Walang emosyon sa mga salitang binitiwan ni Shirley. Mukhang wala siyang inaasahan sa hinaharap. “Namatay si Addy, at si Cathy ay patay na rin dahil sa masama ang lagay niya. Hindi ako makakatakas sa konsensya ko. Isa pa, ganito na ako ngayon. Kung hindi ako makakapagbayad sa mga kasalanan ko kahit na buhay pa ako, mas maganda na lang na pahirapan na lang ako ng sakit ko hanggang sa mamatay akko. Iisipin ko na lang na ginhawa ito.” Gusto sanang pagaanin ni Madeline si Shirley, pero bigla niyang narinig na umubo si Lillian. Kinakabahan si Madeline na lumuhod sa harapan ni Lillian. “Lily, ayos ka lang ba?” Kumurap ang malinaw at bilugan na mga mata ni Lillian at bahagyang umiling, at sinabi ang isang salita, “Daddy.” “Namimiss mo na ba ang Daddy mo, Lily?” Tanong ni Madeline ng may malumanay na ngiti. Tumango ng seryoso si Lillian at binuka ang bibig nito. “Mommy, Daddy.” “Lily, manatili ka muna sa kanya, at magpakabait ka. Babalik ako para sunduin ka sa loob ng ilang ar
Binalaan siya ni Carter at binalaan rin siya pabalik ni Madeline. Pagkasabi nito, hindi nakalimutan ni Madeline na ngumiti nang malumanay at malambing bago humarap sa munting prinsesa na kanina pa nakatingin sa kanya. “Bye-bye, Lily.”Tinaas ni Lillian ang kanyang malambot at maliit na kamay kay Madeline. “Mommy.”Tinawag niya ulit si Madeline, ang kanyang boses ay malumanay at malinaw. Nakuntento ngunit nanlumo si Madeline. Marami siyang alinlangan sa kanyang puso, ngunit kailangan niyang umalis ngayon. Sinara ni Carter ang pinto sa sandaling umalis si Madeline, ngunit hindi siya lumayo. Tinignan ni Shirley si Carter habang naglakad siya papunta sa kanya at bahagya siyang nakaramdam ng nerbiyos. Nag-aalala siya na baka narinig ni Carter ang ingay noong inabot ni Madeline ang phone sa kanya. Kahit na ganoon, sa sandaling ito, ang mas nagpaantig sa damdamin ni Shirley ay ang tunay na dahilan ni Carter sa pagdala niya sa kanya sa F Country. Hindi napansin ni Carter an
Hindi niya inakala na darating ang araw na kung saan mararamdaman niya ang init ng isang bata.Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Shirley, habang hawak niya ang kamay ni Lillian. “Salamat, Lily. Magiging masaya na ako, at dapat ikaw din maging masaya. Naniniwala ako na malapit mo nang makapiling ang iyong mga magulang.”Habang nagsasalita siya, bigla siyang may naalalang bagay at kaagad na nilabas ang kanyang phone. Gusto sana ni Shirley na i-mute ang phone, pero saka niya napagtanto na na-mute na pala ni Madeline ang phone nung binigay sa kanya ito nito. Ang kanyang pag-aalala ay hindi na kailangan. Dahil sa wala siyang charger, inilagay niya ito sa low power mode para mapigilan ang baterya nito na maubos kaagad kapag kinailangan niya ito. Ngunit, nung nakita niya ang litrato ng mag-anak sa may lock screen, biglang nabalot ng ingit ang mga mata ni Shirley ng labag sa kanyang kalooban. Ang saya naman ng larawan nilang lima bilang isang pamilya. Kung pwede lang, sana ay m
Sinalubong ni Fabian ang mga mata ni Madeline na puno ng katanungan. “Eveline, may tiwala ka pa ba sa akin?”Natigilan si Madeline nung narinig niya ang mga salitang iyon. “Sinasabi mo ba na ayaw mong iuwi ko si Lily sa amin?”Hindi tumango si Fabian, pero ganun na nga ang ibig niyang sabihin. “Eveline, ang totoo, nag-aalangan akong pabalikin si Lily kasam niyo.” “...”Nang marinig niya ito, hindi mapigilan ni Madeline na matahimik. Sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. Ngunit, anak niya iyon. “Alam ko na ikaw, si Jeremy, ang pamilya mo ay nag-aalala tungkol kay Lily, pero kapag bumalik si Lily kasama mo, baka hindi ko na siya makita pang muli.” “Anong ibig mong sabihin na hindi mo na siya makikita pang muli? Hangga’t gusto mo siyang makita, pwede kang pumunta sa amin para bisitahin siya. Sa tingin mo ba ay pipigilan ka namin ni Jeremy?” kakaiba ang naramdaman ni Madeline dito. “Hindi, hindi na ako babalik pa sa Glendale,” sabi ni Fabian ng
Naisip ni Madeline na marahil ay hindi makasagot si Shirley sa ngayon, kaya matiyaga na lang siyang naghintay. Nang dumating ang tanghali, nakatanggap siya sa wakas ng mensahe mula kay Shirley.Sinabi sa kanya ni Shirley na lumabas si Carter para bumili ng tanghalian sa mga oras na ito, kaya nagkaroon ng tiyansa si Shirley na sumagot sa kanyang mensahe. At isa pa, sinabi ni Shirley kay Carter na hindi maganda ang pakiramdam niya, at sinadya niyang utusan si Carter na pumunta sa isang botika para bumili ng gamot na hindi totoo. Pagkatapos malaman ang tungkol sa sitwasyon na iyon, kaagad na sumugod si Madeline sa hotel. Naalala ni Madeline ang numero ng kwarto nila. Nung nakarating siya, pinindot niya ang doorbell. Kaagad na binuksan ni shirley ang pinto pagkatapos niyang marinig ang boses ni Madeline, pero napagtanto niya na hindi mabuksan-buksan ang pintuan.“May ginawa siguro si Carter sa labas ng pintuan. Eveline, pwede mo bang tignan kung merong nakabara sa labas ng pintua
Kumabog ang dibdib ni Madeline. Kapag nakita siya ni carter, bukod sa hindi sila makakatakas ni Lillian mahaharap pa sila sa malaking panganib. Inangat niya ang kanyang kamay upang takpan ang munting ulo ni Lillian. “Lily, dumikit ka lang sa kin at huwag kang titingala. Magpakabait ka lang.” Binulong niya at kaagad na lumingon habang hawak si Lillian. Narinig ni Madeline na tuluyang bumukas ang pintuan ng elevator, at narinig niya ang mga yabag ni Carter sa kanyang likuran. Dahil sa nag-aalala siya na baka makilala ni Carter ang kanyang likuran, binagalan lang ni Madeline ang kanyang paglalakad. Natatakot siya na baka makuha niya ang atensyon ni Carter, kaya binagalan lang niya ang kanyang paglalakad. Masunurin na sinubsob ni Lillian ang kanyang munting ulo sa dibdib ni Madeline at nanatiling walang kibo sa buong oras na iyon. Kahit na bata pa siya, mukhang nararamdaman niya na nag-aalala ang kanyang ina, kaya hinigpitan niya ang yakap kay Madeline. Si Madeline, na naram
Para kay Carter, ang isang matalinong babae katulad ni Madeline ay hindi susundin ang patakaran ng laro; sa halip na tumakbo pababa ng hagdan, tatakbo ito paakyat para lituhin ito. Ngunit, ngayon, ang hindi inaasahan ni Carter ay si Madeline ay hindi umakyat o kaya naman ay bumaba ng hagdan. Nakakulong siya ngayon sa likod ng bakal na pintuan ng fire escape. Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Pagkatapos niyang marinig na unti unting humihina ang mga yabag ni Carter habang umaakyat ito, hinila niya paalis ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at biglang lumingon sa kanyang likuran. “Shhh.”Nung magsasalita na sana si Madeline, bigla siyang pinatahimik ng lalake at kinuha si Lillian mula sa kanyang mga kamay. Saka niya hinawakan ang kamay ni Madeline gamit ang kabilang kamay nito at maingat na naglakad palabas ng fire escape at papunta sa elevator. Pagkatapos umakyat ni Carter ng mga ilang palapag, bigla niyang napagtanto na parang may mali.Karga ni Madeline si Lillian
Kaagad na nahimasmasan si Madeline at ngumiti kay Jeremy. "Nagtataka ako kung paanong biglang lumitaw ang asawa ko sa harapan ko, syempre." Natatawa siyang bumuntong-hininga at hinawakan ang kamay ni Jeremy. "Napakaimportante ng sitwasyon ngayon lang. Buti na lang lumitaw ka. Kung hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ni Carter sa'min ni Lily." "Kung ganun, bakit kailangan mong harapin nang mag-isa ang ganitong klase ng panganib, ha?" Tanong ni Jeremy nang may naninitang tono, pero ang totoo ay nag-aalala siya. Tinignan ni Madeline si Lillian na naglaro sa isang tabi sa sandaling ito at tahimik siyang bumuntong-hininga. "Ako ang ina ni Lily, kaya ano pa ba ang hindi ko magagawa para sa kanya?" "Hindi mo ba naisip ang asawa mo bago ka sumugal?" Nagsalubong ang kilay ni Jeremy, mas mukhang seryoso ang kanyang ekspresyon ngayon. Huminto si Madeline at alam niya na hindi nagbibiro si Jeremy. Seryoso siya rito. "Pasensya ka na Jeremy." "Wag kang humingi ng tawad sa'kin. Na