Pero sa sandaling kumilos siya, bigla siyang hinawakan ni Rose. "Walang makakaalis! Gusto kong ilibing kayo lahat dito kasama ko!" Sa labas ng bintana, si Jack na nakakita kay Rose na hawak si Jeremy ay galit na ibinato ang mansanas na hawak niya kay Rose. "Bad ka! Bitawan mo ang dad ko!" Ibinato ito ni Jackson nang asintado at tumama ang mansanas sa mukha ni Rose. Kusa siyang napabitaw at hinawakan ang mukha niya habang sumisigaw sa sakit. "Jeremy, dali!" Hinawakan ni Madeline nang mahigpit ang kamay ni Jeremy at ipinaalala sa kanya. Nang makita si Rose na bumabalik para pigilan sila, kaagad na sinabi ni Madeline, "Ang password sa maleta ay anim na six, pero sayang na ang 50 milyon ay maaabo kasama mo!" "Ano?!" Nang marinig niya ito, napahinto sa paggalaw si Rose. Si Jon, na kanina pa di gumagalaw sa sahig, ay biglang sumigla. Kaagad siyang tumakbo palapit sa maleta na di pa nasusunog at inilagay ang anim na numero. Sa isang pindot, talagang bumukas ang maleta! Ngunut
Itinaas ni Madeline ang kanyang tingin nang may inis, pero di niya inakalang magiging ganito kalapit si Jeremy. Mainit ang hininga nito na umiihip sa mukha niya. Ang gwapo at makinis na mukha nito ay makikita sa mga niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Nang makitang maputla at nanghihina ang mukha ni Jeremy, walang bahala niyang inilayo ng mainit niyang pisngi pero hindi niya ito itinulak palayo. Hinawakan niya ang kamay ni Jackson at mahinhing sinabi, "Jack, umuwi ka kasama ni Mom." "Opo, umuwi na tayo. Uuwi si Jack kasama ni Mom at Dad!" Ipinikit ni Jackson ang kanyang malalaki at masiglang mata at masunuring tumango. Sa tabi ni Madeline, naramdaman ni Jeremy ang init mula sa katawan niya at ngumiti ito. Pagbalik nila sa villa, tinulungan ni Madeline si Jeremy na pumasok sa kwarto. Pagbitaw niya dito, tumalikod siya nang di nag-aalinlangan. "Linnie." Dumaan ang malalim na boses ni Jeremy sa kanyang tainga na parang malamig na simoy salabas ng bintana. "Pwedeng
Nang makita si Jeremy na nakatingin sa kanya nang ganon at ayaw siyang pakawalan, itinaas ni Madeline ang kanyang kamay at itinulak ito nang malakas. Sa sandaling hawakan niya ang braso nito, biglang sumigaw sa sakit si Jeremy at tumaas ang dalawa niyang matulis na kilay. Tapos naalala ni Madeline na may sugat ang braso niya. Habang naguguluhan siya at di niya alam ang gagawin, dumating si Jackson. Kumislap ang mata ng bata. Nang tignan ang dalawa sa harap niya, itinaas niya ang kilay niya nang nalilito. "Mom, Dad, anong ginagawa niyo?" "..." Tahimik na tumingin si Madeline kay Jeremy tapos ngumiti. "Jack, paano kung tabihan muna kita sa kama?" Akala niya papayag si Jackson, pero umiling ang bata, "Si Dad ang may pinaka nangangailangan ng kasama ngayon. Kaya ni Jack na matulog nang mag-isa." "..." Walang masabi si Madeline. Yumuko si Jeremy at hinawakan ang ulo ng bata, "Napakamaalalahanin ni Jack. Wag kang mag-alala, sasamahan ako ng nanay mo at di siya aalis." Tin
Pagkatapos pakinggan nang kalmado ang mga sinabi ni Jeremy, inilayo ni Madeline ang braso nito at seryosong humarap dito. "Kung gagawa ka ng palusot, humanap ka naman ng kapani-paniwala." Nanghahamak niyang tinignan ito. "Sabi mo mahal mo ako? Hinayaan ng pagmamahal mo para sa akin na apihin at saktan ako ni Meredith?" Sumimangot si Jeremy at sinubukang hilahin ang kamay ni Madeline. "Linnie, makinig ka muna sa akin." Ding dong, ding dong! Sa sandaling iyon, tumunog ang doorbell. Lalong nagsalubong ang kilay ni Jeremy nang lumingon siya para buksan ang pinto, medyo naiinis. Ngunit sa sandaling bumukas ang pinto, kaagad na nanlamig ang mukha ni Jeremy. "Anong ginagawa mo dito?" Tumayo si Felipe sa harap ng pinto. Tinignan niya si Jeremy na nakabenda ang kamay, itinaas ang kanyang mata, at tinignan ang kwarto. "Vera, ako ito. Nandyan ka ba?" Lalong naging malamig ang mata ni Jeremy nang hinayaan niya sa labas si Felipe. "Felipe, walang taong nagngangalang Vera dito. Umali
Sa sandaling wala na talaga siyang magawa, nanood lang ito nang walang pake. Sa sandaling iyon siya nagising. Ang kanyang pagkagusto ay isa lamang panaginip. Di dapat ganito kadilim at kasama ang tunay na pagmamahal. Matagal na natahimik ang paligid, tapos nagsalita ulit si Madeline, "Jeremy, kung talagang gusto mong manghingi ng tawad sa akin, pirmahan mo na ang divorce papers natin nang maaga." Nang marinig ulit ang salitang divorce, pakiramdam ni Jeremy na nahulog na naman siya sa kawalan. Nakita niya ang determinasyon sa mga mata ni Madeline. Di na siya titignan nito nang may pagmamahal at pag-aasam. Di na siya ulit tatawagin nito na Jeremy nang malambing. Nawala ito dahil sa kanya. Nang makitang tahimik si Jeremy, nakapagpasya na si Madeline. "Hihintayin kita na pirmahan ang divorce papers natin sa law firm bukas. Kung may konsensya ka talaga ibibigay mo sa akin ang kustodiya ni Jackson. Kapag tumanggi ka, lalaban ako hanggang sa huli." Nang marinig ang salitan
Samantala, biglang natulala si Madeline. Nang makita ang pirma ni Jeremy sa divorce agreement, di lang sa di siya mapakali o mapanatag. Sa katotohanan, nakaramdam siya ng kirot. Ang mga masasayang alaala mula sa kanyang pagkabata, ang lihim na pag-ibig niya mula noong bata pa siya, at ang pumalyang kasal na magtatapos na sa sandaling ito. Paglabas sa pinto ng law firm, tumingin si Jeremy kay Madeline nang may naaalala. "Linnie, pwede ba kitang mahawakan sa huling pagkakataon?" Tatanggi sana si Madeline, ngunit tumango siya na parang sinapian siya. Ngumiti nang bahagya si Jeremy tapos iniunat ang kanyang braso para yakapin siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nilasap ang huling sandaling ito. Nang idilat niya ulit ang mga mata niya, nanlabo na ang paningin niya. Naging masaya sana ang mga bagay. Kaso, sinira niya mismo ang kaligayahan niya. Sinaktan niya ito nang lubos pero sinubukan niya pa ring hingiin ang patawad nitl. Talagang kasuklam-suklam siya. "Pwede ko
"Di mo kailangang magpasalamat sa akin. Dahil sa'yo kaya nabawi ko ang mga bagay na talagang pagmamay-ari ng magulang ko." Nang marating ng mga salita ang tainga niya, bigla g naramdaman ni Madeline na parang nagkasala siya nang matindi. Nang mabuhay muli, ang layunin niya ay makapaghiganti. Natuwa siya na makitang miserable si Jeremy, at walang natira sa kanya sa huli. Ngunit ayaw niyang makita na maapektuhan ng apoy ng paghihiganti niya si Old Master Whitman. Pag-alis ni Felipe, tinawagan ni Madeline si Jeremy. Nagulat si Jeremy nang matanggap niya ang tawag nito, ngunit nagpakita pa rin siya sa lugar kung saan siya gustong kitain ni Madeline. Nang magkia sila, pinaandar niya ang kotse at nakarating sa isang nursing home. "Dito ba nanunuluyan si Grandpa?" Pakiramdam ni Madeline di ito katanggap-tanggap. "Maganda ang paligid at mga pasilidad dito." Itinuro ni Jeremy ang daan. Alam ni Madeline na para sa isang matanda, di mahalaga kung gaano kaganda ang tirahan nito o
Seryoso ang titig ni Old Master Whitman. Kumabog ang puso ni Madeline nang nagtataka niyang itanong, "Ang katotohanan sa insidenteng ito? Grandpa, anong insidente ang tinutukoy mo?" Ngumiti nang malambing si Old Master Whitman. "Anak, ang katotohanan ay, di ako ang nagdesisyon ng kasal niyong dalawa ni Jeremy." "..." Natulala si Madeline. "Grandpa, anong sinasabi mo? Diba ikaw ang pangunahing dahilan kung bakit ikinasal ako kay Jeremy noon…" "Hindi." Sumingit si Old Master Whitman sa pagtataka ni Madeline. "Ibang tao yun. Yun ang taong nagkusa na hanapin ako at pinakiusapan ako na pangunahan ang kasal niyong dalawa ni Jeremy." Nang marinig ito, lalong naguluhan si Madeline. "Sino ito? Grandpa, sino ang taong ito?" "Ito ay si Jeremy." "..." Nanlaki ang mata ni Madeline dahil di siya makapaniwala. "Si Jeremy? Paano nangyari yun? Paanong siya ang magkukusa na pakasalan ako?" "Dahil gusto ka ng gag*ng yun, pero mayabang siya at ayaw niyang aminin." "..." Pakiramdam ni M