Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 481 - Kabanata 490

2479 Kabanata

Kabanata 481

Pagkatapos sabihin iyon ni Jeremy ay nagulat ang lahat ng mga tao. Noon sa press conference ng Montgomery Enterprise, nalaman na nila na si Madeline ang tunay na Ms. Montgomery. Nagulat rin sila sa una, pero mas nagulat sila sa sinabi ni Jeremy ngayon. Sinong hindi nakakaalam na ang taong mahal ng young master ng pinakamayamang pamilya sa Glendale ay si Meredith Crawford? Bakit bigla itong naging si Madeline Crawford? Si Madeline dapat ang babaeng kanyang pinakakinamumuhian. "Mr. Whitman, ibig sabihin, matagal mo nang mahal ang ex-wife mo, si Madeline Crawford, at hindi si Meredith Crawford?" isang journalist ang sumira sa katahimikan at nagtanong. "Tama ka sa kalahati," sagot ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline nang may malumanay na mga mata. "Wala akong ex-wife dahil buong buhay ko, isa lang ang naging asawa ko." Walang masabi ang mga journalist. "Pero Mr. Whitman, nag-divorce kayo ni Madeline Crawford tatlong taon na ang nakakaraan…" "Mayroon ngang mga pagtatalo at ka
Magbasa pa

Kabanata 482

"Ang ganda naman ng mga sinabi mo, Mr. Whitman. Pero, sayang naman at hindi ako si Madeline Crawford." Tinanggi niya ito. Pagkatapos ay sarkastiko siyang tumawa "Kahit na ako si Madeline, hindi kita papatawarin at hindi rin kita bibigyan ng isa pang pagkakataon. Nadurog ang pag-asa sa mga mata ni Jeremy. Bumagsak rin ang kanyang puso. Sa totoo lang, hindi na siya nagulat na makukuha niya ang ganitong sagot. Pero nang marinig niyang itinanggi niya ito, ang mga salita niya ay parang isang kutsilyo na humihiwa sa kanilang mga puso. Kaagad na pumunta si Felipe sa eksena pagkatapos niyang makita ang live broadcast online. Tinulak niya ang mga tao palayo at lumakad sa tabi ni Madeline, ang kanyang malumanay at gwapong mukha ay puno ng galit. Hinawakan niya ang kamay ni Madeline sa harap ng lahat. Ang kanyang mga mata ay dominante at mapang-angkin habang nakatingin kay Jeremy. "Jeremy, wag mong ipilit ang hipokrito mong paghingi ng tawad at pag-ibig kay Vera. Hindi siya ang ex-wi
Magbasa pa

Kabanata 483

Kaagad na pinaandar ni Jeremy ang kotse. Pagkatapos sabihin ni Madeline ang mga salitang iyon, isang umaasang ngiti ang lumitaw sa kanyang malamig na mukha. Sa salamin, nakita ni Jeremy si Madeline na hawak nang mahigpit ang kanyang mga kamay. Mayroong walang hanggang emosyon sa kanyang mga mata na may halong bakas ng kaba. Ngumiti si Jeremy nang makita niya ang saya sa mukha ni Madeline. Sa wakas ay nakita niya rin ang isang ngiti sa kanyang mukha. Ngunit pagkatapos bumiyahe sa mga mataong kalsada, napadpad ang kotse sa isang lugar na pamilyar para kay Madeline. Naguguluhan siya habang naaalala niya ang tanawin sa labas ng bintana. 'Nasa April Hill lang ba nakatira ang anak ko?'Kung ganoon, sinong nag-aalaga sa anak ko?' Mabagal na huminto ang kotse habang iniisip niya ang mga tanong na iyon. Hindi naghintay si Madeline kay Jeremy na buksan ang pinto para sa kanya at nagmamadaling lumabas. Hindi naiiba sa kanya ang lahat ng kanyang nasa kanyang harapan. Nasa dag
Magbasa pa

Kabanata 484

Sinakyan niya ang kanyang sinabi at ngumiti. "Opo. Gusto namin ng asawa ko na balikan ang aming mga alaala." Naiinis na tinignan ni Madeline si Jeremy na hindi naman pinansin ng lalaki habang tinulungan niya ang matanda na pulutin ang mga kamote at dalhin ang kanyang basket. "Sa malapit ka lang po nakatira, di ba? Tutulungan kitang iuwi ang mga ito." "Salamat." Tinanggap ng matandang babae ang kanilang tulong at tinuro niya ang daan. Mabilis na hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline bago sumunod. Walang nagawa ang pagtatangka ni Madeline na makawala. "Talagang mapagmahal kayong mag-asawa, pumunta kayo sa tabing-dagat kahit na napakalamig." Nakangiting lumingon ang babae na mas lalo pang lumalim nang makita niya ang magkahawak na mga kamay nina Madeline at Jeremy. "Ang swerte mong babae na makahanap ng isang mapagmahal na asawa. Naalala ko kung paano siya tumakbo noong nasugatan ang hindi mo maraming taon na ang nakakaraan, hinihingal siya nang makarating sa health center
Magbasa pa

Kabanata 485

Natawa si Madeline sa kanyang sinabi. Kahit na ganoon, nabasa ang kanyang mga mata habang bumugso ang hangin kahit na tumatawa siya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jeremy?" Suminghal siya, ang kanyang mga mata ay napuno ng mga hindi tumutulong luha. "Sinasabi mo na minahal mo ako simula noong nagkita tayong muli, pero tinanggal mo ang isang parte ng laman ko?" Nagdilim ang ekspresyon ni Madeline sa pagkasabi niya ng 'minahal'. "Ganito ba ang magmahal, Jeremy? Ibig sabihin ng pagmamahal ay hinihiling mo ang pinakamaganda para sa taong iyon! Hindi para sirain, basagin, at pahirapan sila!" Nilabas ni Madeline ang kanyang bakit habang nagsimulang tumulo ang luha mula sa gilid ng kanyang mga mata kasabay ng hangin ng dagat. Tumulo ito sa likod ng kamay ni Jeremy, ang init ng kanyang luha ay lumapnos sa kanyang laman. "Hindi mo kailangang magsinungaling sa sarili mo, Jeremy, at hindi ko rin kailangan na magsinungaling ka sa'kin. Ang taong minahal mo buong buhay mo ay si Mere
Magbasa pa

Kabanata 486

Kinagat ni Madeline si Jeremy. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy at kumurap ang kanyang mga mata. Napuno ng saya ang kanyang mga mata dahil inisip niya na senyales ng kasiyahan ang marahas na pagtanggi sa kanya ni Madeline. Lumuwag ang kanyang pagkakahawak kay Madeline at agad siyang nasampal sa mukha. Tumingin ng masama si Madeline kay Jeremy, kinuyim niya ang kanyang mga kamao nang makita niya ang dugo sa mga labi ni Jeremy. "Huwag mo 'kong halikan gamit ng bibig mo na ginamit mo sa paghalik sa ibang babae! Nakakadiri ka!" Nagwala siya, galit na galit siyang tumalikod. Pinunasan ni Jeremy ang dugo sa kanyang mga labi. "Ikaw lang ang babaeng hinalikan ko." Bumagal ang lakad ni Madeline. Umikot si Jeremy upang tingnan ang likod ni Madeline. "Alam ko hindi ka maniniwala sakin, pero yun ang totoo. Kahit kailan wala akong hinalikan na ibang babae." Dahan-dahang inangat ni Madeline ang kanyang nanlilisik na mga titig. "Talaga, wala kang hinalikang ibang baba
Magbasa pa

Kabanata 487

Lalaki? Nagulat si Madeline. 'Nagsinungaling sakin si Meredith. Lalaki ang anak ko, hindi babae!' Naramdaman ni Madeline na tumigil ang pagtibok ng kanyang puso. Nagkaroon ng bahid ng pagdududa ang mga titig ni Madeline habang pinagmamasdan niya ang masayang si Jeremy. Nang mapansin niya ang pagdududa sa mga mata ni Madeline, tumingin si Jeremy sa kanya at tumango. Naglaho ang lahat ng pagdududa sa puso ni Madeline dahil sa tahimik na paniniguro ni Jeremy at agad siyang bumaba mula sa sasakyan. Nagmadali siyang tumakbo papasok ng Montgomery Manor. Napuno ng pagsisisi si Jeremy at ipinikit niya ang kanyang mga mata nang makita niya ang nananabik na itsura ni Madeline. Oo, napakasama ni Meredith, pero hindi ba ganun din siya? Maghahapunan na ang mga tao sa mansyon at naglalakad papunta sa dining room si Eloise kasama sila Sean at Jackson noong marinig niya na biglang nagsalita ang isang kasambahay nila, "Sir, Madam, nakabalik na si Ms. Eveline!" Hindi makapaniwala sa
Magbasa pa

Kabanata 488

Napaluhod si Madeline habang hinahaplos niya ng kanyang nanginginig na mga daliri ang kilay ni Jackson. Dumaan ito sa kanyang mga mata, papunta sa kanyang ilong, at papunta sa kanyang bibig… "Anong problema, Mommy? Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang kumurap ang mga mata ni Jackson habang pinipunasan niya ang mga luha ni Madeline. Hinawakan ni Madeline ang maliliit na kamay ni Jackson. "Jack… Ang pinakamamahal na anak ni Mommy. Sa wakas nakita ka na ni Mommy!" Hindi na nakapagpigil pa si Madeline at niyakap niya si Jackson. Habang yakap niya ng mahigpit si Jackson, naghalo ang saya at lungkot na nararamdaman niya at lumabas ito bilang mga mainit na luhang dumaloy sa kanyang mukha. Alam niya na dapat maging masaya siya, ngunit pakiramdam niya ay madudurog ang kanyang puso. Sadyang napakasama ni Meredith. Paano siya nakaisip ng paraan upang pahirapan siya at ang anak niya? Naramdaman ni Madeline na sumikip ang kanyang dibdib habang iniisip niya ang masasamang bagay na ginawa
Magbasa pa

Kabanata 489

Walang kahit anong emosyon ang mga mata ni Madeline nang magtagpo ng mga mata nila ni Jeremy. "Kung may natitira ka pang konsensya Jeremy, ibibigay mo sakin ang anak ko.""Ito ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Napangiti ng mapait si Jeremy. "Hindi pwedeng mawalan ng tatay si Jack dahil lang nandyan na ang nanay niya." "Tatay?" Suminghal si Madeline at nagalit siya kay Jeremy. "Hindi ka ba nakokonsensya, Jeremy? Wala kang ginawa para maging karapat-dapat ka na maging tatay ni Jack." "..." Tinikom ni Jeremy ang kanyang mga labi at nanahimik lamang siya. Lumapit sa kanya si Madeline, bumubugso ang galit mula sa elegante at maganda niyang katawan habang nakatayo siya sa harap ni Jeremy. "Naalala mo ba kung anong pinapainom mo sakin sa tuwing pagkatapos mo 'kong galawin? Contraceptives. Sinabi mo sakin na kahit kailan hindi magiging karapat-dapat ang isang babae na kasing sama ko na maging nanay ng mga anak mo. Natatandaan mo ba?" "..." Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy da
Magbasa pa

Kabanata 490

"Paano naman noong frinameup ako ni Meredith at pinakulong ako? Naaalala mo ba yung sinabi mo sakin noon? Sinabi mo sakin na patayin ko ang bastardo kong anak para makabawi ako sa pagkamatay ng anak ni Meredith." "Nakalimutan mo na ba ang lahat ng sinabi mo sakin, Jeremy? Sa tingin mo ba may karapatan kang mangako kay Jack na magkakaroon siya ng isang masayang pamilya pagkatapos ng lahat ng masasamang bagay na ginawa mo samin ni Jack? Walang kang karapatan na maging tatay ni Jack!"Hinawi ni Madeline ang pagkakahawak sa kanya ni Jeremy at tumalikod siya. Napako sa kanyang kinatatayuan si Jeremy at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at pati ang kanyang paghinga. Dumapo sa mga balikat niya ang nyebe bago ito natunaw papasok sa kanyang puso, at naiwang nanlalamig ang kanyang dibdib… Nakangiting lumapit si Madeline kay Jackson pagpasok niya sa bahay. "Gusto mo bang tumira kasama si Mommy mula ngayon, Jack?" Masayang tumango si Jack kahit na hindi niya nauunawaan ang sitwasyon.
Magbasa pa
PREV
1
...
4748495051
...
248
DMCA.com Protection Status