Nataranta si Karen at pinapunta niya agad si Jeremy sa mansyon. Kasunod na dumating ni Jeremy si Felipe. Nakasuot ng itim na suit si Felipe, makikita ang pagmamataas niya sa kanyang elegante at maginoong itsura. Nang makita niya na nandito na si Old Master Whitman, si Jeremy, at ang iba pang miyembro ng Whitman family, inutusan ni Felipe ang kanyang assistant para inabot ang isang dokumento bago niya binanggit ang kanyang pakay. "Sakin ang bahay na 'to. At dahil kamag-anak ko kayo, bibigyan ko kayo ng isang araw para iempake ang lahat ng gamit niyo at umalis." Tumayo si Karen at galit na galit na dinuro si Felipe. "Felipe, hayop ka! Paano mo nagawang nakawin ang mga pagmamay-ari ng mga Whitman? Kinuha mo na nga ang Whitman Corporation, tapos ngayon gusto mo pang kunin pati ang retirement house ng old master? Wala kang konsensya!" Ngumiti lamang si Felipe. "Konsensya?" Napuno pangungutya ang kanyang mga mata. "Wala tayo dito ngayon kung may mga konsensya kayo." "Anong…
Kinabahan si Jeremy. Agad niyang sinubukang tawagan si Madeline noong matapos ang pag-uusap nila ni Felipe, ngunit walang duda na naka blacklist na ang number niya kay Madeline. Natawa lamang si Felipe. "Huwag mo nang sayangin ang lakas mo. Ako na ang mahal ni Madeline. Puro galit na lang ang nararamdaman niya para sayo." Dumilim ang ekspresyon ni Jeremy. "Anong nangyari kay Madeline, Felipe? Anong sinabi niya sayo?!" "Wala ka nang pakialam dun," Ang sagot ni Felipe, "Wala kang karapatan para magtanong tungkol kay Madeline." "Sino bang may pakialam kung ano nang nangyayari sa babaeng yun?!" Kampanteng sinagot ni Karen si Felipe bago pa man makapagsalita si Jeremy. "Tinulungan ng Madeline na yun si Felipe. Kasalanan niya kung bakit nagkaganito ang pamilya natin, Jeremy. Bakit siya pa rin ang iniisip mo? Ano bang problema mo? Nakalimutan mo na ba na ayaw mo sa kanya noong umpisa pa lang?" Binawi ni Jeremy ang kanyang braso sa sobrang inis. "Huwag kang mangialam sa problem
May libo-libo siyang dahilan upang mapanatili si Madeline sa tabi niya, ngunit pinanood lamang niya siyang umalis kasama si Felipe. Mabagal na dumaan ang oras habang hinihintay niya na gumabi. Agad siyang nagpunta sa First Crystal Street para sunduin si Madeline ngunit nalaman niya na nakaalis na doon si Madeline. Agad na pumunta si Jeremy sa kindergarten, ngunit sinabi sa kanya ng guro na sinundo na ni Madeline si Jackson. Naramdaman ni Jeremy na bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kanyang narinig. May pakiramdam siya na iiwan na siya ni Madeline. Nataranta siya, tinapakan niya ang accelerator at nagpunta siya sa apartment ni Madeline. Paulit-ulit niyang pinindot ang bell, pero walang sumasagot. Nanlamig si Jeremy. Muling binalot ng kadiliman ang kanyang mundo at nahirapan siyang huminga dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. ‘Linnie… 'Hindi mo na ba ako kayang tingnan ulit dahil sa tindi ng galit mo sakin…' Nanlulumong sumandal si Jeremy sa pader at napuno ng pa
Nang magkadurog-durog ang puso ni niya, naramdaman ni Jeremy na bumaon ng malalim ang mga piraso nito, at nag-iwan ito ng madudugong sugat. Kinuha niya ang ballpen at tumingin siya sa magandang mukha ni Madeline habang nahihirapan siyang huminga. "Ayaw mo na ba talaga sakin?" Ang mahinang tanong ni Jeremy, may kaunti pang pag-asa sa kanyang puso. Ngunit depinido ang sagot ni Madeline. "Oo, ayaw ko na sayo. Ayaw na ayaw ko na talaga sayo." Bahagyang ngumiti si Jeremy at huminga siya ng malalim. Kinuha niya ang papeles at binasa ang nilalaman nito. Wala siyang ibang gusto, hindi ang pag-aari o pera niya—tanging ang anak lang nila. Binaba ni Jeremy ang ballpen. "Sige. Payag na ako sa divorce, pero hindi ko bibitawan si Jack." Nasira ang mahinahong ekspresyon ni Madeline. "Anong karapatan mo para ipaglaban ang custody ni Jack, Jeremy? Anong karapatan mo na maging tatay ni Jack?" Ngumiti lamang si Jeremy. Hindi siya sumagot o nakipagtalo. Alam niya na ito lang ang paraan
"Umalis ka na! Alis! Ayaw na kitang makita!" Tinulak ni Madeline si Jeremy palabas ng bahay habang nakatulala siya at pinagsarhan niya siya ng pinto. Habang nakasandal siya sa pinto, huminga siya ng malalim at tumingin sa baba, napansin niya na tanggal na ang butones ng kanyang damit. Sinong makakaalam kung anong posibleng mangyari sa pagitan nilang dalawa kung hindi niya sinampal si Jeremy. Tila nilamon ng mga halik at paghingi niya ng tawad ang kanyang pag-iisip. Hinawakan ni Madeline ang kanyang damit at nakahinga siya ng maluwag dahil hindi niya muling isinuko kay Jeremy ang kanyang sarili. … Dinala ni Madeline si Jack sa labas ng siyudad para maglaro at napanatag ang kanyang kalooban dahil hindi na nagpakita sa kanya si Jeremy. Malamig man ang araw, pero mainit pa rin ang kanyang puso. Binibigyang kasiyahan siya ng mga ngiti ni Jackson ngunit pinasisikip din nito ang kanyang dibdib. Halos walang masaya sa mga alaala niya. Ang tanging masayang alaala niya ay a
Dahil sa pagsigaw nila Meredith at Diana, napatingin ang mga tao sa auditorium kay Madeline. Sa galit nila, tumayo sila Eloise at Sean upang depensahan si Madeline. "Hayaan niyo na lang sila na sabihin ang gusto nilang sabihin." Pinigilan ni Madeline sila Eloise at Sean. "May matibay na ebidensya laban sa kanya, kaya hindi 'to matatakasan ni Meredith. At si Diana naman, malalaman niya mamaya kung gaano siya katanga." Kahit na galit na galit sila, kinuyom nila Eloise at Sean ang mga kamao nila at umupo sila ulit. Nainis sila at sumama ang kanilang loob, pakiramdam nila ay hindi sila karapatdapat na maging magulang ni Madeline. Kung sabagay, masasabing may ambag ang Montgomery family sa kung paano kumilos sila Meredith at Diana ngayon. Wala silang konsensya. Ang isa sa kanila ay ipinagpalit ang anak nila sa iba, habang yung isa naman ay ninakaw ang pagkatao ng anak nila. Kinuha nilang lahat ang dapat para kay Madeline. Hindi nila inakala na sisiraan ng dalawa si Madeline
Tumingin si Jeremy sa gulat na gulat na si Madeline. Naramdaman ni Madeline na bumilis ang tibok ng kanyang puso, dahil puno ng lambing at pagmamahal ang mga mata ni Jeremy. Nilihis ni Madeline ang tingin niya dahil ayaw niyang maimpluwensyahan ng mga titig ni Jeremy. Pinagmasdan niya na maglakad ang lalaki papunta sa witness stand. Hindi mapakali si Meredith habang tinitignan niya si Jeremy, puno pa rin ng pagmamahal ang mga mata niya para kay Jeremy. Hindi man lang tumingin sa kanya si Jeremy bago niya inabot sa hukom ang ebidensya. Nanlumo si Meredith nang makita niya ito, napuno ng takot ang mga mata niya habang nakatingin siya sa phone na hawak ni Jeremy. "Ito ang cell phone ng biktima na si Brittany Montgomery." Mahinahong nagsalita si Jeremy. "Nakita ko 'to sa bahay ng defendant." "..." Nanlaki ang mga mata ni Meredith at hindi siya makapagsalita sa sobrang pagkabigla. "Nandyan ang video na nirecord mismo ng biktima tatlong taon na ang nakakaraan. Sasabihin satin n
Chupse…Kasabay ng sigaw ni Meredith ang kanyang pag-amin, dahilan para matahimik ang buong korte. Pulang-pula ang mga mata ni Meredith habang hinihingal siya. Napagtanto niya na nagkamali siya ng sinabi!Umamin siya na siya ang pumatay kay Brittany Montgomery!Natulala kay Meredith ang abugado niya, unti-unti siyang nanlamig. "Ikaw ang pumatay sa kanya, Meredith Crawford! Mamamatay tao ka! Mamamatay tao ka!" Nagwala at nagsisigaw si Diana. Kinuyom ni Meredith ang mga kamao niya at kumislap ang mga mata niya. Tumingin si Jeremy sa pangit na pagmumukha ni Meredith. "Tama ka, Meredith Crawford. Nabura mo na nga ang video noon, pero may mahusay akong technician na nagreover ng video para sakin." "..." Natulala si Meredith kay Jeremy, napuno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. "Bakit? Bakit mo 'to ginagawa sakin, Jeremy? Ako yung babaeng pinakamamahal mo! Nangako ka na poprotektahan mo ako habambuhay kaya bakit mo tinutulungan yung bruha ng Madeline na yan at frinameup niyo a
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si