"Rose? Yung nanay ni Meredith?" Biglang nabahala si Ava. "Alam niya siguro na mabibitay na si Meredith at ibinaling niya ang galit niya sa'yo Maddie. Kaya sinisimulan niya kay Jack!" Di malayo ang hula ni Ava. Nagkaroon din ng masamang pangitain si Madeline sa kanyang puso. Talagang di makatao ang pamilya ni Meredith. Gagawin nila ang kahit na ano. Napagpasyahan ni Madeline na tumawag ng pulis matapos maunawaan ang pangyayari. Ngunit sa sandaling lumabas siya ng kindergarten gate, nakatanggap siya ng isang mensahe. [Nasa kamay namin ang anak mo. Kung ayaw mong mamatay siya, gawin mo ang sinasabi ko!] Nang makita ito, kaagad na tumalon ang puso ni Madeline. Alam niyang kailangan niyang kumalma, ngunit nang maisip niya ang sitwasyon na kinalalagyan ni Jackson ngayon, nagulo ang isip niya. Tapos kinuha ni Jeremy ang kanyang cellphone at tinawagan nang direkta ang numero. Sa di inaasahan, kumonekta ang tawag. Binabaan ni Rose ang boses niya at nag-utos, "Madeline, mag
Pagkatapos magtinginan ni Madeline at Jeremy, sinagot niya ang tawag at pinindot ang speakerphone. Sandyang binabaan ni Rose ang kanyang boses para ibahin ang kanyang boses sa kabilang linya. Pagbuka niya ng bibig niya, nanghingi siya ng pera, "Madeline, handa na ba ang 50 million? Gusto ko in cash! Kailangan dumating ito sa loob ng isang oras, kundi papatayin ko ang anak mo!" Nabahala ang puso ni Madeline at sinubukan niyang maigi na pigilan ang kanyang damdamin. "Ibibigay ko sa'yo ang pera, pero di mo pwedeng saktan ang anak ko! Kung hindi, wag kang aasa na makakakuha ka kahit isang butal!" Kahit na sinabi ni Rose na naiinis siya, naisip niya na kukunin niya ang malaking pera at nag-ingat sa kanyang sinasabi. "Basta di ka gagawa ng kahit ano, magiging ayos ang anak mo. Ipapadala ko sa'yo ang address ngayon at iiwan mo doon ang pera mamaya. Doon ka lang sa iisang pwesto na yun. Tandaan mo, di mo pwedeng papuntahin si Jeremy at di ka rin pwedeng tumawag ng pulis. Dapat pumunta
Kaagad na nakita ni Madeline ang lugar dahil ilang daang metro lang ang layo nito. Ang bahay sa harap niya ay mukhang sira-sira na at tila bakante, pero mayroon ding liwanag na nanggagaling sa loob ng bahay. Lumapit si Madeline sa bintana at tumingin sa loob. Sa isang tingin, nakita niya si Jackson sa isang maliit na bangko habang binabantayan ni Jon na naninigarilyo sa tabi nito. Mayroong kutsliyo sa tabi ni Jon. Siguradong sila ang may pakana nito. Itinikom ni Madeline ang kanyang kamao at dumapo ang kanyang nag-aalalang mga mata sa maliit na mukha ni Jackson. Mukhang di natatakot si Jack sa kahit na ano. Ginagalaw pa nito ang kanyang paa habang kumakain ng mansanas. Mukhang may sinasabi siya kay Jon tungkol sa isang bagay. Mukhang kakaiba ang sitwasyon, ngunit nang maisip niya ito, di ito masyadong nakakapagtala nang maisip niya na si Jackson ay isa lamang anim na taong gulang na bata. Tahimik na nag-isip si Madeline ng paraan para asikasuhin ito, at nang kakatok na si
Lumingon ang lalaki, at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang manipis at nakakahumaling na mata. "Nag-aalala ka ba sa akin?" "..." Kaagad na bumitaw si Madeline. "Di ako nag-aalala sa'yo. Ayaw ko lang na masaktan si Jack sa kahit na anong paraan." "Wag kang mag-alala, di ko hahayaang may mangyari sa anak natin." Seryosong ipinangako ni Jeremy. Bigla niyang kinamayan si Madeline. "Linnie, hintayin mo ako sa kotse. Tinitiyak ko na ibabalik ko nang ligtas si Jack." Nakatulala si Madeline sa isang dahilan hanggang sa alugin siya ni Jeremy. "Dalian mo at bumalik ka na sa kotae." Tapat ang kanyang mga mata at ang tono niya ay natural pero hindi ito nagustuhan ni Madeline. "Jeremy, ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa'yo. Akin ang anak ko at ako mismo ang magliligtas sa kanya." Nalungkot ang titig ni Jeremy. "Wala kang utang na loob sa akin, ako ang may atraso sa'yo. Kahit paano mo pa ito itanggi, di mi mababago na anak natin si Jack." Nang sabihin ito, hinila niya si Madeline pap
Tumango si Jackson. Habang hawak ang kanyang mansanas, tumakbo siya palapit sa kanila gamit ng kanyang maiiksing binti. Ngumiti si Madeline, at gumaan ang pakiramdam ng puso niya nang iabot niya ang kamay niya kay Jack. "Jack, lapit ka kay Mom." "Mommy." Tinawag ni Jackson si Madeline ay tumakbo papunta sa kanya. Nasira ang plano nang payapang bumalik si Jack sa pagkakayakap ni Madeline. Inasahan ni Rose na talagang di siya pakakawalan ni Jeremy, at sa isang iglap, may bagsik sa kanyang mukha. Hinawakan ni Rose ang fruit knife sa lamesa at sinugod si Madeline nang mabagsik at sumigaw, "Madeline, p*ta ka! Mamatay ka na!" Galit siyang nagmura habang iwinawasiwas ang fruit knife. Ngunit bago pa siya makalapit kay Madeline, sinipa siya palayo ni Jeremy. Bumagsak si Rose sa sahig habang bumagsak sa tabi ang kutsilyo. Lumingon siya para kunin ito pero inapakan ni Jeremy ang kamay niya. Kaagad na sumigaw sa sakit si Rose. Ang malalim at malamig na mata ni Jeremy ay nanghahamak
Nakita ni Jeremy ang binabalak ni Rose. Kaagad niyang hinawakan sa balikat si Madeline at naglakad papunta sa pinto. "Dalian mo." Gusto lang ni Madeline na madala si Jackson sa isang ligtas na lugar kaagad at handa siyang umalis nang ayon sa balak ni Jeremy. Ngunit ang kahoy na pintong naisara na ay di na mabuksan. May nakabara sa kandado ng pinto at di nila ito mabuksan kahit anong gawin nila. "Mamatay kayong lahat!" Galit na sumigaw si Rose. Lumingon si Jeremy kay Rose at nakita niya na binuhat nito ang lata ng gasolina. Ibinuhas niya ang laman nito sa tabi nila. Prinotektahan ni Jeremy si Madeline at Jackson habang nagtatago sa gilid. Ang lahat ng gasolina na ibinuhos ni Rose ay kumalat sa pinto. "Hahaha…" Tumawa nang malakas si Rose na tila ba nababaliw na siya. "Madeline, p*ta ka. Tignan natin kung mabubuhay ka pa ngayon!" Isang malamig na kulay pilak na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Jeremy. Gusto niyang durugin si Rose. Ngunit sa sandaling ito ang pinakagust
Pero sa sandaling kumilos siya, bigla siyang hinawakan ni Rose. "Walang makakaalis! Gusto kong ilibing kayo lahat dito kasama ko!" Sa labas ng bintana, si Jack na nakakita kay Rose na hawak si Jeremy ay galit na ibinato ang mansanas na hawak niya kay Rose. "Bad ka! Bitawan mo ang dad ko!" Ibinato ito ni Jackson nang asintado at tumama ang mansanas sa mukha ni Rose. Kusa siyang napabitaw at hinawakan ang mukha niya habang sumisigaw sa sakit. "Jeremy, dali!" Hinawakan ni Madeline nang mahigpit ang kamay ni Jeremy at ipinaalala sa kanya. Nang makita si Rose na bumabalik para pigilan sila, kaagad na sinabi ni Madeline, "Ang password sa maleta ay anim na six, pero sayang na ang 50 milyon ay maaabo kasama mo!" "Ano?!" Nang marinig niya ito, napahinto sa paggalaw si Rose. Si Jon, na kanina pa di gumagalaw sa sahig, ay biglang sumigla. Kaagad siyang tumakbo palapit sa maleta na di pa nasusunog at inilagay ang anim na numero. Sa isang pindot, talagang bumukas ang maleta! Ngunut
Itinaas ni Madeline ang kanyang tingin nang may inis, pero di niya inakalang magiging ganito kalapit si Jeremy. Mainit ang hininga nito na umiihip sa mukha niya. Ang gwapo at makinis na mukha nito ay makikita sa mga niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Nang makitang maputla at nanghihina ang mukha ni Jeremy, walang bahala niyang inilayo ng mainit niyang pisngi pero hindi niya ito itinulak palayo. Hinawakan niya ang kamay ni Jackson at mahinhing sinabi, "Jack, umuwi ka kasama ni Mom." "Opo, umuwi na tayo. Uuwi si Jack kasama ni Mom at Dad!" Ipinikit ni Jackson ang kanyang malalaki at masiglang mata at masunuring tumango. Sa tabi ni Madeline, naramdaman ni Jeremy ang init mula sa katawan niya at ngumiti ito. Pagbalik nila sa villa, tinulungan ni Madeline si Jeremy na pumasok sa kwarto. Pagbitaw niya dito, tumalikod siya nang di nag-aalinlangan. "Linnie." Dumaan ang malalim na boses ni Jeremy sa kanyang tainga na parang malamig na simoy salabas ng bintana. "Pwedeng