Ang tatlong cute na mga bata ay nag-uusap sa harap niya. Pagalit na sinabi ni Robbie, “Tama nga si Tita. Nambababae nga talaga si Daddy.”Sinabi ni Zetty, “Hindi pa nga malamig ang mga buto ni Mommy pero nakalimutan na agad siya ni Daddy. Nakakataas talaga ng balahibo.”Malamig na sinabi ni Jenson, “‘Wag muna kayong magkonklusyon kung hindi niyo pa alam ang totoo.”“Eh, ano nang mangyayari ngayon?” Tanong ni Zetty.Nagsuhestyon si Robbie, sinasabi, “Imbestigahan natin ang care worker na nagugustuhan ni Daddy.”Sumang-ayon si Jenson. “Sige.”Pagkatapos no’n, umalis sila nang hindi nag-aalala sa iba pa.Si Grayson ay ganap na hindi pinansin ng mga katuwa-tuwang mga bata… Siya ay natuliro.Noong iniisip niyang sabihin sa presidente ang plano ng mga bata, biglang bumalik si Jenson at binalaan siya, “Tito Grayson, kung gusto mo kaming makita araw-araw, magreklamo ka na kay Daddy.”Iyon ay isang harap-harapang babala!Ang kaniyang isipan ay malalim sa ganito kabatang edad. Alam niya kung paa
Tumingin si Jenson kina Robbie at Zetty. “Titingnan ko.”Pagkatapos no’n, naglakad siya patungo sa ward 11 noong bigla niyang maalala ang araw noong mahulog ang kaniyang Mommy sa gusali at noong marinig niya ang kaniyang Daddy na kausap ang pulis.“Ginoong Ares, ayon sa mga bakas sa eksena, ang asawa mo ay nahulog mula sa bintana. Mayroong dugo sa lupa. Ang mga bubog ay pininsala siguro ang katawan ng asawa mo! Hindi ko lang alam kung ang asawa mo ay natusok sa mahalagang mga bahagi…”Kalaunan, dumating siya sa ward 11. Inangat niya ang kaniyang kamay at kumatok sa pinto.Tulalang tumitig si Rose sa pinto bago sabihin, “Pasok.”Binuksan ni Jenson ang pinto at marahan na naglakad patungo kay Rose.Nahulaan ni Rose na si Jenson naman ang lalapit. Isang mapait na ngiti ang napuno sa kaniyang mga mata at ang kaniyang boses ay bahagyang paos noong tanungin niya, “Narito ka rin ba para hanapin si Lenny?”Tumayo si Jenson sa harap niya, ang maganda niyang mga mata ay nagpapakita ng katalinuha
Kahit na mahal ni Jay ang kaniyang mga anak, hindi niya pinalaki ang mga ito sa layaw. Lalo na pagdating sa tama at mali, hindi niya kukunsintihin ang mga bata.“Ang lalaki niyo na ngayon, ah? Gumagawa ba kayo ng kalokohan?”Ang tatlong katuwa-tuwang mga bata ay tumayo nang maayos sa harap ni Jay, isa-isang nanliliit. Yumuko sila, hindi naglalakas-loob na harapin ang nabigong mga mata ng kanilang Daddy.“Kanino nanggaling ang ‘di magandang ideya na ‘to?”Ang tatlong katuwa-tuwang mga bata ay humakbang nang sabay-sabay.Sa sobrang bigla ni Grayson sa kanilang pagkakasundo ay muntik nang mahulog sa lupa ang kaniyang mga mata.“Ginoong Ares, ang mga young master at ang young lady ay maagang nagplano ng pang-kontra.”Tumingin nang masama si Jenson kay Grayson, kaya siya ay agad na natahimik.Siya ay natatakot na ang nakamamatay na tingin ng young master ay matutumbasan ang kaniyang presidente pagkatapos pa ng ilang taon ng paglilinang.Tulad ng inaasahan, ang bawat bagong henerasyon ay mas
Noong dumating si Jay sa ward 11, si Rose ay tulalang nagbibigkas ng banal na mga kasulatan sa kaniyang lolo.Nang marinig ang pamilyar na tunog ng pagyapak, biglang tumigil ang puso ni Rose bago tumibok nang mabilis.Umupo si Jay sa upuan sa tabi ni Rose at tumingin sa kaniya gamit ang malinaw niyang mga mata.Nagbigkas si Rose, “Kung kakapit ka sa isang bagay, maiipit ka lamang nito. Kapag pinakawalan mo ‘to, ang puso mo ay makakalaya. Ang mga bagay-bagay ay nagbabago sa puso ng isang tao, ang mga kondisyon ay ginawa ng puso ng isang tao, at kung ano ang mga gulo ay nanggaling din sa puso ng isang tao…”Biglang sinabi ni Jay, “Ano’ng ibig sabihin no’n?”Bahagyang nagulat, ang mga pahina ng libro ay nalukot dahil sa pwersa ng mga daliri ni Rose na kumakapit sa mga ito.“Ginoong Ares, ang sakit ni Old Master Severe ay sakit sa puso. Libo-libo ang mga buhol sa kaniyang puso. Kung hindi niya tatanggalin ang mga ‘to, hinding-hindi na ito babalik pa sa dati.”Kuminang ang bakas ng kawalan
“Tanga ka ba? Hindi mo ba alam kung paano ibaba ang mga bag sa lupa?”Tumingin si Grayson sa lalaking nakatayo at nagsasalita, sinasabing, “Si Jenson ay may obsession sa kalinisan. Paulit-ulit niyang pinapaalala sa ‘kin sa gilid na ‘wag dumihan ang bag niya. Ang batang ‘to, si Robbie, ay patuloy na pinupuntirya ang mga bag. Hindi ko lang magamit ang mga kamay ko, sila ay napipigilan din.”“Kung hindi mo magamit ang mga kamay mo, hindi mo ba pwedeng gamitin ang mga binti mo? Hindi ba’t mas mahusay ka sa martial arts kapag gamit ang mga binti mo?”Sinabi ni Grayson, “Iyon nga ang problema. Kahit na maliit si Robbie, may kaunting lakas, at walang masyadong alam na galaw, mayroon siyang partida. Mabilis siya—kasing bilis ng kidlat. Ito lang ang masasabi ko. Kung hindi mo gagamitin ang mga kamay mo, nakasisiguro ako bilang miyembro ng security department ng Grand Asia na walang sinuman ang kayang tumalo sa kaniya.”“Ganoon kalakas?”Ang grupo ng mga lalaki ay nananabik na mapunta sa aksyon.
Pinanood ni Rose ang malakas na ulan at sinabi, “Ang lakas naman ng ulan. Hindi naman siguro siya magbubukas ng bangketa niya ngayong araw, hindi ba?”Nang marinig ang tanong ni Rose, agad na sumagot si Josephine, “Tinanong ko siya kanina. Ang sabi niya, umulan man o umaraw, magbubukas pa rin siya sa Rainbow Sky Bridge nang tamang oras.”Malungkot na sabi ni Rose, “Ang sipag at ang tyaga naman niya.”“Ate Angeline, dahil nag-aalala ka sa negosyo niya, paano kung imbitahin natin siya para sa isang malaking kainan pagdating doon? Lubos naman niya tayong natulungan, eh.”Nag-isip nang sandali si Rose at tumango. “Kung gano’n, nakapagpasya na tayo. Tara na.”Ang Rainbow Sky Bridge ang pinakakahanga-hanga at yayamaning tulay sa Imperial Capital. Ang katawan ng tulay ay malaki at mahaba. Ang repleksyon ng mga arko sa ilalim ng katawan ng tulay ay nakakonekta sa tubig, bumubuo ng buong bilog. Tumitingin sa paligid, ang maayos na paggalaw ng tulay ay malakas.Mayroong mga simple at bukas na mg
Sa lugar na ito ay aksidente niyang nasira ang isang agate na bracelet na sinisimbolo ang magandang swerte. Bilang resulta, siya ay umupo roon nang umiiyak. Siya ay bata pa noon, kaya tumatawa siya kapag gusto niya at umiiyak kapag gusto niya kahit gaano pang nahihiya ang malaki nang si Jay.Sinubukan ni Jay na patahanin ang bata, ngunit umiyak pa rin siya.“Angeline, kailangan mong maging mabait. Kung nasira ‘yan, bibili na lang ako ng bago para sa’ yo. Sama ka sa ‘kin?”“Hindi, ang bracelet na ‘yon ay binigay sa ‘kin ng ina ko. Ang sabi niya na sa bracelent na ‘to, ang swerte ko sa pag-ibig ay palaging magiging maayos. Pero nasira ko na ‘to, ibig sabihin ay hindi na magiging maayos ang buhay pag-ibig ko. Boohoohoo—"“Pamahiin lang ‘yon.”Sa huli, ginastos ni Jay ang lahat ng pera sa card niya at binilhan siya ng isang jade na kwintas sa mataas na presyo at ito ay tinatawag na Angel’s Tears. Saka lamang siya tumigil sa pag-iyak pagkatapos no’n.Iyon lang ang nag-iisang jade na kwintas
“Ikaw ba si Empire Without Sunset?” Tanong ni Rose.Tumango si Jay.Pagkatapos makuha ang kumpirmasyon, sinabi niya, “Ako ang kaibigan mo sa internet, si Chasing Men While Lugging A Saber. Nagpunta talaga ako rito para suportahan ang negosyo mo. Paano kung ilibre mo ako ng hapunan?”Tumango lamang si Jay.Tumitingin sa listahan ng presyo sa tabi niya, masayang tumawa si Rose bago sabihin, “Nakakakuha ka lang ng 15 na yuan dito. Sigurado ka bang kaya mo akong bilhan ng hapunan?”Dinikit ni Jay ang screen protector sa kaniyang phone at binigay ito sa kaniya.Umabot si Rose upang kuhain ito habang marahan na inaangat ni Jay ang kaniyang ulo.“Ano ba’ng gusto mong kainin?”Narinig ni Rose ang pamilyar na boses na ‘to at biglang inangat ang kaniyang ulo. Nang makita si Jay, si Rose ay natuliro.Ang kaniyang mga labi ay nauutal bago siya mag-alinlangan at sabihin, “Ginoong… Ares. Ikaw pala ‘yan?”Tinanggal ni Jay ang kaniyang sombrero, pinapakita ang perpekto niyang mukha na parang isang isk
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto