Nakaayos ang document na para bang isa itong diary. Pagpindot niya dito, ang unang nakita ni Madeline ay ang petsa na nakasulat sa taas. Ang petsa nito ay mula pa noong 'mamatay' siya tatlong taon na ang nakakalipas. Hindi makapagsalita si Madeline dahil sa mga nilalaman nito. [Hindi ko inakala na iiwan mo ako ng ganito. Hindi mo naman ako iiwan, di ba? Biro lang 'to, di ba? Huwag kang magbiro ng ganito, Madeline. Hindi 'to nakakaawa. [Sabi mo mahal mo 'ko, sabi mo kukulitin mo ako habambuhay. Bakit ang ikli ng habambuhay mo? Hindi pwede. Hindi ako naniniwala… [Sinasadya mo siguro na gawin 'to, Madeline. Ginagawa mo 'to para hindi kita makalimutan at para mamiss kita habambuhay. Tuso ka talaga, pero hindi mo 'ko maloloko. [Madeline… [Madeline…]“...” Ang lahat ng sumunod dito ay puro pangalan lang niya na paulit-ulit na nakasulat. Nangatog ang kanyang kamay na nakahawak sa mouse. Kahit na malinaw niyang nababasa ang mga salita na nasa document sa kanyang screen,
Kahit na hindi tinanggap ni Madeline ang mga rosas, masaya na si Jeremy sa tahimik na pagpayag ni Madeline. Subalit, binato ni Madeline ang divorce papers sa driver's seat noong makasakay sila sa kotse. "Napirmahan ko na ang parte ko. Ibalik mo yan sakin kapag tapos ka nang pumirma." Naramdaman ni Jeremy na nadurog ang kanyang puso nang makita niya ang mga salitang nasa taas ng document. Pinilit niya ang kanyang sarili na balewalain ito, itinabi niya ang mga papeles at tinapakan ang accelerator. "Hindi nakaranas si Jack ng isang kumpleto at masayang pamilya sa nakalipas na anim na taon, Eveline. Gusto mo ba talagang—" "Huwag mong gamiting dahilan si Jack para hindi pirmahan yung mga papeles, Jeremy. Hindi ko alam kung anong gusto mo, pero makakabuti sayo na huwag ka nang umasa na maniniwala ako sa mga kasinungalingan mo." Malamig ang tono ni Madeline at disidido siya sa mga sinabi niya. Dahil dito, nanatiling tahimik si Jeremy at kinimkim niya ang kanyang sama ng loob.
Namula ang mga mata ni Madeline at kinuyom niya ang kanyang mga kamao, puno ng determinasyon ang kanyang boses. "Walang relasyon sayo si Lily, Jeremy! Tigilan mo yung pag-iilusyon mo!" Humulas ang kontrol niya sa kanyang mga emosyon habang itinatanggi niya ang sinabi ni Jeremy. "Dahil sinaktan mo ako ng husto, gago ka, kaya binigay ko ang sarili ko kay Felipe. Siya ang tanging liwanag sa kadilimang pinagdalhan mo sakin!" Nagtagpo ang mga mata nila Madeline at Jeremy. "Anak namin ni Felipe si Lillian. Hindi ng-hindi siya magkakaroon ng isang tatay na gaya mo, kaya tigilan mo na yung pag-iilusyon mo na ikaw ang tatay ni Lily!" Pagkatapos nun, inangat ni Madeline ang kanyang kamay para itulak si Jeremy. Hindi niya napansin na nanghina ang kanyang mga tuhod, kaya napaatras siya nang itulak siya ni Madeline. Kinuha ni Madeline ang kanyang bag at umalis sa villa ng hindi man lang lumilingon. Habang nakaupo siya sa loob ng taxi na sinakyan niya pauwi, lumipad ang isipan ni Madel
Nataranta si Karen at pinapunta niya agad si Jeremy sa mansyon. Kasunod na dumating ni Jeremy si Felipe. Nakasuot ng itim na suit si Felipe, makikita ang pagmamataas niya sa kanyang elegante at maginoong itsura. Nang makita niya na nandito na si Old Master Whitman, si Jeremy, at ang iba pang miyembro ng Whitman family, inutusan ni Felipe ang kanyang assistant para inabot ang isang dokumento bago niya binanggit ang kanyang pakay. "Sakin ang bahay na 'to. At dahil kamag-anak ko kayo, bibigyan ko kayo ng isang araw para iempake ang lahat ng gamit niyo at umalis." Tumayo si Karen at galit na galit na dinuro si Felipe. "Felipe, hayop ka! Paano mo nagawang nakawin ang mga pagmamay-ari ng mga Whitman? Kinuha mo na nga ang Whitman Corporation, tapos ngayon gusto mo pang kunin pati ang retirement house ng old master? Wala kang konsensya!" Ngumiti lamang si Felipe. "Konsensya?" Napuno pangungutya ang kanyang mga mata. "Wala tayo dito ngayon kung may mga konsensya kayo." "Anong…
Kinabahan si Jeremy. Agad niyang sinubukang tawagan si Madeline noong matapos ang pag-uusap nila ni Felipe, ngunit walang duda na naka blacklist na ang number niya kay Madeline. Natawa lamang si Felipe. "Huwag mo nang sayangin ang lakas mo. Ako na ang mahal ni Madeline. Puro galit na lang ang nararamdaman niya para sayo." Dumilim ang ekspresyon ni Jeremy. "Anong nangyari kay Madeline, Felipe? Anong sinabi niya sayo?!" "Wala ka nang pakialam dun," Ang sagot ni Felipe, "Wala kang karapatan para magtanong tungkol kay Madeline." "Sino bang may pakialam kung ano nang nangyayari sa babaeng yun?!" Kampanteng sinagot ni Karen si Felipe bago pa man makapagsalita si Jeremy. "Tinulungan ng Madeline na yun si Felipe. Kasalanan niya kung bakit nagkaganito ang pamilya natin, Jeremy. Bakit siya pa rin ang iniisip mo? Ano bang problema mo? Nakalimutan mo na ba na ayaw mo sa kanya noong umpisa pa lang?" Binawi ni Jeremy ang kanyang braso sa sobrang inis. "Huwag kang mangialam sa problem
May libo-libo siyang dahilan upang mapanatili si Madeline sa tabi niya, ngunit pinanood lamang niya siyang umalis kasama si Felipe. Mabagal na dumaan ang oras habang hinihintay niya na gumabi. Agad siyang nagpunta sa First Crystal Street para sunduin si Madeline ngunit nalaman niya na nakaalis na doon si Madeline. Agad na pumunta si Jeremy sa kindergarten, ngunit sinabi sa kanya ng guro na sinundo na ni Madeline si Jackson. Naramdaman ni Jeremy na bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kanyang narinig. May pakiramdam siya na iiwan na siya ni Madeline. Nataranta siya, tinapakan niya ang accelerator at nagpunta siya sa apartment ni Madeline. Paulit-ulit niyang pinindot ang bell, pero walang sumasagot. Nanlamig si Jeremy. Muling binalot ng kadiliman ang kanyang mundo at nahirapan siyang huminga dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. ‘Linnie… 'Hindi mo na ba ako kayang tingnan ulit dahil sa tindi ng galit mo sakin…' Nanlulumong sumandal si Jeremy sa pader at napuno ng pa
Nang magkadurog-durog ang puso ni niya, naramdaman ni Jeremy na bumaon ng malalim ang mga piraso nito, at nag-iwan ito ng madudugong sugat. Kinuha niya ang ballpen at tumingin siya sa magandang mukha ni Madeline habang nahihirapan siyang huminga. "Ayaw mo na ba talaga sakin?" Ang mahinang tanong ni Jeremy, may kaunti pang pag-asa sa kanyang puso. Ngunit depinido ang sagot ni Madeline. "Oo, ayaw ko na sayo. Ayaw na ayaw ko na talaga sayo." Bahagyang ngumiti si Jeremy at huminga siya ng malalim. Kinuha niya ang papeles at binasa ang nilalaman nito. Wala siyang ibang gusto, hindi ang pag-aari o pera niya—tanging ang anak lang nila. Binaba ni Jeremy ang ballpen. "Sige. Payag na ako sa divorce, pero hindi ko bibitawan si Jack." Nasira ang mahinahong ekspresyon ni Madeline. "Anong karapatan mo para ipaglaban ang custody ni Jack, Jeremy? Anong karapatan mo na maging tatay ni Jack?" Ngumiti lamang si Jeremy. Hindi siya sumagot o nakipagtalo. Alam niya na ito lang ang paraan
"Umalis ka na! Alis! Ayaw na kitang makita!" Tinulak ni Madeline si Jeremy palabas ng bahay habang nakatulala siya at pinagsarhan niya siya ng pinto. Habang nakasandal siya sa pinto, huminga siya ng malalim at tumingin sa baba, napansin niya na tanggal na ang butones ng kanyang damit. Sinong makakaalam kung anong posibleng mangyari sa pagitan nilang dalawa kung hindi niya sinampal si Jeremy. Tila nilamon ng mga halik at paghingi niya ng tawad ang kanyang pag-iisip. Hinawakan ni Madeline ang kanyang damit at nakahinga siya ng maluwag dahil hindi niya muling isinuko kay Jeremy ang kanyang sarili. … Dinala ni Madeline si Jack sa labas ng siyudad para maglaro at napanatag ang kanyang kalooban dahil hindi na nagpakita sa kanya si Jeremy. Malamig man ang araw, pero mainit pa rin ang kanyang puso. Binibigyang kasiyahan siya ng mga ngiti ni Jackson ngunit pinasisikip din nito ang kanyang dibdib. Halos walang masaya sa mga alaala niya. Ang tanging masayang alaala niya ay a