Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 191 - Chapter 200

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 191 - Chapter 200

848 Chapters

Kabanata 191

“Damihan mo ng pampalasa, ah.” Sinasadyang paalala sa kaniya ni Jay.Tumitig si Rose kay Jay. Sa loob lamang ng dalawang araw, ang lalaking ito ay kumain ng sobrang pagkain, uminom ng alkohol, at ngayon ay humihingi ng dagdag na pampalasa. Ganap niyang sinisira ang kaniyang diet. Titigil lang ba siya kapag nagsimula na sumakit ang tiyan niya?Hindi sumagot si Rose, ngunit bumili pa rin siya ng chicken soup noong siya ay umalis upang bumili ng pagkain.Tumitig si Jay sa matabang na chicken soup bago suriin si Rose nang may isang nakatago at ‘di mabasang mga mata.“Hindi ka naman siguro ganoon kahirap na chicken soup lang ang kaya mo bilhin, ‘di ba?” Kutya sa kaniya ni Jay.Dali-daling nagpaliwanag si Rose. “Masyadong maraming pasyente ang narito. Chicken soup na lang ang natira para sa almusal. Subukan mo na lang ‘yan at pagtiisan mo.”Ang ospital na ito ay malapit na malapit sa Grand Asia Hospital, kaya ang karamihan sa mga pasyente sa kalapitan ay mas pipiliin ang Grand Asia Hospital
Read more

Kabanata 192

“Pakiusap, pumasok ka, Ginoong Ares.” Binati ni Old Master Loyle ang kanilang kinikilalang bisita nang magalang.Naglakad si Jay sa isang kalmado paraan patungo sa sala ng bahay na para bang siya ay pumapasok sa pintuan ng sarili niyang bahay.Dinalahan siya ni Grayson ng isang upuan at pinunasan ang upuan nang ilang beses gamit ang isang tisyu. Pagkatapos no’n ay saka lamang umupo si Jay.“Ano’ng dahilan ng karangalan namin sa pagbisita mo, Ginoong Ares?” Maingat na tanong ni Old Master Loyle.“Old Master Loyle, sagutin mo nang totoo ang mga katanungan ko kung ayaw mong maubusan ng pera ang Loyle Enterprise. Kapag natuwa ako sa sagot mo, pag-iisipan ko kung bibigyan ko ng paraan makatakas ang Pamilya Loyle,” mahinang sabi ni Jay.Natutuwa sa pabor na iyon, sinabi ni Old Master Loyle, “Sasabihin ko sa ‘yo ang lahat ng nalalaman ko nang hindi nagpipigil at sasagutin ang lahat ng iyong mga katanungan, Ginoong Ares.”“Gusto kong malaman ang bawat impormasyon tungkol kay Rose mula sa kaniy
Read more

Kabanata 193

Si Jay ay biglang nakinig nang mabuti, nakatitig kay Madam Loyle nang may masigasig na mga mata. “Aling bahagi ang kakaiba?”Inalala nang seryoso ni Madam Loyle ang eksena ng aksidente pitong taon na ang nakalipas. Siya ay unti-unting hindi mapakali.“Wala akong ideya kung paano naging magkasama si Angeline at si Rose sa aksidente na iyon. Ang dalawa ay magkasamang nakahiga sa lupa. Si Angeline ay nakalulungkot na namatay, habang si Rose naman ay pinoprotektahan ng mga braso ni Angeline. Kahit na ang kaniyang katawan ay hindi nagpira-piraso o nakakapangilabot tulad ng kay Angeline, siya ay hindi na humihinga pagkatapos ng pangyayari.“Noong magtungo kami sa eksena ng aksidente, kahit ang doktor ay sinabing patay na si Rose. Sino’ng nag-akala na pagkatapos siyang ilagay sa morgue sa loob ng isang araw at isang gabi, bigla siyang nabuhay?! Kami ay sobrang natakot kasi akala namin ay nakakita kami ng multo!”Pinagpatuloy ni Old Master Loyle, “Ngayong nabanggit mo ‘yan, pagkatapos ng aksid
Read more

Kabanata 194

Nang marinig ang teorya ni Grayson sa pagsanib, ang kaniyang puso ay hindi mapigil ang pag-asa at saya na lumalabas mula sa kaniyang anyo sa sandaling ito.‘Iyon ba talaga ang kaso?’‘Nagbalik ka na ba talaga, Angeline?’Sa sandaling iparke ni Grayson ang Rolls-Royce sa pasukan ng parking lot ng villa, masigasig na binuksan ni Jay ang pinto nang hindi man lang nagpapaalam kay Grayson at dali-daling nagtungo sa villa.Tumingin si Grayson sa hindi normal na si Ginoong Ares at napailing na lamang. Kahit ano pa iyon, nawawalan talaga si Ginoong Ares ng kontrol basta’t may kinalaman ito kay Angeline.Sanay na rito si Grayson.Binuksan ni Jay ang pinto. Ang malawak na bahay ay tahimik at mapayapa.Sinara ni Jay ang pinto sa likod niya, sumandal sa may anti-theft na pinto, at huminga nang malalim. Noong mapakalma niya ang bumubugso niyang mga emosyon, sa wakas ay inangat niya ang kaniyang paa upang umakyat sa ikalawang palapag.Habang nakatayo sa sulok ng hagdan, tumingin si Jay sa silid ni R
Read more

Kabanata 195

Nagprotesta si Rose. “Ginoong Ares, 2,000 lamang ang ginastos ko para sa pagka-ospital mo. Bakit mo ako binigyan ng 200,000?”Kinuha ni Rose ang selpon at ibabalik na sana ang pera kay Jay, ngunit ang malaking kamay ni Jay ay humawak sa kaniyang kamay...Noong ang malaking kamay ni Jay ay nalagay sa ibabaw ng maliit niyang kamay, ang paghawak na iyon na naramdaman ni Rose sa kaniyang balat ay nagsanhi sa kaniya na mapahila palayo. Ang kaniyang mga tainga ay agad na namula.Noong tumitig si Jay sa namumulang si Rose, isang bakas ng ngiti ang lumitaw mula sa kaniyang mga mata.“Para ‘yan sa mga bayarin mo.” Paliwanag niya.Nanlaki ang mga mata ni Rose. “Sa loob ng isang taon? Labis-labis na ‘yon, hindi ba?”Tinama siya ni Jay. “Sa loob ng isang buwan!”Walang masabi si Rose.“Dapat ba tayong kumain ng mga caviar at talaba araw-araw? Ginoong Ares, siguro nga ay hindi ka natatakot na sumakit ang tiyan mo, pero ang mga bata ay masyadong mabubusog at magkakaroon ng sakit sa tiyan.” Tumingin
Read more

Kabanata 196

Noong dumating sila sa kindergarten, hiniling ng guro na ang ibang mga guro ay pauwiin na ang kanilang mga anak. Kaya, ang tanging ginagawa lamang nina Jay at Rose ay ang tumayo sa isang tabi at maghintay.Si Jay ay napilitan na sumailalim sa seremonya ng atensyon ng mga magulang ng mga estudyante. Siya ay mayroong lubos na madilim na itsura sa kaniyang mukha. Siya ay nakasimangot noong siya ay nakatayo sa isang tabi.Si Rose ay nakokonsensya na ngayon.Isa nang sikat na bata si Jay na hinihintay ng iba simula noong siya ay bata pa lamang. Ang paghintayin siya para sa iba ngayon malamang ay parang isang pagsabog ng bulkan na hinihintay na lamang mangyari, hindi ba?“Ginoong Ares, siguro ay umuwi ka muna. Maghihintay na lang ako rito…” Nakokonsensyang suhestyon ni Rose.Dinisiplina niya ang dalawang makukulit na lalaki noong may ginawa silang mali kahapon. Ngayong araw, mukhang ang mga pandidisiplina niya ay nagsanhi ng kaunting mga resulta.Ang guro ng homeroom ay biglang lumapit at si
Read more

Kabanata 197

Napayuko si Rose. Malinaw na ang mga bata ang may nagawang mali, pero bakit siya ngayon ang napapagalitan?“Nagkamali ako, Ginoong Ares,” mahina niyang sagot sa isang walang bahalang paraan.Isang bakas ng ‘di halatang ngiti ang lumitaw sa mahaba at makitid na mga mata ni Jay. Naalala niya ang itsura ng batang si Angeline noong siya ay pinapagalitan. Tulad lang ng kinikilos ni Rose ngayon, yuyuko siya na para bang katapusan na ng mundo. Si Angeline ay makikinig sa takot at pangamba noong pinagagalitan niya ito.Nilipat ni Jay ang kaniyang tingin sa mga bata at sinabi nang matigas. “Uuwi na tayo ngayon.”Sumunod sina Robbie at Jens sa likod ng kanilang daddy na parang dalawang naglalakad na zombie, bumubuntong-hininga nang malungkot.Hinawakan ni Rose ang lumuluhang si Zetty at hindi mapakaling sumunod sa likod ni Jay.Noong makauwi sila, nangingibabaw na umupo si Jay sa sofa. Nagdekwatro ang payat niyang mga binti habang nakatitig siya sa tatlong bata na nakatayo sa harap niya nang may
Read more

Kabanata 198

Si Zetty ay humagulgol noong yakapin niya ang kaniyang Mommy at malungkot na humikbi.“Mommy, sinabi ng mga kaklase ko na mayroon akong mahirap na ina at walang mayaman na ama.”Humikbi nang malungkot si Zetty habang nagsasalita siya nang may paghikbi. “Sinabi ng guro sa klase na ang tawag dito ay pagkakaroon ng parehong ina ngunit magkaibang ama.”“Para kampihan ako, pinagalitan ni Robbie ang grupo ng mga bata na tumawa sa ‘kin habang si Jenson naman ay nakipag-away sa guro dahil sa ‘kin.”“Kasalanan ko ang lahat, Mommy. Sina Robbie at Jens ay napagalitan dahil sa ‘kin. Hindi ako mabuting bata.”Pakiramdam ni Rose ay natusok siya ng maraming karayon pagkatapos marinig ang sinabi ni Zetty.Ang kaniyang tunay na ama ay malinaw na naninirahan sa iisang bubong kasama nila, ngunit ang paglayo na pinapakita niya kay Zetty ay paulit-ulit na sinisira ang malambot na puso ng bata. Bilang resulta, si Zetty ay lubos na naapektuhan noong tinawanan siya ng ibang mga estudyante sa hindi pagkakaroon
Read more

Kabanata 199

Tumingin si Rose kay Sean sa pagkabigla. “Ano’ng ginagawa niya rito?”Si Jay ay tila hindi makapagsalita. Lumingon siya at tinanong si Rose sa isang malamig na boses, “Hindi ba’t ikaw ang nag-imbita sa kaniya?”Umiling si Rose. “Hindi ako.”Ang lamig sa mga mata ni Jay ay bahagyang nawala. Ang mahaba at payat niyang mga binti ay naglakad pasulong noong magtungo siya palabas ng gate sa pagitan ng pader sa isang nakakahangang paraan.Noong makita ni Sean si Jay, umayos siya nang tindig at tumingin kay Jay nang may maalindog na ngiti.“Sean, sinusubukan mo bang maging lagayan ng mga sulat na para sa ‘kin? Bakit ka nakatayo sa harap ng gate ko nang ganito kaaga?” Ang nakakaakit na mga mata ni Jay ay mayroong kaunting ngiti.Ang nakasisilaw na ngiti ni Sean ay biglang naglaho. “Ginoong Ares, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako narito sa bahay mo ngayon. Narito ako para sa magandang si Binibining Rose.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, binigyan niya ng malagkit na tingin si Rose na nakasuno
Read more

Kabanata 200

Gusto nga malaman ni Rose kung bakit pinagbalakan siya ni Stephanie kahit na wala namang galit ang namamagitan sa kanila.Tumingin si Rose kay Sean at sinabi, “Maghintay ka rito. Ihahatid ko muna ang mga bata sa kindergarten at babalik ako sa lalong madaling panahon.”Ayaw niyang umalis kasama si Sean dahil natatakot siya na magkakaroon ng maling ideya ang iba tungkol sa kanilang inosenteng relasyon.Sinabi ni Sean sa isang mapait na tono, “Sa tingin mo ba ay hindi ako sapat? Nahihiya ka bang maglakad kasama ako?”Diretsong sumagot si Rose, “Natatakot ako na ang mga haka-haka ay makakasakit para sa mga bata.”Si Sean ay bahagyang nabigla pagkatapos marinig ang sinabi ni Rose, at isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman ng kaniyang puso.Siya ay natuwa!Isa talagang grasya para sa mga bata na magkarooon ng ganoong maalalahanin na ina.Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng ganoong pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang simula pa noong siya ay bata, eh.Sa kaniyang pagkakaalala, ang
Read more
PREV
1
...
1819202122
...
85
DMCA.com Protection Status