"Mali ba? Hindi ba dinukot mo si Lily para gumanti sa ama niya?" Malamig na sabi ni Shirley nang hindi inaangat ang kanyang ulo. Alam ni Carter na ganito ang iisipin ni Shirley sa kanya kaya hindi siya nagsayang ng oras na magpaliwanag. "Malalaman mo rin ang tunay na dahilan kung bakit kita dinala sa F Country." Pagkatapos magsalita nang seryoso ni Carter, binaba niya ang kanyang tingin at nilipat ang kanyang atensyon kay Lillian na kumakain ng mansanas. "Masayang kumakain ng mansanas ang anak ng kalaban samantalang alikabok lang ang nakain ng anak ko. Hmph!" Suminghal si Carter at bigla na lang, inabot niya ang bowl at tinulak ito palayo kay Lillian. Nang may malakas na tunog, bumagsak ang mangkok sa karpet. Malinaw na nabigla si Lillian sa ginawa ni Carter. Tinignan niya ang nagwawalang si Carter gamit ng kanyang bilugan, inosente, at malilinaw na mata. Nang makita ito, kaagad na pinagalitan ni Shirley si Carter. "Carter, hindi ka bata. Maraming paraan para ibuhos ang
Habang lalong nagkekwento si Fabian tungkol dito, mas lalong lumiliwanag ang ngiti sa kanyang mukha. Kasabay nito, mayroon ring bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. "Inosente siya dapat sa ganitong edad. Hindi ko siya gustong maging masyadong maintindihin." Naintindihan ni Madeline ang ibig sabihin ni Fabian. Ganito rin ang nararamdaman niya sa puso niya. Ang isang bata ay dapat na inosente at hindi naapektuhan sa ganitong edad, ngunit masyado nang maintindihin at matalino sina Jack at Lily sa napakamurang edad. Tahimik na bumuntong-hininga si Madeline. Kumikirot ang puso niya at nakakaramdam siya ng kaunting sakit. "Magpahinga ka nang maaga. Babalik muna ako sa kwarto ko. Dadalhin kita sa bahay ni Evan bukas ng umaga." "Sige." Tumango si Madeline. Tinignan niya ang likuran ni Fabian at gusto niya siyang pasalamatan muli, ngunit pakiramdam niya ay masyado siyang paulit-ulit. Pagkatapos umalis ni Fabian, nakipag-video call si Madeline kay Jeremy. Nagulat si Jeremy na m
Sa sandaling matapos magreklamo si Fabian, narinig nila ang isang tunog mula sa baba ng coffee shop. Ito ang tunog ng mga wind chime pagbukas ng pinto. Sarado ngayon ang cafe, kaya si Carter lamang ang papasok dito sa oras na ito. Tulad ng inaasahan, narinig nila ang magalang na boses ng waiter pagkatapos, “Mr. Gray, nandito ka na. Hinihintay ka ng ng boss at ng mga kaibigan niya sa taas. Anong gusto mong inumin?” Nagbingi-bingihan si Carter at, nang hindi man lang tumitingin sa waiter ay naglakad siya mag-isa patungo sa hagdan. Mukhang nakasimangot sa inis si Carter nang makita niyang nandoon din sa ikalawang palapag si Madeline at Fabian. “Bakit nandito ka rin?” Biglang tumayo si Fabian, habang ang mukha niya ay mas seryoso kumpara kay Carter. “Carter, si Professor Laker na gustong makipagkita sa’yo ay nandito na. Dinawa namin ang hinihingi mo, kaya umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo.” “Heh.” Walang-bahalang ngumisi si Carter. Pagkatapos nito, nilagpasan niya
Naniniwala si Madeline na ganito talaga katindi ang determinasyon ni Fabian, at nakikita niya ang pagmamahal ni Fabian para kay Lily. Makalipas ang isang oras, nakarinig na si Madeline ng paggalaw sa hagdan. Mukhang tapos nang mag-usap si Carter at ang tatay ni Evan. Sabay-sabay na tumayo ang tatlo at nakita si Carter na nangunguna nang bumaba ito ng hagdan. “Carter.” Si Madeline ang naunang pumigil kay Carter. “Kahit hindi mo muna pakawalan si Lily, kahit paano hayaan mo muna akong makita siya. Gusto ko lang malaman kung ano nang kalagayan ng anak ko.” Hindi natinag si Carter sa sinabi ni Madeline. “Wala pa ang treatment plan kaya hindi muna kita hahayaang makita ang anak mo.” “Sobra na ito Carter. Dapat bigyan mo sila ng pagkakataon sa mga ginagawa mo. Tingin mo ba matutulungan nito ang napahamak mong kaibigan?” Matamlay na sinabi ni Fabian, ngunit ang mga salita niya ay may halong pagbabanta. Sumimangot si Carter tapos ngumiti. “Okay, hahayaan kitang makipagkita
Muntik nang mapabitaw ang driver sa manibela nang marinig nito ang sinabi ni Carter. Hindi ganito mag-usap ang mga magkasintahan. Kusa siyang napatingin sa salamin para tingnan si Carter na mukhang seryoso at arogante. Naramdaman niya saglit ang titig ni Carter sa kanya, kaya inilayo ng driver ang titig nito. Tapos narinig niya ang kalmadong boses ni Madeline. “Anong pakay mo? Diretsahin mo ako. Di mo ako kailangang pagbantaan gamit ng anak ko nang paulit-ulit.” “Heh.” Tumawa si Carter nang walang pakialam sa kalmadong itsura ni Madeline. “Eveline, kahit mukha kang kalmado, alam kong nababahala ka talaga.” Tinikom ni Madeline nang bahagya ang kanyang kamaong nakatago sa kanyang manggas. Hindi niya maitatangging alam na alam na ni Carter ang mga inaalala niya. Napansin ni Carter ang lungkot sa mga mata ni Madeline, at lalong lumalim ang ngiti ni Carter. “Eveline, sinabi ko na sa’yo na hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pagkamatay ng anak ko. Kung ayaw mong mapahama
“Carter, Carter! Carter, wag, wag mong saktan si Lilian!” Klik. Binuksan ni Carter ang pinto kasabay nang sabihin ito ni Shirley. Si Madeline na kanina pa naghihintay sa tapat ng pinto ay biglang narinig ang mga salitang ito na nanggagaling sa kwarto, at napalaktaw din ng tibok ang puso niya. “Lily!” Kaagad na tumakbo si Madeline patungo sa pasukan, at sa sandaling ityo, nakita niya si Lilian na hawak ni Carter. “Mommy.”Sa sandaling makita ni Lilian si Madeline, kusa niyang nabanggit ang salitang iyon. Nagulat si Shirley nang marinig niya ito, at kasabay nito, nakita niya ang biglang paglitaw ni Madeline. “Eveline?” Nagulat nang sobra si Shirley, pero nakaramdam din siya ng masayang surpresa. Nagulat siya sa paglitaw ni Madeline at natuwa sa gulat nang marinig niyang tinatawag ni Lilian ang kanyang nanay. Ang lambing pala ng boses ni Lilian. Higit pa rito, nang marinig niyang tinatawag ni Lilian ang kanyang nanay, nainggit din siya nang sobra. Nang makita ni
Kaagad na nahimasmasan si Shirley. Naramdaman niyang gumagapang ang takot sa kanyang puso nang makita niyang nakatitig nang masama si Carter sa magkayakap na si Madeline at Lilian. “Bakit ka nasa F Country, Eveline?” Nagsalita si Shirley para sirain ang takot na nararamdaman niya. Niluwagan ni Madeline nang bahagya ang pagkakayakap niya kay Lilian at tinignan niya si Shirley na nakaupo sa wheelchair. May gusto siyang sabihin kay Shirley, ngunit napagpasyahan niyang pakalmahin muna si Lilian, tapos dahan-dahan siyang tumayo habang hawak ang kamay ni Lilian, tumingin kay Carter, at nagsalita nang kalmado. “Bigyan mo ako ng oras Carter. Hindi ko kukunin nang pwersahan si Lilian. Alam ko rin na ibibigay mo sa akin ang pagkakataong ito, kaya wag kang mag-alala, hindi ko ibubuwis ang kaligtasan ng anak ko.” Mukhang naiinis si Carter, ngunit sumulyap siya kay Shirley na parang pumapayag siya. Ngunit nang hindi nagsasalita, sadyang tumalikod lang nang tahimik si Carter, lumabas ng
Walang emosyon sa mga salitang binitiwan ni Shirley. Mukhang wala siyang inaasahan sa hinaharap. “Namatay si Addy, at si Cathy ay patay na rin dahil sa masama ang lagay niya. Hindi ako makakatakas sa konsensya ko. Isa pa, ganito na ako ngayon. Kung hindi ako makakapagbayad sa mga kasalanan ko kahit na buhay pa ako, mas maganda na lang na pahirapan na lang ako ng sakit ko hanggang sa mamatay akko. Iisipin ko na lang na ginhawa ito.” Gusto sanang pagaanin ni Madeline si Shirley, pero bigla niyang narinig na umubo si Lillian. Kinakabahan si Madeline na lumuhod sa harapan ni Lillian. “Lily, ayos ka lang ba?” Kumurap ang malinaw at bilugan na mga mata ni Lillian at bahagyang umiling, at sinabi ang isang salita, “Daddy.” “Namimiss mo na ba ang Daddy mo, Lily?” Tanong ni Madeline ng may malumanay na ngiti. Tumango ng seryoso si Lillian at binuka ang bibig nito. “Mommy, Daddy.” “Lily, manatili ka muna sa kanya, at magpakabait ka. Babalik ako para sunduin ka sa loob ng ilang ar