Naisip ni Madeline na marahil ay hindi makasagot si Shirley sa ngayon, kaya matiyaga na lang siyang naghintay. Nang dumating ang tanghali, nakatanggap siya sa wakas ng mensahe mula kay Shirley.Sinabi sa kanya ni Shirley na lumabas si Carter para bumili ng tanghalian sa mga oras na ito, kaya nagkaroon ng tiyansa si Shirley na sumagot sa kanyang mensahe. At isa pa, sinabi ni Shirley kay Carter na hindi maganda ang pakiramdam niya, at sinadya niyang utusan si Carter na pumunta sa isang botika para bumili ng gamot na hindi totoo. Pagkatapos malaman ang tungkol sa sitwasyon na iyon, kaagad na sumugod si Madeline sa hotel. Naalala ni Madeline ang numero ng kwarto nila. Nung nakarating siya, pinindot niya ang doorbell. Kaagad na binuksan ni shirley ang pinto pagkatapos niyang marinig ang boses ni Madeline, pero napagtanto niya na hindi mabuksan-buksan ang pintuan.“May ginawa siguro si Carter sa labas ng pintuan. Eveline, pwede mo bang tignan kung merong nakabara sa labas ng pintua
Kumabog ang dibdib ni Madeline. Kapag nakita siya ni carter, bukod sa hindi sila makakatakas ni Lillian mahaharap pa sila sa malaking panganib. Inangat niya ang kanyang kamay upang takpan ang munting ulo ni Lillian. “Lily, dumikit ka lang sa kin at huwag kang titingala. Magpakabait ka lang.” Binulong niya at kaagad na lumingon habang hawak si Lillian. Narinig ni Madeline na tuluyang bumukas ang pintuan ng elevator, at narinig niya ang mga yabag ni Carter sa kanyang likuran. Dahil sa nag-aalala siya na baka makilala ni Carter ang kanyang likuran, binagalan lang ni Madeline ang kanyang paglalakad. Natatakot siya na baka makuha niya ang atensyon ni Carter, kaya binagalan lang niya ang kanyang paglalakad. Masunurin na sinubsob ni Lillian ang kanyang munting ulo sa dibdib ni Madeline at nanatiling walang kibo sa buong oras na iyon. Kahit na bata pa siya, mukhang nararamdaman niya na nag-aalala ang kanyang ina, kaya hinigpitan niya ang yakap kay Madeline. Si Madeline, na naram
Para kay Carter, ang isang matalinong babae katulad ni Madeline ay hindi susundin ang patakaran ng laro; sa halip na tumakbo pababa ng hagdan, tatakbo ito paakyat para lituhin ito. Ngunit, ngayon, ang hindi inaasahan ni Carter ay si Madeline ay hindi umakyat o kaya naman ay bumaba ng hagdan. Nakakulong siya ngayon sa likod ng bakal na pintuan ng fire escape. Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Pagkatapos niyang marinig na unti unting humihina ang mga yabag ni Carter habang umaakyat ito, hinila niya paalis ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at biglang lumingon sa kanyang likuran. “Shhh.”Nung magsasalita na sana si Madeline, bigla siyang pinatahimik ng lalake at kinuha si Lillian mula sa kanyang mga kamay. Saka niya hinawakan ang kamay ni Madeline gamit ang kabilang kamay nito at maingat na naglakad palabas ng fire escape at papunta sa elevator. Pagkatapos umakyat ni Carter ng mga ilang palapag, bigla niyang napagtanto na parang may mali.Karga ni Madeline si Lillian
Kaagad na nahimasmasan si Madeline at ngumiti kay Jeremy. "Nagtataka ako kung paanong biglang lumitaw ang asawa ko sa harapan ko, syempre." Natatawa siyang bumuntong-hininga at hinawakan ang kamay ni Jeremy. "Napakaimportante ng sitwasyon ngayon lang. Buti na lang lumitaw ka. Kung hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ni Carter sa'min ni Lily." "Kung ganun, bakit kailangan mong harapin nang mag-isa ang ganitong klase ng panganib, ha?" Tanong ni Jeremy nang may naninitang tono, pero ang totoo ay nag-aalala siya. Tinignan ni Madeline si Lillian na naglaro sa isang tabi sa sandaling ito at tahimik siyang bumuntong-hininga. "Ako ang ina ni Lily, kaya ano pa ba ang hindi ko magagawa para sa kanya?" "Hindi mo ba naisip ang asawa mo bago ka sumugal?" Nagsalubong ang kilay ni Jeremy, mas mukhang seryoso ang kanyang ekspresyon ngayon. Huminto si Madeline at alam niya na hindi nagbibiro si Jeremy. Seryoso siya rito. "Pasensya ka na Jeremy." "Wag kang humingi ng tawad sa'kin. Na
Nang makita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Madeline, pinisil ni Jeremy ang kamay niya at malambing siyang dinamayan. "Kahit na anong mangyari, mananatili ako sa tabi ninyo ni Lily. Basta't nandito ako, hindi ko hahayaang saktan ka ulit ni Carter." Habang pinakinggan niya ang mga pangako ni Jeremy, uminit ang puso ni Madeline, ngunit mas lalo siyang nag-alala. "Hindi Jeremy, sa tingin ko, ang taong pinaka nasa panganib ngayon ay ikaw dahil naniniwala pa rin siya na pinatay mo ang anak nila ni Shirley." Alam ni Jeremy na nag-aalala si Madeline sa kanya at hindi niya ito pwedeng hindi seryosohin. "Linnie, bumalik muna tayo sa Glendale. Sa ngayon, gustong samahan ni Carter si Shirley para gamutin ang sakit niya rito kaya pansamantalang wala siyang lakas na labanan tayo." Tinaas ni Jeremy ang kanyang mga mata para tignan ang munting prinsesa na nasa kanyang tabi. "Oras na rin para magkitang muli ang pamilya natin." Narinig ni Madeline na gustong dalhin ni Jeremy si Lilli
Binaba ni Jeremy ang kanyang titig at nakita ang munting prinsesa na nakatingin sa kanya nang may inosenteng ngiti habang kinurap niya ang kanyang bilugang mga mata. Para bang kaagad na natunaw ang puso ni Jeremy. Pinaupo niya si Lillian sa kanyang hita pagkatapos ay hinaplos ang kanyang ulo nang mapagmahal at malambing. "Lily, may gusto ka bang sabihin sa'kin?" Kinurap ni Lillian ang kanyang mga inosenteng mata at inabot kay Jeremy ang isang piraso ng papel na nasa kanyang maliit na kamay. Kinuha ito ni Jeremy at binuksan ang sulat. Sa loob nito, mayroong isang salita na sinulat ni Lillian. Kahit na hindi masyadong maganda ang pagkakasulat dito, malinis pa rin itong tignan. Malinaw na nakita ni Jeremy ang isang salita. "Fab." Kaagad na naintindihan nina Madeline at Jeremy ang gustong sabihin ni Lillian. Gustong makita ng bata si Fabian. "Jeremy." Tinignan ni Madeline ang lalaki nang nakakunot ang noo. "Bakit hindi natin hayaan na si Lily ang magdesisyon?" "Hayaan na
Nang makita niya ang papalapit na kaaya-aya at maliit na anyo, dahan-dahan ring ngumiti sa tuwa ang labi ni Fabian. Nang tumakbo si Lillian papunta sa kanya, lumuhod si Fabian at malumanay na hinawakan ang maliit na kamay ni Lillian. "Lily, mabuti at ayos ka lang." Nakahinga siya nang maluwag sa loob niya. Nang makita niyang ligtas ang maliit at kaaya-ayang bata ay doon lamang gumaan ng kaba na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw. Ngunit, nang maalala niya na iuuwi na nina Madeline at Jeremy si Lillian, para bang lumubog ulit sa ilalim ng dagat ang puso niya. Para bang naramdaman ni Lillian ang pag-aalala ni Fabian para sa kanya nitong mga nakaraang araw, kaya nilapitan niya si Fabian, tinaas ang kanyang mga kamay para malumanay na yakapin si Fabian, at pagkatapos ay malambing na sumubsob sa bisig ni Fabian nang ilang sandali. Tinaas ni Fabian ang kanyang kamay at hinawakan ang maliit na ulo ni Lillian; ang kanyang mga mata ay puno ng tunay na pag-aalala. Pinanood n
Para bang sandaling natulala ang ekspresyon ni Fabian nang tanungin siya ni Jeremy ng tanong na iyon. Ito ba talaga ang tunay na dahilan? Hindi. Siguro hindi. Medyo makasarili pa rin siya. Ngunit, hindi maipapaliwanag sa salita ang kanyang pagiging makasarili. Ang kabuuan lang nito ay hindi niya gustong iwanan siya ni Lillian. Kahit na ganoon, anong karapatan niya na sabihing hindi niya ito gusto? Ang maliit na bata ay ang hiyas nina Jeremy at Madeline, at mayroon siyang sariling tahanan. Nang makita ni Madeline na nakatulala at tahimik si Fabian, binasag niya ang katahimikan. "Fabian, alam naming dalawa ni Jeremy na sinsero lang nagmamahal at nagpapahalaga para kay Lily. Pero sobrang nag-aalala ang pamilya namin, at gusto na rin nila siyang makita dahil ang tagal na rin simula noong kinuha mo siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, at umaasa ako na sana maintindihan mo rin ang nararamdaman namin bilang mga magulang." Nakiusap si Madeline. Sa sandaling ito, k