Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 2041 - Kabanata 2050

2479 Kabanata

Kabanata 2041

“Boss?” Nagtataka si Carter tungkol sa address na ito. Ngumiti ang waitress at nagpaliwanag ng maigi, “Si Mr. Evan Laker. Siya ang pinaka malaking shareholder ng cafe na ito.” Nang sabihin niya ito, naunawaan ito kaagad ni Carter. Nagtanong-tanong nga naman siya at inalam ang tungkol kay Evan. Isa siyang kilalang young master ng isang mayamang pamilya sa F Country. Kahit na walang pumipigil sa kanya at gusto niya na magpakasaya, isa siyang tunay na propesyonal at talentadong doktor. Maraming mga magagaling sa kanyang pamilya at halos lahat sa kanila ay mga espesyalista sa kanilang sariling larangan.. Pangkaraniwan lang na makakita ng isang young master na nag-iinvest sa isang cafe at maging boss nito bilang katuwaan. Naalis ni Carter ang pagdududa sa kanyang puso at umakyat sa itaas. Nung nakita ng waitress na umakyat na si Carter, naglakad ito papunta sa entrance at ni-lock ang pinto ng tahimik. Gusto lang naman makakuha ng kasagutan ni Carter mula kay Evan, kaya wa
Magbasa pa

Kabanata 2042

“Carter, matanda na tayo, kaya hindi mo na kailangan na magpaligoy-ligoy pa.”“Sige, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” sa wakas ay umamin na rin si Carter. At nung nagsalita siya, lumingon siya sa paligid, at ang kanyang matalas at malalim na itim na mga mata ay nakatitig ng diretso kay Madeline. “Eveline, gusto mong makita ang anak mo, tama? Pwede tayong magpalitan.” Nagsalubong ang kilay ni Madeline. “Anong gusto mo naman mula sa akin?” “Dahil sa kilala mo sila Evan at Fabian, pwes magiging madali lang ang bagay na ito. Kumbinsihin mo si Evan na kausapin ang kanyang ama na pagalingin si Shirley, saka ko ibabalik sayo ang anak mo.” Sinabi ni Carter ang kanyang pakiusap para sa palitan. Malumanay na tumawa si Madeline. “Ako at si Evan ay mga estranghero lamang na nagkataon lang na nagkakilala. Hindi ko siya makukumbinsi, lalo na ang kapangyarihan para kumbinsihin ang kanyang ama.”“Hindi mo kaya, pero si Fabian kaya.” Puno ng lakas ng loob ang tono ni Carter. Nakita
Magbasa pa

Kabanata 2043

Nung pumayag si Evan, isang masayang ngiti ang namutawi sa mga labi ni Carter. Hindi niya ito inaasahan. Gusto niya sanang gamitin si Lillian para makapaghiganti kay Jeremy, pero ngayon, si Lillian ang naging pinaka mabisa niyang chess piece. “Hangga’t hindi pa nakikipagkita sa akin ang iyong ama, hindi niyo makikita si Lillian.”“Carter!” Galit pa rin si Fabian.Nung nakita ni Carter si Fabian na nagagalit, lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mukha. “Anong problema? Galit ka ba? Magalit ka na lang hangga’t gusto mo, pero hindi mo na mababago ang bagay na ito.”Pagkatapos itong sabihin ni Carter ng may kasamang ngiti, naglakad na siya at bumaba. Pagkahakbang niya ng dalawang palapag, muli siyang lumingon at tinignan si Evan. “Hihintayin ko ang sagot mo. Sana naman ay mabigyan mo ako ng magandang sagot sa lalong madaling panahon.” Pakiramdam ni Evan ay ngayon lang siya nakatagpo ng isang mayabang na tao na katulad nito. Ngunit, wala na siyang iba pang pagpipilian kaya
Magbasa pa

Kabanata 2044

Pero, lalo lang siyang tinignan ni Madeline na puno ng pagsisisi. “Tama, maraming nagawang labag sa batas ng tao at moralidad sila Yorick at Lana. Galit ako kay Lana. Masasabi mo nga rin na kinamumuhian ko siya ng husto. Iyon ang dahilan kung bakit ko naisip na nararapat lang ang nangyari sa kanya. Naisip ko rin na dapat talagang bitayin si Yorick sa mga krimen na nagawa niya, pero nakalimutan ko ang katotohanan na pamilya mo pa rin sila.” Nung sabihin ito ni Madeline, unti unting anunawaan ni Fabian kung bakit gustong humingi ng tawad ni Madeline. “Humihingi ako ng tawad. Inisip ko lang ang kapakanan ng pamilya ko at ang nararamdaman ko nitong buong panahon na ito, pero hindi ko naisip ang tungkol sa nararamdaman mo.” Nang marinig niya ito, sumimangot si Fabian. Mukhang may namuong luha sa kanyang mga mata ng hindi niya napapansin. “Palagi kong sinasabi na kaibigan mo ako, pero hindi karapat-dapat. Bilang isang kaibigan, dapat ay naging katulad ako ni Evan. Dapat ay sinubukan ko
Magbasa pa

Kabanata 2045

Ang totoo, hindi ko gustong maging kaibigan mo pagkatapos nun, at ayaw ko nang magkaroon ng koneksyon kay Jeremy." Sinabi ni Fabian sa kanya ang katotohanan. Nagulat si Madeline. Mukhang tinanggihan sila ni Fabian mula sa umpisa. "Pero balita ka pa rin lumapit sa'min pagkatapos nun?" tanong ni Madeline. Nang hindi nag-aalinlangan, sumagot si Fabian, "Dahil yon sa isang tao." Mabilis na naalala ni Madeline ang inosente at kaaya-ayang mukha na iyon. "Dahil kay Lily?" Ngumiti si Fabian at tumango. "Napakabuting bata ni Lily." Ngumiti si Madeline nang marinig iyon, pero pagkatapos nito, naramdaman niyang kumirot ang kanyang puso. "Sa kasamaang palad, palaging nalalagay sa kapahamakan ang pinakamamahal kong anak na babae." "Pero naniniwala pa rin ako na kahit na ano pang problema ang harapin niya, palaging maililigtas si Lily." Kampante si Fabian. Ganito rin ang nararamdaman ni Madeline at umaasa rin siya. "Siguro konektado ang tadhana ninyong dalawa ni Lily. Kung hind
Magbasa pa

Kabanata 2046

Nang marinig niya ang mga salita ni Fabian, nagbago ang mukha ni Madeline at sumikip na naman ang kanyang puso. Alam niyang hindi magiging madali na pabalikin ang pisikal na kondisyon ni Lillian sa kondisyon nito ngayon. Kung magkakaroon pa ng aksidente at pagkakamali, bilang ina ni Lillian, hindi niya ito makakayanan, at hindi niya rin alam kung paano by bibigyan si Lillian ng mas magandang pagpapagamot. Ngunit, hindi dapat pinipilit ang ganitong klase ng bagay. Parehong napansin nina Fabian at Evan na nagbago ang ekspresyon ni Madeline. Kahit na wala siyang sinasabi, naiintindihan nilang lahat kung gaano natataranta si Madeline bilang isang ina sa sandaling ito. "May paraan ako para lokohin si Carter pansamantala," sabi ni Fabian pagkatapos itong pag-isipan nang ilang sandali. Nahimasmasan si Madeline. "Sa tingin ko ito na lang ang magagawa natin sa ngayon." "Alam mo ba kung anong sinasabi ko?" Tumingin si Fabian kay Madeline nang hindi inaasahan. Ngumiti si Madeline.
Magbasa pa

Kabanata 2047

"Mali ba? Hindi ba dinukot mo si Lily para gumanti sa ama niya?" Malamig na sabi ni Shirley nang hindi inaangat ang kanyang ulo. Alam ni Carter na ganito ang iisipin ni Shirley sa kanya kaya hindi siya nagsayang ng oras na magpaliwanag. "Malalaman mo rin ang tunay na dahilan kung bakit kita dinala sa F Country." Pagkatapos magsalita nang seryoso ni Carter, binaba niya ang kanyang tingin at nilipat ang kanyang atensyon kay Lillian na kumakain ng mansanas. "Masayang kumakain ng mansanas ang anak ng kalaban samantalang alikabok lang ang nakain ng anak ko. Hmph!" Suminghal si Carter at bigla na lang, inabot niya ang bowl at tinulak ito palayo kay Lillian. Nang may malakas na tunog, bumagsak ang mangkok sa karpet. Malinaw na nabigla si Lillian sa ginawa ni Carter. Tinignan niya ang nagwawalang si Carter gamit ng kanyang bilugan, inosente, at malilinaw na mata. Nang makita ito, kaagad na pinagalitan ni Shirley si Carter. "Carter, hindi ka bata. Maraming paraan para ibuhos ang
Magbasa pa

Kabanata 2048

Habang lalong nagkekwento si Fabian tungkol dito, mas lalong lumiliwanag ang ngiti sa kanyang mukha. Kasabay nito, mayroon ring bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. "Inosente siya dapat sa ganitong edad. Hindi ko siya gustong maging masyadong maintindihin." Naintindihan ni Madeline ang ibig sabihin ni Fabian. Ganito rin ang nararamdaman niya sa puso niya. Ang isang bata ay dapat na inosente at hindi naapektuhan sa ganitong edad, ngunit masyado nang maintindihin at matalino sina Jack at Lily sa napakamurang edad. Tahimik na bumuntong-hininga si Madeline. Kumikirot ang puso niya at nakakaramdam siya ng kaunting sakit. "Magpahinga ka nang maaga. Babalik muna ako sa kwarto ko. Dadalhin kita sa bahay ni Evan bukas ng umaga." "Sige." Tumango si Madeline. Tinignan niya ang likuran ni Fabian at gusto niya siyang pasalamatan muli, ngunit pakiramdam niya ay masyado siyang paulit-ulit. Pagkatapos umalis ni Fabian, nakipag-video call si Madeline kay Jeremy. Nagulat si Jeremy na m
Magbasa pa

Kabanata 2049

Sa sandaling matapos magreklamo si Fabian, narinig nila ang isang tunog mula sa baba ng coffee shop. Ito ang tunog ng mga wind chime pagbukas ng pinto. Sarado ngayon ang cafe, kaya si Carter lamang ang papasok dito sa oras na ito. Tulad ng inaasahan, narinig nila ang magalang na boses ng waiter pagkatapos, “Mr. Gray, nandito ka na. Hinihintay ka ng ng boss at ng mga kaibigan niya sa taas. Anong gusto mong inumin?” Nagbingi-bingihan si Carter at, nang hindi man lang tumitingin sa waiter ay naglakad siya mag-isa patungo sa hagdan. Mukhang nakasimangot sa inis si Carter nang makita niyang nandoon din sa ikalawang palapag si Madeline at Fabian. “Bakit nandito ka rin?” Biglang tumayo si Fabian, habang ang mukha niya ay mas seryoso kumpara kay Carter. “Carter, si Professor Laker na gustong makipagkita sa’yo ay nandito na. Dinawa namin ang hinihingi mo, kaya umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo.” “Heh.” Walang-bahalang ngumisi si Carter. Pagkatapos nito, nilagpasan niya
Magbasa pa

Kabanata 2050

Naniniwala si Madeline na ganito talaga katindi ang determinasyon ni Fabian, at nakikita niya ang pagmamahal ni Fabian para kay Lily. Makalipas ang isang oras, nakarinig na si Madeline ng paggalaw sa hagdan. Mukhang tapos nang mag-usap si Carter at ang tatay ni Evan. Sabay-sabay na tumayo ang tatlo at nakita si Carter na nangunguna nang bumaba ito ng hagdan. “Carter.” Si Madeline ang naunang pumigil kay Carter. “Kahit hindi mo muna pakawalan si Lily, kahit paano hayaan mo muna akong makita siya. Gusto ko lang malaman kung ano nang kalagayan ng anak ko.” Hindi natinag si Carter sa sinabi ni Madeline. “Wala pa ang treatment plan kaya hindi muna kita hahayaang makita ang anak mo.” “Sobra na ito Carter. Dapat bigyan mo sila ng pagkakataon sa mga ginagawa mo. Tingin mo ba matutulungan nito ang napahamak mong kaibigan?” Matamlay na sinabi ni Fabian, ngunit ang mga salita niya ay may halong pagbabanta. Sumimangot si Carter tapos ngumiti. “Okay, hahayaan kitang makipagkita
Magbasa pa
PREV
1
...
203204205206207
...
248
DMCA.com Protection Status