Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 291 - Kabanata 300

2479 Kabanata

Kabanata 291

Lumabo ang isipan ni Madeline sa ilalim ng epekto ng chloroform. Bahagya niyang naisip na May narinig siyang boses sa kanyang tainga, tinawag siya nitong Madeline at sinabihan siya magiging ayos na ang lahat. Nagpumilit si Madeline na buksan ang kanyang mga mata para makita niya kung sino ito, pero parang bumibigat ang kanyang talukap sa bawat segundo. Namaluktot siya sa lalaki na hindi siya binibitawan. Siguro dahil binigyan siya nito ng ligtas na pakiramdam. Ito siguro ang unang beses na naramdaman ni Madeline kung paano maprotektahan. Ang tanging naranasan niya lang sa mga nagdaang taon ay walang iba kundi pagpapahirap. Tuwing humihiling siya na may tumulong sa kanya, ang tanging natatanggap niya ay mas matindi pang sakit. Umabot na ito sa punto kung saan sumuko na siya at hindi na umasa pa dahil pagod na ang kanyang puso sa lahat ng pagkadismaya. Ngayon, nalaman na niya kung anong pakiramdam na may sumusuporta sa kanya at napakainit nito… Naramdaman ni Jeremy ang tao sa
Magbasa pa

Kabanata 292

Babawiin na sana ni Jeremy ang kanyang kamay nang umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga siguradong salita nina Ava at Daniel. 'Siya si Maddie!'Hindi ako naniniwala na mayroong dalawang tao na magkamukhang magkamukha!' Paano sila nakakasiguro? Maliban na lang kung nakakita sila ng kung anong marka? Marka? Naalala ni Jeremy ang nunal sa itaas ng kaliwang dibdib ni Madeline. Naalala ni Jeremy kung paanong humigpit ang hawak ni Vera sa tuwalya nang lumabas siya sa banyo sa araw na nagpalipas siya ng gabi ng dahil kay Jackson. Hindi kaya ginawa niya iyon hindi dahil sa pagkahiya kundi sa takot na baka may mapansin siya? Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy sa kanyang naisip. Habang tinititigan ang nahihimbing na si Madeline ay lumapag ang isa sa kanyang mga daliri sa butones ng kanyang hospital gown. Mabilis na bumukas ang una, pangalawa, at pangatlong butones. Klik. Bumukas ang pinto ng ward habang nakahawak pa rin ang kamay ni Jeremy sa damit ni Madeline. "Anong gi
Magbasa pa

Kabanata 293

Sa isang sandali, may narinig si Jeremy na tumawag sa kanyang 'Jez'. Napabalik siya nito sa realidad habang ang kanyang nalilitong tingin ay lumapag kay Madeline. Pinanood niya na kumunot ang kanyang noo at bumuka ang kanyang mapupulang labi na para bang nagsasalita siya sa kanyang pagtulog. "Bakit…" Mas lalong kumunot ang noo ni Madeline sa biglaang tanong. 'Bakit?''Bakit' ba ang sabi niya?' Mula sa nahihirapang itsura ni Madeline, lumapit si Jeremy para marinig siya nang maayos. "Bakit di ka maniwala…" Bang! Nang papalapit pa lang ang mukha ni Jeremy sa bibig ni Madeline, bumukas nang malakas ang pinto ng kwarto. Napigilan siya bago niya marinig ang buong sinabi ni Madeline. Kumunot ang noo ni Jeremy habang tinaas niya ang kanyang tingin na puno ng pagkainis. Biglang pumasok si Eloise sa kwarto. "Paano mo nagagawang maghintay dito sa tabi ng kama ng babaeng ito habang wala pa ring malay ang anak ko nang dahil sa'yo, Jeremy Whitman? Hindi lang 'yon, pero hindi
Magbasa pa

Kabanata 294

Ang kaninang malalabong alaala bago siya mawalan ng malay ay luminaw na rin sa wakas, at naalala niya kung paanong biglang lumitaw si Jeremy para iligtas siya. Naalala niya kung paano siya nito hinawakan nang mahigpit at pinatahan at pati na rin kung paano siya sumiksik sa kanyang yakap dahil sa kaligtasan na naramdaman niya mula sa kanya… Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline, pamilyar ang pulso sa kanyang dibdib. Kinagat niya ang kanyang labi at hinigpitan ang kanyang kamao. 'Hindi. Paano ako muling mahuhulog sa kanya? 'Ayaw ko sa kanya! 'Namatay na ang pag-ibig sa loob ko sa bawat isang tulak niya sa'kin papunta sa kamatayan. 'Katulad ito kung paanong hindi na lalapit sa dagat ang mga taong nakaligtas sa pagkalunod. 'Pero nangangako ako na ipapaalam ko sa'yo kung anong pakiramdam nang hindi makahinga, Jeremy.'… Bumalik si Eloise sa kwarto ni Meredith kung saan dumating rin si Jeremy. Mukhang tumaas ng tingin ni Eloise kanyang sarili sa pagdating ni Jeremy, in
Magbasa pa

Kabanata 295

Sa totoo lang, si Madeline lang ang tanging babae na nakita niya nang nakahubad. Naalala ni Jeremy ang dalawang beses na lasing na lasing siya at 'nabuntis' niya si Meredith. Dahil lang sa mga salita ni Meredith sa sumunod na umaga kaya niya nalaman na may nangyari sa kanilang dalawa. Pero ngayon, nandidiri siya sa malabong anino ni Meredith sa banyo. "Hu, huhu… Bakit, huhu…" narinig mula sa loob ang malungkot na iyak ni Meredith. Dahil dito, kinuha ni Jeremy ang kumot at pumasok sa banyo nang nakayuko. Binalot niya ito kay Meredith. "Labas."Nang hinila niya siya palabas ng banyo, napansin niya na ayos lang ang kanyang mga binti. Napuno ng inis ang kanyang malalamig na mga mata habang lumitaw ang galit sa pagitan ng kanyang mga kilay. "Jeremy!" Naglakad si Meredith at sumubsob sa dibdib ni Jeremy, ang kanyang mga braso ay nakasampay sa kanya na parang isang pugita. "Bakit, Jeremy? Bakit nangyari sa'kin 'to? Pinagsalit-salitan nila akong pinahirapan. Ang sakit. Bakit a
Magbasa pa

Kabanata 296

Sa kabila ng mga paliwanag niya, puno ng pagkadismaya at pagdududa ang mga mata ni Jeremy. “Jeremy…” "Hindi ka na gaya ng dati." Suminghal si Jeremy. "Hindi ko mapigilang isipin na hindi ikaw yung babaeng nakilala ko noong bata pa ako." Kinabahan si Meredith sa mga sinabi ni Jeremy. "Imposible yun! Ako ang Linnie mo, Jeremy!" "Linnie." Mahinahong tumingin si Jeremy kay Meredith nang sabihin niya iyon bago niya binawi ang braso niya sa pagkakahawak ni Meredith. "Iimbestigahan kong maigi ang kasong 'to. Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman sa nangyari." "..." Hindi makapagsalita si Meredith at napako siya sa kanyang kinatatayuan. Pinanood lamang niyang umalis si Jeremy. Tinikom niya ang kanyang bibig at nagdabog siya sa sobrang inis. Anuman ang mangyari, hindi pwedeng malaman ni Jeremy na may kinalaman siya sa pagdukot kay Vera! ...Pagkalipas ng dalawang araw, pinirmahan ni Madeline ang mga papeles para sa paglabas niya sa ospital. Pagkatapos nito dumaan siya sa si
Magbasa pa

Kabanata 297

Napangiti si Madeline habang nakatingin siya kay Jeremy, nagalit nang husto si Meredith sa mga sinabi niya at nagsimulang maglabasan ang mga ugat sa kanyang noo. "Huwag mong subukan na mamagitan saming dalawa ni Jeremy, Vera Quinn! Ako lang ang babaeng mahal ni Jeremy, kaya bakit naman siya magpapakasal sayo?" Dahil dun, tumayo si Meredith sa kama at tumakbo papunta kay Jeremy, naluluha ang kanyang mga mata na nagpapakita kung gaano siya kahina. "Nasisinungaling siya, di ba, Jeremy? Sabihin mo na nagsisinungaling lang siya." "Hindi siya nagsisinungaling." Hindi nag-alinlangan sa pagsagot si Jeremy at nanlaki ang mga mata ni Meredith dahil dito. Masayang ngumiti si Madeline. "Hindi ko alam kung ano nang nangyari sakin kung hindi mo ako niligtas, Jeremy. Libre ka ba ngayong araw? Gusto sana kitang pasalamatan." "Libre ako," Mahinahon siyang siyang sumagot at lumingon kay Madeline. "Ayos ka na ba talaga?" "Oo." Ngumiti si Madeline bago siya tumingin kay Meredith. "Nagpapasal
Magbasa pa

Kabanata 298

Habang nakatitig siya sa malalim at komplikadong mga mata ni Jeremy, binawi ni Madeline ang kanyang braso sa pagkakahawak ni Jeremy bago siya bumaba sa kotse. Napangiti si Madeline nang maramdaman niya na bumaba rin ng sasakyan si Jeremy. 'Nakikita mo na ba ang tunay at napakapangit na pagkatao ni Meredith, Jeremy?' 'Kaso, huli na ang lahat.''Huling-huli ka na, baka hindi na maghilom ang mga sugat ko. Pwede mong gamitin ang pagkatao ko ngayon para mabawasan ang pagsisising nararamdaman mo, kaya hayaan mong ako ang magtulak sayo sa katapusan mo.' … Niliko ni Jeremy ang kanyang sasakyan matapos niyang panoorin na unti-unting mawala sa kanyang paningin si Madeline. Bumili siya ng bouquet ng 88 na rosas at pumunta siya sa sementeryo. Marami siyang gustong sabihin, ngunit ngayong nakatayo na siya da tapat ng puntod ni Madeline, nilunok niya itong lahat. Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita siya. "Siguro dadalhin ko siya dito para magkakilala kayo kapag may pagkakataon. S
Magbasa pa

Kabanata 299

May narinig siyang boses mula sa banyo. Dinepensahan ng taong iyon si Meredith. Tumingin ng masama si Jeremy sa pinanggagalingan ng boses. "Hahayaan niyo siyang tumira dito?" "Anong problema kung titira dito si Meredith? Fiance mo siya, at may anak na din kayo, si Jack. Pamilya kayong tatlo! Anong masama na magkakasama sa iisang bahay ang isang pamilya?" Kampanteng nagsalita si Mrs. Whitman, lalong lumakas ang kanyang loob. Hindi niya napapansin ang pagbabago sa ekspresyon ni Jeremy. "Pagkatapos ng pinagdaanan ni Meredith, tungkulin mo bilang fiance niya ang alagaan at samahan siya. Hindi mo dapat inaaksaya ang oras mo sa bruhang yun!" Tinapik ni Mrs. Whitman ang balikat ni Meredith habang nagsasalita siya, lalo siyang nagmatigas habang tinitingnan niya si Jeremy. "Alam ko na may sarili kang opinyon, Jeremy, pero kailangan mong makinig sakin sa pagkakataong 'to. Nanay mo ako! Layuan mo si Vera Quinn. Puro problema lang ang dala niya. Imposibleng wala siyang kinalaman sa nan
Magbasa pa

Kabanata 300

Sumakay sa kotse si Madeline, at humarurot ang kotse papuntang April Hill. Palubog na ang araw at umihip ang maalat na hangin mula sa dagat. Isa itong alaala ng nakaraan, ngunit gaya ng camphor tree na maliit lang ang pinagbago sa paglipas ng panahon, hindi na ito gaya ng dati. Inayawan na ni Madeline ang April Hill mula noong huling beses na dinala ni Jeremy si Meredith dito. Naaalala pa niya ang mga salitang sinabi ni Meredith kay Jeremy, kung paano nilarawan ni Meredith ang unang pagkikita nila, na katulad na katulad ng unang pagkikita nilang dalawa ni Jeremy. Nagkataon lang ba yun, o isa nanaman 'tong biro na madalas gawin ng tadhana? Habang tahimik siyang nag-iisip, lumingon siya at nakita niya na nagbubukas ng isang bote ng red wine si Jeremy. "Anong problema mo? Para bumyahe ka ng ganito kalayo, siguro espesyal sayo ang lugar na 'to 'no?" Lumapit sa kanya si Madeline, sinadya niyang magkunwari na nagtataka siya. "Posible bang dito kayo nagkakilala ni Meredith?"
Magbasa pa
PREV
1
...
2829303132
...
248
DMCA.com Protection Status