Palapit nang palapit ang mabibilis na hakbang mula sa likuran at nasundan ng nanginginig na boses ni Eloise. Nahuhulaan na niya kung para saan dahil sobranf nakakagulat ng video para kay Eloise at Sean. Dahan-dahang tumalikod si Madeline, balak na kausapin sila nang galit. Ngunit niyakap siya ni Eloise bago pa siya makagawa ng kahit na ano. "Anak ko!" Humagulgol si Eloise. "Patawad, Eveline… nagkamali si Mom!" Paulit-ulit siyang nanghingi ng tawad habang namula ang mata ni Sean nang manood siya mula sa tabi pagtakbo nila kasama ng asawa niya. Pinakita ng video ang isang napakapangit na Meredith na pinapahirapan ang isang bugbog saradong Madeline. Hindi nila lubos maisip ang eksenang ito. Pero habang lalo nila itong pinipigilan, lalong idinidiin ng brutal na pangyayari ang hirap at sakit na dinanas ni Madeline. Noon pa pinagratanggol ng magulang niya ang halimas na iyon habang siya ay nagdurusa. Huminga nang malalim si Sean nang tanggapin niya ang galit na mukha ni Mad
"Bakit kailangan kong makipagpustahan sa'yo? Akong bahala kung paano tatakbo ang buhay ko. Di mo ito makokontrol," Sumagot si Madeline nang may kampante. "Di mo na kailangang pirmahan ang mga papeles dahil kaya kong mag-appeal na hiwalay na tayo nang mahigit dalawang taon. At para naman sa kustodiya ni Jack, di ko ito isusuko." Tapos tumalikod si Madeline at umalis. Habang nanonood sa tabi, walang magawa si Eloise at Sean nang panoorin nila si Madeline na iwan si Jeremy mang may inis sa kanyang mukha. Kahit na manugang nila si Jeremy, nasaktan din niya nang lubos si Madeline. Wala silang karapatan na pagalitan si Jeremy dahil ang pagkakamali nila ay mas malala bilang magulang. … Kaagad na sumikat ang kaso ni Meredith at nagalit ang maraming mga netizen sa kanyang brutal na pagkatao. Habang nakatago sa isang motel, nanginig sa galit si Rose at Jon nang panoorin nila ang balita tungkol sa kaso ni Meredith. Nalaglag nila ang remote sa sahig. "Sa isang buwan na ang parusa
Sa sandaling iyon, isang message notification ang lumitaw sa kanyang cellphone. Pagpindot niya, napagtanto ni Madeline na sa huli ay kinuha pa rin ni Felipe ang Whitman Manor. Sumugod siya sa Whitman Manor at nakita lang niyang sarado ang mga gate. Nanlamig ang katawan niya. Habang nakatayo sa tapat ng pinto, ang nasa isip lang ni Madeline ay si Old Master Whitman na sumuporta at prumotekta sa kanya nang tahimik. "Lolo…" Inisip niya. Pagkatapos magtanong kung saan nanunuluyan si Old Master Whitman, kaagad na bumiyahe si Madeline. Dumating siya sa isang mayamang distrito sa labas ng siyudad. Di naging walang kwenta si Jeremy matapos mawala ng Whitman Corporation dahil mukhang malaki din ang ipon niya. Ipinarada ni Madeline ang kanyang kotse at naghanda na pumasok nang marinig niya ang isang taong isinigaw ang pangalan niya mula sa likod. "Madeline Crawford!" Isa itong boses na pamilyar kay Madeline. Paglingon niya, nakita niya si Karen na galit na tumatakbo palapit s
Napansin ni Jeremy na may kakaiba sa mukha ni Madeline. "Anong problema? May nangyari ba?" Naiinis na tumingin sa kanya si Madeline. "Alam na alam mo sa puso mo kung anong ginawa mo." Kumunot ang noo ni Jeremy. Di niya maintindihan kung anong ibig-sabihin ni Madeline. "Saan mo dinala si Jack?" Lalong naguluhan si Jeremy sa sumunod na tanong ni Madeline. "Linnie, anong sinasabi mo? Kailan ko inilayo si Jack?" "Jeremy, kailangan mo talaga akong pahirapan ano? Masaya ka ba na nakikita akong nag-aalala o malungkot?" "Di ko talaga alam kung anong nangyari." Nagtatakang tumingin si Jeremy kay Madeline. "Linnie, sabihin mo muna sa akin kung anong nangyari." "Jeremy, sa sobrang tagal niyong magkasama ni Meredith medyo gumaling na rin ang pag-arte mo." Sarkastikong sinabi ni Madeline, tapos umapak siya sa akselerador bago pumunta sa gate ng kindergarten kung saan nag-aaral si Jackson. Habang nasa daan, paulit-ulit na gustong unawain ni Jeremy kung bakit nagagalit si Madeline per
"Rose? Yung nanay ni Meredith?" Biglang nabahala si Ava. "Alam niya siguro na mabibitay na si Meredith at ibinaling niya ang galit niya sa'yo Maddie. Kaya sinisimulan niya kay Jack!" Di malayo ang hula ni Ava. Nagkaroon din ng masamang pangitain si Madeline sa kanyang puso. Talagang di makatao ang pamilya ni Meredith. Gagawin nila ang kahit na ano. Napagpasyahan ni Madeline na tumawag ng pulis matapos maunawaan ang pangyayari. Ngunit sa sandaling lumabas siya ng kindergarten gate, nakatanggap siya ng isang mensahe. [Nasa kamay namin ang anak mo. Kung ayaw mong mamatay siya, gawin mo ang sinasabi ko!] Nang makita ito, kaagad na tumalon ang puso ni Madeline. Alam niyang kailangan niyang kumalma, ngunit nang maisip niya ang sitwasyon na kinalalagyan ni Jackson ngayon, nagulo ang isip niya. Tapos kinuha ni Jeremy ang kanyang cellphone at tinawagan nang direkta ang numero. Sa di inaasahan, kumonekta ang tawag. Binabaan ni Rose ang boses niya at nag-utos, "Madeline, mag
Pagkatapos magtinginan ni Madeline at Jeremy, sinagot niya ang tawag at pinindot ang speakerphone. Sandyang binabaan ni Rose ang kanyang boses para ibahin ang kanyang boses sa kabilang linya. Pagbuka niya ng bibig niya, nanghingi siya ng pera, "Madeline, handa na ba ang 50 million? Gusto ko in cash! Kailangan dumating ito sa loob ng isang oras, kundi papatayin ko ang anak mo!" Nabahala ang puso ni Madeline at sinubukan niyang maigi na pigilan ang kanyang damdamin. "Ibibigay ko sa'yo ang pera, pero di mo pwedeng saktan ang anak ko! Kung hindi, wag kang aasa na makakakuha ka kahit isang butal!" Kahit na sinabi ni Rose na naiinis siya, naisip niya na kukunin niya ang malaking pera at nag-ingat sa kanyang sinasabi. "Basta di ka gagawa ng kahit ano, magiging ayos ang anak mo. Ipapadala ko sa'yo ang address ngayon at iiwan mo doon ang pera mamaya. Doon ka lang sa iisang pwesto na yun. Tandaan mo, di mo pwedeng papuntahin si Jeremy at di ka rin pwedeng tumawag ng pulis. Dapat pumunta
Kaagad na nakita ni Madeline ang lugar dahil ilang daang metro lang ang layo nito. Ang bahay sa harap niya ay mukhang sira-sira na at tila bakante, pero mayroon ding liwanag na nanggagaling sa loob ng bahay. Lumapit si Madeline sa bintana at tumingin sa loob. Sa isang tingin, nakita niya si Jackson sa isang maliit na bangko habang binabantayan ni Jon na naninigarilyo sa tabi nito. Mayroong kutsliyo sa tabi ni Jon. Siguradong sila ang may pakana nito. Itinikom ni Madeline ang kanyang kamao at dumapo ang kanyang nag-aalalang mga mata sa maliit na mukha ni Jackson. Mukhang di natatakot si Jack sa kahit na ano. Ginagalaw pa nito ang kanyang paa habang kumakain ng mansanas. Mukhang may sinasabi siya kay Jon tungkol sa isang bagay. Mukhang kakaiba ang sitwasyon, ngunit nang maisip niya ito, di ito masyadong nakakapagtala nang maisip niya na si Jackson ay isa lamang anim na taong gulang na bata. Tahimik na nag-isip si Madeline ng paraan para asikasuhin ito, at nang kakatok na si
Lumingon ang lalaki, at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang manipis at nakakahumaling na mata. "Nag-aalala ka ba sa akin?" "..." Kaagad na bumitaw si Madeline. "Di ako nag-aalala sa'yo. Ayaw ko lang na masaktan si Jack sa kahit na anong paraan." "Wag kang mag-alala, di ko hahayaang may mangyari sa anak natin." Seryosong ipinangako ni Jeremy. Bigla niyang kinamayan si Madeline. "Linnie, hintayin mo ako sa kotse. Tinitiyak ko na ibabalik ko nang ligtas si Jack." Nakatulala si Madeline sa isang dahilan hanggang sa alugin siya ni Jeremy. "Dalian mo at bumalik ka na sa kotae." Tapat ang kanyang mga mata at ang tono niya ay natural pero hindi ito nagustuhan ni Madeline. "Jeremy, ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa'yo. Akin ang anak ko at ako mismo ang magliligtas sa kanya." Nalungkot ang titig ni Jeremy. "Wala kang utang na loob sa akin, ako ang may atraso sa'yo. Kahit paano mo pa ito itanggi, di mi mababago na anak natin si Jack." Nang sabihin ito, hinila niya si Madeline pap