Share

Kabanata 489

Walang kahit anong emosyon ang mga mata ni Madeline nang magtagpo ng mga mata nila ni Jeremy.

"Kung may natitira ka pang konsensya Jeremy, ibibigay mo sakin ang anak ko."

"Ito ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Napangiti ng mapait si Jeremy. "Hindi pwedeng mawalan ng tatay si Jack dahil lang nandyan na ang nanay niya."

"Tatay?" Suminghal si Madeline at nagalit siya kay Jeremy. "Hindi ka ba nakokonsensya, Jeremy? Wala kang ginawa para maging karapat-dapat ka na maging tatay ni Jack."

"..." Tinikom ni Jeremy ang kanyang mga labi at nanahimik lamang siya.

Lumapit sa kanya si Madeline, bumubugso ang galit mula sa elegante at maganda niyang katawan habang nakatayo siya sa harap ni Jeremy.

"Naalala mo ba kung anong pinapainom mo sakin sa tuwing pagkatapos mo 'kong galawin? Contraceptives. Sinabi mo sakin na kahit kailan hindi magiging karapat-dapat ang isang babae na kasing sama ko na maging nanay ng mga anak mo. Natatandaan mo ba?"

"..." Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy da
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status