Share

Kabanata 499

Kinabahan si Jeremy.

Agad niyang sinubukang tawagan si Madeline noong matapos ang pag-uusap nila ni Felipe, ngunit walang duda na naka blacklist na ang number niya kay Madeline.

Natawa lamang si Felipe.

"Huwag mo nang sayangin ang lakas mo. Ako na ang mahal ni Madeline. Puro galit na lang ang nararamdaman niya para sayo."

Dumilim ang ekspresyon ni Jeremy. "Anong nangyari kay Madeline, Felipe? Anong sinabi niya sayo?!"

"Wala ka nang pakialam dun," Ang sagot ni Felipe, "Wala kang karapatan para magtanong tungkol kay Madeline."

"Sino bang may pakialam kung ano nang nangyayari sa babaeng yun?!" Kampanteng sinagot ni Karen si Felipe bago pa man makapagsalita si Jeremy.

"Tinulungan ng Madeline na yun si Felipe. Kasalanan niya kung bakit nagkaganito ang pamilya natin, Jeremy. Bakit siya pa rin ang iniisip mo? Ano bang problema mo? Nakalimutan mo na ba na ayaw mo sa kanya noong umpisa pa lang?"

Binawi ni Jeremy ang kanyang braso sa sobrang inis. "Huwag kang mangialam sa problem
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status