunaw, at noong magsalita siyang mula, ang tigas ng kaniyang boses ay naglaho.“James, dahil sa pagmamakaawa ng asawa ko, hindi na ako makikipagtalo pa sa ‘yo.”Sina Grand Old Master Ares at James ay natuliro.Hindi nila inasahan na ang solusyon na sobra nilang iniisip ay magagawa ni Rose sa pamamagitan lamang ng pagsabi ng ‘darling’.Walang m