Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 2021 - Kabanata 2030

2479 Kabanata

Kabanata 2021

Huminto si Shirley. Hindi niya alam kung ano ang card na inabot sa kanya ni Lillian. Dahan-dahan niyang inabot ang card mula sa maliit na kamay ni Lillian. Tiningnan ito ni Shirley at nakita nita na isa itong card na naglalaman ng personal na impormasyon ni Lillian. Nakasulat dito ang mga impormasyon tungkol kay Lillian, pati na ang kondisyon ng kanyang kalusugan at kasama na rin dito ang lugar kung saan siya nakatira. Dahil dito, nasiguro ni Shirley na pipe nga si Lillian at hindi siya makapagsalita. Kaya naman, kapag naligaw si Lillian, aasa siya na may mabuting tao na tutulong sa kanya na makauwi sa bahay niya. Subalit, wala itong kwenta sa sitwasyong ito. Bakit naman ibabalik ni Carter si Lillian? Lumapit si Carter at kinuha ang card sa kamay ni Shirley nang mapansin niya ang card na inabot ni Lillian kay Shirley. Pagkatapos niyang tingnan ito, nagkaroon ng malamig at masamang ngiti sa kanyang mga labi. Tinapon niya ang card sa basurahan at tumalikod siya. Sumim
Magbasa pa

Kabanata 2022

Matatandaan na si Lillian ay hindi isang normal at malusog na bata.Nasa recovery stage pa ang leukemia niya, kaya kapag hindi naging maayos ang recovery niya, malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng relapse. Wala siyang ideya kung sino ang lalaking nakaitim na kumuha kay Lillian. Gayunpaman, alam niya na isa lamang ordinaryong kidnapper ang lalaki dahil si Lillian lang ang pinuntirya niya. Habang nag-iisip si Fabian, biglang pumasok ang isang tagapagsilbi. Akala niya ay may balita tungkol kay Lillian, ngunit nagulat siya nang makita niyang naglalakad si Madeline sa hallway. "Eveline?" Nagulat si Fabian.Alam kaya ni Madeline na nakidnap si Lillian? Hindi. Imposible yun.Ilang oras pa lang nawawala si Lillian, at siguradong nasa eroplano pa si Madeline noong mga oras na yun, kaya imposibleng maaga siyang dumating. "Ako 'to." Humakbang paharap si Madeline at lumapit siya kay Fabian. "Pasensya na kung pumunta ako dito ng walang pasabi at naistorbo kita, Mr. Johnson
Magbasa pa

Kabanata 2023

Narinig ni Madeline ang pangalan ni Lillian, kaya agad siyang umikot at bumaba ng hagdan. Tila narinig ni Fabian ang mga yabag ni Madeline na pababa ng hagdan at sinadya niyang maglakad papunta sa pinto upang iwasan si Madeline.Nang mapansin niya ang ginawa ni Fabian, nagmadali si Madeline na habulin siya, ngunit noong makalapit siya kay Fabian, kakababa lang ni Fabian ng phone. "Fabian, sinong kausap mo? May kinalaman ba yun kay Lily? Saan mo dinala si Lily?" Puno ng pag-aalala ang mukha ni Madeline habang tinatanong niya si Fabian, "Fabian, magsalita ka!" Tumawa si Fabian sa harap ng mga pagtatanong ni Madeline."Eveline, huwag ka nang mag-aksaya ng oras at lakas mo. Hindi ko sasabihin sayo kung nasaan si Lillian."Napakalamig at hindi makatao ang naging sagot ni Fabian. Alam ni Madeline na ginagawa lang ito ni Fabian dahil sa sama ng loob niya sa kanilang dalawa ni Jeremy. Nakaramdam ng kawalan ng pag-asa at pagsisisi si Madeline. "Fabian, noong una tayong magkakil
Magbasa pa

Kabanata 2024

"Nasaan na ang kotse ngayon? Sige, pupunta na ako ngayon."Sumagot si Fabian at nagmadali siyang umalis. Pagkalipas ng ilang sandali, nakarating siya sa car rental. Dinala ng isang staff si Fabian sa isang kotse. "Mr. Johnson, ito ba ang kotseng hinahanap mo?" Ilang beses pinanood ni Fabian ang surveillance footage, kaya sigurado siya na ito nga ang kotseng gamit ng lalaking kumuha kay Lillian. "Oo. May number ba kayo ng taong umarkila sa kotseng ito?" Agad na nagtanong si Fabian. Tumango ang staff at inabot niya kay Fabian ang impormasyon ng taong umarkila sa kotse. Subalit, nalaman ni Fabian na hindi tunay ang number na ito noong sinubukan niya itong tawagan. Ibig sabihin nito ay matagal na itong pinagplanuhan ng taong ito. "Kailan binalik ng taong yun yung kotse? Anong itsura niya?" "Kalahating oras pa lang ang lumilipas mula noong binalik niya ang kotse. Isa siyang matangkad at payat na lalaki na nakasuot ng itim. May suot siyang maskara at scarf, kaya hindi ko m
Magbasa pa

Kabanata 2025

Walang kahit anong emosyon ang kilos ni Carter. At mukha rin siyang brutal. Pagkatapos hawiin ni Carter si Lillian, tumingin si Lillian kay Carter ng may dismayadong ekspresyon sa kanyang mukha. Dumilim ang tingin ni Carter. "Anong tinitingin-tingin mo, huh? Hindi ka makapagsalita, kaya ba hindi ka rin makarinig? Ang sabi ko, walang para sayo, hindi mo ba maintindihan yun?" "Carter." Hindi na matiis ni Carter ang inaasal ni Carter. "Carter, nababaliw ka na ba? Matanda ka na tapos kinakayan-kayanan mo ang isang bata?" Suminghal si Carter nang marinig niya na pinagagalitan siya ni Shirley. "Kasalanan niya na naging anak siya nila Jeremy at Eveline. Hindi mo ako masisisi."Pagkatapos niyang sabihin yun, tumalikod siya at tinulak niya ang wheelchair ni Shirley papunta sa dining room. Mag-isang nakaupo si Lillian sa sofa at tahimik niyang pinagmamasdan ang likod nila Carter at Shirley. Inangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ang kanyang tiyan. 'Oo, medyo nagugutom na n
Magbasa pa

Kabanata 2026

Nagtatakang tinignan ni Shirley si Lillian, at pagkalipas ng mga ilang sandali, nakita niya si Lillian na may inabot sa kanyang na sulat. Pinulot ito ni Shirley at nakita ang mga salitang “Salamat” na nakasulat dito. Salamat. Hindi alam ni Shirley kung matatawa ba siya o maiiyak. Wala siyang nagawang mabuti sa buong buhay niya, at nung nagsisisi na siya, nalumpo na siya. Ngayon na may nagpapasalamat sa kanya, bigla siyang nakaramdam na hindi siya isang patapon. Kahit paano, may pakinabang pa rin siya. Kahit na walang ebidensya si Fabian para patunayan na dinukot ni Carter si Lillian, sigurado naman siya na ganun na nga ang nangyari. Bukod doon, base sa hubog ng lalake na makikita sa surveillance footage ng car rental, ang tanging tao na may ganitong itsura at pangangatawan na naaalala ni Fabian ay si Carter. Ngunit, malawak na rin ang social circle ni Fabian sa F Country. Imposible para kay Fabian na hindi mahanap si Carter. Ang inaalala niya ng husto ay ang katawan
Magbasa pa

Kabanata 2027

“Ikaw… Eveline, bakit ka nandito?” Sa sobrang pagtataka niya, napatitig na lang si fabian kay Madeline. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal na nakatayo doon.Tinitigan ni Madeline si Fabian ng may seryosong ekspresyon sa mukha nito. “Sino ang kausap mo sa telepono? Anong nangyari kay Lily? Paano mo nakilala si Carter Gray?”Nagtanong si Madeline at nilapitan si Fabian. Tagus-tagusan ang apoy na nagliliyab sa kanyang mga mata, na naglalabas ng nakakatakot na kapangyarihan na nagpapanginig sa puso ninuman.“Fabian, sabihin mo sa akin, nasaan ang anak ko? Paano mo nakilala si Carter Gray?” Nung narinig ni Fabian ang sinabi ni Madeline, tahimik siyang napatulala sa kanyang kinatatayuan. Ang kanyang mga kilay ay nagsalubong, pero hindi siya nagsalita. Nang makita niya na nasa ganitong kalagayan si Fabian, kaagad na napagtanto ni Madeline ang lahat. “Nauunawaan ko na ngayon. Sa wakas naunawaan ko na.” Isang reyalisasyon ang lumitaw sa isipan ni Madeline, at lalong naging ser
Magbasa pa

Kabanata 2028

Kahit na bata pa si Lillian, nararamdaman niya ang kabaitan ni Shirley at pagiging palakaibigan nito. Nahihirapan kumilos si Shirley, pero inuuna pa rin nito ang kapakanan ni Lillian at hinahatid ito sa banyo at tinutulungan itong maligo. Dahil sa walang damit na pamapalit si Lillian, pinasuot na lang uli ni Shirley ang damit na suot kanina ni Lillian. Hinatid niya si Lillian sa may bedroom, pero biglang lumitaw si Carter at pinigilan sila sa may pintuan. “Shirley, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”Tanong ni Carter ng may malamig na tono, at binaba ang kanyang tingin kay Lillian. “Hindi ko dinala ang munting nilalang na ito dito para alagaan mo.” Tinignan lang ni Shirley si Carter. “Carter, kailangan mong tuparin ang pangako mo. Dahil sa sinabi mo na hangga’t sumusunod ako sa kagustuhan mo, hindi mo sasaktan ang batang ito, kaya magpakalalake ka at tuparin mo ang pangako mo.” “Hindi ko nakakalimutan kung ano ang pinangako ko sayo, pero hindi ito nangangahulugan na kail
Magbasa pa

Kabanata 2029

“Narinig mo ang lahat, hindi ba?” Prinangka siya ni Carter. Kalmadong nagtanong si Shirley, “Sino si Evan? Bakit mo gustong makita ang taong iyon?” Pinagmasdan ni Carter ang kalmadong mukha ni Shirley bago naglakad papunta sa banyo. “Hindi mo na kailangan pang malaman ang bagay na iyon. Ang dapat mo lang gawin ay sundin ang mga pinag-uutos ko.” Mukhang ayaw niyang magpaliwanag, pero pagkatapos niyang sabihin ito, narinig ni Carter na malamig na tumawa si Shirley sa kanyang likuran. “Oo, hindi ko na nga dapat malaman pa. Isa lang naman akong payasong walang dignidad, at ang kailangan ko lang gawin ay ang makinig sa mga utos ni Mr. Carter at sa mga balak niya.” Biglang huminto si Carter sa kanyang paglalakad. Nang makalingon siya, nakabalik na si Shirley sa kanyang kwarto ng may dalang baso ng tubig at mahigpit na sinara ang pintuan ng kwarto. Payaso? Binaba ni Carter ang kanyang tingin at tinawanan ang kanyang sarili. Sa kasalukuyan, mukhang siya pa nga ang nagmumukhang
Magbasa pa

Kabanata 2030

Naka-lock ang pintuan ng apartment mula sa labas. Hindi niya magawang buksan ang pinto, kaya paano nya matutulungan si Lillian na makatakas dito? Napabuntong hininga si Shirley at lumingon para makita si Lillian na kumukurap habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Tinignan niya si Lillian, at ng may malumanay na ngiti, nalulungkot niyang sinabi, “Patawad, Lily. Hindi ako makaisip ng paraan para maiuwi kita sa inyo sa mga oras na ito.” Kaagad naunawaan ni Lillian kung ano ang ibig sabihin ni Shirley, at nginitian lang niya ito. Hindi niya sinisisi si Shirley. “Siya nga pala, Lily, kabisado mo ba ang numero ng mga magulang mo? Pwede kong tawagan ang mga magulang mo para sayo.” Tanong ni Shirley, saka niya biglang naalala ang card na binigay sa kanya ni Lillian nung una. Ang contact information ng mga kamag-anak ni Lillian ay nakasulat sa card na iyon. Nung naalala niya na tinapon ni Carter ang card sa may basurahan kagabi, kaagad na umikot si Shirley at pumunta sa may basur
Magbasa pa
PREV
1
...
201202203204205
...
248
DMCA.com Protection Status