Share

Kabanata 503

Dahil sa pagsigaw nila Meredith at Diana, napatingin ang mga tao sa auditorium kay Madeline.

Sa galit nila, tumayo sila Eloise at Sean upang depensahan si Madeline.

"Hayaan niyo na lang sila na sabihin ang gusto nilang sabihin." Pinigilan ni Madeline sila Eloise at Sean. "May matibay na ebidensya laban sa kanya, kaya hindi 'to matatakasan ni Meredith. At si Diana naman, malalaman niya mamaya kung gaano siya katanga."

Kahit na galit na galit sila, kinuyom nila Eloise at Sean ang mga kamao nila at umupo sila ulit.

Nainis sila at sumama ang kanilang loob, pakiramdam nila ay hindi sila karapatdapat na maging magulang ni Madeline.

Kung sabagay, masasabing may ambag ang Montgomery family sa kung paano kumilos sila Meredith at Diana ngayon.

Wala silang konsensya.

Ang isa sa kanila ay ipinagpalit ang anak nila sa iba, habang yung isa naman ay ninakaw ang pagkatao ng anak nila. Kinuha nilang lahat ang dapat para kay Madeline.

Hindi nila inakala na sisiraan ng dalawa si Madeline
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status