Walang kahit anong emosyon ang mga mata ni Madeline nang magtagpo ng mga mata nila ni Jeremy. "Kung may natitira ka pang konsensya Jeremy, ibibigay mo sakin ang anak ko.""Ito ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Napangiti ng mapait si Jeremy. "Hindi pwedeng mawalan ng tatay si Jack dahil lang nandyan na ang nanay niya." "Tatay?" Suminghal si Madeline at nagalit siya kay Jeremy. "Hindi ka ba nakokonsensya, Jeremy? Wala kang ginawa para maging karapat-dapat ka na maging tatay ni Jack." "..." Tinikom ni Jeremy ang kanyang mga labi at nanahimik lamang siya. Lumapit sa kanya si Madeline, bumubugso ang galit mula sa elegante at maganda niyang katawan habang nakatayo siya sa harap ni Jeremy. "Naalala mo ba kung anong pinapainom mo sakin sa tuwing pagkatapos mo 'kong galawin? Contraceptives. Sinabi mo sakin na kahit kailan hindi magiging karapat-dapat ang isang babae na kasing sama ko na maging nanay ng mga anak mo. Natatandaan mo ba?" "..." Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy da
"Paano naman noong frinameup ako ni Meredith at pinakulong ako? Naaalala mo ba yung sinabi mo sakin noon? Sinabi mo sakin na patayin ko ang bastardo kong anak para makabawi ako sa pagkamatay ng anak ni Meredith." "Nakalimutan mo na ba ang lahat ng sinabi mo sakin, Jeremy? Sa tingin mo ba may karapatan kang mangako kay Jack na magkakaroon siya ng isang masayang pamilya pagkatapos ng lahat ng masasamang bagay na ginawa mo samin ni Jack? Walang kang karapatan na maging tatay ni Jack!"Hinawi ni Madeline ang pagkakahawak sa kanya ni Jeremy at tumalikod siya. Napako sa kanyang kinatatayuan si Jeremy at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at pati ang kanyang paghinga. Dumapo sa mga balikat niya ang nyebe bago ito natunaw papasok sa kanyang puso, at naiwang nanlalamig ang kanyang dibdib… Nakangiting lumapit si Madeline kay Jackson pagpasok niya sa bahay. "Gusto mo bang tumira kasama si Mommy mula ngayon, Jack?" Masayang tumango si Jack kahit na hindi niya nauunawaan ang sitwasyon.
Hindi inasahan ni Madeline na darating ang araw na makikita niyang lumuhod sa harap niya si Jeremy. Nagsisinungaling siya kung itatanggi niya na nagulat siya, ngunit kahit na nagulat siya, mas maituturing na kakaiba ang sitwasyong ito. Ang lalaking nasa harap niya ay mayaman at kilala sa buong Glendale ang kanyang pangalan. Siguradong gagalangin siya ng sinumang makakasalubong niya, habang ang iba naman ay sinusubukang mapalapit sa kanya. Mahirap isipin na luluhod sa harap niya ang isang lalaking ito, sa harap mismo ng babaeng pinagtabuyan niya noon. Yumuko si Madeline upang tingnan ang gwapong mukha ni Jeremy, makikita ang kalungkutan nararamdaman niya sa ekspresyon ng kanyang mga mata. "Sinong mag-aakala na luluhod sa harap ng babaeng pinagtabuyan niya noon ang young master ng pinakamakapangyarihang pamilya sa buong Glendale? Hindi ba nakakaawa 'to, Mr. Whitman?" Tinanggap ni Jeremy ang pang-iinsulto ni Madeline. "Gagawin ko ang lahat para lang sumaya ka." "Heh." Suming
Nagtagpo ang mga mata nila sa kadiliman ng gabi. Malamig ang mga titig ni Madeline habang nagsasalita siya. "Narinig ng bingi na sinabi ng pipe na nakakita ng pagmamahal ang bulag." "..." Nanlaki ang mga namumutlang mata ni Jeremy noong marinig niya ang sinabi ni Madeline. "Siguro dahil hindi ka seryoso sa mga sinasabi mo, Jeremy, kaya tinuturing mo na kalokohan ang mga pangako mo at mga biro naman ang pagtatapat mo ng pag-ibig. Pero hindi ibig sabihin nun na nakalimutan ko na yun." Huminto siya sandali, tumindi ang pangungutya sa kanyang mga mata."Ikaw ang nagsabi sakin na hindi mapapalitan ang posisyon ni Meredith sa puso mo, na noong una mo siyang makita, alam mo na sa sarili mo na siya lang ang babaeng mamahalin at poprotektahan mo buong buhay mo." Pagkatapos niyang ulit in kay Jeremy ang mga sinabi niya noon, lalong tumindi ang galit sa mga ngiti ni Madeline. "Ikaw ang nagsabi na si Meredith ang tanging babae na mamahalin mo, tapos ngayon sasabihin mo sakin na ako yung
Nagulat si Madeline nang mapansin niya na hawak-hawak na siya ni Jeremy. Wala siyang pagkakataong umiwas. Nabahiran ng galit ang mahinahong mukha ni Felipe. "Bitiwan mo siya, Jeremy. Tigilan mo na siya. Fianceé ko si Vera." "Alam mo kung sino ang taong hawak ko, Felipe, at kaya kong siguraduhin sayo na kasal pa pa rin kami ni Madeline. Huwag mong sirain ang pamilya namin." Dumilim ang ekspresyon ni Felipe. Nakangiting hinila ni Jeremy ang bewang ni Madeline. "Tara na, mahal." “...” Wala sa sarili si Madeline para pumiglas at napansin niya na pinapanood sila ng ibang mga magulang. Noong maalala niya kung gaano kasaya at nagmamalaki si Jackson habang pinapakilala niya silang dalawa ni Jeremy kanina, hindi na nagpumiglas pa si Madeline.Sinulyapan ni Madeline si Felipe at pagkatapos ay sumunod siya kay Jeremy. Nang makalayo sila sa kindergarten, doon lamang sinabihan ni Madeline si Jeremy na ihinto ang sasakyan. Nakinig siya at huminto sa gilid ng kalsada. Tiningnan s
Mag-asawa pa rin sila!Tok, Tok, Tok. May kumatok sa pinto ng opisina niya. Pagtingin niya, nakita ni Madeline si Felipe na may ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos niyang linisin ang mesa niya, binuksan niya ang pinto para kay Felipe at ipinaghanda niya siya ng black tea. Uminom muna ng konti si Felipe bago siya nagsalita. "Bakit mo pinatay yung phone mo nitong nakaraang dalawang araw? May sinabi ba si Jeremy nung araw na yun sa tapat ng Whitman Corporation?" Noong mabanggit ni Felipe ang tungkol dito, biglang ngumiti si Madeline. Puno ng saya ang kanyang mga mata. "Nahanap ko na ang anak ko." Nanginig si Felipe. "Ang panganay na anak niyo ni Jeremy?" "Oo. Sinong mag-aakalang nasa tabi ko lang pala siya?" Ngumiti ng matamis si Madeline at lumabas ang kanyang mga dimple. "Anak ko si Jackson." "Anak mo si Jackson?" Nagulat si Felipe. Tumango si Madeline. "Yun ang dahilan kung bakit pakiramdam ko may espesyal kaming koneksyon ni Jack." Naging maamo ang mga mata ni F
Nakaayos ang document na para bang isa itong diary. Pagpindot niya dito, ang unang nakita ni Madeline ay ang petsa na nakasulat sa taas. Ang petsa nito ay mula pa noong 'mamatay' siya tatlong taon na ang nakakalipas. Hindi makapagsalita si Madeline dahil sa mga nilalaman nito. [Hindi ko inakala na iiwan mo ako ng ganito. Hindi mo naman ako iiwan, di ba? Biro lang 'to, di ba? Huwag kang magbiro ng ganito, Madeline. Hindi 'to nakakaawa. [Sabi mo mahal mo 'ko, sabi mo kukulitin mo ako habambuhay. Bakit ang ikli ng habambuhay mo? Hindi pwede. Hindi ako naniniwala… [Sinasadya mo siguro na gawin 'to, Madeline. Ginagawa mo 'to para hindi kita makalimutan at para mamiss kita habambuhay. Tuso ka talaga, pero hindi mo 'ko maloloko. [Madeline… [Madeline…]“...” Ang lahat ng sumunod dito ay puro pangalan lang niya na paulit-ulit na nakasulat. Nangatog ang kanyang kamay na nakahawak sa mouse. Kahit na malinaw niyang nababasa ang mga salita na nasa document sa kanyang screen,
Kahit na hindi tinanggap ni Madeline ang mga rosas, masaya na si Jeremy sa tahimik na pagpayag ni Madeline. Subalit, binato ni Madeline ang divorce papers sa driver's seat noong makasakay sila sa kotse. "Napirmahan ko na ang parte ko. Ibalik mo yan sakin kapag tapos ka nang pumirma." Naramdaman ni Jeremy na nadurog ang kanyang puso nang makita niya ang mga salitang nasa taas ng document. Pinilit niya ang kanyang sarili na balewalain ito, itinabi niya ang mga papeles at tinapakan ang accelerator. "Hindi nakaranas si Jack ng isang kumpleto at masayang pamilya sa nakalipas na anim na taon, Eveline. Gusto mo ba talagang—" "Huwag mong gamiting dahilan si Jack para hindi pirmahan yung mga papeles, Jeremy. Hindi ko alam kung anong gusto mo, pero makakabuti sayo na huwag ka nang umasa na maniniwala ako sa mga kasinungalingan mo." Malamig ang tono ni Madeline at disidido siya sa mga sinabi niya. Dahil dito, nanatiling tahimik si Jeremy at kinimkim niya ang kanyang sama ng loob.